ENTRY #3

Hinawi ko ang buhok ko at inipit sa likod ng tenga. I turned to him and smile. Nakangiti rin siya sa akin at tsaka lumingon sa kasama kong lalaki.

"Hi! How do you know my name?"

"I know everyone na pumupunta sa party ko" nakangiti siya, ang dalawang kamay niya ay nakapasok sa magkabilang bulsa at prenteng nakatayo sa harap ko.

"party mo iyon?"

Kasama ko sa roof top ang may ari ng party na iyon? Mabuti nalang wala akong sinabing masama.

"bro c'mon" aya ng lalaking kasama niya na palabas na ng pinto. bahagya itong tumango sa akin at nakangiti rin.

"see you sa party mamaya." tinapik niya ng mahina ang balikat ko at sumunod sa kasama niya.

"hindi ako.. pupunta" halos bulong ko lang na sabi dahil tuluyan na silang nakaalis at hindi ko manlang nai-habol ang sagot ko.

"sino iyon?" tinapik ni poseidon ang balikat dahilan para lingunin ko siya. "party? puma-party ka na ngayon?" aniya sabay ngiti.

"wala ano... sinama lang ako pero basta! tara na may space na daw"

siya ang nag iihaw ang karne, kumakain lang ako ng lettuce habang hinihintay maluto ang iniihaw niya.

"Nabalitaan ko hindi ka daw pumasa sa exam?"

wow! what a great topic to start a conversation.

Kunyare naubo ako. Tinigilan ko ang pagkain sa lettuce. "Yeah.. kanino ka nakibalita?"

"Cindy told me. sabay daw kayo kumuha ng board exam"

"She checked on me?"

"I don't know pero hindi ka daw nag post so malamang hindi ka pumasa"

iba talaga ang tabas ng dila ng babaeng iyon. Okay naman kami bago mag graduation pero talagang once a chismosa always a chismosa. Iba tumakbo ang isip.

"so it's a wild guess? well, galing niya ah"

Nilagay ni Poseidon sa mangkok ko ang karne wala siyang tinira para sa kanya nasa akin lahat.

"Kumusta ka naman?" tanong ko.

"I'm fine. Umuwi lang ako ng pilipinas para mag bakasyon for one month and then I'll go back to New Zealand."

"Wow! Happy vacation ops! Tama na iyan" sita ko sa patuloy niyang paglalagay ng karne.

"Pasensya na nga pala kung hindi ako naging in touch for a very long time"

Nagsimula na kaming kumain pareho.

"Okay lang, naiintindihan ko naman"

"Can we start over again? Atleast as friends?"

"Sure!" Iyon naman talaga ang gusto ko pero sa huling pag-usap namin tungkol sa bagay na iyon. Narealized ko na ang selfish ko naman kung pipilit ko at babaliwalain ang feelings niya na hindi ko kayang suklian.

Nag text sa akin si Andrea kung anong oras ako pupunta sa party. Nag reply naman ako na hindi ako pupunta dahil pagod ako. 

Nasa daan na kami ni poseidon pauwi ng tumawag si Andrea para kulitin  akong pumunta.

"Hindi nga! May pasok ako bukas" medyo naiirita na ako sa kakulitan niya.

"gaga ka! hinahanap ka ni john, Magkakilala pala kayo?"

"sino?" may kilala ba akong ganoon ang pangalaan?

"iyon iyong sinabi ko sa'yo na may ari ng party! Nilapitan niya ako kanina girl ang gwapo!"

"Sinong kausap mo?" tanong ni poseidon sa tabi ko.

"si Andrea" 

"omg! si poseidon ba iyon? boses niya iyon! Magkasama na kayo ulit?"

hindi ko mapigilan paikutin ang mata ko. Madalas nila kami inaasar dati sa dance group dahil lagi kaming magkasama kaya nagulat sila na hindi kami nagpansinan bigla at syempre wala silang alam. Hindi naman kasi kailangan i-broadcast.

"ayiee! okay na kayo? ayain mo nalang dito! free drinks girl!" sumisigaw siya dahil malakas ang music pero kahit nasigaw siya mas rinig ko parin ang music.

"Andrea hindi nga ako pupunta bye na!"

Sinamaan ako ng tingin ng katabi ko.

"Dati ko pa sinasabi sa iyo na wag mo tropahin iyan si Andrea"

"Nag-aya lang naman siya. Hindi ko naman alam na araw-araw pala ang party"

"'sus! Alam mo naman na party girl iyan. Kahit noong nag-aaral pa tayo panay ang aya niyan"

"Isang beses lang naman ako sumama!"

"Isang beses nang isang beses hanggan gawain mo"

Iritado ang mukha niya. Hindi siya sa akin nakatingin kundi sa kalsada tapos bubulong bulong na parang bubuyog, tapos mag make face. Hindi lang kami nag-usap ng matagal ang weird na niya.

"Epekto ba iyan ng New Zealand?"

"Just you know, pseh!"

Napailing nalang ako. Pagod lang siya siguro ng malala.

Hindi pa nagtigil ang bruha nag send siya ng picture nila noong john which is iyong lalaki na nakita namin kanina ni poseidon at na ka-kwentuhan ko sa rooftop. cute nga naman pero hindi iyong tipo na nagpapalundag ng internal organs ko.

"Salamat sa paghatid" sabi ko ng nasa tapat na kami ng bahay. "Ingat sa pag-uwi"

May mga chismosang nililingon kami sa kanto lalo na at nakaharang sa isang side ng kalsada ang sasakyan ni poseido. Pinagkibit balikat ko lang ang mga bulungan nila sabay tingin sa akin.

"Nabitin ako pwede ba tayo lumabas next time? like next week?"

Napakamot ako sa ulo. "Update kita ha"

Ngumiti lang siya sa akin at sumakay na sa kotse niya. Sinundan ko lang iyon ng tingin hanggang lumiko sa kanto.

Pagpasok ko nag wash up agad ako at natulog. Kulang ang tulog ko kanina kaya ngayon ko babawiin.

"Good morning!" bati ko kina butchoy na kumakain na ng almusal sa kusina.

"May pasok ka ate?"

"oo bakit?"

"Sino naghatid sayo kagabi ate?" si Carla

tumigil sa ere ang kutsara ko na gagamitin ko sana sa pagkuha ng palaman na ilalagay sa pandesal.

"Classmate ko noong college bakit?" nagtataka ko silang tinignan. Wala naman gising kagabi pagdating ko ah.

"Gaig may narinig ako tungkol sa iyo noong bumili ako ng kape! chismis kina aling tina nakabingwit ka daw ng mayaman! " si butchoy.

"tanginang iyan!" mabilis kong tinakpan ang bibig ko dahil baka narinig nila nanay.

Nagtawanan kaming tatlo sabay lingon sa sala kung nasaan ang mga magulang namin at nanunood ng t.v

"Ang tindi naman!" natatawa kong sabi. "Nakatanaw nga lang iyong mga hinayupak na iyon sa akin kagabi may detayle na agad?"

"oo grabe!" hindi mainom ni Carla ang kape niya dahil sa pagtawa

"Hindi ba iyon si Flores? iyon Dalagita sa may blk 18. " may laman pang tinapay ang bibig ni butchoy pero hindi siya nagpa-awat sa pagkuwento.

tinignan ni Carla ng masama ang kapatid ko noong sinabi niya ay pangalan ng babae kaya nawala ang ngiti nito.

"Hindi kasi love! noong nagka boyfriend kasi iyon hinusgahan agad nila na hindi makaka-graduate at mabubuntis daw ng maaga!" dugtong niya.

"Grabe naman bibig ng mga iyan wala ba silang inaasikaso sa buhay?"

Nag-isip ang dalawa sa sinabi ko.

"Mayroon ate! manira ng iba!"

Nagtawanan ulit kami. Iba talaga tabas ng dila ng mga kapit bahay namin. Noong una nga naiinis ako at ang sarap manapak kasi wala namang ganito noong sa subdivision kami nakatira pero noong nagtagal hinayaan ko nalang.

pero minsan naiisip ko talagang sunugin ang bahay nila kung hindi nga lang kami magkakadikit ang dingding baka ginawa ko na. joke!

Katulad ng normal na araw pumasok ako sa trabaho. Nag-in, Nag break time, Nag-out. Walang kakaiba sa buhay ko hindi tulad noong college na oo stressful pero nandoon iyong excitement tsaka iba iyong saya, iyong moment .

Kahit ilang beses ko sabihin sa sarili ko noon na ayuko na mag-aral suko na ako, ginagawa ko parin ang lahat para makapasa. Nakakamiss mag-aral. Mas masaya pala mag-aral kesa sa maging Adult.

Nasa jeep na ako pauwi ng naisipan ko mag send ng random message sa 'Dormers'group chat namin.

''Namimiss ko na kayong nakawan ng pancit canton''

Natawa ako dahil nag seen sila agad at nag react. Mabilis naman akong nakakuha ng reply.

''Namimiss na ko nang kumuha ng biscuit sa locker mo tapos mag papaalam ako kapag nandjan ka na at ubos na'' si kezia.

''Namimiss ko nang mamoblema kung ano uulamin ko'' si Angela

''mami-miss ko kayo kapag umalis na ako'' si Regine

Napuno ng sad face ang group chat. malapit ng umalis si regine pero ngayon palang parang nami-miss ko na siya agad. Isang eroplano na ang layo niya sa amin at hindi dawalang sakay lang.

Nagpop-up ang mukha ni angela habang nag-iisip ako ng ire-reply sa group chat.

''May importante kang gagawin next week?'' sabi niya sa private message.

''wala naman akong naka schedule bakit?''

''May probelma kasi ako''

''ano?''

''tulungan mo naman ako''

''ano nga?''

''may gusto kasing ipa-date sa akin si daddy''

''okay pass!''  Mabilis kong reply alam ko na kasi ang susunod.

''pakingan mo muna kasi ako -_-''

"Humindi ka nalang kasi sa daddy mo!"

"i tried! pero sabi niya sinusulsulan lang daw ako ni mommy kaya away ulit sila"

"e diba hindi naman kayo nakatira sa iisang bahay ng papa mo? okay lang iyan mag no ka"

"sige na Carmela please!"

"sa tabi lang!" 

Muntik na akong lumampas sa bababaan ko dahil nakatutuk ako sa phone mabuti nalang napalingon ako sa labas. Nilagay ko muna sa bag ang cell phone ko habang naglalakad papunta sa bahay namin. saglit na lakaran lang naman.

Nasa kwarto na ako ng tumawag si Angela.

"Hindi ka na nagreply" bungad niya.

"Naglalakad kasi ako girl"

Nagpalit ako ng pambahay, mamaya na ako maghihilamos pag tapos ng tawag.

"Sige na Carmela"

"Bakit ako? Bakit hindi si Kezia?"

Lumabas ako ng kwarto para maghanap ng makakain sa ref.

"Ikaw nalang pag-asa ko! ililibing ako ng buhay ni kezia kapag siya ang inaya ko"

"Sa akin hindi ka takot?"

"Alam mo naman naniniwala si Kezia sa one true love"

"ako ba hindi?"

"oo pero kasi compare naman sa isa, strong kasi ang personality ni kezia kaya hindi mo siya mapapa-amo sa mga blind date"

Natigilan ako sa pagbubukas ng ref at napatitig sa kawalan.

"ako ba hindi?" hindi makapaniwal kong sagot.

"What I mean is, mas mabilis kang umoo kesa kay kezia. I mean si doc nga minahal mo kahit hindi mo pa ganoon kakilala"

Natahimik sa kabilang linya. Hindi rin ako nagsalita. Tinuloy ko ang pagkuha ng pagkain sa ref. pancit lang ang nakita ko at gutom na ako kaya okay na ito. Iinitin ko nalang.

"Carmela? nandjan ka pa ba?" may guilt sa boses niya.

Nilagay ko ang kawali sa kalan at sinimulan ng initin ang pancit.

"Hindi ba magagalit ang daddy mo na hindi ikaw ang pupunta?" seryoso ang boses ko.

Hindi naman ako galit sa pagkukumpara niya. Siguro naiinis lang pero baka dahil sa gutom ko kaya palalampasin ko nalang.

"Hindi naman niya sinabi na anak  niya ang pupunta ang sabi niya may ipapakilala siya. anak daw iyon ng friend niya and single kaya alam mo na?"

"Ano sasabihin mo sa daddy mo?"

Hindi naman siguro masama na patulan ko ang blind date na iyon. single naman ako, walang magagalit.

ewan ko ba pero biglang sumulpot sa isip ko ang mukha ni Zander. Hindi naman siya magagalit, bakit naman siya magagalit.

Ako lang naman iyong napag iwanan sa sarili ko pang desisyon.

"Sasabihin ko may emergency ako kaya may pinapunta nalang ako."

"hmm.. okay"

"so? payag ka na?"

Tapos na ako mag-init ng pancit, kumuha ako sa ref ng tubig at umupo sa dinning table para simulan ng kumain.

"Ako ang bahala sa damit mo at transportation lahat! Pumunta ka lang and then Kausapin mo lang tapos, tapos na. please"

Hindi parin ako nagsasalita. Paano e may laman ang bibig ko.

"Wag mo sasabihin kay kezia 'to ah? magagalit iyon!"

Hindi naman masama kung minsan iba ang gagawin ko lalo na at sabi ni Angela siya ang bahala sa lahat. Normally ayuko ginagastusan ako pero kaibigan ko naman ito kaya hindi ako mahihiya, masaya pa nga akong gagastusan niya ako eh.

"one date" pagsisigurado ko.

"one date" masaya na ang boses niya.

Naubos ko pala agad iyong pancit dahil sa gutom, nakailang subo lang ata ako? Nagulat nalang ako isang subo nalang ang nasa plato. 

"Sige update kita next week"

"yes! Walang bawiin ah! see you! Again, Tsaka nalang natin sabihin kay mama kezia pag tapos na"

Napailing ako pagkatapos namin mag-usap. Hindi ko talaga sasabihin kay kezia ngayon, Hindi siya naniniwala sa power ng date marami daw kasing napapahamak doon. Naririnig ko na ang boses niya sa utak ko habang pinapagalitan niya kami.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top