ENTRY #18

^_^: if may typo man or something na mali, sorry na agad >_< busy to type kasi pero gusto ko talaga mag update.

---

"Shh!" Tinakpan niya ang bibig ko. Sa laki ng palad niya ay halos sakop noon ang mukha ko. "Tulog silang lahat ang lakas ng boses mo"

Inalis ko ang kamay niya sa mukha ko pero hindi ko binitawan. "Bakit nandito ka?" Bulong ko.

"Ihahatid kita" bulong niya pabalik.

"nasan ang kotse mo?"

"Sasakay ka ba kung dinala ko?"

"Ayuko galit ako sa iyo"

"Kita mo na"

Sa bintana ako bumaling ng tingin, Tinatago ang ngiting pilit na lumalabas sa labi ko. sa mga ganitong galawan ako nahulog noon ng sobra. Mga pagtatagpo na hindi inaasahan, kung hindi lang tulog ang mga kasama ko ngayon sa loob ay baka tumili ako.

"Palagi mo nalang akong inaaway sa public place." patampo niyang sabi.

Kinagat ko ang ibabang labi para pigilan ang sarili ko na tumawa. Ang kaninang pagod at antok kong pagkatao ay biglang nabuhay at parang punong-puno ako ng enerhiya. 

umusog ako ng kaunti ng maramdaman ko ang pagsiksik sa likod ko ng braso niya. Unti-unti kong binaba ang ulo ko sa balikat niya. Pumatong naman ang ulo nito sa akin na mas nagpangiti sa akin.

"Hindi parin tayo bati" sabi ko na baby talk at kunwari'y nagtatampo. wala, pakiramdam ko kasi ang cute ko kapag ganoon. 

Pagpasok namin sa Dasma ay nagniningning ang mga puno sa gitna ng daan. Puro Christmas lights ang mga halaman at may mga paru-paru. 

Nakangiti kong nilingon si Zander, kita ko ang pagkamangha sa mukha niya dahil sa ganda ng dinadaanan namin. Ganito kasi sa Dasma. kapag Ber Months na. Dama mo talagang papalapit na ang pasko dahil sa sobrang dami ng ilaw.

Noong nag-aaral pa ako sa taguig ito ang pinaka namimiss ko. Sa tuwing uuwi ako na pagod at halos kaladkarin na ang sarili pauwi ng cavite ang mga ilaw na ito ang unang sumasalubong sa akin sa madilim na daan.

"Ganyan kapag nagsimula na ang September, Puno ng ilaw ang mga puno sa kalsada"

"Malapit na pala ang birthday mo"

"Matagal pa, ilang buwan pa"

"mabilis lang ang araw. Baka di mo mamalayan ikakasal ka na pala"

Bumangon ako mula sa pagkakasandal. "Ha? anong kinalaman noon? Birthday ang usapan"

"Sinasabi ko lang na mabilis lilipas ang araw ng hindi mo namamalayan, kalma ka lang hindi pa kita aayain ng kasal" aniya sabay halik sa ulo ko.

Pasimple kong tinignan ang katabi namin at lahat ng kasama sa van. Mga tulog pa naman sila, jusme p.d.a kami dito.

Dahil ako ang nasa pinaka dulo ay naunang bumaba si Zander. Naka abang na agad ang kamay niya para alalayan ako sa pagbaba.

"Kumain ka na ba?" tanaong ko.

"Hindi pa, ikaw?" aniya na sa Jollibee nakatingin.

Kumain na ako bago umalis ng resto pero kaya ko naman kumain para sabayan siya, malungkot kumain ng mag-isa.

"Ah! may restaurant doon sa looban sa amin 24 hours bukas, masarap ang sisig nila" bigla kong naalala na gusto niya ng sisig.

Halata sa mukha niya na nagustuhan nito ang ideya ko. "Let's go!"

Magkahawak kamay kaming naglakad papunta sa sinasabi kong lugar. kaya naman iyon lakarin pero medyo mapapalayo ako sa terminal ng tricycle, looban pa kasi ang bahay namin pero okay lang hindi naman nakakatakot dito dahil maraming nauwi ng ganitong oras sa lugar namin na sa maynila din nagta-trabaho.

May mga ilang nakain pagdating namin. sa pinaka duo ang napili naming upuan. dumating agad ang order namin na sisig with rice at sinamahan pa iyon ng coke. akala ko aawatin ako ni Zander sa coke dahil baka sabihin niya hindi iyon healthy pero hindi naman siya umangal.

nagulat ako ng kinuha niya ang sizzling plat at pinaghiwalay ang laman sa sibuyas.

"you don't like onion right?" focus siya sa paghihimay ng sisig ko.

"You remembered?"

"of course, I remembered everything"

Nasubo ko ang kutsara habang nakangiti. Kahit hindi ganoon katagal ang pinagsamahan namin at mas mahaba pa ang paghihiwalay ng landas, masaya akong malaman na hindi lang pala ako ang hindi nakalimot sa lahat.

Masaya kong kinain ang hinimay niyang sisig. as usual nauna siyang matapos sa akin, hindi ko alam kung mabagal ba ako ngumuya o sadyang malalaki lang ang subo niya. mukhang gutom na gutom siya.

nasa kalagitnaan kami ng landian ng mapansin ko ang pagparada ng isang SUV sa tapat. naka-pwesto kasi ako katapat ng entrance at si Zander ay nakatalikod doon.

 Napatitig ako doon at hindi ako pwedeng magkamali sa plate number, kay poseidon iyon!  biglang parang may humampas sa dibdib ko dahil sa kaba pero hindi doon natapos ang pagpapanic ko. bumaba ang driver at ang nasa passenger seat ng sasakyan.

"hey, you okay? bakit ganyan ang itsura mo?"

Lilingon sana si Zander sa likod niya pero mabilis kong hinawakan ang mukha nito at inawat siya.

"kahit anong mangyari wag kang lilingon"

"what?" mas lalo niyang gusto lumingon pero mahigpit kong hinawakan ang mukha niya.

"pag lumingon ka, lagot ka sa akin" banta ko.

natawa siya "akala ko, kapag lumingon ka akin ka. Iba na?"

magkasama si poseidon at ang kapatid ko na mas nagpakabog ng dibdib ko. close na sila?

"is there a problem?" 

"Nakita mo iyong dinaanan nating 7/11? pwede bang mauna ka na at hintayin ako doon?"

pumasok na sila butchon sa loob, si poseidon ay sa phone niya nakatingin samantalang ang kapatid ko sa malaking menu na naka display.

"mag c-cr lang ako tapos susunod ako sa iyo doon. ha? sige na please" I beg, desperately. 

Naguguluhan siyang tumango pero kahit sa pagpayag niya ay hindi ko magawang makahinga ng maluwag. Hindi siya kilala ng kapatid ko pero si poseidon oo, hindi ko gustong magtagpo sila ng landas dahil madadagdagan ang problema ko kay poseidon kapag nalaman niyang okay na kami ni Zander, lalo pa ngayon pumapapel siya sa pamilya ko.

"Can't I just wait for you? Besides, I'm going to pay first before going." aniya tapos ay kinuha ang pitaka sa bulsa.

"no!"

"why?"

"I'll pay"

yumuko ako konti ng nasa may counter na ang mga tinataguan ko. ito ang magandang pagkakataon para umalis si Zander dahil  busy sila sa pag-order.

"Kailan kita pinagbayad" mukhang naiinis na siya sa inaasal ko, naka-kunot noon na ito at seryoso ang mga mata.

"fine" kinuha ko ang wallet niya. after kong kumuha ng isang libo ay binalik ko agad. "mauna ka na sa 7/11 tapos bilhan mo ako ng ice cream please"

Walang salita siyang tumayo at dumiresto palabas, na-guilty ako sa ginagawa ko pero hindi pa kami nagtatagal na nagkabalikan at ayuko muna iyon sapawan agad ng problema.

Isa pa, may takot ako sa banta ni poseidon dahil ayuko ng bigyan pa ng isipin ang pamilya ko. 

Halos fifteen minutes ata bago ako lumabas sa cr bago ako lumabas ulit, mukha naman kasing take out ang binili nila butchoy kaya ang akala ko ay wala na sila.

"Ma'am hindi pa po bayad iyon kinain niyo." salubong sa akin ng isang staff paglabas ko. " akala po namin tinakbuhan niyo na kami"

Nahihiya kong inabot ang pera pagdating sa counter. ano ba yan! taga dito pa naman ako tapos gumagawa ako ng kahihiyan.

"anong oras ba makakauwi ang ate mo? madaling araw na ah"

hindi ako nakagalaw sa boses ng lalaking tumabi sa kain.

"Sir eto na po ang order niyo." binigay ng isang staff ang paper bag kay poseidon na nakatalikod sa side ko.

"ewan ko ba doon hindi nga nagrereply sa text ko. nasaa-- ate?"

Mariin akong napapikit. Dapat pala ginawa kong twenty minutes sa cr.

umikot si poseidon para tignan ako. "hey! kanina pa kita hinihintay. nagutom kami nitong kapatid mo kaya bumili kaming sisig, ikaw ba umorder na?"

"Ma'am sukli niyo po" 

nilagay ko agad sa bulsa ng bag ang pera at mabilis na humarap sa kanila. "kumain na ako, sige bye"

pahakbang palang ako ng hilain ni poseidon ang strap ng bag ko. "oy! oy! sumabay ka na sa amin pauwi na kami"

"bitaw ano ba" 

"May problema ba ate?"

"a-ano kasi.. may.. bibilhin ako sa 7/11"

"samahan na kita" mabilis na sabi ni poseidon.

"wag na dito niyo nalang ako hintayin"

kahit makapag paalam nalang kay Zander. Iyon lang ang nasa isip ko ngayon.

"Delikadong oras na"

"hello nay" napatingin ako sa kapatid ko na nasa tenga ang telepono. "opo, kasama ko si ate. sige po nay pauwi narin po, opo. bye"

Nilagay nito sa bulsa ang cellphone. "ano pa bang bibilhin mo ate? samahan ka nalang namin"

"wag na umuwi na tayo" pagsuko ko dahil hindi talaga nila ako tatantanan at tumawag na ang nanay baka sobra ko na siyang pinag-aalala.

panay ang buntong hininga ko habang nasa passenger ng sasakyan ni poseidon. wala pang ten minutes ay nasa bahay na kami. agad akong nagpaalam na mag wash up na para makapag pahinga.

"Kanina pa kita hinihintay" awat sa akin ni poseidon sa hagdan.

"Ano bang ginagawa mo dito?"

"parang hindi kasi naging maganda iyon huli nating pag-uusap kaya kita pinuntahan."

hindi ko alam ang sasabihin, mabuti nalang tumunog ang cellphone ko. unknown number ang tumatawag.

"busy ako"

akma na akong aakyat pero hinila niya ulit ang braso ko.

"ihahatid kita bukas sa work mo ayos lang ba?"

naiinis akong bumuntong hininga "ano bang gusto mong mangyari?"

"bigyan mo ako ng chance"

"dahil binabantaan mo ako? matanda na ang nanay ko, may sakit ang tatay ko. baka pwedeng wag mo na akong pahirapan?"

tinabig ko ang kamay niya pero mabilis niya iyong binalik sa braso ko.

"hindi mo ba talaga ako kayang bigyan ng chance? matagal tayong magkaibigan Carmela, at kaya kitang tulungan. hindi mo ba naisip na magkakasundo tayo?"

Hindi parin tumitigil sa pagtawag ang unknown number. Nilagay ko muna sa silent mode ang phone ko dahil masyadong maingay ang ringtone.

"akala ko tanggap mo na magkaibigan lang tayo? ano ba!" naiinis man ay hininaan ko ang boses ko.

hindi na ako nagpaawat sa pag-akyat ng hagdan. hinagis ko sa kama ang bag ko bago sinagot ang tawag sa phone ko.

"hello, sino 'to?"

"Where are you?" malamig ang tinig niya.

"Z-zander, I'm sorry kasi.."

"Natunaw na iyong ice cream mo sa kamay ko. binalikan kita sa resto pero wala ka na, sana nagsabi ka na hindi mo na pala ako pupuntahan."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top