ENTRY #22
Alas tres palang ay umalis na ako sa resto para hindi ako maipit sa rush hour. Nagbilin lang ako ng inventory. Kahit maaga ako umalis ay inabutan parin ako ng mahabang pila sa Van at nagkakaubusan pa, ngawit na ako sa kakatayo.
Hindi ko mapigilang hindi lumingon sa paligid umaasang biglang susulpot si Zander katulad noong isang beses na katabi ko na siya bigla sa Van. Lumipas ang thirty minutes bago ako nakasakay, medyo hasle sa may bandang st.dominic pero paglampas ay maluwag na ang byahe.
Nagtext ako kay Zander na pauwi na ako. Kahit hindi niya ako masyadong nire-replayan ay ina-update ko siya sa araw-araw ko. Tumingin ako sa oras na nasa phone. 4:30pm, wala akong natanggap na reply.
Naisipan kong mag kabit ng earphone, mag music nalang ako para maaliw habang nasa byahe. Saktong paglagay ko ng earbuds ay may tumawag sa messenger.
"O bakit?" sagot ko kay kezia.
"Nasaan ka na?"
"Nasa byahe na papunta dasma"
"Robinson?"
"Ha?" naguluhan ako
"Magkikita tayo hindi ba?"
"Oh shit!"
Ngayon ko lang naalala na pauwi pala sa amin ang nasakyan ko. Ang usapan nga pala namin ay sa Ronbinson magkikita. Hindi ko alam kung bababa ba ako o sa amin nalang sasakay ng papunta doon. Medyo malayo na kasi ang Van sa St. dominic kung saan pwede akong sumakay papunta sa Robinson dasma.
"Sorry! alam kong magkikita tayo pero maling Van nasakyan ko. Sorry nawala sa isip ko basta pumila nalang ako"
Hindi ko pa naman dinala ang bulaklak na binigay sa akin dahil alam kong hindi ako makakadaan sa bahay. Pagkababa ko ay sumakay na agad ako papunta sa meeting place namin. Naka-simangot silang tatlo pagdating ko.
"kain na tayo"
Sabay-sabay silang nag-taas ng kilay pero nginitian ko lang sila.
"Sorry na nga" lambing ko. "Nawala sa isip ko alam niyo naman na madami akong iniisip eh"
Kumapit ako sa braso ni regine at nag pa-cute. Siya naman ang manlilibre kaya sa kanya ako kakapit.
"tara na. Bwiset ka kanina pa kami inom na inom." si kezia na naunang tumalikod sa amin para pumasok sa loob ng Robinson.
Sa S&R kami kumain. Magkatabi kami ni Kezia habang katapat ko si Angela at Regine, nagke-kwentuhan lang kami habang hinihintay ang order namin. Kinuha ko ang plastic knife at tinusok-tusok ang likod ni kezia.
"Ungas ka ba? ano ginagawa mo?"
"Binabak-stab ka. Literal"
Tumawa iyong dalawa, si kezia naman kinuha ang disposable knife niya at nakipag-espadahan sa akin. Dalawang 18 inch pizza ang order namin, ang ingay namin habang nakain mabuti nalang wala masyadong nag-dine in kaya walang naiingayan samin.
"saan tayo after?"
"bar!" sagot agad ni Angela.
"Ayuko sa tugs-tugs, sa may live band nalang tayo" si Kezia.
"Oo nga hindi ako komportableng mag bar" sabi ko sa kanila bago kagatin ang pizza ko na hindi ko na maalala pang ilan slice.
tinaasan ako ng kilay ni Kezia. "sa'yo pa talaga galing iyan ah"
"May resto bar iyong friend ko doon nalang tayo" si Regine.
Hindi ko natuloy ang pagkagat sa pizza, napahinto sa pag-nguya si Angela, at biglang naibaba ni Kezia ang baso.
Natahimik at nagkatinginan kaming tatlo.
"kilala ba namin iyon kaibigan na iyan?" gusto kong matawa sa boses ni kezia. Halatang gusto ng manlait pero nagpipigil.
Nahulaan agad ni regine kung bakit nanlalaki ang mga mata namin. "Ang sama niyo"
"Doon ba sa pinuntahan natin noong graduation celebration? ayuko doon ! walang masarap na pulutan! prito na nga lang patapon pa!" Hindi ko mapigilang matawa sa gigil ni angela.
"Edi mag chichirya tayo!" sagot ni Regine.
"'di ba konti lang customer doon? bukas parin pala sila hanggang ngayon. hindi ba sila nakakaramdam na hindi bagay ang negosyo na iyon sa kanila?"
"ang arte naman! last bonding na nga natin 'to bago ako mag abroad puro pa kayo reklamo! itong si angela muntik ng hindi pumunta buti napilit , tapos itong si Kezia ang lapit lang ng shop nag pasundo pa kulang nalang buhatin ko! at ikaw" tinuro niya ako ng buong palad. "hindi ka naman tanga pero naligaw ka pa talaga ng sasakyan."
Hinawakan ko ang kamay niya at binalik sa mesa. "okay na sige na, doon na tayo. sorry na po"
To be honest maayos naman ang interior at mabango ang lugar. Hindi lang kasi naging maganda ang expirience namin noon unang beses kaming pumunta sa resto bar na ito. bukod sa hindi namin nagustuhan ang nasa menu nila ay may masama pang ugali na waiter.
Binati kami ng kaibigan ni Regine pagdating namin. Sa dulong mesa kami pumuwesto, medyo tago at madilim. Okay sa amin iyon dahil magkakaroon kami ng privacy. ewan ko ba kasi sa mga ito, gusto uminom sa ibang lugar pero takot lapitan ng ibang tao.
"Pa-prito nalang tayo ng maling" suggestion ni angela.
"Ako na kamo magluluto pwede?" sagot ni kezia.
"order na tayo alak" sagot ko.
"inom na inom ah? may problema ba tayo?" si Regine, hindi niya pinansin ang mga reklamo ng dalawa.
"sad girl ka Carmela, bakit? broken ka na naman?"
Tinignan ko lang si angela. sinilip ko ang cell phone kung may text ba o chat pero wala, lalo akong napasimangot.
"gagi! broken ka na naman ? pasasayahin ka namin!" tumabi sa akin si kezia sabay akbay. "Angela! request mo nga sa banda silent sanctuary songs"
"saan masakit? hilutin natin"
Tinapik ako ang kamay ni Regine ng akmang hahawakan niya ang braso ko.
"Kapag kayo nagka-love life bu-bwisitin ko din kayo"
Nanahimik kami sandali ng dumating ang order namin. Hindi naman kami masyado nainom ng hard kaya beer lang ang pinili nila.
"May love life naman ako ah"
"regine sinasabi ko sa iyo, wag kami!" sagot ni angela
"Aalis ka nalang ipa-prank mo pa kami" dugtong ni kezia.
"hala sila! sinabi ko na dati na may jowabels ako ano ba"
Napakamot ako sa ulo at inaalala kung may ganoon nga bang eksena. sumeryoso kaming tatlo dahil seryoso talaga si regine.
Napasinghap ako at di makapaniwala. "talaga ba?"
"e bakit hindi mo pinapakilala sa amin?" si kezia.
"ayuko may sumpa"
"Anong sumpa?" tanong ni angela.
"May sumpa kaya kapag pinapakilala ang jowa sa tropa. Naghihiwalay."
"seryoso?" bakit hindi ko alam iyon?
"tignan mo noong pinakilala mo si doc sa amin nag hiwalay kayo 'di ba?"
"so dapat hindi ko siya pinakilala sa inyo?" ganoon ba talaga iyon? may ganoon palang kasabihan? "pagpinakilala ba sa parents okay lang o may sumpa din na maghihiwalay?"
kunot noo silang nakatitig sa akin at maya-maya ay nagsitawanan.
"si Carmela wala pang alak lasing na" hindi mahabol ni regine ang hininga niya habang nagsasalita kasabay ng pagtawa.
Nagtatanong ako ng maayos, mga siraulo talaga. sinimulan ko nalang uminom at hinayaan silang pagtawanan ang sinabi ko kahit hindi ko alam ano ba ang nakakatawa.
tumikhim si regine "nga pala" tumingin ito sa kain. "may in-invite pa ako sana walang maging problema"
Hindi niya pa sinasabi sa akin kung sino ay kilala ko na. Si angela ay walang ka ide-ideya kung sino dahil inosente itong nakatingin sa akin habang ginagawang hapunan ang pulutan, halos maubos na niya eh. Si kezia na gets niya agad unang tingin ko palang sa kanya.
bahagya akong ngumiti, "kaibigan mo din naman sila, wala naman problema doon."
Lumipat ng upuan si kezia, nasa kanan ko na siya habang si regine nasa kaliwa ko.
"bakit ?" bulong ko sa kanya.
"baka lang hindi ka maging komportable" aniya sabay turo sa pintuan.
Mas malakas pa ata sa speaker ng bar ang boses ni erick noong sumigaw siya ng 'hi'. Napabuntong hininga nalang ako habang papalapit sila erick at posiedon sa table namin.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top