ENTRY #11

Humakbang ako paatras ng tumawid siya papunta sa akin. Kita ko ang iritasyon sa mukha niya pero hindi iyon ang nagpakaba sa akin kundi ang ideya na sasabihin niya sa mga kaibigan ko na nakita niya akong lumabas sa isang motel!

Shit!

Tatakbo sana ako pero pinanlakihan niya ako ng mata.

"Don't you dare move Carmela Inessa!"

Shit! shit! Shit!

Hinawakan niya ng mahigpit ng palapulsuhan ko, iniisip niya siguro na tatakas ako. Napangiwi ako dahil sobrang higpit noon at mahapdi.

Mukhang napansin niya na nasasaktan ako sa pagkakahawak niya, binitiwan niya ako at bumuntong hininga. "Anong ginagawa mo dito?" 

"Let me explained, okay?" sabi ko habang minamasahe ang balat ko. "'di ba umulan ng malakas kahapon? may bagyo, kaya nag stay muna ako dito ng isang gabi kasi delikado na umuwi."

He seems mad but after I smiled at him naging relax ang awra niya at mukhang naniwala siya sa dahilan ko.

"Akala ko nakaalis ka na ulit ng bansa, isang buwan lang nag bakasyon mo hindi ba?" mabilis na iniba ko ang topic at hinawakan siya sa braso para hilahin na paalis.

Patawid palang sana kami ng lumabas ang isang staff ng motel at hinabol ako.

"Maam! naiwan po ni sir ito" aniya sabay abot sa akin ng isang journal "Mabuti nalang po naabutan ko kayo, paki sauli nalang po. Thank you for staying!"

"Wait!" ako naman ang umawat sa staff na pabalik na sana sa loob. "Anong oras umalis iyong kasama ko?"

"Mga ten minutes po bago kayo lumabas, nag stay po siya sa lobby hanggang huminto ang ulan. May sinusulat po siya diyan kanina at nalimutan po siguro niyang bitbitin."

Lumingon ako agad sa paligid dahil baka nandito pa siya pero hindi ko makita ang kotse niya. bakit ba ako umaasa pa?

"Tutal kayo naman po ang kasama niya kaya sa inyo ko nalang po isasauli"

Pagod ko siyang nginitian at nagpasalamat bago ito tuluyang pumasok sa loob. Kung hindi lang tumikhim ang katabi ko ay baka mamaya pa ako matatapos sa pag-e-emote.

Ilang akong natawa at hinarap siya. Napangiwi ako dahil rinig ko sa paghinga palang niya na naiinis siya.

"Magpapaliwanag ... ako ulit?"

Inagaw niya sa akin ang journal pero mabilis kong tinago sa likod. Sinamaan niya ako ng tingin, umatras ako ng gumalaw siya para kunin ang nasa likuran ko. 

"Patingin ako" Nagtatagis ang ngipin niya at tila nagpipigil na may sabihin pa.

"Wala lang naman 'to" 

"Kanino iyan? Akin na Carmela"

Matapos ang ilang minuto na tinignan niya ako ng masama ay bigla nalang siyang kumalma at sa hindi maipaliwanag na dahilan ay natawa. Bigla tuloy ako kinabahan, bakit siya tumawa? baliw lang?

"Let's go. Ihahatid na kita sa inyo o papasok ka na ng work?" aniya habang natingin sa kaliwa't kanan para tumawid.

Hindi ko nalang siya sinaway ng hawakan niya ako para tumawid. Mahigpit na hinawakan ko ang journal lalo na noong nasa passenger seat na ako dahil panay parin ang sulyap dito ni poseidon.

"Sinong kasama mo sa motel? at talagang motel Carmela? ang cheap ah" aniya sabay tawa.

Nainsulto ako sa sinabi niya pero nanahimik nalang ako, bakit pa mag-explained kung may buo ng explanation sa isip niya? pagdududahan niya lang ang mga sasabihin ko at isa pa hindi ko naman kailangan magpaliwanag tungkol sa buhay ko.

Kahit naririndi ay hinayaan ko nalang siya, actually siya lang ang nagsasalita buong byahe. Naiinis na kasi ako sa mga sinasabi niya at ako iyong tipo ng tao na kapag naiinis o badtrip na ay hindi masyado nagsasalita dahil baka may masabi ako na hindi tama. Sabi nga nila kung wala kang sasabihing maganda ay manahimik ka nalang.

"Salamat sa paghatid poseidon, pasensya ka na sa abala." I tried not to sound mad pero hindi ko ata naitago ng tama.

"Ikaw pa ang galit? really Carmela? I caught you coming out from a low class motel and ikaw pa ang may ganang magalit ngayon?" 

Bubuksan ko palang sana ang pinto ng matigilan dahil bigla niyang hinampas ang manibela. Hindi ako natakot dahil nasa tapat naman na kami ng bahay ko pero nagulat ako ng sobra sa naging actions niya.

"Hoy! ano bang kinagagalit mo? inaano kita?" hindi ko alam kung paano ko ba sinabi iyon pero mukhang siya naman ang natigilan at biglang umamo ang mukha.

"I-im sorry.. kasi nagulat lang ako na kaya mo palang matulog sa motel tapos may kasama ka pang ayaw mong malaman ko kung sino--"

"Kung ano man ang gawin ko o kung ano man ang iniiisip mo, desisyon ko iyon poseidon kasi buhay ko ito." binuksan ko na ang pinto at bumaba "Salamat sa paghatid"  pabagsak ko iyong sinirado.

Akala ko ay aalis na siya pero bumaba rin siya sa kotse at sumunod sa akin. Huli na para awayin pa siya at pabalikin dahil nasa labas si ate Minda at agad niyang tinapunan ako ng kakaibang tingin.

"Carmela, mabuti naman at okay ka, Kumian ka na ba? pasok ka hijo." 

"Ate Minda, si Poseidon po Classmate ko noong college. Hinatid lang po niya ako" wala na akong nagawa kung di ipakilala siya dahil ang bastos ko naman kung hindi.

"Good morning po" bati ng isa na nasa tabi ko na.

Binulungan ko siya. "Mag-usap nalang tayo next time, alis na"

"Sasabihin mo ba sa kanila kung saan ka natulog kagabi?" bulong niya pabalik "Gusto mo ba ako magsabi?"

Gusto kong punitin ang ngiti niya ng hindi ako makasagot. Nauna siyang pumasok sa loob dahil inaya na siya ni ate Minda.

Pagpasok ko nasa hapag sina nanay. Nandoon din si poseidon na may kakaibang ngiti.

"Ate nag almusal ka na ba?" sabi ni nanay.

Si tatay ay nakatitig kay Poseidon, si ate Minda ay naglapag ng kape sa harap ng kaibigan ko pero ng sumulyap sa akin ay ngumiti at kamalas-malas na lumbas ang kapatid ko. Natigilan ito ng mapansin ang ayos namin sa kusina at tinignan saglit ang lalaking bisita.

"Siya ba iyong katrabaho mo na nakitulog ka ate?" tanong ni tatay.

Para akong tuod na nakatayo doon. Lumapit sa akin si butchoy at kamot ulong bumulong.

"Ang aga mo naman nag uwi ng lalaki dito."

"Gusto mong mawalan ng allowance next week?"

"sabi ko nga maliligo na ako eh"

Humugot ako ng malalim na hininga bago lumapit at umupo sa tabi ni poseidon. iyon nalang kasi ang bakanteng upuan, si nanay, tatay at ate minda ay pare-parehong deretso ang upo at nakatingin sa akin.

Masyado akong pagod para dito.

"Classmate ko po siya noong college nakita lang po niya ako at nag offer na ihahatid pauwi." Walang gana kong explanation.

"Hindi ba sinabi ko sa iyo na wag ka basta sasakay kung kani-kanino" sagot ni tatay.

"Ano ka ba naman, mabuti nga at may nagmagandang loob maghantid sa  anak mo" mabilis na agap ni nanay.

"Pero saan ka ba talaga nakitulog Carmela?" sabat ni ate Minda

"Sa pink na building po"

Mabilis na nilingon ko si Poseidon at tinaasan ng kilay, okay ngayon kinakabahan na ako.

"Pink?" gulat silang tatlo

"Yes po doon po sa--"

Pasimple ko siyang kinurot sa tagiliran.

"Pink po kasi iyong bahay noong katrabaho ko 'nay, 'tay."

Yumuko ang katabi ko at bahagyang yumugyog ang balikat, tumatawa siya.

"Doon ka sinundo ng ka-kalse mo?"

"p-po?"

Maraming dahilan ang sumusulpot sa isip ko pero hindi ko alam kung ano ba ang tamang sabihin para hindi sila mas maghinala lalo. 

"Opo sinundo ko siya"

Nakarinig ako ng malakas na pagsinghap sa gilid, nandoon si butchoy na nanlalaki ang mata habang nakahawak ang kamay sa tuwalya nakabalot sa ulo niya at ang isang kamay ay nakahawak sa tuwalyang nasa bewang.

"Never ka nagpasundo sa akin tapos.. oh my gosh!" baklang bakla niyang sabi.

"Bawas talaga ng ten percent ang allowance mo next week"

"Nanay oh!" Lumapit siya sa amin, sa tabi ni poseidon to be exact "Hello my fellow gentleman. Ikaw palang ang pangalawang lalaking dinala ng ate ko sa bahay namin." nakipagkamay siya dito.

Nakamot ko ang kilay sa inis. Torture ang umaga na ito.

"Really? I'm assuming the first person is that cheater ex she had in high school" 

"Yes, Mr?"

"Just Poseidon, I'm fine with that"

Kunot noo ko siyang tinignan, ang ganda ng pagkakangiti niya at parang nakalaklak ng isang libong energy drink.

"Sa new Zealand po ako nagta-trabaho and I'm just here to have a Vacation"

"Butchot wala kang balak mag bihis?" saway ko sa kapatid ko.

"Oy sige ha! bye kuya poseidon may pasok pa ako eh"

Kuya!?

Nag apir ang dalawa, kinindatan ako ng kapatid ko bago lumakad papunta sa hagdan at dahil hindi siya nakatingin sa akin napatid siya sa unang baitang. buti nga sa kanya.

"Originally one month lang ang plano ko pero mukhang na home sick ako ng sobra kaya magtatagal ang bakasyon ko, hindi naman po ako required na bumalik agad." patuloy niya.

"No one is asking" 

"I know pero mas mabuti ng alam nila, lalo na kung madalas nila ako makikita dito"

Sabay- sabay kaming  apat na nabibiglang lumingon kay poseidon.

"Bakit naman hijo? may project ka ba na kasama si Carmela?" usisa ni nanay.

"oo nga!" agap ko.

Ngumiti lang ang tukmol.

"Uuwi na po ako, mukhang pagod na si Carmela at mukhang hindi siya nakatulog ng maayos."

Hinayaan ko na magpaalam siya ng maayos, nasa likod niya lang ako hanggan sa makalabas siya ng bahay.

"Hoy! Anong trip mo?" Kompronta ko sa kanya.

Nailang ako bigla ng mapansin ang ilang pares ng mata na nakasulyap sa amin. Ni hindi manlang tinago ng mga chismosang ito na nakikichismiss sila.

"Answer my calls from now on"

"and why would I do that?"

May isang kapitbahay namin na mukhang hindi pa naghihilamos ang tahimik na lumapit at nagdidilig kuno ng halaman kahit wala ng laman ang tabong hawak niya.

Hinawakan ko si poseidon sa braso para dalhin sa unahan  ng sasakyan niya, malayo manlang ng konti sa chismosang iyon pero wrong moved dahil nakita ko ang pagsinghap at gulat ng kapit bahay namin noong hinawakan ko ang braso ng lalaki.

Oh Gosh mukhang mapapaaway ako.

"umuwi ka na poseidon, please lang masyado akong pagod para sakyan ang trip mo"

"Replayan mo na ako okay?"

"Required?"

"Gusto mo bang sabihin ko sa kanila na galing kang motel?"

Tinakpan ko ang bibig niya dahil baka may makarinig. Natawa lang siya at marahang hinawi ang kamay ko.

"Ang  big deal ah!"

"Sa akin? oo naman, pero for sure mas big deal kapag nalaman ng pamilya mo. Ano okay lang?"

Tinatakot niya ba talaga ako!? "Wow! so matured!"

Sumakay na siya sa kotse pero hindi pa niya pinaandar, binaba niya ang bintana at kinindatan ako. Napasimangot ako.

"Dapat maging mabait ka sa akin or else I will tell everyone na nakita kitang lumabas sa pink na building at panigurado mag-iiba ang tingin nila sa iyo at mapapagalitan ka ng parents mo"

Nanlaki ang mata ko. "Bina-blockmail mo ako?" 

"Hmmm.. parang ganoon na nga" pinaandar na niya ang sasakyan. "Bye Carmela! See you tommorow okay?"

"Oy wait!"

Napapadyak ako sa inis, gusto kong may sipain pero mga halaman lang ni Ate Minda ang nandito baka katayin niya ako.

pagod na binagsak ko ang katawan sa kama, hindi naman ako inaantok pero ang sarap lang ipikit ng mga mata.

Bumalik sa akin lahat ng pinag-usapan namin ni Zander. humahapdi na naman ang mata ko kahit nakapikit. baka ang dahilan kaya never ko nasabi ang salitang break up before dahil umaasa pa ako na kahit maghiwalay kami ay isang araw makikita ko pa siya.

Pero iyong nangyari sa motel? for sure ayaw na niya. Baliw ka kasi Carmela, gagawa-gawa ka ng desisyon na pagsisisihan mo naman pala. Sabi nga nila nasa huli ang pagsisisi.

Naramdaman ko ang pagbagsak ng luha ko sa gilid ng aking mga mata. hindi pala effective ang pagpikit para pigilan ang pagluha.

Tumunog ang Message alert tone ko kaya napabangon ako para kunin sa loob ng bag ang telepono.

Tumaas agad ang kilay ko ng si poseidon ang nag text.

'I'm glad ako ang pangalawang lalaking nadala mo sa inyo. It means that doctor never met your family. Lamang parin ako, thank you for giving me a chance'

What Chance!? Saan galing iyon!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top