ENTRY #25
^_^; wala pa akong tulog...
------
"Anung ginagawa niyo?" nakadungaw sa bintana ang ulo ni kezia. "'di pa ba tayo uuwi?"
"Di ko akalain na threaten ka pala sa akin doc"
Ako sana ang sasagot kay poseidon pero natigilan kaming lahat ng tumawa si zander. "I'm not 'cause if she wanted to choose you, she should've done it a long time ago." inakbayan niya ako at inakay papasok.
Nakatingin lang ako sa kanya ng isarado nito ang pinto tsaka umikot papunta sa driver side. Pagsakay niya ay tumingin din siya sa akin, hindi parin ako gumagalaw, nagbungtong hininga ito bago inayos ang seatbelt ko.
"galit ka ba?"
"no" simple nitong sagot ng paandarin ang makina.
"May gusto ka bang itanong sa akin?"
"May gusto ka bang sabihin?"
Hindi ako nakasagot. Sa daan ang tingin niya ng muling magsalita.
"sinong una natin ihahatid? ihuhuli na kita"
"iyong pinakamalayo" si kezia ang sumagot "si Angela taga G.M.A iyan"
Muling nanahimik ang loob ng sasakyan. Naiilang ako sa sitwasyon sa hindi maipaliwanag na dahilan.
"doon ka ba ulit natulog sa ate mo?" basag ko sa katahimikan. "first time kita nakitang naka-tsinelas." ngumiti ako kahit hindi niya ako nilingon.
Lumipas ang ilang minuto at hindi ako nakatanggap ng sagot. Umayos ako ng pagkaka-upo. Pinakiramdaman ko iyong tatlo sa likod pero tahimik lang sila.
"bakit hindi mo sinabi sa akin na may kasama kayong lalaki at sa inuman pa talaga"
"hindi naman sila ibang tao. kaibigan ko naman sila tsaka familiar ka naman din iyong dalawang iyon"
Kitang-kita ko ang mahigpit na pagkakahawak niya sa manibela, agad na nalipat ang tingin ko sa mukha niya. Magkasalubong ang kilay at maaaninag sa mata ang pagiging mapanganib niya sa mga oras na ito.
"Yes, very. As far as I remember, that Poseidon guy liked you, and I knew it from the very first encounter."
"Nilinaw ko naman sa kanya na hindi ko siya gusto" mabilis kong sagot.
Malakas itong bumuntong hininga "Why the hell is he still hanging out with you? He should move on or go somewhere far away."
"he is! babalik siya sa New Zealand"
"when?"
"I... don't know"
He's tapping the steering wheel. Inip na inip itong naghihintay na umusad ng mabilis ang nasa harapan naming sasakyan.
"Or maybe never, because he's still waiting for you. He's still expecting you, and maybe he got a chance this time."
Hindi ko na gustong palakihin ang isyu na ito "I made it super clear to him." sagot ko kasabay ng 'sana' wag na namin itong pag-awayan.
"Stop entertaining him." pinal at may kasiguraduhan ang pagkakasabi niya.
Hindi ko mapigilan makaramdam ng negatibong emosyon. Ganoon ba ang tingin niya sa akin? Sa tingin ba talaga niya may ginagawa ako sa likod niya. Hindi ko man gusto ay nanliit ako.
"I'm not! teka nga bakit ka ba ganyan akala ko ba hindi ka galit?"
"I'm not. I just can't figure it out. How can you be friends with him knowing that he's got something for you? If you don't really like him, give him space to move on."
"hoy teka nga! bakit kayo ni jenica? sinabi mong friends lang kayo pinaniwalaan ko naman ah!"
"Jenica is different. We're professionals. We're colleagues, and it's for the best."
"ha! it's for the best as if naman hindi kayo nag-galawan noon."
"mind your words. Don't talk about the past. Let's focus on the present."
Kahit nasa kalagitnaan kami ng sagutan ay hindi ko mapigilan humanga sa kalmado niyang pagmamaneho. Hindi nagbabago ang takbo namain kahit pa lumalabas na halos ang ugat niya sa leeg kada magsasalita.
"bakit hindi ba kayo magka-work in the present? we're just friends at nilinaw ko na sa kanya na hanggang doon lang iyon wala ng pag-asang humigip pa"
"stop changing the topic."
"I'm not! nasa topic parin tayo. kino-compare ko para ma-gets mo kasi wala naman akong ginagawang masama."
"Don't compare and stop defending him."
"you're defending her"
"you're changing the topic"
"No! I'm giving you an example."
Hindi na siya nagsalita. Natigilan ako sa naging usapan namin at hindi ko napansin na nagtataas na pala ako ng boses. pasimple akong lumingon sa likod. puro nakasandal at naka-pikit iyong tatlo, hindi ako sigurado kung tulog ba sila.
Ngayon ko lang napansin na nakalampas na kami sa arko ng Dasma.
"which way?"
Bumili ang tibok ng puso ko sa lamig ng boses niya. Nanginginig kong itinaas ang daliri ko para ituro ang direkson. Nangingibabaw ang kaba ko, walang salita na namagitan sa amin panay lang ako turo at basta nalang niya iyong sinusundan.
Huminto kami sa tapat ng malaking bahay. May kasambahay na naka-abang sa tabi ng malaking gate.
Marahan kong tinapik ang tunod ni angela para gisingin siya. "nandito na tayo"
Pungas pungas siyang bumaba ng sasakyan at hindi na nga nakapag paalam. Nang tuluyan ng nakapasok si angela sa bahay ay tsaka lang kami umalis. Nakapikit padin iyon dalawa sa likod paglingon ko.
"Who's next"
"Si regine nalang, magkalapit lang bahay nila ni kezia. Sa salawag tayo"
Tahimik na ang daan pabalik ng dasma. Panay ang buntong hininga ko pero si Zander ay diretso lang ang pagkaka-upo at focus sa pagda-drive.
Inalalayan ko si Regine pagbaba, hindi kasi maayos ang paggalaw niya. Naka-angkla ang braso niya sa akin habang nagalakad kami papunta sa gate nila, ako na rin ang nag doorbell.
Nginitian ko si tita maribel pagbukas ng gate. "good morning po" bati ko.
"ang bilin ko wag umuwi ng late. Lokong bata 'to!" hinampas niya sa balikat si regine bago alalayan palayo sa akin. "ingat ka pauwi"
"wait lang nay!" pigil ng lasing kong kaibigan ng akmang hahakbang na si tita "may word of wisdom lang ako sa kaibigan ko."
"Matulog ka na" sagot ko.
"makinig ka" kahit medyo antok at lasing ay seryoso ang boses niya. "alam ko ang daming inner battles ngayon na pinagdadaanan mo" maayos ang salita niya pero panay ang dighay.
"lasing ka na, matulog ka na"
"shh! Panira ka" kinumpas niya sa hangin ang dalawang kamay bilang senyas na tumigil ako sa pagsasalita. "tandaan mo na kahit ano pa ang paghihirap mo ngayon, lilipas din iyan magiging maayos din ang lahat. Hindi ka buhay kung laging masaya lang. Because life is all about lesson, experience and improvement. Paano mangyayari iyon kung hindi ka madadapa"
Natulala ako.
"ang importante kahit ilang beses kang madapa, walang ibang nakatingin kasi nakakahiya."
Bigla akong napasimangot.
"joke! Charot lang. Basta ang importante hindi ka susuko dahil lilipas din lahat ng masasamang ulap"
"wow! Sa tagal nating magkaibigan ngayon lang ako nakakuha ng matinong advice sa iyo. Ikaw ba talaga yan? Sana pala lagi kang lasing para matino kang kausap."
"tagos sa heart 'no? Wag ka maingay kay kezia baka magpa-misa siya" sabay tawa na parang loka-loka.
"ingat ka sa ibang bansa kapag hindi mo na kaya, pag-aambagan namin kahit gaano kalaki makauwi ka lang."
Nakangiti akong kumaway sa kanya. Bitbit ko parin ang ngiting iyon hanggang pagsakay sa kotse. Ngunit agad iyon napawi ng lumingon ako sa gawi ni zander at seryoso parin ang mukha nito.
Huli namin hinatid si kezia. Malapit na kami sa daanan papasok sa bahay nila ng huminto si Zander.
"Madilim papasok kina kezia pwede bang ihatid natin siya hanggan sa looban?" Mapuno kasi ang daanan papasok sa kanila since nag-aalaga sila ng mga kambeng at baka.
Tumunog ang telepono ni kezia na nagpabangon sa kanya. Tumingin ito sa labas para alamin kung nasaan na kami.
"bye! Ingat sa daan" simpleng sabi nito ang bumaba ng sasakyan.
"hoy! Teka sandali!" awat ko pero tuloy-tuloy lang siya.
Bubuksan ko sana ang pinto para sundan ang kaibigan ko ng pigilan ako ni zander "Zander walang lamp post papasok sa kanila."
Sinundan ko ng tingin si kezia. Pinagtaka ko ng huminto ito sa driver side ng isang itim na sasakyan. Dahil medyo madilim ay hindi ko iyon napansin, kung hindi pa umilaw ang backlight nito ay hindi ko makikita.
"Let's go"
"ha?" ang tangin nasabi ko dahil nandoon sa kausap ng kaibigan ko ang atensyon ko. Sigurado akong lalaki iyon dahil nakalabas ang braso nito sa bintana.
Umandar na ang sinasakyan ko at nakatuon lang ako kay kezia pero ng tumapat na kami doon ay nakataas na ang bintana ng itim na kotse at pasakay na ang kaibigan ko sa passenger seat kaya hindi ko nakita sino ang kausap niya.
"what the fuck!"
"language binibini"
"hindi ko alam kung sino ang kasama ng kaibigan samantalang siya palagi niya sinasabi na sabihin ko kung nasaan ako at sino kasama ko para daw alam niya sino susugurin pag may nangyari sa akin tapos ngayon.." humugot ako ng malalim na hininga at hindi makapaniwalang lumingon sa likod kahit hindi ko na tanaw si kezia. "sinong hindi mapapamura malay ko ba kung anung klaseng lalaki iyon kasama niya which is sigurado akong lalaki. Sure na sure"
"malaki na si kezia kaya niya sarili niya. Kung sino man ang kasama niya siguradong may tiwala siya. Hindi tulad noon kakilala ko na tumanggi na sa lalaki pero hindi naman niya pinapalayo."
Tumaas ang kanang kilay ko. "Pinaparinggan mo ba ako?"
"tinatamaan ka ba?"
"para kang bata"
"para kang bata" aniya sa maliit na boses. Bigla akong nairita sa inaasal niya.
"lampas trenta ka na doc, asal ayun sa edad"
"is that so" itinabi niya ang sasakyan sakto pa sa bandan hindi naabot ng liwanag ng poste at pinatay ang makina. "okay then."
Mabilis niyang tinanggal ang seatbelt na suot at dumukwang sa gawi ko. Napasandal ako sa bintana at biglang napalunok ng matindi. Dahan-dahan ang paggalaw ng kanang kamay niya. Gumapang iyon sa hita ko pababa.
Kasunod noon ang tunog ng pag unlock niya sa seatbelt ko. Para akong papel na binuhat niya at binaba sa kandungan. Nasa magkabilang gilid niya ang hita ko.
"h-hoy"
Marahang humaplos ang palad niya sa buhok, sa leeg pababa ng balikat ko at paminsan-minsang pumipisil sa braso ko hanggang sa tuluyan itong pumirmi sa bewang.
"masyado ka naman seryos" bulong ko dahli parang nawala ang enehiya ko "ang ibig kong sabihin sa asal ayun sa edad, kung paano ka makipag argue sa akin"
Hindi ko kayang salubungin ang mata niya kaya sa ibaba nalang ako tumingin ngunit nanlaki ang mata ko ng may nakabukol doon, kaya sa gilid nalang ako ng bintana nagbaling na mas nagpakaba sa akin dahil bigla kong naalala kung nasaan kami at naririnig ko din ang tunog ng mga dumadaan sasakyan.
Pumikit nalang ako.
"baka abutan tayo ng sikat ng araw dito"
Hinintay ko ang sagot niya pero wala, doon na ako unti-unting dumilat. Iyon lang pala ang hinihintay niya, na magsalubong ang mata namin bago tulungan angkinin ang aking mga labi.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top