ENTRY #24
^_^: if there's an error, sorry agad
---
Nauna akong bumalik sa loob. Magpapahangin daw muna si poseidon at susunod din. Kunot noo akong humalukipkip sa tapat nila.
"Sana ibigan na sa akin ni lord iyong tamang babae" sabi ni erick na yakap na ang bucket na walang laman.
"Bakit may tamang asal ka ba?" sagot ni kezia na kumakain na ng sisig with rice.
may ganoon pala sa menu?
"Burn bitch" may pagmamalaking sabi ni angela kay erick
"Maging tama at matured na lalaki ka muna bago ka humiling ng tamang babae" sabi ulit ni kezia sabay senyas kung gusto ko ba ng kinakain niya. "hindi pala masarap kumain sa sizzling plate"
"You want some aloe Vera marami sa bakuran ni aling nena " hindi talaga paawat si angela sa pang-aasar kay erick.
"Sino si aling nena" si regine
"Yung nasa kanta, yung may tindahan, sa tabi kasi ng tindihan niya may tanim na aloe vera" sagot angela
"Desisyon ka girl?" singit ko sa usapan nila.
Dumating ang waiter at nag lapag ng buttered chicken sa harap ni angela, pork chop naman kay regine.
"ano iyan almusal? bakit ako wala?" reklamo ko.
nagsimula ng kumain si angela "Hindi talaga masarap"
Pasimple ko siyang sinipa. "bakit ka umorder kung ayaw mo?"
"eh kasi umorder si kezia ng kanin, natakam ako kaya kami din"
Tumingin ako sa menu dahil takaw tingin din ako. sunod-sunod ang pag-ubo ni erick akala namin nasasamid lang siya sa iniinom pero maya-maya ay sunod-sunod ang pagsuka nito, mabilis na tinabig ni angela ang ulo ni erick para doon siya sumuka sa bucket.
Kahit anong angat ng ulo ni erick ay sinusubsob parin siya ni angela. "susuka ka pa?"
"eww! ang asim ng amoy! hindi ko na kayang kainin 'to!" binaba ni regine ang kubyertos "susuka pero hindi susuko erick? hahahahha!"
Kumuha ako ng tubig at binigay kay erick "wag ka na mag alak, uwi na tayo maya-maya."
"Hindi na ako iinom ulit" sabi ni erick at muling sumuka.
"Let's go buddy" tinapik ni poseidon ang braso ni erick "i-uuwi ko muna 'to tapos babalikan ko kayo"
Sabay-sabay kaming lumingon kay poseidon na nasa likod ni erick. Nag-angat ito ng mukha at sumulyap sa akin pero agad din nagbaba ng tingin, suminghit siya matapos magkusot mata.
Hinagod nito ang likod ng kaibigan "Let's go erick lagot ka sa mama mo pag nagising siya at ganyan madadatnan niya."
"bakit..." tinignan ako ni kezia pababa sa suot ko, pabalik sa mukha ko at pababa ulit sa suot kong hoodie "... mo pa kami babalikan? pwede naman kami mag commute marami sasakyan djan"
"Delikado. Puro babae pa naman kayo." kinuha nito ang bucket na hawak ni erick at nilapag sa sahig. inalalayan niya itong tumayo, kahit nakasabit ang braso sa kanya ay laylay naman ang ulo nito.
"mag-umaga na marami ng gising at na-byahe ng ganitong oras lalo na iyong mga pumapasok sa maynila, mag 4am na kaya hindi niyo ba napansin ang oras? tagal niyo bumalik" sagot ni angela.
Tumawa si kezia. "Ngayon ko lang nagustuhan ang pagiging walang preno mo"
"Ang tagal naman talaga nila bumalik eh! nag heart to heart talk kayo 'di ba?"
Hindi ako sumagot, tinitigan ko lang ang kaibigan kong pinaka inosente sa lahat na medyo mapungay na ang mga mata.
"Carmela..." tumikhim si poseidon sa tabi ko, nakasampay sa balikat niya ang walang malay na si erick. "...babalik ako, dito lang kayo" aniya at hinawakan ang siko ko.
Hindi ako nakapag-react sa pagpisil niya sa braso ko. Natameme ako sa suyo ng mga mata niya. May humagod na emosyon sa akin, nakokonsensya ako.
"sige" halos bulong kong sagot.
"No need."
Isang baritong boses ang nangibabaw sa aking pandinig kasabay noon ang medyo marahas nitong pag-alis ng kamay ni poseidon sa siko ko. Cargo shorts na pinarisan ng puting t-shirt ang suot niya. bakas ang puyat sa mata nito pero sa slippers niya ako napatitig. Ngayon ko lang siya nakitang nag tsinelas.
"Ako na ang bahala sa kanila."
"Zander" hindi makapaniwala kong sambit. "how..?"
Rinig ko ang O.A na pagsinghap ng mga kaibigan ko.
Inakay ako ni zander papunta sa kina-uupuan ko kanina, hindi niya binitiwan ang siko ko na kaninang hawak ni poseidon hanggang sa makuha niya ang bag ko. siya ang nagbitbit ng hand bag ko, kukuhanin ko sana dahil red na red ang kulay noon, babaeng-babae.
"Let's go para makatulog na kayo"
Natulala ang mga kaibigan ko pero mabilis na nakabawi. Lahat sila wala sa sariling nagsitayo at kinuha ang kanya-kanyang gamit. Mukhang nawala ang kalasingan nila dahil sa gulat.
"Magkakalayo ang bahay nila doc, masyado ka ma-aabala" si poseidon.
ang kaninang kamay na nasa siko ko ay pumulupot na sa bewang ko, bahagya ang nanginig dahil sa konting kilit na naramdaman.
"Your friend looks drunk. iuwi mo na iyan at umuwi ka na din bata"
"anong bata" bulong ko.
Nilapit nito ang labi sa tenga ko para bumulong pabalik. "I'm way older than him."
"kung ganoon ay bata din ako"
"Yeah, your a baby. My baby" humalik siya sa pisngi ko bago humarap ulit sa mga kaibigan ko.
Imbis na sagot ni regine ang gimik namin, nagulat ako ng si Zander ang nagbayad. Pangiti-ngiti naman ang gaga.
sa pasenger seat sinakay ni poseidon si erick. Pumasok naman iyong tatlo sa sasakyan ni zander after mag good bye kay poseidon.
binuksan ni zander ang pinto sa unahan ng kotse, pasakay na sana ako pero tinawag ako ni poseidon.
"bakit?" sagot ko na hindi umaalis sa tapat ng nakabukas na nasasakyan.
Una magkatabi lang naman kasi ang sasakyan nila sa parking at rinig namin ang isa't-isa. pangalawa, hawak ni zander ang pulso ko kaya hindi ako makagalaw.
Humakbang siya palapit sa amin ng ma-realized na hindi ako gagalaw. "baka magulat sila tita kapag ibang lalaki ang maghahatid sa iyo. you know, ako ang laging napunta sa inyo kaya mas kilala nila ako."
Umawang ang labi ko, umalon ang kaba sa akin ng sulyapan si zander. Tahimik lang ito habang nakamasid sa akin.
"actually, tinawag ko sila tita kanina kaya alam nilang ako ang kasama mo"
"siraulo ka" hindi ko mapigilang sabihin. Ang paalam ko pa naman sa bahay lang nila kezia. Twenty four na ako pero mahahambalos parin ako ng walis ng nanay ko.
marahan akong tinulak ni zander "get in the car"
"I don't think that's a wise decision."
tinignan ko si poseidon ng masama "nagsisimula ka na naman ah!"
"I'll tell you what's not a wise decision." binitiwan ako ni zander at lumapit sa lalaki. Halos magkalapit ang height nila, lamang lang ng konti si zander. "Pilitin ang isang babae kahit na ayaw niya... sa iyo"
"zander" awat ko.
"I don't know what you're saying doc."
lalo itong lumapat, kinabahan ako sa pagkuyom ng palad niya. "oh really.."
"zander" hinawakan ko siya sa braso na bumaba sa kamao nito, binuka ko ang palad niya para mapagsalikop ang kamay namin. "mapang-asar lang talaga siya at medyo naka-inom. please wag mo ng patulan."
"matagal ko na siyang hindi pinapatulan kahit obvious naman kung anong gutso niya mangyari."
Nakahinga ako ng maluwag ng kumapit pabalik ang kamay niya sa akin, pinisil ko iyon para ipahayag ang pag-awat ko.
sumilay ang mapang-asar na ngiti ni poseidon. "Ang akin lang doc, mas kampante ang parents niya kung kilala nila ang makikitang maghahatid sa kanya." Madiin nitong sinabi ang salitang 'kilala' .
"Kay Zander ako sasabay. Ihatid mo na si erick tsaka---"
Natigilan ako ng may dahan akong hilain ni zander sa likod niya. Napatingin ako sa magkahawak naming kamay dahil sa higpit ng pagkakahawak niya. Bigla akong kinabahan.
Nagtagis ang bagang nito. "I just want to remind you that you're not a student any more. Hindi na ako magdadalawang isip patulan ka"
Tumigil ata ang aking paghinga sa kaba dahil sa kakaibang tono ni Zander. Seryoso at mapanganib. Mukhang dama din iyon ni poseidon dahil nawala ang mapaglaro nitong ngiti.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top