ENTRY #1
^_^: alam ko may mga nagbabasa nito na hindi naka follow kaya dito nalang ako mag message.
Thank you ahh~ di ko ine-expect lalampas ng 100 reads agad ng 2 palang ina-upload ko. Knowing na 91F palang ako. Nakakatuwa at may nagbabasa na ng story ko. Thank you rin sa solid na nag votes ~
---
"Pabili pong mantika isang bote" nagbigay ako ng eksaktong halaga sa tindera.
"Carmela may boyfriend ka na ba?"
Hindi ko pinansin ang isang lalaki sa gilid ng tindahan at ang mga kasama niyang nag-iinuman.
"C.I.A lahat kayo sa bahay niyo diba? Ganoon lahat ng initial niyo?"
Hindi ko sila nilingon at hinihintay lang ang binibili kong mantika.
"Dapat hindi Abades ang nakalagay sa gate niyo dapat C.I.A family" sabi pa ng isa at nagtawanan sila.
Nginitian ko si aling tina nang iabot niya ang binibili ko. Napatigil lang ako saglit dahil sa isang sipol. Hindi worth it patulan ang mga taong nasa impluwensya ng alak.
Nilapag ko sa lamesa ang binili ko bago pumunta sa kwarto. Nagsuot ako ang long sleeve at gloves, electrical glove ang suot ko dahil iyon lang ang meron ako. Bumalik ako sa kusina habang inaayos ang face shield ko.
"Ate? Bakit ganyan ang ayos mo? Saan punta?" Nagtataka akong tinignan ni nanay. Napatigil siya sa pagtitimpla ng kape dahil sa pagpasok ko.
"Magpiprito po ako ng bangus Nay. Mabuti nang sigurado baka takbuhan ko"
Walang kahirap-hirap kong nagawa ang pagpiprito. Nag-aral na rin ako ng ibang gawaing bahay dahil nakakahiya naman kay ate minda. Bawas na ang sahod niya tapos ay ganoon parin ang work load kaya sinabihan ko si butchoy na konting tulong na rin.
Proud na proud kong inihain ang isda sa kanila. Kahit prito lang naman talaga iyon atleast nakakatulong na ako sa gawaing bahay.
Saktong nagpapahinga na ako pagkatapos ng tanghalian ng tumunog anag ring tone ng cell phone ko.
"wala ka namang pasok ngayon di ba?" sabi ni andrea sa kabilang linya. kasamahan ko dati sa dance group ng department.
"Oo nga pero ayuko. Alam mo naman na hindi ako komportable uminom sa ibang lugar."
Niyayaya niya ako sa isang party ng kaibigan niya. Never ko pang natry uminom ng hindi sa bahay namin kaya ayuko dahil hindi ako komportable.
"Tsaka isa pa nasa cavite ako andrea, Alangan namang dayuhin pa kita sa manila"
"Hindi nga! Diyan sa bacoor ang party! private party 'yon kaya kakilala ng may-ari lahat ng pupunta."
"oh? bakit sinasama mo ako?"
"Sinabihan ko naman sila tsaka may guest list kaya tara na! Nandoon na pangalan mo. hindi lang naman tayo pupunta niyaya ko rin sila coach"
"Ayuko pass"
Alam niyang hindi niya ako mapipilit kapag ayaw ko kaya naman natapos ang usapan namin na hindi ang naging sagot ko.
4 days lang ang pasok ko sa loob ng isang linggo at ngayon araw may usapan kami na pumunta sa bahay ni angela. Aalis na kasi si regine at pupunta sa ibang bansa kaya kailangan namin mag bonding.
Bago mag 3pm ay nakina angela na kami. Ang usapan namin ay manunuod lang ng movie kaya naman nag luto si kezia ng pop corn, fries, fish ball at kikiam para maging snack habang nanunuod.
"wag mo lilimuting sumulat sa amin ah?" sabi ni angela kay regine.
"ingat ka sa pagtawid doon ah?" paaala ko sa kaniya.
"pasalubong ah?" sabi ni kezia.
Parang wala naman kaming naiintindihan sa movie dahil sa ingay namin. Panay parin ang kwentuhan namin kahit on going na ang palabas. sa dulo pinatay nalang namin ang tv at nag kwentuhan nalang talaga.
"carmela nakita mo na ito?" sabi ni angela sabay pakita ng screen ng cell phone niya.
Tinitigan ko siya ng masama. si Zander ang nasa picture kasama na naman ang babae na palagi kong nakikita dati sa mga naka-tag na picture sa kanya. Zeline ata ang pangalan? mukhang nasa isang party sila sa picture at well.. masayang nakangiti. Good for him.
"bastos ka talaga."
"bakit?" maang-maangan niyang sagot.
"friend mo iyan?"
"oo! wala ka bang tiwala sa stalking skills ko sabihin mo lang aalamin ko para sa'yo" aniya sabay tawa. May lihim na kahulugan ang bawat salita niya.
"naka-block na nga sa akin para hindi na kami mag kitaan sa internet pinakita mo naman sa akin. Badtrip ka din eh"
"o di dalawa na kayong hindi maka-move on?" sabi ni kezia sa amin ni angela.
"oy naka-move on na ako 'no!"
"sige kwentuhan lang naman eh" sabi ni regine.
Nakikisabay ako sa tawanan at kulitan nila pero hindi mawala sa isip ko ang imahe na nakita ko. Nakakainis naman.
"kamusta naman ?" tanong ni kezia
"okay lang naman, nakakaraos."
"Kaya mo 'yan makakabawi ka din" nginitin ako si angela.
"Ang hirap pala, lalaki ka o babae basta panganay ka salo mo iyong responsibilidad. Feeling mo obligado ka sa lahat. Ayuko naman bigyan pa ng isipin si nanay dahil alam ko masakit sa kanya ang nangyayari, nahihirapan ako. Ngayon ko lang naranasan mag budget. Hindi naman palagi may ani sa farm o may baboy na mabebenta. Masagana lang pag meron."
"Okay lang iyan makakabawi ka rin." Sabi ni regine.
"Nagsisimula ka palang naman. Fresh graduate palang tayo. 'yong mga chismosa nga sa amin sampung taon na nag sasayang ng laway para palaganapin ang buhay ng iba wala parin naman sinasahod. Makakabawi ka rin" sabi ni kezia "partida di mo makikita uminom ng tubig ang mga iyon puro chismis lang pero never na dehydrate"
maaga kaming naghiwa-hiwalay dahil may mga pasok pa daw sila.
Nakatulala lang ako sa isang parke malapit sa amin. Hapon na kaya maraming bata ang naglalaro. Tinitimbang ko ang nararamdaman ko at sa hindi maipaliwanag at nakakainis na dahilan namamayani ang mapait na emosyon sa puso ko.
Hindi ba ang rason kaya ko siya pinakawalan ng tuluyan dahil sabi ko sa sarili ko. hindi ko alam kung ano ang mangyayari kapag nagkahiwalay kaming dalawa. Kapag hindi namin nakikita ang isa't isa. Hindi malayong may makilala siya na pwedeng mas mahalin niya at nakakabaliw isipin na ang layo niya at hindi ko siya mahawakan.
sabi ko kailangan ko rin iyon para mag grow. pero bakit parang habang tumatagal nagsisisi na ako? dalawang taon na ang nakalipas. I need to move forward. nakausad na siya, papahuli ba ko? parang ako ata ang naiwan sa sarili kong disisyon.
Nilabas ko ang phone ko. Okay seryoso na ako this time. totoo na ito. maybe it's time to finally leave the past behind. I really need to move on not just to move forward, kailangan mabitiwan ko na ang mga emosyon na kumukunekta sa akin sa nakaraan para tuluyang makalaya.
'anong oras ba ang start ng party' i texted andrea
'yes! 8pm pa naman beh kita kits!'
i need something to change. Real change.
'wala akong budget ihatid niyo ako pag-uwi'
Alam naman nilang hindi na ako gaya ng dati. Hindi ko naman itinago na nag-iba na ang finances ko.
'Sure madame!' Reply niya.
Nagbihis ako agad pagkatapos ng hapunan. Hindi ko alam kung ano ba dapat ang sinusuot kapag party. Malay ko ba? Nag focus ako mag-aral, sa hirap ba naman ng pinasok ko uunahin ko pa magliwaliw?
'Pero nagliwaliw ka parin carmela, kaya na nga may binagsak' parang may sariling tinig ang isip ko at binulong niya sa akin iyon.
Nag spaghetti strap dress ako na itim at sinapawan ko ng maong na jacket hindi ko alam kung dapat ba ganito pero ang cute ko tignan kaya pwede na 'to.
7:30pm na ako umalis ng bahay, hindi naman traffic ngayon at isa pa ayukong mauna. Hindi ko man gustong nale-late sa oras pero malamang wala naman dadating sa eksaktong 8pm.
Pagdating ko doon ay halos mag 9:30pm na, tanaw ko kaagad si andrea na inaantay ako sa labas ng gate. Hindi mukhang malaki ang bahay at isa pa ang tahimik.
"May party ba? Bakit ang tahimik?" Akay niya ako papasok.
"Wala kasi sa taas!"
"Ha?"
Nagtuloy-tuloy lang siya patungo sa isang hagdan sa likod bahay. Kumatok siya sa pinto matapos ang nasa 10 baytang na hagdanan pababa. Ngumiti sa amin ang isang lalaki na nakaitim na nagbabantay sa pinto bago kami pinapasok.
"Oh shit!" Sumalubong sa akin ang isang malakas na electronic music.
"Private ito kaya wag mo ipagkakalat na may ganito dito ah?" Sigaw niya sa tenga ko.
Nasa itaas pa nga kami kung tutuusin. May isa pang pababa kung saan nandoon ang dance floor at bar counter. Sinundan ko lang siya kung saan naka pwesto ang mga kasana namin.
"Carmela! Parang ang tagal kitang hindi nakita ah!" Salubong sa amin ni coach.
Hanggang ngayon nabibigla parin ako. May nag e-exist na ganitong lugar? Under ground? Kung kanino mang ideya ito ay napaka-angas dahil never talaga ito malalaman kung hindi ka magpapa-booked.
"Kaninong party ba ito?"
"A friend of a friend of a friend? Basta!" Sagot ni andrea
Nasa gitna ako ng u shaped na upuan at napapagitnaan nilang lahat. Nakakasabay naman ako sa usapan at hindi pa ako lasing dahil ang kaninang beer na binigay sa akin pagdating ko ay kalahati palang at hawak ko parin hanggang ngayon.
"Grabe si jessica na balitaan niyo ba nabuntis pala noong boyfriend niyang doctor."
Muntik ko nang mabuga ang iniinom ko.
"Kaya pala medyo malaki ang tiyan niya noong nakita ko siya noong nakaraan" sabi ng isa naming kasama sa table.
"Grabe pero ayos lang atleast sumasahod ang magiging asawa niya" sabi ni andrea
"Ha? Di ba may asawa iyong lalaki?" Lahat kami naging interesado sa kwento dahil sa sinabi ng isa naming kasama.
"Pamilyado iyong lalaki? So kabit siya?" Hindi ko mapigilang magtanong.
"Oo girl! Ang malala hindi niya alam na may pamilya na iyong lalaki. Nalaman nalang niya kasi sabi ng papa niya magpakasal sila ng lalaking nakabuntis sa kanya ayun! May asawa pala!"
Nagpatuloy ang usapan at chikahan nila pero ayuko nang makinig kaya naman tumayo ako at pumunta sa may railing. Nakatulala lang ako sa baba.
Hindi ko nanaman maiwasan malungkot, kaya nga ako nandito para maglibang pero sa lakas ng music at saya ng paligid parang malungkot na tugtugin parin ang nagpe-play sa isip ko.
Palagi nalang ganito ang nangyayari. Sa tuwing naiisip ko lumihis at magliwaliw at wag na siyang isipin palagi naman may bagay na magpapaalala sa akin. Medicine. Doctor. Baguio. Parusa ko ata 'to? Baka inaasar ako ng pagkakataon o baka nagsisisi ako.
Hayst! Ewan ko ba naman sa'yo destiny!
"Sayaw tayo!" Tumabi sa akin si andrea at hinawakan ang braso ko. "Lalim ng iniisip ah?"
"Una na kayo powder room lang ako."
Sabi niya ang cr daw ay sa ibaba pa kaya kasabay ko din silang bumaba pero lumihis ako para mag cr. Binasa ko ang mukha ko matapos ang ilang minutong pag iyak sa loob ng cubicle. Namumula ang mata at ilong ko kaya pinagpatuloy ko ang paghihilamos hanggang sa mamutla nalang ako.
Paglabas ko may nasalubong akong tatlong lalaki,nakatitig sa akin ang nasa gitna. Nangingibabaw siya higit sa mga kasama niya lalo sa suot niyang leather jacket. Parang may kung ano na nagbigay sa akin ng lakas ng loob na titigan din siya pabalik. Hindi naalis ang tingin niya sa akin hanggan sa magkatalikuran kami.
Weird.
Tanaw ko sila andrea na sumasayaw sa dance floor pero wala ako sa mood sumayaw ngayon. Isa pa sa sobrang dami ng tao doon ay malamang mas madali kang mahipuan. Mukha pa namang kakaiba ang itsura ng ibang lalaki dito.
Lumabas ako sa bar. Hoping for air. Hindi ko maintindihan ang sarili ko, kanina gusto kong pumunta dito dahil sa tingin ko masaya at maaaliw ako. Ngayon na nandito na ako hinihiling ko na sana nag stay nalang ako sa bahay.
Sinundan ko nang tingin ang isang bakal na hagdanan pataas. Mukhang papunta siya sa roof top. Mukha rin siyang fire exit. May sisita kaya sa akin kapag pumunta ako sa taas? Magpapahangin lang naman.
Hindi ko alam kanino ba ako dapat magpaalam kaya basta nalang akong umakyat pataas. Malawak ang roof top ng tatlong palagag na bahay na ito. May isang malaking papag lang na kahoy. Umupo ako doon at dinama ang hangin, tama nga ako mas nakaka-relax dito. Mabuti at may bituin sa langit at walang bagyo ngayon.
"Bored ka ba sa party?"
Hindi ako nakagalaw. May isang malamig na kamay ang humawak sa balikat ko kasabay ng tinig na iyon. Multo ba siya? Napalunok ako at dahan-dahang nilingon ang nilalang sa likod ko.
"What the fudge!" Nakahinga ako ng maluwag. Tao siya.
"I saw you looking like a sad kitten" umupo siya sa tabi ko.
Siya yung lalaki na nasalubong ko pag labas ng powder room.
"Nakatitig ka sa akin mula sa taas? Kakilala ba kita?"
"Ako? Nakatitig sa iyo?" Nalilito kong sabi.
Wala naman akong maalala na tinitigan ko siya o kahit sino noong nakasandal ako sa railing kanina. Nag eemote lang naman ako.
"Here! I brought you a beer baka nauuhaw ka" aniya at nilapag ang isang bote sa tabi ko at tinungga naman niya ang isa. "hindi ka dapat tumatayo sa gilid ng nakapalda. May mga tao sa baba"
Wala sa sariling nahimas ko ang dulo ng dress ko at pasimpleng hinila iyon pababa.
"Bakit may nakita ka ba?"
" I'm sitting across your direction. Pero siguro iyong tao sa mismong ibaba mo meron, nakatingin sila sa iyo kanina eh."
Nakaramdam ako ng hiya. Hindi ko alam.
"Alam mo mas makakagaan sa loob kapag nilabas mo ang problema. Kapag nag kwento ka"
Tangina. Deja vu
"Hindi naman tayo magkakilala, mas okay daw mag kwento sa stranger kasi safe. After this night baka nga hindi kita makita ulit."
"Why are you doing this? Sinundan mo talaga ako dito para diyan?"
"Nangingibabaw ka kasi kanina. Lahat ng tao sa paligid mo nagsasaya pero ikaw parang nagluluksa. Nakangiti ka nga pero hindi naman umaabot sa mata. Pangit ang ganoon pina-plastic mo ang sarili mo."
Napailing ako bago tinungga ang beer sa tabi ko. Halos 1/4 nalang ang natira doon pagbaba ko at naubo ako ng konti pagkatapos.
"Hindi magandang nagkikimkim ng sama ng loob. Bored din ako kaya sige na kwento" aniya at salitang nagtataas baba ang kilay.
I badly wanted to say the words. Lahat ng paulit-ulit nang naririnig sa akin ng mga kaibigan ko kaya parang ayuko na magsabi sa kanila dahil ganoon parin naman ang advice nila at alam ko mapapagod sila minsan makinig sa paulit - ulit kong salita. I badly wanted to say the things that I regret.
Gosh Carmela! You're doing it again.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top