ENTRY #2
I appreciate everything. Either votes or comment and if you ever recommend my stories to some. Thank you. LabLove! ^_^
--
Mahabang katahimikan ang dumaan sa aming dalawa. Nakapangalawang beer na siya. Ang akala ko kanina dalawa lang ang dala niya at nasa akin na ang isa pero may mga bote pala siya sa gilid niya at hindi ko lang nakita.
Tumingala ako at tinitigan ang mga bituin. Mukhang magkakalapit lang sila pero malayo talaga ang pagitan at mag isa lang sila. Walang kasama.
It's true that I have my regrets pero aaminin ko. Kahit ibalik pa ako sa panahon na iyon ay pipiliin ko parin ang ginawa ko dahil alam kong iyon ang tama at mas makakabuti noong mga panahon na iyon.
Sadyang hindi ko lang maiwasan makaramdam ng lungkot at pangungulila pero kahit na ba ayukong may sandalan na naman.
"A very kind offer pero sinabi ko sa sarili ko na kakayain ko ito mag-isa at hindi dapat ako sumandal sa iba."
May maganda rin naman kasing naidulot ang pagbitaw ko noon. Mas nakapag-focus ako at mas naasikaso ang pamilya ko. Siguro sadyang hindi ko lang kayang yakapin ang pressure sa aming dalawa noon.
"it's a nice evening " maging siya ay nakatanaw na sa mga bituin.
Inubos ko ng tuluyan ang beer at binigay sa kanya ang bote, ngumiti siya sa akin at inabutan ako ng isa pa.
"Hindi ko alam kung kaninong party 'to pero ang astig ng party niya. underground"
"oh yeah? sino pala ang nag invite sa'yo?"
"a friend na friend na friend ng friend niya basta"
Nagtext ako kay andrea na nasa roof top ako at wag nila akong iwan. baka kasi bigla nalang silang makaisip na umuwi at hindi na nila ako maalala o baka hindi nila ako mahanap.
"Student?" tanong ng lalaki sa tabi ko.
"nope! engineer, thought mag board exam palang ako." sabi ko sabay taas ng alak na hawak at ngumiti sa kanya.
We cheers and laugh. Nag kwnetuhan nga kami pero sa ibang bagay. present or future at hindi nakaraan. hindi ko maalala ilang bote na ba ang naiinom ko pero mukhang tinatamaan na ako dahil nararamdaman ko na ang init sa pisngi ko at pagkahilo. tipsy maybe but I'm not yet drunk.
"hindi ka ba mahilig sa party?" tanong niya.
"hindi naman sa hindi mahilig sadyang mas gusto ko lang tumambay sa kwarto ko at magbasa ng kung ano-anong libro."
"oh? a bibliophile?"
nakahiga na ako sa papag pero ang mga paa ko ay nakatapak parin sa semento.
"and you?"
"ako? hindi ako mahilig sa mga libro" aniya at uminom muli. Parang tubig lang sa kanya ang alak. walang epekto kahit pa mas marami na ang naiinom niya kesa sa akin.
"not that. Anong ginagawa mo sa buhay?"
"I'm a secret agent. Actually undercover ako ngayon dahil baka may illegal na bentahan ng drugs sa baba."
Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya at parang gusto kong tumayo at tumakbo. bigla siyang tumawa ng malakas.
"joke lang! you should've seen your face. it's epik."
inabot ko siya at hinampas kahit pa nakahiga ako. "loko ka! natakot ako! first time ko 'to tapos mapapahamak pa ako."
hindi siya tumigil sa pagtawa, hawak na niya ang tiyan niya at napapahampas pa sa papag.
"we should go back mukhang tinamaan ka na. baka sabihin ng mga kaibigan mo pagsasamantalahan kita."
"hmm" iyon lang nag nasagot ko dahil hilo na talaga ako.
humiga siya sa tabi ko at inunan ang braso. nakatagilid siya paharap sa akin kaya naman ginaya ko ang posisyon niya. humarap ako sa kanya pero pumikit na ako dahil sobrang umiikot ang mundo ko, parang may sinasabi pa siya pero wala na akong marinig dahil hinila na ako ng antok.
"Carmela!"
Nabangon ako bigla dahil sa isang sigaw at malakas na tapik sa balikat ko. Nasa tabi ko si andrea at halatang antok na.
"uwi na tayo, tara na"
wala na akong kasama sa papag pero ang leather jacket na suot ng lalaki kanina ay nasa hita ko at nakatakit. mukhang napansin ni andrea ang pagsulyap ko doon at binigyan niya ako ng isang nakakalokong ngiti.
"ikaw ah! sinong kasama mo dito kanina? ang taray naman ako ang naghahanap ng malalandi dito ikaw ang may natagpuan."
tumayo ako at pinagpag ang sarili.
"loko hindi ako naghahanap ng malalandi. Anong oras na ba?"
"3:30 am"
pagbaba namin ay lumikot agad ang mata ko at hinanap ang may ari ng jacket na bitbit ko. madami narin kasing nasa labas at nag-aalisan narin pero hindi ko siya makita.
"pasok na carmela" sabi ni andrea na nasa driver seat na ng kotse niya.
nilibot ko muli ang paningin ko sa mga nasa kalsada pati narin sa mga lumalabas palang sa bahay pero wala talaga siya. paano itong jacket?
"carmela?"
"oo eto na."
unti-unti nang lumalayo ang sasakyan pero nakalingon parin ako doon. kanino ko ito isasauli?
pasado alas kwatro na noong makauwi kami sa bahay. Nagkakape na si ate minda at si nanay sa sala.
"good morning nay." humalik ako sa pisngi niya.
"kanino iyan?" sabi ni ate minda na sa hawak ko nakatingin. "parang pagmamay-ari ng lalaki. nako carmela ikaw bata ka"
"ate kalma. may nakaiwan lang nito" pinanlakihan ko siya ng mata habang pinanliliitan naman niya ako. "pasok na ko sa kwarto. antok na ako."
Nilagay ko sa labahan ang jacket. mukha siyang mamahalin, kailangan ko ba ito ipa-dry clean? wag na hindi naman ako sigurado kung maibabalik ko pa ba.
"tah!" nagising ako dahil sa isang maliliit na kamay na humahampas sa akin." titah!" this time ang sigaw niya ay parang nasa tenga ko na,
dinilat ko ang mata ko. nasa tabi ko si nanay habang buhat si calder. paborito kasi akong gisingin ng batang ito kapag gising na siya kaya malamang nagpumilit na naman siya kumatok at pumasok sa kwarto ko.
"kanina pa natunog ang cell phone." sabi ni nanay bago binuhat paalis si calder.
nakapikit pa ang isang mata ko noong kinuha ko ang telepono sa side table at sinilip kung sino ang natawag. mas una kong napansin ang oras. 7:30 am. my gosh! hindi pa ako nakakatulog ng ayos.
"hello" paos kong bati, antok na antok pa ako.
"hoy ano ba! pupunta ka ba?" boses ni angela ang nasa kabilang linya.
"saan"
"opening ng shop ni kezia ngayon gusto mo ma-hadouken?"
"sige papunta na" kahit hindi pa talaga ako nabangon.
"antok ka pa? anong oras ka ba natulog?"
Bumangon na ako kahit pa hinihila ako ng higaan para pumikit ulit at matulog. Ang plano ko kasi ay maaga ako uuwi, malay ko ba na makakatulog ako doon.
"text ako pag paalis na ako."
"sabi mo papunta ka na---"
tinapos ko na ang tawag. Alive na alive ang boses niya ngayon umaga. Nag-init ako ng tubig dahil ayuko maligo ng malamig. kulang-kulang pa naman ang tulog ko at talagang nahihilo ako. oo nga pala, opening ng shop ngayon ni kezia. Electronic shop. nakapangako nga pala kami na tutulong dahil kulang-kulang pa ang empleyado niya.
"Good morning pabili po ng arduino!" bungad ko pagpasok ng shop niya.
Nakasimangot silang tatlo sa akin. tanghali na kasi ako dumating ang usapan namin ay 8am dahil opening nga. ang sakit pa nga ng ulo ko pinilit ko lang bumangon.
"late ka. ikaw bumili ng lunch natin."
"wala akong budget" sagot ko.
"walang budget pero nag party kanina?" sabi ni angela sabay pakita ng phone niya. Nag myday pala si andrea at nandoon ako.
"hinatid nila ako pauwi."
"asus!" tinirikan ako ng mata ni regine.
Lumapit ako kezia at yumakap sa kanya. Ang tahimik niya, hindi niya ako pinapansin, kinakabahan ako baka ma-hadouken niya talaga ako.
"galit ka?" sinadya ko lambingan ang tono ko. "sorry na, late ako."
"Ayusin mo yung mga resistor ilagay mo doon sa bawat box na may label tapos yung mga IC idamay mo nadin pagtapos ka na ilabas mo sa box 'yong mga sensor buksan mo tapos iarrange mo sa drawer. ayusin mo ah"
"lahat iyon ako gagawa?" nilingon ko ang mga kaibigan ko at wala naman silang masyadong ginagawa. "hindi mo naman ako sasahuran eh."
"late ka tsaka..." nakatingin lang siya sa akin.
"ano 'yon?"
"May naghihintay sa iyo sa pantry, nagkakape wala pa daw siyang tulog at may jet lag pa"
Mabilis na nagbago ang tibok ng puso ko. Nakatitig ako sa isang pinto na may nakalagay na 'employies only' hindi ko maipaliwanang ang kaba ko. May jet lag pa siya? huminga muna ako ng malalim bago ko tuluyang pinihit ang door knob. Parang may intense music na namamaya sa paligid.
"hello, kamusta?"
Nakatulala lang ako bago mapait na napangiti. sino ba ang inaasahan ko? "poseidon"
"akala ko hindi ka pupunta pero imposible iyon dahil lagot ka kay kezia."
lumakad ako at umupo sa harapan niya. " kanina ka pa? sana nagpahinga ka nalang."
sa ibang bansa nagtatrabaho si poseidon. after namin grumaduate ay nakatanggap siya ng offer sa ibang bansa. cum laude kasi siya kaya naman napansin agad siya ng mga company. idagdag pa na nakapasa agad siya ng board ng nasa top 10. Aabot din sana ang grades ko kung hindi lang ako nadungisan noong binagsak ko. sayang pero wala naman na akong magagawa.
"wala kang pasok?" tanong niya.
"meron pero bukas pa. 4 days lang ang pasok ko sa isang linggo"
"may gagawin ka mamaya?"
Ang tagal na namin hindi nagkikita at nagkakausap kaya naman medyo naiilang ako. hindi ko alam kung paano ba dapat kumilos ngayon. medyo hindi kasi maganda ang huli naming taon dahil nga sa emotional status namin.
"wala naman"
"kain tayo sa labas. catch up lang." ngumiti siya sa akin kaya naman medyo gumaan ang pakiramdam ko.
"sige after ng business hour ni kezia."
medyo naging busy kami that opening day dahil may discount ang ibang components para daw pampa-akit. maraming mga estudjante na kinagat ang sale na iyon kaya medyo maraming tao.
"saan tayo after?" sabi ni angela.
Naglilinis na kami para konti nalang ang aayusin bukas.
"uuwi na ako, mag ready pa ako sa pag-alis ko. Bonding muna sa bahay"
sabay-sabay kaming napabuntong hininga. Aalis na si regine dahil sa ibang bansa siya magta-trabaho. Nalulungkot kami pero kailangan ng pamilya niya.
"pagod na ako uwi na muna tayo" sabi ni kezia.
"may lakad kami ni poseidon" sabi ko, sabay-sabay silang lumingon sa akin. "gusto niyo sumama?"
Nasa pantry parin si poseidon at natutulog. naglatag lang sila doon. mahirap makatulog sa ganoon pero sabi niya antok daw talaga siya at ayaw niya umalis.
"saan kayo punta?" sabi ni kezia na nan-iintriga ang mga mata.
"wala, kain lang. ganoon"
"isasama mo kami ikaw lang naman ang niyaya." sabi ni regine.
"para ano.. baka gusto niyo kumain" para hindi kami lang at nakakailang.
"bakit kayo lalabas? date?"
tinaasan ko ng kilay si angela dahil sa uri ng pagkakangiti niya sa akin, nang-aasar.
"catch up lang, kung ano na bang balita sa isa't-isa"
"o edi go" sabay-sabay nilang sabi tapos ay bumalik na sa ginagawa.
"ayaw niyo?"
"kaya mo na iyan. pagod ako gusto ko nang umuwi" si kezia
Ginising ko si poseidon after namin malinis ang buong lugar. Sabi niya ihahatid nalang daw niya 'yong tatlo sa sakayan. may kotse na siya samantalang dati motor ang palaging gamit niya papasok sa school.
"saan mo gustong kumain?" sabi niya after namin mahatid iyong tatlo na kapwa mga nakangiti sa akin na may ibig sabihin. "you like samgyupsal di ba? iyon nalang?"
Nahihiya akong ngumiti sa kanya at tumango. Actually mas gusto ko ang unli wings dahil manok iyon pero okay na kung ano ang suggestion niya.
Pinaupo kami sa waiting area pagdating namin dahil wala pa daw available na table. Tahimik lang kami pareho, ako nagmamasid lang at nag aantay na bigyan ng table si poseidon may ginagawa sa phone niya.
May tatlong lalaki na pababa ng hagdan ang nakaagaw ng pansin ko at napasinghap ako ng malakas ng makita kung sino sila. Hindi ko alam kung dabat ba akong magtago o babatiin ko siya. Hindi ko nga alam kung naaalala niya ba ako? Baka kapag nag hi ako mapahiya lang ako.
Hindi pa ako tuluyang nakakapag disisyon sa dapat gawin ay dumapo na ang mata niya sa akin. Muli na naman akong napasinghap at napayuko. Hindi ako komportable hindi ko alam kung bakit.
"May problema ba?" Sabi ni poseidon na bahagyang lumapit ang mukha sa akin.
"Wala"
"Carmela?" Sabi ng lalaking tinig na tansya ko ay nasa tabi ko na.
Damn! He saw me.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top