ENTRY #4
I scanned my wardrobe kung may maganda bang damit na pwede kong suotin. Nagbenta kasi ako ng ibang damit para magka-extra money. Hindi ko alam kung may pang porma pa ba ako, gusto ko sana mag dress.
Natigilan ako sa pagkalkal ng mahawakan ko ang hanger ng isang yellow summer dress. The dress na binili si Zander sa Catanuan para sa akin. Nandito pa pala ito.
Tumunog ang message alert tone ko. Si poseidon ang nagtext.
'hey, I haven't heard anything from you last week. Are you free this week?'
'not sure, may gagawin ako eh' I replied
'why? Anong gagawin mo?'
'may lakad ako'
'saan?'
Hindi na ako nagreply. Ang bilis naman namin bumalik sa dati. Sa dating inaalam niya ang mga bagay-bagay sa buhay ko.
'somewhere'
Nilagay ko na sa bag ang phone. Tumitig ako ulit sa mga damit ko, maliban sa yellow dress na iyon wala ng ibang pwede kong gamitin.
"ate! si ate angela nasa labas!" rinig kong sigaw ni butchoy.
Ang usapan namin ni angela bibili kami ngayon ng damit pero naisip ko baka may pwede akong masuot at makatipid pero wala.
Dinampot ko nalang ang bag ko, kanina pa ako naka-ayos at nagpapalipas lang talaga ng oras habang hinihintay ang kaibigan ko.
"Nay, aalis po muna ako" humalik ako kay nanay at pati kay calder na hini-hele niya.
Natigilan ako paglabas dahil isang silver na sasakyan ang nakaparada sa labas namin. Napatingin agad ako sa spot kung saan normal na nagkukumpulan ang mga nilalang na walang magawa sa buhay at tama ako! Nagdududa ang mga mata ng chismosa habang nakatanaw sa sasakyan.
"saan tayo?" tanong ko agad pagpasok sa sasakyan.
"Sa Glorietta para mas maraming choices"
"layo naman"
sumulyap ako sa driver seat at ilang na ngumiti.
"Driver ni daddy" sabi ni angela ng mapansin ang tingin ko.
"so? anong alam mo sa magiging ka-date mo dapat?"
"He's a year older. Nasa law school and anak ng isang politician sa bacoor sa pagkakatanda ko" ang isang daliri niya ay nasa baba at tila nag-iisip pa.
Sinilip ko ang cell phone ko dahil magkakasunod ang tunog ng message alert tone.
'samahan nalang kita, saan ka ba pupunta?'
'work ba o may kikitain ka?'
'bakit hindi ka na nag reply, wala ka na bang load?'
Magtitipa palang ako ng bigla naman lumabas ang pangalan ni Poseidon sa screen as caller.
"hello"
"nasaan ka?"
Lumapit si Angela at dinikit ang tenga sa likod ng phone. Nanlaki ang mata nito ng mabosesan ang kausap ko
"Bati na kayo?" bulong niya
Tumango ako at sinenyasan siyang manahimik.
"may lalakarin lang ako importante pasensya na hindi ako nagreply nag save kasi ako ng battery."
"Samahan na kita para makatipid ka, sunduin kita"
"NO!" mabilis kong sagot.
May kakaibang ngiti sa akin si Angela. Tinignan ko siya ng masama.
"Nakaalis na kasi ako, sige na Poseidon ba-bye!"
Tinapos ko na agad ang tawag. Parang kinikiliti ang kaibigan ko sa gilid.
"ayiee! Bakit may pagsama, kayo ah!"
"Issue ka talaga"
"Kasi naman! Ang tagal niyo kayang hindi nag-usap tapos noong nakaraan lang kayo lumabas ulit and the balik agad sa dati?"
Hindi sinasadyang napatingin ako sa una kung saan halatang nakikinig sa amin si kuyang driver.
"Alam mo naman protective talaga si Poseidon kahit noon pa"
"Oo kasi noon may gusto siya sa'yo. E bakit hanggang ngayon ba kaya protective siya? Baka hanggang ngayon nga"
Napailing nalang ako. Panay talaga ang sulyap sa amin ng driver kaya mas lumapit ako kay Angela at sinadya kong hinaan ang boses.
"mag report iyan sa papa mo ano?"
Naramdaman ko ang pagkailang niya, nakatingin lang siya sa phone pero kinakausap padin ako.
"baka daw kasi walang sumipot sa date na plinano niya"
Nanahimik nalang ako, baka kasi may masabi ako na hindi maganda o tama sabihin pa ni tito bad influence ako sa anak niya.
Ang tagal ng naging byahe namin dahil medyo traffic pag dating namin sa pasay. Lunch na ng makarating kami sa mall.
"mag text nalang po ako kapag papasundo na kami" sabi ni angela baka bumama ng sasakyan.
"Nanakit pwet ko kakaupo" reklamo ko.
"di sana tumayo ka"
"saan sa bubong?"
Kumain muna kami bago maglibot. Gloritte 2 palang ang sakit na ng paa ko. pambihirang shopping ito. Hindi ko gusto ang mga damit may magustuhan man ako o bagay sa akin nahihiya naman ako ituro dahil putek iyong preso naman.
"Saan ba meeting place? Susyal ba? Hindi ba pwedeng sa kwek-kwekan nalang?"
Nananakit na hita ko kakalakad namin. Nakaabot na kami sa building 3, pumasok kami sa isang store at busy sa kakahanap ng bigla akong natigilan.
Nanlamig ang balikat ko. Napasadahan ko lang ng tingin ang side na iyon kaya hindi ako sigurado. Gusto kong lumingon at titigan mabuti kung tama ba ang nakita ko pero natatakot ako.
"Carmela! Carmela!" si angela na biglang nasa tabi ko.
Nagkatinginan kaming dalawa at nakikita ko sa mga mata niya ang confirmation ko. May pangamba siya habang nakatingin sa akin.
Huminga muna ako ng malalim bago lumingon sa katapat na store kung nasaan kami. Damit din ang tinda doon.
"is that?"
"yeah, that's him"
Nakatalikod siya sa akin pero kahit kailan hindi ko malilimutan ang pigura niya. Doctor Zander Mendez. Katulad ng dati semi-formal parin ang pormahan niya.
"Isasama ba natin ito sa mga unexpected meetings niyo?"
Hindi nag sink in sa akin ang tanong ni Angela.
"Nakauwi na pala siya ng bansa" iyon ang nasa isip ko na nasabi ko ng malakas.
Bakit parang bigla akong nalungkot. Gaano katagal na kaya siya dito?
Isang babae mula sa fitting room ang lumabas at pumunta deretso kay Zander. Nagkatinginan kami ni Angela at parehong nanlalaki ang mata.
"That's her! Iyong babae na palaging kasama ni Doc!"
Mukhang pinapakita nito kay Zander ang damit na sinukat niya. Base sa pagkakangiti niya mukhang maganda ang sinasabi ng lalaki.
"oo siya iyan" walang gana kong sagot.
Biglang umikot si Zander paharap sa posisyon namin. Sabay kaming nagtago ni Angela sa mga damit. Hindi ko siya sinabihan sadyang pareho lang kami ng naisip, mag tropa nga kami.
"Alis na tayo!"
"gaga! Paano susuotin mo bukas?"
"Angela umalis na tayo bago pa niya tayo makita."
Panay ang silip ni Angela samantalang ako walang lakas ng loob iangat ang ulo ko.
"Ano naman? Matagal na kayong hiwalay!"
"Nakaharap parin ba siya dito?"
Dumungaw ulit si Angela, sa totoo lang nangangalay na ako pero ayukong magkita kami dito o kahit kailan pa lalo na't nakikita kong may iba na siyang kasama.
"hindi na, kausap na niya ulit iyon babae"
"tatakbo tayo"
"what!?"
Hinawakan ko ang dalawang kamay niya. Mabilis siyang umiling sa akin.
"girl! Wag mo nga ipahalata na may something ka pa sa kanya, dapat kahit masalubong mo siya deadma lang! ex na iyan eh!"
Humugot ako ng malalim na hininga. One, Two, Three.
"takbo!"
Hinila ko na siya paalis. Nilingon kami ng ibang sale lady pero wala akong paki basta binilisan ko ang takbo at mas hinigpitan ang pagkakahawak kay angela para di ko siya maiwan.
Hingal kami parehas ng makarating sa labas.
"i.. text.. mo.. na driver niyo.." putol-putol ako magsalita dahil hindi ako makahinga sa sobrang hingal.
"tarantada ka!"
Tinitigan ko si Angela sana hindi siya sumpungin ng hika dahil sa ginawa ko.
"pa.." humugot siya ng malalim na hininga. "papunta na iyong driver I mean iyong driver with sasakyan baka mambara ka"
Tumango ako. Kinagat ko ang ibabang labi ng madiin. Shit! Bigla akong naiiyak, siguro sa klima medyo dumilim kasi ang langit. Malungkot ang ulap.
Nag play bigla sa utak ko ang eksena kanina. Mukha naman siyang Masaya, mukha naman naka-move on na siya tsaka kailan kaya siya nakauwi? Okay na kaya iyong ospital nila?
Gusto kong suntukin ang sarili ko. desisyon ko naman ito pero ang sakit, parang pinana ang dibdib ko. alam kong hindi na ako hingal sa pagtakbo pero nahihirapan parin ako huminga.
Alam kong tama ang ginawa ko pero hindi naman Masaya.
"ayan na" turo ni angela sa sasakyang papalapit sa amin.
Ngayon nakikita ko na ang ticket ko paalis dito, may parte sa akin na gustong bumalik sa loob at sadyain lumakad sa harap ni zander para malaman kung ano ang magiging reaksyon niya.
"Carmela? Okay ka lang?"
Tumango ako. Di ko mabuka ang bibig ko, nanunuyo ang lalamunan ko at pakiramdam ko pipiyok ako kapag nagsalita.
Hinawakan niya ang pisngi ko at nagulat ako na bigla niyang pinahid ang ilalim ng mata ko.
"sakit? Kasalanan mo nakipaghiwalay ka e" aniya sabay bukas ng pinto ng sasakyan at pasok.
"napaka supportive mo talaga"
Gusto kong sabunutan si Angela.
Pumasok narin ako sa sasakyan. Habang nasa byahe kami ay panay ang hampas ko sa dibdib dahil naninikip talaga at nahihirapan ako huminga.
"iyak na, lalo sasakit ang dibdib mo kapag pinigilan mo iyan"
Di ko siya pinansin. Badtrip ako sa mga sinabi niya kanina.
Pero kahit anong pigil ko nagtubig ang mata ko lalo na noong tinapik tapik ni Angela ang likod ko. Nakatalikod kasi ako sa gawi niya, nakaharap sa bintana at nakatingin sa labas.
Tumingala ako para pigilan ang nagbabadya kong pag-iyak. Napatitig ako sa ulap, malungkot din siya. Madilim at parang bubuhos na rin ang luha.
"wag kang uulan" bulong ko sa hangin.
Makisama ka panahon, wag kang uulan. wag iyong ganitong may malungkot akong emosyon. Putek umulan!
"ang sama ng ugali mo" tinitigan ko ng masama ang langit. "wala kang pakisama"
Napagiiwanan na naman ako. Trial lang pala iyong mga ginawa ko noong nakaraan. This is it! Seryoso na, mag mo-move on na talaga ako.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top