ENTRY #21
Natatawa niya akong binitawan. "sorry na-excite lang ako"
Hindi ako makangiti kahit binitawan na ako ni johny. Dahan-dahan akong lumingon sa pwesto ni Zander pero wala na siya doon.
"Busy ka ba? stay here. You know carmela it's my birthday and it---"
"Sorry Mr. cortez marami pa akong gagawin. binilin ka sa akin ni tito and nabilin nakita sa kanila. so, bye"
Dumiretso ako sa labas para hanapin si Zander pero wala akong nakitang matangkad na lalaking naka-semi formal. Umikot ako papunta sa likod na parking , nagbabakasakaling nandoon siya naka parking.
Bagsak ang balikat ko ng bumalik sa opisina, sigurado akong nakita ko si Zander kanina pero hindi ko na alam kung saan siya napunta. Baka kung ano ang isipin noon sa naabutan niyang eksena.
---
Two weeks. Two weeks have passed na hindi nagpapakita sa akin si Zander. Nag send ako ng message sa kanya noong huling beses kami nagkita if susunduin niya ba ako katulad ng sinabi niya. Nag-reply lang siya ng 'I have some urgent matters. Sorry.'
gusto ko sana siyang tanuning if bumalik ba siya after niya akong ihatid. Nag dadalawang isip kasi ako if nakita ko ba talaga siya o baka naman nag-imagine lang ako dahil sa kaba na naramdaman ko nang yakapin ako ng ibang lalaki.
"Miss?"
Natigil ako sa pag-iisip ng sumilip si Miss tess sa pinto ng opisina ko.
"He's here again, requesting you."
Nginitian ko lang siya, tumango siya sa akin bago umalis.
Isa pa sa mga iniisip ko ang tungkol sa pera sinasabi ni tito Ron na nawawala. I checked all the documents pero tama naman ang lahat. I double check specially iyong mga bank statement na binigay ni Miss tess, tama din.
Hindi ko alam paano hahanapin ang mali kung tama naman ang nakikita ko. I decided na i-check ulit para sure ako pag-ibabalita ko na kay tito ron dahil gigil na gigil siya sa babae at pinipilit na nawawalan nga ang kita ang resto niya.
Nakahalukipkip akong naglalakad papunta sa isang table. Simula ng nagkita kami ay araw-araw na siyang kumakain dito.
"Hindi ka ba nagsasawa sa mga pagkain namin? baka tubuan ka na ng kaliskis niya, o shells"
"Nag lunch ka na? sabayan mo na ako. Malungkot kumain mag-isa eh" ngumiti si Jonhy.
Umiling ako. "pasensya na pero marami pa kasi akong gagawin, isa pa hindi ako mahilig sa sea food." sinipat ko ang pagkain niya " Palagi nalang pasta o paella ang order mo try mo iyong iba namin dish"
Ngumiti ako ng kaunti bago siya talikuran pero agad na natigilan dahil hinawakan niya ako sa palapulsuhan.
"Carmela"
Hindi ako nagsalita, tinignan ko lang siya at hinihintay kung ano ang sasabihin niya. Araw-araw ay palagi siyang ganito, ayuko naman maging bastos kaya nilalabas ko talaga siya para bumati pero babalik din agad sa upuan ko.
Medyo balisa ako sa nagdaang araw dahil hindi mawala sa isip ko si Zander, hindi ako komportable sa pananahimik niya.
"Okay ka lang ba? parang malungkot ka"
"Marami lang trabaho, enjoy your meal. Next time nalang kita sasabayan pasensya na"
hindi ako makaalis dahil hawak padin niya ang pulso ko.
"Remember my leather jacket?"
"Oh yeah! I'm sorry next time dadalhin ko para masauli ko sa iyo"
Maraham kong inalis ang kamay niya at nagba-bye na. Sana lang makita ko ang leather jacket niya at hindi pa napag-tripan ng kapatid ko.
Dumiretso ako sa likod ng resto para magpa-hangin ng konti. Paglabas ko at napansin ko si Miss tess na kausap ang head chef sa pinaka gilid at parang nagtatalo sila. Nanlaki ang mata ng Chef ng mapansin ako at parang namutla, agad namang napalingon sa kain si Miss tess at ganoon din ang naging ekspresyon niya.
"Miss Carmela may kailangan po ba kayo?" kumunot ang noo ko sa panginginig ng boses ni miss tess.
"Wala naman"
Nag-excuse sa akin ang head chef at pumasok na sa loob.
"Kanina pa po ba kayo nandito sa labas?"
"hindi naman"
Ilang na ngumit naman sa akin si miss tess bago pumasok sa loob. Hindi ko na inintindi ang na-abutan kong eksena, hindi ko kasi ugaling makibalita sa buhay ng iba. Hindi naman ako chismosa. Baka naisip lang nila na magagalit ako at nasa labas sila sa oras ng trabaho kaya sila namutla.
Nag ring ang phone ko. kinuha ko iyon sa bulsa ng slacks ko at sinagot agad ang tawag ni Angela.
"Bakit?"
"ay, di na uso hello?"
"Oh sige, hello, o bakit?"
Sumandal ako sa railing at dinama ang ihip ng hangin.
Hindi masyadong ma-araw ngayon pero mainit parin ang hangin. Iba talaga kapag nasa maynila, Kapag ganitong ber months na ay gamit na gamit ang jacket ko sa cavite.
"Diresto ka na ba mamaya?"
" oo doon nalang tayo magkita"
"okay mamshi! bye!"
Nag-aya silang mag bar pa-despedida daw namin kay Regine. Sabi ko dapat kainan pero sagot naman sa akin noong tatlo kakain daw muna bago iinum.
Pagpasok ko sa loob ay napalingon ako sa kusina, madadaanan kasi iyon bago makarating sa office ko. Nasalubong ko ang mata ng head chef na nakamasid sa akin, nang magtama ang paningin namin ay agad itong nagbaba ng tingin.
Napahinto ako sa paglalakad. Bakit ganoon siya makatingin? parang may mali.
"Miss Carmela"
"bakit?" sagot ko kay Princess.
"May dumating po kayong delivery, pinahatid ko po sa office niyo."
"okay ,thank you."
Nilingon ko ulit ang head chef, busy na ito sa niluluto niya. Pinagkibit balikat ko nalang, baka ako lang nag-iisip na may iba sa tingin niya.
Pagpasok ko sa office ay nakita ko agad ang bouquet of flowers sa tabi nito ay may tatlong box ng polvoron. kinuha ko ang bouquet, hindi ako mahilig sa bulaklak pero sa pagkaka-alam ko ay tulips ito. Ito ang unang pagkakataon na nakatanggap ako ng tulips. Red roses kasi ang binibigay sa akin before.
May nakaipit na card sa pagitan ng bulaklak. Kulay powder blue ang envelope at kahit hindi ko ilapit sa ilong ko ay alam kong scented ito. Inamoy ko ang bulaklak bago binuksan at kinuha ang card sa loob ng envelope.
Tulips have several meanings, one of which represents unconditional love. It expresses the presenter's pleasure in meeting the recipient and his desire to spend more time with her. I'd like to spend the best life possible with you. Binibini, I love you.
--- Zander
Hindi ko mapigilang hindi ngumiti, nag-uumapaw sa kilig ang pagkatao ko. Kinuha ko ang throw pillow na nasa swivel chair ko at madiing sumubsub doon at tumili. Ilang ulit ko pang ginawa iyon, Unexpected gifts are indeed the sweetest.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top