ENTRY #10

Hindi ko maintindihan ang sarili ko. Ito na ang pag-uusap na hinihintay ko, ang chance para masabi ko lahat at mailabas pero hindi ko manlang magawang tumingin sa kanya. Hindi ko alam saan nga ba dapat simulan ang usapan.

"This is disappointing" Nakahalukipkip itong nakaupo sa driver seat

"You said let's talked somewhere" sabi ko pero hindi sa kanya nakatingin kundi sa labas, kung saan halos zero visibility na, dahil sa lakas ng ulan.

"I'm expecting a place or maybe a dinner not this."

Nakatigil ang sasakyan niya sa gilid ng isang kalsda, noong sinabi niyang mag-usap kami ay hinila ko na siya agad paalis dahil naiilang ako sa tingin ng mga tao sa amin. Inutusan ko siyang mag drive at ng may makita aking pwedeng pagtigila ay pinatabi ko ang sasakyan.

"Mas okay na ito, may privacy."

Naalala ko noong nag-usap kami sa coffee shop dati. Very wrong decision, kaya mas okay na ito.

Sa labas parin ako nakatingin. "May bagyo ba?" Bulong ko sa hangin.

Hindi kasi ako mahilig manood ng t.v at wala akong fina-follow na news page kaya wala akong alam sa mga balita.

"Signal no. 3 ang Cavite" sabi ng katabi ko.

Tumunog ang ringtone ko at si nanay ang tumatawag.

"Hello 'nay" bati ko.

"Ate nasaan ka na? Bumabagyo na, pauwi ka na ba?" Hindi ko siya halos marinig dahil sa lakas ng ulan.

Tinignan ko ang matabi ko na nakatingin di pala sa akin ng seryoso kaya hindi ko alam ano ba ang gagawin.

"Saan ka na ba banda ate? Papasundo kita kay butchoy"

"Hindi na po, makikitulog nalang ako sa katrabaho ko. Papalipasin ko po muna ang ulan."

"O sige basta mag text ka sa akin ah"

"Opo 'nay"

Matapos niya ako bilinan at sabihan ng mag ingat ay tinapos na niya ang tawag.

"This won't do. We need a place, may malapit na hotel ba dito?"

Hindi ko alam kung dahil ba sa lamig kung bakit may kilabot akong naramdaman at nag taasan ang balahibo o baka sa sinabi niya.

Tumikhim ako. "Walang malapit dito" Motel marami. As if naman na papasok ako doon kasama siya, nakakahiya.

"Kaninong ka trabaho ka naman makikitulog?" 

May kakaibang ngiti sa labi niya. Nag-isip ako saglit pero wala akong makuhang pangalan, dinahilan ko lang naman kasi iyon kay nanay dahil sobra siyang nag-aalala.

Ini-start niya ang sasakyan. Hindi parin nawawala ang kakaiba niyang ngiti, dapat ba akong kabahan?

"Saan tayo pupunta?"

"May nakita ako kanina na pwede palipasan ng gabi." tumingin ito sa kaliwa't kanan. "Malapit lang dapat iyon, sa naaalala ko"

"Zander, why are you doing this?"

"Hindi kita kakausapin hanggat wala tayong maayos na lugar o nakakakain ng dinner so stay quiet" aniya na hindi manlang ako tinapunan ng tingin.

Mabilis na kumabog ang puso ko ng mag park siya sa tapat ng isang pink na building. I knew it! Napakapit ako ng mahigpit sa seat belt ko pero siya tatawa-tawang tinanggal ang kamay ko para maalis niya ang seat belt.

"Siraulo ka ba doc! ayuko pumasok diyan!" nasa tabi ko na siya ngayon at nakapayong habang hinihila ako pababa. "Parang awa mo na paano kung may makakita sa akin?"

"Edi sabihin mo may kinausap ka lang"

Dahil mas malakas siya sa akin ay nahila ako pababa. Mabilis na pumulupot sa balikat ko ang braso niya at hinila palapit sa katawan niya katulad kanina para magkasya kami sa maliit niyang payong.

"Kinausap, sa motel talaga?"

Tinakpan ko ang mukha ko pagpasok namin sa loob. kakaiba ang ngiti sa akin ng nasa front desk habang si zander pumipili ng kwarto.

Tangina mapapatay ako ng magulang ko kapag nalaman nila ito, hindi ako pwedeng makita ng kahit sino!

"Let's go" 

Walang paalam niyang pinagsalikop ang kamay namin, I was shock at first pero noong marahan niyang pinisil iyon ay bigla akong napanatag. Hindi ko akalaing matapos ang mahabang panahon ay buo parin pala ang tiwala ko sa kanya.

Umupo ako sa kama pagpasok namin sa loob. Hindi ko alam bakit pero napatitig ako sa itim na bed sheet at sa unang nito... mukhang masarap higaan. 

Shit! Focus Carmela!

Nakasandal siya sa pinto at tila may malalim na iniisip.

"Ano ba ang gusto mong pag-usapan?" ako na ang naglakas ng loob basagin ang katahimik sa pagitan naming dalawa.

Tumingin ito sa akin pero hindi gumalaw. Kung kanina ay pangiti-ngiti ngayon naman hindi ko mabasa ang iniisip niya dahil sa sobrang blangko ng mukha expression nito.

"Are you scared?" 

Humakbang ito papunta sa akin, biglang inatake ng kaba ang puso ko dahil sa hindi maipaliwanag na dahilan. Umatras ako pero imbes na paalis ng kama ay mas sumampa ang paa ko at papunta sa headborad ang direksyon.

"W-why?" napalunok ako ng umakyat din siya sa kama. "H-hoy! isusumbong kita!"

"Kanino naman?"

Pumadyak ako palayo, tumigil ata ang paghinga ko ng sumandal na ako sa foam na headboard at wala ng maaatrasan pa.

"How are you feeling?"

Pumikit ako ng tuluyan na niyang nahabol ang distansya sa pagitan namin at dama ko ang paghinga niya sa mukha ko. Ngayon ko lang napansin na hinihingal pala ako.

"Carmela look at me" utos niya sa kakaibang tinig. "Open your eyes binibini"

Unti-unti akong nagmulat at sinalubong ang tingin niya. Seryoso siyang nakatingin sa akin, hindi sinasadya na bumama ang atensyon ko sa nakaawang niyang labi.

"Z-zander" 

Wala sa sariling inangat ko ang palad para sana hawakan ang mukha niya pero bigla siyang bumalahaw ng tawa at lumayo sa akin. Naguguluhan ko siyang tinignan.

"Now I'm sure" 

Tumayo ito ng tumatawa. Naguluhan ako, anong nakakatawa?

"Anong ibig mong sabihin?"

Bumalik ako nang pagkakaupo sa gilid ng kama. Hindi sinasalubong ni Zander ang tingin ko, nakahalukipkip ito ngayon at seryoso ng nakatitig sa sahig.

"Bakit mo ba talaga gusto mag-usap?" Ako na ang  magsimula ng usapan. "Hindi kita ma-gets, bigla ka nalang susulpot sa harap ko."

Matapos ang ilang minuto ay sa wakas tinignan niya ako ngunit kasabay ng pagbibigay niya sa akin ng atensyon ay umahon ang kaba sa  sistema ko. His eyes were dark and intimidating. I feel like a lamb waiting for him to sacrifice.

"Let's go back to that day. Last two years ago."

Kakaiba ang awra niya kaya naman hindi ko mapigilang mapalunok ng matindi. iba ang pakiramdam ko, parang nakasalalay sa magiging usapan na ito ang tadhana ko.

"That day, iyong hinatid mo ako sa airport anong nasa isip mo noon?"

Humugot ako ng hininga at mabagal iyong binuga, hoping na mawala ang kaba sa puso ko.

"I want you to fixed everything in your Hospital." 

Pinatapang ko ang sarili ko, hindi ko alam bakit pero hindi ako komportable pag-usapan ang nangyari noon.

"I want you to..."

"You don't want me anymore that much to the extent of pushing to another country, is that it?"

"W-what? no!"

Tumayo ako at lumapit sa kanya pero humakbang siya palayo. Natigilan ako, nakikitaan ko ng disgusto ang mga mata niya.

"Then what?" he sounds like he change into a different person.

Punong-puno ng sakit at matinding galit ang boses niya. Blangko lang ang mukha nito pero nararamdaman ko ang bawat bigat ng salita niya.

"Zander, para sa iyo rin naman iyon eh" at para sa akin. "Ginawa ko ang sa tingin kong tama! bakit hindi mo sinabi sa akin na matagal ka na pala dapat pumunta ng Chicago? na matagal ka ng kailangan ng Daddy mo doon?"

"So what kung hindi ko nasabi? Ano ba dapat ang ginawa ko, umalis ng hindi malinaw  ang atin!? I told you I want us to work!"

Dama ko ang paghapdi ng mata pero pinigilan kong umiiyak. Tumingala ako at panay ang buntong hininga.

"I can't believed we're doing this here" Sinubukan kong pagaanin ang sitwasyon. "Really Zander sa motel talaga?"  I tried to say it like a joke, dahil kung iisipin. Nakakatawa nga naman na sa Motel kami nagkakaroon ng Closure.

"Mas gusto mo ba sa gitna ng bagyo? ikaw , mahilig ka naman mag desisyon mag-isa eh"

Parang pinatamaan ang palaso ang puso ko, Mabilis kong pinikit ang mata ko dahil sa nagbabayad luha. Ayuko, hindi ako iiyak sa harap niya.

"Zander, kinausap ako ng ate mo.." 

Nilagay ko sa dibdib ang isang palad ko dahil sa sobrang lakas ng pagkabog nito sanhi kaya naninikip ang aking paghinga.

"Naghiwalay na tayo remember?" may pait sa akin habang sinasabi iyon. "Maraming bagay akong hindi masabi sa iyo dahil issue ko iyon, at kung ano man ang ginawa ko noon para din naman sa iyo iyon! ayaw na nga sa akin ng mommy mo tapos malalaman ko pa na ako ang dahilan kaya ayaw mong umalis."

"Was my mom the reason why did you break up with me?" 

"No!" agap ko.

"Nawalan ka ng tiwala sa akin dahil sa nalaman mo tungkol kay jenica?"

"hindi mo maiintindihan" Halos bulong na ang pagkakasabi ko dahil pumiyok ako sa unang salita palang. "May nangyari lang noon."

Mabilis ang hakbang niyang lumapit sa akin, sa pagkabigla ay umatras ako pero baliwala sa kanya ang pinakita kong takot at patuloy lang siya sa pag corner sa akin hanggang sa pader na ang nasa likod ko at napapikit nalang ako.

Paulit-ulit niyang hinampas ang pader sa gilid ko, humahampas sa mukha ko ang hanging nagmumula sa malakas na paghampas na iyon.

"Hindi ko talaga maiintindihan dahil ayaw mong ipaintindi sa akin! Nagdesisyon ka nalang bigla at sinabi sa sarili mo na iyon ang tamang gawin. Hindi mo manlang ba naisip ni minsan kung ano kayang kinahantungan kung inayos natin ng magkasama ang lahat?"

Naiisip, pero hindi ko gustong idamay siya sa pighati ko noon sa buhay. Kailangan ko mag focus at unahin ang  pamilya ko, ang maka-graduate at panindigan ang pagiging panganay ko.

Gusto ko rin naman tumakbo at umiyak sa kanya pero nalaman ko ang tungkol sa kundisyon ng daddy niya. Anong karapatan ko para unahin ang comfort ko kung pareho naman kaming may responsibilidad na kailangan unahin?

"Open your eyes, look at me."

Unti-unti kong minulat ang mata pero sa gilid ako nakatingin at hindi sa lalaking halos pulgada lang ang layo ng katawan sa akin. Nakalapat ang dalawang palad niya sa pader, nakaharang ang mga braso niya sa magkabilang gilid ko.

As if naman na tatakas ako, saan ako pupunta sa kabilang kwarto? baka mamaya may movie doon, motel ito.

Hinawakan niya ang baba ko at pilit pinatingin sa mukha niya. "One more question" 

Malamlama ng mga niyo, iba na naman sa emosyon na nakita ko kanina. May pagmamakawa ako nitong tinignan. Natatakot ako sa sasabihin niya dahil may ideya ako kung ano iyon.

"Did you regret pushing me away?"

I do regret it now but before, I don't. Focus ako sa College at kay tatay. Kapag nagsinungaling ako at sasabihin kong 'oo' nararamdaman ko na maayos pa namin ito pero kapag sinabi kong 'hindi' mukhang ito na ang magiging pahina ng kwento.

"Hindi" 

Mas pipiliin ko nalang ang katotohanan dahil again, iyong ang tama. 

Nagulat ako ng magtubig ang mata niya, bago ko pa nakitang tumulo ang luha niya ay tumalikod na siya sa akin.

"Zander.."

gusto ko siyang hawakan para mas makausap pa pero lumayo na siya ng tuluyan.

"Hindi mo tinapos ng tama ang lahat before, so let me do the honor."

"Zander wait! Gusto ko lang sabihin na iba iyong noon sa ngayon. Oo totoong hindi ko nga nagawang i-consider na hingin ang opinyon mo pero sana maintindihan mo naman na kasi --"

"Let's break up"

"Ha?" nawala lahat sa isip ko ang dapat na sasabihin ko.

"Hindi mo nasabi ang mga salitang iyon noon kaya siguro umasa pa ako."

Nanigas ako sa kinatatayuan ko.

"For two years, hindi mo ako pinatulog sa pag-iisip, kung bakit ganoon natapos ang lahat, kung bakit bigla mo nalang akong hinila pabalik at itatapon palayo."

"I'm sorry"

"Kaya tapusin natin 'to sa tamang paraan. Maghiwalay na tayo ng landas."

Nagpanic ako, ngayon alam ko na bakit ako natatakot dahil baka ito na ang huling pag papaalam namin, na hindi ko na talaga siya makita kahit kailan. na baka kahit si tadhana, hindi na ako pagbigyan.

Ayuko! ayuko na mawala siya ulit. Hindi ko kaya, hindi ko kinayang kalimutan siya sa ilang taon nalumipas kaya alam ko na hindi ko talaga kayang mawala na naman siya.

Pilit ko siyang inabot pero tinabig niya ang kamay ko. "Zander?" 

"You can sleep here, bayad na ang kwarto" aniya at lumabas na ng silid.

Niyakap ko ang unan at doon ko lang nilabas ang kanina ko pang pinipigilang luha. What's with the effort kung ito lang pala ang gusto niya. Sinubsob ko ang mukha ko sa kama at doon sumigaw, umaasang mabawasan ang sakit sa dibdib.

Why Zander? bakit mo ako kailangan balikan sa ganitong paraan. 

Magulo ang buhay ko, wala pang natutupad sa pangarap ko at wala akong sariling desisyon, bakit kailangan niya pang dagdagan ang bigat sa balikat ko?

Nagsisisi naman ako sa ginawa ko noon, Alam ko nasaktan ko siya pero wala rin naman siyang ideya sa naging sakit at naidulot sa akin noon.

Hinayaan ko nalang ang sarili kong makatulog sa kakaiyak pero sadya atang hindi ka papatahimik ng problema dahil ginigising ka rin ng sakit.

Pagdilat ko ay hindi ko na marinig ang pagbagsak ng ulan. Mahapdi ang mata ko at masakit ang lalamunan ko. Naghilamos ako bago lumabas ng kwarto para makauwi. Binati ako ng nasa front desk pero hindi ko siya pinansin.

Nakatulala ako paglabas at walang lakas para lumakad papunta sa sakayan ng jeep, napabuntong hininga ako at tumitig sa harapan. Sobrang dilim parin ng kalangitan at anu mang oras ay handa na ito ulit umulan pero hindi ako gumagalaw sa aking kinalalagyan.

May isang SUV na huminto sa kabilang kalsada, wala lang akong pakialam kahit pa sa saktong tapat ko siya huminto. Parang blured ang image na nakikita ko, dahil siguro sa kakaiyak. Pero natauhan ako bigla ng bumaba ang nasa driver seat ng SUV.

Nakakunot noo siya, tumingin sa likod ko kung saan nakalagay sa malaking tarpuline ang pangalan ng motel bago bumalik ang atensyon sa akin.

Nanlaki ang mata ko. "P-poseidon?"

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top