ENTRY #13
Nagising ako na parang basa ang mukha ko at nakakaramdam ako ng pag brush dito.
"Good morning" isang nakangiting angela ang bimungad sa akin pag dilat ko.
"Anong ginagawa mo sa kwarto ko?" Paos kong sabi.
Ang sakit ng lalamunan ko at halos wala akong boses. Tinabig ko ang brush na hawak niya, binalik niya sa basong may tubig ang brush at nilapag sa center table.
"Bakit bina-brush mo ang mukha ko?"
Bumangon ako na hawak ang lalamunan. Ang sakit talaga.
"Sabi ni kezia buhusan kita ng tubig para gisingin pero naisip ko ang cruel naman noon so gumamit nalang ako ng brush"
Hindi ko natuloy ang tangkang pagbulyaw sa kanya ng mapansin na hindi ito ang kwarto ko. Mula sa isang pinto ay lumabas ang mama ni kezia.
"Good morning anak, masakit ba ulo mo? iyan ata pinangkatok mo kaninang madaling araw eh" nakangiti ito sa akin pero hindi ko magawang suklian dahil nablangko ako sa kinalalagyan.
Lumabas si Tita at narinig kong may kinausap ito.
"Ang aga-aga hinahabol ni cream iyong mga kambing" boses ni kezia, mukhang nanghabol na naman ng kambing ang aso niya.
Lumapit ako kay Angela at bumulong.
"Anong ginagawa ko dito?" litong-lito.
"Bakit sa akin mo tinatanong iyan? Pumunta lang naman ako dahil sabi ni Mama Kezia urgent."
Ano ba ang ginawa ko kagabi? Nagpabili ako kay butchoy sa 7/11 ng maiinom tapos nag emote ako sa kwarto. Naisipan kong maligo.. at.. umalis ako ng ala una sa bahay ng walang eksaktong pupuntahan.
Nanlaki ang mata ko ng biglang maalala ang mga pinagdaanan ko kagabi.
Kinausap ko iyong malaking puno na nakita ko sa daan at sinabihan niya akong pumunta kina Kezia, though alam ko naman na hindi talaga nagsalita iyong puno.
Oh my gosh!
Wala ako sa katinuan pero nakapag para pa ako sa jeep at nakapaglakad sa kakahuyan papunta dito. Binati ko pa nga iyong mga kambing at baka.
"Carmela? okay ka lang?"
Nanlulumo kong tinignan si Angela.
"I think.. titigil na muna ako sa pag-inom" sagot ko.
"Tsk. Scam" si kezia.
Humaba ang nguso ako sa pagtataray niya. Kinatok ko bahagya ang ulo ko ng bigla siyang sumakit. Hindi na ako iinom , Promise!
Umupo si Kezia sa pang isahang kawayan na upuan, si angela naman sa sahig nakaupo at nakasandal sa akin. pareho silang nakahawak sa mga cellphone. Kinuha ko rin tuloy ang cellphone ko, doon ko lang napansin ang maraming message at may dumarating pa.
"Kanina pa natunog iyang phone mo. ewan kung sino nag te-text" sabi ni angela.
Pagbukas ko ng messaging app ay nasa 67 text ang unread message ko kay poseidon. Tuloy pa rin ang dating ng message niya sa notification bar ko. 'text' , 'nasaan ka?' at meron pang 'punta ako sa inyo'
Natigilan ako, hindi sa mga pananakot ni Poseidon kundi sa message ko sa isang number. Nanginginig ang daliri ko ng pindutin ang number na iyon at nabasa ang message ko kanina madaling araw.
"Mother of cow"
Naglingunan sa akin ang mga kaibigan ko.
"Bakit?" si Angela, si Kezia parang wala lang at binalik sa cellphone niya ang tingin.
Hindi ko alam kung tatawa ba ako o iiyak sa nabasa kong mensahe. Parang may nagkakarerang kabayo sa puso ko ngayon. Ang tanga ko para kabisaduhin ang number niya, pero hindi naman ako siguradi kung active pa ba ang numero na ito.
Tama! Possible na nagpalit na siya! Hindi ako dapat kabahan ng ganito, nag over think lang ako.
"Nasaan ang bag ko?" Tanong ko sa kanila.
Si Angela inosente akong tinignan si kezia naman ay tinaasan ako ng kilay.
"Wala ka namang bag pagdating mo dito ah? Parang wala akong napansin" si Kezia.
Nanlaki ang mata ko. Nasa bag lahat ng i.d ko at pera. Pinukpok ko ng tatlong beses ang ulo ko. Kailangan kong maalala kung nasaan ang bag na iyon.
Tanda ko na may bag pa ako papunta dito, tapos pag pasok ko sa bahay nila kezia ay hinagis ko iyong kung saan. Sumilip ako sa bawat ilalim para tanawin kung nasaan na napadpad ang bag ko. Nakahinga ako ng maluwag ng nasa ilalim iyon ng mesa.
Bumuntong hining ako ng makita ang journal na naiwan ni Zander. May kung ano sa kain na pumi[pilit silipin ang laman noon pero nagda-dalawang isip ako.
"Ano iyan?" lumapit sa akin si kezia at umupo sa tabi ko
"bagay, sinusulatan."
Sinamaan niya ako ng tingin. Si Angela ay umupo narin kapantay namin at tumango sa akin sabat tingin sa journal, tila ini-ingganyo akong buksan.
Kinakabahan ako habang tinatanggal ang magnetic lock, lumala ang kabang iyon ng binulak ko na ang journal. Blangko ang unang pahina.
Napalunok ako.
Dahan-dahan kong nilipat sa susunod na page pero kumunot ang noo ko. Tinignan ko ang dalawa kong kaibigan at ganoo din ang reaksyon niya. Magkahalong gulat at naguguluhan na hindi ko maintindihan.
"okay?" si Angela ang unang nagsalita.
"Ano 'to?" tanong ko.
Nagbuklat ako ng nagbuklat at mas lalo akong napangiwi. Pasensya na, dahil siguro graduate ako sa engineering kaya masakit sa mata ang ganitong sulat sa akin. Masyadong cursive ang lettering. Naiintindihan ko ang pangalan ko na nakasulat sa ibang pahina pero sa pangkalahatan ay wala na akong ma-gets.
"Mag bayad ka nalang ng pharmacist, pa-translate mo iyan" si Kezia. "Hindi sa nanglalait ako pero ang tindi ng sulat parang party ng mga bulati."
Nilapit ko ang papel nagbabakasakaling may maintindihan pero hindi talaga kaya ng reading powers ko ang sulat ni Zander.
ginaya ako ni Kezia pero lalong kumunot ang noo niya, "Kanino 'yan? imposibleng sa'yo maganda ka naman mag sulat."
"Kay Zander" pag-amin ko.
"Ang tindi naman ang penmanship niya. May kilala din naman akong Doctor pero hindi naman ganyan mag sulat. Maayos at naiintindihan at mukhang mabango."
Nagkatinginan kami ni Angela at sabay na nilingon si Kezia.
"Sinong Doctor?" Si Angela.
Natigilan saglit si Kezia, "Hindi niyo kilala, Steven ang pangalan."
Bakit parang may kakilala akong Doctor na Steven ang pangalan? Hindi ko maalala kung ano ang mukha niya pero sure ako na may nakilala akong before.
"Kailan pa nagkaroon ng amoy ang penmanship?" Tanong ko dahil sabi niya mukhang mabango.
Dumiretso siya ng upo at napakamot. Nakatagilid ang ulo naming dalawa ni Angela at naghihintay ng sasabihin niya.
"iyong sulat ba iyong mabango... o iyong steven?" Humalagpak ng tawa si Angela.
May kilala talaga akong steven eh. Pero marami namang Steven ang pangalan.
"Maiba tayo. Paano ba napunta sa iyo 'yan?"
Ako naman ang biglang napatuwid ng upo sa tanong ni Kezia.
"Naiwan niya"
"Sa'yo? mukhang diary nga, pinapabasa niya?" Inosenteng tanong ni Angela.
"Hindi.. naiwan niya last time na nagkita kami" which is true.
"Hindi ba last time na nagkita kayo noong hinatid ka niya? paano niya naiwan kung sasakyan naman niya ang gamit niyo?" Si kezia
"aha! ninakaw mo iyan ano? nagkalkal ka sa kotse niya!?" Dugtong ni Angela
"hindi ! basta!"
"Ahh alam ko na, nagkita pa kayo after noon" Si Kezia.
Nanlamig ang batok ko at napalunok ako. Kinabahan ako bigla. Hindi ko kayang aminin sa kanila ang motel scene na iyon.
"Kinuha ko"
"Sabi na nga ba! ikaw pa!"
"ungas"
"ganyan ba kayo ka walang tiwala sa akin?" kung makaakusa naman kasi sila parang gawain ko man stalk.
"Action speaks louder than words"
"What?"
Nagkibit balikat lang si Kezia at nginitian ako.
"Pero ibabalik ko naman 'to"
"Paano? puntahan mo siya sa Ospital?"
Wala naman akong ibang alam na puntahan kundi iyon. Malungkot na tinitigan ko ang juornal. Gusto kong malaman kung ano-ano ba ang nakasulat dito pero hindi ko naman maintindihan. Ang pangit naman kung hindi ko ito isasauli sa may-ari.
Parang may light bulb na sumulpot sa utak ko. Gusto kong makausap si Zander at pwede kong gawin dahilan ang gamit niya para makita siya. hindi ko alam kung bakit hindi ko magawang tumigil pero last na ito promise.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top