ENTRY #16

^_^ : sorry if mabagal ako mag update sobrang busy. Enjoy reading.

------

why some of us do something na minsan alam naman natin na pagsisisihan sa dulo? bakit ba lagi ko iyon gingawa?

Shaking with guilt, I'm walking together with Miss Tess papunta sa sinasabi niyang customer. Habang lumalakad kami palabas at parang mas lalong nanghihina ang tuhod ko at anumang oras ay matutuba.

Una kong nakita si Cess na may kausap na customer pero ng makita ako ay bigla siyang namutla. May mga nakalingon sa labas at inaalam anung nangyayari, meron din naman walang pakialam at kumakain lang.

Habang palabas kami natanaw ko na tumakbo si Ana papunta sa sasakyan. May waiter na nasa tabi ni Zander ng makapalapit kami, naka sandal ito sa upuan at medyo maga ang mukha.

Halos 2 metro ang layo ko sa table at hindi ko na magawang lumapit. Na-estatwa ako, gumagapang ang kaba sa sistema ko. Hindi ko rin alam bakit ko nagawa iyon at ngayon ay parang maluluha ako sa pagsisisi.

"Excuse me" kalmadong sabi ni Ana at hinawi ang tao na nagsisimula ng dumami dahil nakiki-chismis.

May tinurok ito kay Zander. Kalmado parin siya habang sinusuri ito. Siguro dahil sa Doktor sila kaya nakukuba nilang maging kalmado sa ganitong eksena.

Samantalang ako ay sobra ang kaba kahit pa kasalan ko naman talaga.

Si Miss Tess ang kumakausap sa kanila, ang ibang staff pinapaliwanag sa ibang customer na ang nangyari. Hindi parin ako makagalaw. Ramdam ko ang panginginig at panlalamig ng palad ko.

"Let's go Zander" sabi ni Ana.

"We're really sorry for everything sir, maam. We have no idea paano nahalo ang allergy na sinasabi niyo. What you order has no nuts ingredients even in the sauce---"

"Let's stay, I'm fine."

Natigilan si Miss Tess sa hindi pagpansin sa kanya ni Zander at pag putol nito sa paliwanag niya.

Lumingon sa akin ang assistant ko pero kay Zander lang ako nakatingin. Nakapikit na siya habang nakasandal sa upuan at nakatingala.

"Miss Carmela?"

Nahihimigan ko sa boses ni Miss Tess ang paghihingi niya ng tulong. Marahil natatakot siya na ireklamo kami dahil sa nangyari. Ako din naman, pero hindi ko iyon naisip habang pini-pino ko ang mani.

"Do you wanna lay down?" Nahihiya kong tanong.

Tinaasan ako ng kilay ni Ana at kung nakakatusok ang tingin baka may bumaon na sa akin.

"Let me take you to the hospital" aya ulit ng babae.

Humugot ng malalim na hininga si Zander, lalong nag tubig ang mata ko dahil sa hirap na paghugot niya. Lalo tuloy akong nagpanic.

"Kailangan ba natin tumawag ng ambulansya?"

"I can drive him"

Napaatras ako sa taray ni Ana.

Nakapikit parin si Zander pero hinawaka  ng kamay niya ang braso ni Ana. Alam niya eksakto kung saan ipapatong ang kamay? "Baby tapos na lunch break mo bumalik ka na ng hospital"

Baby? Pinapamukha niya ata sa akin na may baby na siya. Nakaramdam ako ng sakit pero walang tatalo sa guilt ko.

"Let's go na kasi, nag-aalala ako"

Si Miss Tess naghihintay lang sa gilid ng mga mangyayari. Nagsasalitan lang ang tingin niya sa kung sino ang nagsasalita.

"Drive my car, ipabalik mo nalang dito kay Steven"

"But--"

"Go on, intern ka palang baka ma bad shot ka pa." May lambing sa boses ni Zander na nagpayuko sa akin para itago ang pagsimangot ko.

Gusto ko na siya itaboy para tapos na ang problema pero sa kabilang banda ay may pag-aalala sa akin kaya gusto ko rin  siya mag stay.

"I just need to lay down " aniya sabay tingin sa akin.

Biglang naging alerto ang sistema ko. Lumapit si Miss Tess para hawakan ang braso ni Zander pero mabilis ko siya hinawi. Bumangga ang likod niya sa pader sabay tingin sa akin ng nagtataka. Nginitian ko ko lang siya.

"Saan ako pwede mahiga?"

"May sofa ako sa office, magpahinga ka muna doon"

Lahat sila napatingin sa akin. May mali ba sa sinabi ko?

"You'll be more comfortable in the hospital c'mon na kasi"

Unti-unti na akong naiinis sa accent ng babaeng 'to.

"I don't work there anymore. I'll be fine Ana. You go, you need to do your duties "

Muli niya akong sinulyapan na inis na inis bago nag dadabog na tumayo. Humalik siya sa pisngi ni Zander bago tuluyang umalis.

"Miss? Papapasukin niyo po siya sa office? Hindi po natin siya kilala" bulong ni Miss Tess.

Hindi ko siya pinansin, tumayo si Zander at agad kong niyakap ang isang braso ko sa katawan niya samantalang ang isa ay nakahawak sa braso para alalalay siya.

Pumunta si Miss Tess sa kabila at ginawa ang ginawa ko pero tinabig ko ang kamay niya.

"Okay na Miss Tess ako na" nakangiti kong sagot pero sa totoo lang ay gusto ko siyang tarayan.

Pagdating namin sa office, inalalay ko siya humiga. Sumunod si Miss Tess pero bago pa siya makalapit at makapasok ay sinirado ko na ang pinto.

"May gusto ka ba?"

Pasimple kong pinindot ang lock. Hindi sa may gagawin ako pero para hindi biglang pumasok si Miss Tess.

"Take a rest" simple kong sabi ng lingunin siga at naka patong na ang isang braso niya sa mata.

Tahimik akong umupo sa swivel chair at nagsimula ulit aralin ang mga reports sa mesa.

Hindi ako makapag-concentrate panay ang lingon ko kay Zander. Kumakamot siya minsan pero pansin ko na hindi na malala ang pamumula ng balat niya.

Sinubukan kong pagtuunan ng pansin ang trabaho ko pero napapalingon parin ako sa kanya.

Hindi ko natiis at lumapit ako na nakaupo parin sa swivel chair. May gulong naman iyon kaya kinaladkad ko ang sarili ko sa sofa.

"Okay na ba ang pakiramdam mo?"

Walang responded

Yumuko ako, nilapit ko ang tenga ko sa ilong niya. Baka kasi hindi na humihinga, ibig sabihin nakapatay ako?

Baka ma-headlines ako. 'Isang babae ang napatay ang ex sa pamamagitan ng mani'

"Zander? "

Lumapit pa ako ng konti, napangiti ako ng maramdaman sa pisngi ko ang hininga niya. Bumaling ang ulo ko para silipin siya, bigla akong natigilan dahil gising pala siya. Wala na sa mata niya ang nakatakip na braso at nakatitig siya sa akin.

"Bakit? Gusto mong alamin kung napatay mo ako?"

"H-hindi s-sa ano... bakit mo naman nasabi iyan?"

Kahit medyo mabukol ang bandang mata niya ay ang gwapo parin niya tignan. Hindi naman na iyon kasing laki ng kanina pero halata parin ang maga. Gusto ko sana matawa pero mabilis na nawala ako sa sarili ng matitigan ang mata niya.

Napalunok ako.

"Zander?"

Magkalapit parin ang mukha namin.

"Hmm?"

"Girlfriend mo ba talaga si Ana?"

Curious lang ako dahil hindi ko nakikita ang Zander na boyfriend ko noon kay Ana. Sweet siya sa babae at parang touchy pero bakit hindi siya sumama dito?

"Hindi ko sasagutin iyan"

"Why?"

"Because.."

Hinawakan niya ako sa bewang at hinila palapit sa kanya. Parang may sarili isip ang katawan ko at walang pagtanggi akong sumunod. Umopo ako sa maliit na espasyo sa sofa, sa gilid niya.

Bumangon siya at umupo. Nakayakap na ang braso niya sa akin. Hindi ko inaalis ang tingin sa mata niya kahit pa nararamdaman ko ang isang palad niya na humahangod sa tagiliran ko.

"Is she your girlfriend?"

"...I like the way you looked at me while I'm with her."

Napapikit ako at napalunok. Ibang kiliti ang nararamdaman ko sa bawat pag taas baba ng daliri niya sa damit ko. Nang idilat ko ang mata ko'y halos magkadikit na ang ilong namin.

"How do i look?" Bulong ko.

"Jelous"

"Is she--"

Hindi ko na natuloy itanong ulit ang gusto ko. His hands travel to my stomach up to my under boob.

"No she's not"

napalunok ako sa nakakakiliting pakiramdam na dulot ng mabagal na paghaplos ng daliri niya sa balat ko.

"sabi mo may girlfriend ka? edi sino pala iyon?"

"you"

"you broke up with me in that motel remember"

"You asked me before we went to that motel, so it's still you."

"Then why--"

"What's stoping you? You changed. Unlike before hindi mo na sinasabi ng deretso ang gusto mo and your not being honest even to yourself.  What happed to my Carmela?"

Bigla akong nakaramdam ng lungkot. Bigla akong naawa sa sarili ko. Hinawakan niya ang mukha ko. Pinagdikit niya ang noo namin.

"I'm sorry" bigla niyang sabi.

"For?"

"Sa mga nasabi ko sa motel" dinampian niya ng halik ang labi ko.

"I'm really mad binibini" inulit niya ang pagdampi.

"You don't know how much i suffer. Gustong-gusto kong umuwi" this time hindi nalang dampi ang ginawa niya. He kissed me. Sweet, smooth and slow kiss.

"I hate the fact na hindi ka lumapit sa akin, na hindi ka nagtitiwala sa akin, na hindi mo gustong makasama ako sa lahat ng nangyayari sa buhay mo. I love to be happy with you, to be sad with you, to suffer with. 'Cause that's how love works. I want us to fight everything together but you pushed me away"

Hinayaan ko lang siyang siilin muli ako ng halik. Bumilis ang paghinga ko ng gumapang ang labi niya papunta sa pisngi, sa ibaba ng tenga, pabalik sa labi at pababa ng leeg ko.

Nalalasing ako sa mabagal na paglalakbay ng labi niya. Para akong hinehele pero hindi ako inaantok kundi nagigising ang kakaibang bahagi ng pagkatao ko.

"I love you kahit pa pinakain mo ako ng mani"

His face is now buried in my chest. Inhaling my scent.

"Hindi iyon ang mani na gusto kong kainin"

Inuntog ko ang ulo ko sa kanya. Panira ng moment eh. Para kaming natawa at parang bigla nalang gumaan ang sitwasyon.

"So you still love me?"

Mabagal akong tumango.

"If she's not your girlfriend then ano ko siya?"

"Something "

"Anung something?" Kumunot ang noo ko.

Biglang lumawak ang ngiti niya at niyakap ako ng mahigpit. Gusto ko maiyak. Pakiramdam ko hindi pa ako humihingi ng tawad ay pinapatawad na niya lahat ng ka-tangahan na nagawa ko.

Ramdam ko ang pag-ngiti niya sa leeg ko. Rinig ko ang mahihina niyang tawa, para siyang bata na sa wakas napagbigyan ng magulang.

Zander, paano ako hindi magiging marupok sa'yo kung ang sarap sa pakiramdam ma kasama ka?

"I'm not going to rush you. Just let me stay, i realized how stupid i am na hindi manlang kita hinayaan ilabas ang part mo but then based on our conversation. Hindi ka pa handa, so whatever happened before or kung ano man ang gumagambala sa'yo. Sa mga responsiblity mo? I'll wait."

"Zander" hindi ko mapigilan pumiyok ng sinambit ang pangalan niya.

"I think i already told you binibini. You are worth the wait."

"Now para mawala ang doubt mo. Hindi ko uulitin ang nangyari noon, sa ibang tao mo pa nalaman ang tungkol kay jenica. "

Marahan niyang hinahaplos ang buhok ko.

"Wala akong girlfriend, wala pa akong balak mag girlfriend ng iba dahil ikaw parin ang mahal ko"

He kissed me again but this time it's deeper and breathtaking. Sinasabayan ko na ang bawat galaw ng labi niya. Sa bawat pagpasok ng dila niya ay hindi ko mapigilan mapa-ungol. He's being playful, sa tuwing lalabanan ko ang pag atake niya at bigla niyang babawiin at ngi-ngiti ng parang tanga.

I'm still catching my breathe as we stopped. Magkalapit parin ang mukha namin at magkadikit ang labi pero hindi na naglalaban pa.

"I love you"

Natulala ako. Hindi ko na napigilan at umiyak ako. Bigla siyang nagpanic sa paghagulhol ko pero niyakap ko lang siya. Pilit niyang inaalis ang braso ko sa pagkakayapos para makita ang mukha ko pero mas hinigpita ko pa ang yakap.

That words feel like eternity, and also I realized that it's the first time he ever told me that he love me.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top