ENTRY #12
^_^ : Curious lang ako, umiyak ba kayo sa book 1?
--
KEZIA
Magkakasunod na katok sa pintuan namin ang nagpabangon sa lahat ng tao ngayon sa bahay. Inis na inis akong bumangon dahil ako ang natutulog sa sala kaya ako ang unang nabulabog.
2:30 am ang nakalagay sa orasan ng cellphone ko, at sinong ungas naman ang kakatok sa bahay ng ganitong oras!?
"Wag mong buksan! Baka masamang tao ano ka ba!" Awat sa akin ni mama ng tangkang pipihitin ko na ang door knob
Oo nga, dapat pala mag tanong muna. "Sino iyan?"
"Mooooo" sabi ng hinayupak sa labas.
"Tarantado ka ah! Kung ayaw mo matulog mag patulog ka!"
"Mooo"
Aba't loko itong ungas na ito ah!
Pinaghahampas niya ulit ang pinto kaya kumuha na ako ng walis tambo.
"Anak wag na baka kung sinong lasing lang iyan!"
"Edi papatulugin ko na"
Hinanda ko na ang sarili ko sa pag hampas ng kung sino man ang istorbo na ito. Nilingon ko si nanay at naka back up na siya sa akin habang may hawak na flower vase.
"Mooo"
Saktong pagbukas ko ng pinto at hahampasin ko na sana ang tao pero bigla siyang yumakap sa akin at nagsalita na namaan ng 'mooh' na parang baka.
Awtomatiko akong napasimangot sa matapang na amoy alak sa babaeng ito.
"Bakit uminom ka na naman?"
"Mooo" tangin sagot niya.
"Carmela ano ba!" Yumakap siya ng mahigpit halos hindi na ako makahinga "doon ka nga sa sofa! Ano ba!"
"Anak babalik na ako sa pag tulog ah" paalam ni nanay.
Tinulak ko siya pahiga sa sofa, nakangiti siya sa akin pagbagsak at parang batang nag flying kiss. Pumapadyak pa ang gaga at biglang tatawa.
"saan ka na naman nag-inom?"
Bumangon siya at umupo. Inayos ko ang jacket niyang halos mahubad na sa katwan at hinawi ko narin ang buhok na tumakip sa mukha niya.
"Kezia, I miss you!!! I like you!! I love you!! mhuaw! hihihihi"
Kinuha niya sa kamay ko ang tambo na at hinalik-halikan iyon.
"oy! ew! kadiri ka pinampalo ko iyan sa ipis kanina!" inagaw ko ang walis at hinagis kung saan. "halika ka dito! ungas amputek!"
Pinunasa ko ang labi niya gamit ang t-shirt ko, pumapalag pa siya pero hinawakan ko ang ulo niya. yuck kadiri kasi!
Paano siya nakarating dito ng mag-isa? para makapunta sa bahay namin ay puro malalaking puno ang dadaanan mo at medyo talahib pa, madilim, putek at higit sa lahat bangin ang gilid buti hindi siya gumewang at nahulog.
Medyo malaki kasi ang lupa namin dahil may mga alaga kaming kambing, kalabaw at baboy. iyon ang pinaka source of living ng parents ko.
"Ang sakit" gumaralgal ang boses niya at nagsimula na siyang umiyak habang hawak ang dibdib.
"Alin ang masakit? iyong likod mo, o iyong likod mo sa harap?"
"tarantado" sagot niya. "Hindi naman ako flat ah? May madadakot naman"
Hindi ko na pinansin ang sinabi niya at umupo ako sa tabi niya sabay hinagod sa likod nito. "Bakit? anong problema?"
"Nakipag break sa akin si Zander" bumalahaw siya ng iyak
Natigilan ako, "matagal na kayong break" paglilinaw ko.
"Oo nga pero iba pala kapag sa kanya nangaling , iba yung sakit. sabi niya hindi ko daw tinapos ng maayos noon kaya siya nalang tatapos at maghiwalay na kami ng landas!!!"
Nagtakip ako ng tenga dahil sa tapat noon mismo siya sumigaw ng iyak.
"Akala ko masakit na iyong dati may mas sasakit pa pala. Kasalanan ko naman hindi ba? ang gaga ko eh"
Naawa ako sa itsura niya. Basang-basa ang mukha nito dahil sa luha at bakas sa bawat iyak at pagsasalita niya ang bigat na nararamdaman.
"Mahal ko parin siya kasi eh! hindi ko alam paano ba tumigil , tapos noong akala ko mababawi ko pa siya naman iyong bumitaw"
Sa unang pagkakataon wala akong maibigay na advise sa kanya, hindi ko alam paano papagaanin ang loob niya. Alangan naman sabihin ko pa na 'ikaw kasi eh' hindi naman makakatulong.
"Nagmahal naman ako bago si Zander pero hindi naman naging ganito kasakit."
"Baka hindi ka talaga nagmahal? nadala ka lang sa sulsul ng mga tropa mo? baka kaya kayo nagtagal kasi pinanindigan mo na"
Tumawa ito pero maya-maya't umiyak, pumapalakpak pa ang gaga.
"Ganyan din sinabi ni Zander tungkol kay aldrin kezia! ang galing mo!"
Nagulat ako ng bigla siyang bumaba at lumuhod sa sahig sabay kuha ng bonsai sa center table. kukunin ko sana pabalik ang kawawang halaman dahil magagalit si mama pero tinalikuran niya ako at sa tuwing aabutin ko ay babaling siya sa ibang dereksyon.
"Aminin mo nga sa akin ha! lalaki! hindi mo na ba talaga ako mahal? kasi bakit may pag hatid?"
"Hindi porque gusto kang ihatid ay gusto ka ng isang lalaki" sagot ko.
Nilapag niya ang bonsai sa sahig at bumaba siya para magka-level sila.
"E baka gusto mo lang malaman ang bahay ko paasa ka"
"Hindi ba pwedeng gusto niya lang malaman na ligtas ka nakauwi?"
Nagulat ako ng bigla niya akong hinarap at nanlilisik ang mga mata.
"Panira ka naman ng emote eh!"
"Sinabi ko lang iyong mga posibleng hindi mo naisip dahil binibigyan mo ng malisya ang ibang bagay"
Binalingan niya ulit ang bonsai.
"Fuck you!" walang kasing lutong niyang sabi.
Nagulantang ako dahil baka narinig ni mama, shit! bawal magmura sa bahay na ito! kahit ako pinipigilan ako bibig ko dito!
"Fuck you Zander! Fuck you!"
"Akin na iyang halaman"
"Fuck you!!! mahal parin kita" sabay hagulhol.
Hindi naman na siya umawat ng kinuha ko ang bonsai. Kinuha niya ang phone sa bag, akala ko may titignan lang siya na kung ano kaya nagulat nalang ako ng itapat niya iyon sa tenga at humagulhol siya ng todo.
"I hate you! I really hate you! Akala mo ba madali sa akin ang lahat! wala kang alam hinayupak ka! o sige na kasalanan ko na ! ikaw na! ikaw na talaga!"
"Hoy! gaga ka!"
inagaw ko ang phone at hindi nga ako nagkamali, si Doc Zander ang tinawagan niya. Anung sense na nag-iba siya ng number kung may number pa siya ng ex niya?
"Clown ka talagang hinayupak ka ano?" hindi ko mapigilang paikutan siya ng mata.
Ako na ang nag delete para sa kanya at ng hindi niya rin ipahiya ang sarili niya kapag nasa ganito siyang kalagayan baka kung ano pa masabi niya.
"Wag kang gagalaw, kukuha lang ako ng maiinom mo. okay?"
Mahaba ang nguso niya at pasinghot-singhot pa. hindi siya tumingin sa akin pero marahan siyang tumungo.
Nilapag ko sa mesa ang phone niya at nilingon ko siya ng isa pang beses bago ako tulungan pumunta sa kusina, hindi nga siya gumagalaw at mahinang humihikbi.
Nag-init ako ng tubig para sa noodles ng mainitin naman ng konti ang sikmura ng babaeng iyon. sinama ko narin ang para sa akin dahil medyo nagugutom ako.
Napabuntong hininga nalang ako. isa ito sa mga dahilan kaya ayuko magka boyfriend lalo na noong nag-aaral palang kami. Una, distruction sa school. pangalawa, obligado ka sa maraming bagay na may kinalaman siya at hindi ko pa kaya ng ganoong responsibility.
Ayuko rin naman na mag jowa for the sake na may makakasama ako kapag wala akong mahatak na kaibigan katulad ng ginagawa ng iba.
Malamim ang tingin ko sa relasyon.
"Carmela kumain ka muna"
Maingat kong nilapag ang tray sa center table, nilapag ko sa harap niya ang tubig at mangkok ng noodles. Nakaupo na si Carmela ngayon sa sofa at nasa kandungan ang phone niya.
"Oh gosh anong ginawa mo?"
Kinuha ko ang phone at ang daliri niya para sa finger print ng lockscreen.
"Sinabi ko sa kanya kung gaano siya kawalang kwenta at kung gaano ako kasaya na sa wakas nawala ang guilt sa puso ko dahil nasaktan ko siya noon. sana maging masaya siya, hindi ba ganoon naman ang ginagawa ng mga matured na ex?"
"What?"
Nabibigla ako sa mga sinabi niya, mabilis kong hinanap ang statement na sinasabi niya pero wala naman chat sa kahit anong social media. Ang alam ko deleted na ang number niya pero sinilip ko padin ang message.
sa pinaka taas ay number lang ang nakalagay. pagbukas ko ay napasimangot ako ng mabasa ang pinagmamalaki niyang message.
'nagsisisi na ako sa nangyari noon please, hindi ko lang talaga kayang sabihin ang dahilan dahil wala ka naman kinalaman doon. please, please mag usap tayo ulit'
Taliwas sa sinasabi niya ang nakalagay sa text.
"Hindi ka nagmatured ni konti"
she's pouting. "kabisado ko number niya."
Para siyang bata na inabot ang mangkok ng noodles at tahimik na kumain sa dulo ng sofa, mas malayo sa akin kesa kanina.
"palagi nalang ganyan ang mukha mo kapag love life ko ang pinag-uusapan. Ayaw mo ba kay Zander?"
"Hindi sa ganoon at wala rin naman akong karapatan pakialaman kayo. Ang ayaw ko ay yung kinikilos mo, nawawala ka sa sarili mo."
"Maiintindihan mo ako kapag nainlove ka"
Hindi, dahil hindi ko hahayaan na kontrolin ako ng emosyon ko. Titignan ko parin ang mga bagay sa rational na paraan at magde-desisyon sa practical na outcome.
Hindi ko hahayaan ang sarili ko na maging alipin ng ibang tao.
"So saan ka nga nag-inom?" iyon parin ang concern ko.
"Sa bahay"
"Tapos pumunta ka dito?"
"Para bulabugin ka"
"Hindi lang ako girl" pati ata mga alaga namin hayop.
"buti nalang mabait si Zander at hindi niya sinamantala noong willing ako sa baguio, hindi niya kinuha ang virginity ko."
Dahan-dahan ko siyang nilingon, iyong tipong nasa horor movie kami dahil nagulantang naman talaga ako sa sinabi niya.
"Ang gentleman niya noh?"
"Tangina Carmela"
Napanganga ako.
"Siguro mas malaki ang pagsisisi ko ngayon kung natuloy iyon."
"Tangina friend!?"
"shh! marinig ka nila tita, yari ka!" aniya sabay tawa.
Yari ka sa akin bukas pag matino kana. kinuha ko ang phone ko sa ilalim ng unan dahil magkakasunod na tumunog ang message allert tone noon.
Binasa ko ang anim na message at binaba ulit ang telepono dahil wala akong balak mag reply.
Pagtapos kumain ni Carmela ay humiga siya sa hita ko. Nanghihina nalang akong napasandal. Teenager palang kami problema ko na ang love life niya. lintek na buhay ito oh.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top