ENTER #51
"magandang araw po" magalang na bati ni zander mula sa pinto ng bahay namin.
May dala siyang kung ano-anong pagkain. Alam kong kinakabahan parin siya kapag pumunta sa bahay but if we want this to feel less awkward dapat naming unti-untiin ang pakikitungo sa mga mahal namin sa buhay.
Tinarayan ako ng kapatid ko pero kumain siya ng dala ni zander. Tinutoo niya ang pagpapahirap kuno sa magiging asawa ko, panay request, utos ng kung ano-ano kahit minsan abuso na ginagawa naman ni zander.
Minsang nawalan ng tubig dito sa amin at talagang nag message pa siya kay zander na need ng mag-iigib kahit kaya naman niya.
Sinita ko siya one time pero ako naman ang sinita ni zander at sinabing ayos lang.
"aalis na kami 'nay" humalik si nanay sa noo ko
Nagulat kami magkapatid na ganoon din ang ginawa niya kay zander. Napangiti nalang ako sa paghalik niya sa noo ni zander na kinabigla din nito.
It's a normal gesture to us kapag aalis ng bahay, hahalik ang parents ko sa noo naming magkapatid. Sabi nila para daw iyon sa ingat at sinasabi nilang may tiwala sila sa amin.
Bandang tanghali na kami dumating sa sementeryo. Dadalawin namin si tatay. Nilapag ko ang isang basket ng bulaklak sa puntod niya.
"'tay ikakasal na po ako"
Ngumiti ako kay zander na nasa tabi ko, may pait ang pagkakangiti niya sa akin. Nagulat ako ng lumuhod si zander sa puntod ng tatay ko.
"aalagaan ko po ang anak niyo katulad kung paano niyo siya inalagaan"
Namasa ang mata ko sa pagkabasag ng boses niya.
"sorry po sa lahat ng nangyari, isa lang po ang mapapangako ko sa inyo. Hindi ko po pababayaan ang pamilyo niyo at ang magiging pamilya naming ni carmela"
Halo-halong emosyon ang nararamdaman ko sa bawat salitang binitawan niya. Sakit dahil sa nangyari, panghihinayang na hindi na makikita ni tatay ang matagal na niyang hinihingin apo, lungkot dahil miss na miss ko na ang tatay ko at saya dahil alam ko may katotoohanan ang sinabi ni zander at alam ko din na masaya ang tatay ko para sa akin.
Magkahawak kamay kami ni zander habang naglalakad pabalik sa kotse niya.
"Did you read his letter?"
Nagulat ako sa tanong niya. "I haven't... why did you ask? Did you also receive one?"
"yeah , that night noong huling beses kami mag usap"
Pinagbukasan niya ako ng pinto, tinanong ko muna siya bago ako pumusok.
"have you read yours?"
"I did"
Nakatago parin ang letter ni tatay. Nakaipit sa journal ni zander na hindi ko mabasa ang sulat. Hindi ko pa naiisip basahin iyon pero ngayon nabanggit niya, na curios ako kung ano ang nilalaman ng sulat pati narin sa kung ano ang sinabi niya kay zander.
After dumalaw kay tatay ay dumiretso kami ni zander sa resto. gusto ko lang sumilip at gusto ko lang din kamustahin si miss tes, ang sabi ni johny nasunod ang bawat kundisyon ni miss tess sa tita ko para narin sa ikakatahimik ng lahat. knowing tita ayaw na ayaw niyang ma chismiss siya aya malamang natakot siya.
ganoon talaga ang chismosa, takot machismis.
"ma'am carmela!" si princess ang unang nakakita sa akin pagpasok ko sa resto.
ngumiti ako sa kanya "table for two. May bakante ba?"
"mayroon ma'am! syempre! "
si zander ang hinayaang kong umorder. Panay ang lingon ko sa direksyon ng office. pinasabi ko kay princess na gusto kong maka-usap si miss tess ang bagong manager ng lugar na ito, hindi ko nga lang alam if lalabasin niya ako. Hindi naman kasi ganoon kaganda ang relasyon namin.
Naserve agad ang pagkain namin. Tinawanan ko si princess dahil mas marami kesa sa normal serving ng garlic bread ang nilapag niya sa table. kinindatan niya lang ako.
"miss carmela"
Halos mapatayo ako sa gulat ng lumapit si miss tess. nag-iisip pa ako ng sasabihin pero ngumiti nalang ako, tutal malawak ang pagkakangiti niya sa akin.
"join us" aya ni zander
"Thank you for the offer, but I will politely decline. Sir," tumingin ulit siya sa akin. "But is it okay if I sit? masyadong magulo ang office ayuko naman na doon tayo mag-usap"
Umupo siya sa harap at agad na hinawakan ang palad ko na nasa mesa. " thank you"
pinatong ko ang isa ko pang kamay sa kamay niya. "I'm sorry, I judged you."
"it's okay miss carmela, kamag-anak mo sila at hindi mo naman ako kilala kaya walang rason para hindi ka maniwala sa bibig ni sir ron. That's why I want to thank you for standing up for us. kung hindi natakot si maam jasmine ay baka nakulong na talaga ang asawa ko."
Zander is just eating beside me. minsan sinusubuan niya ako pero pag need ko magsalita hinahayaan niya lang tas susubuan ulit ng food. ganoon ang naging sitwasyon namin habang nag kwe-kwentuhan kami ni miss tess.
Pumayag daw si tita jasmine na sa resto parin sila, siguro ay natatakot din si tita na kapag pinakawalan niya ang mag-asawa ay baka magulat nalang siya wasak na ang reputation nila. Tinaasan naman daw sila ng sahod kasama ng pangako na hindi na mag cross ang landas nila ni tito ron.
I'm happy for her, at least matatahimik na sila , may stable na job at maayos na nila ang marriage na muntik na masira dahil sa tito ko.
Sa mga sumunod na araw ay bumalik na si zander sa pag duty sa hospital kaya naging busy na siya pero hindi naman siya nawawalan ng oras sa akin. Mas madalas pa nga ata siya sa bahay kesa sa kanila.
I felt heavenly and contented until the day of the last trial. I suppose I should be happy at sa wakas matatapos na ang lahat ng ito.
Zander's mom is directly looking at me. I admit there is a little bit of regret in me because that's the mother of my love, but I'm doing this for my tatay.
Nlingon ko ang pamilya ni zander. His father is serious same with ate zam si zerina ay nasalubong ang tingin ko at ngumiti sa akin.
Pumikit nalang ako at nakinig sa sasabihin ng judge.I felt my mother's hand on my hand, squeezing it gently.
walang kapantay ang kaba ko ngayon. Mas matindi pa sa naramdaman ko noong nagbigay ako ng statement sa harap ng jury.
When I heard the word guilty and she's having a 2 years sentence doon lang ako napadilat at tumingin sa mommy ni zander.
Nakatingin parin siya sa akin but this time it's different. I could see regret in her eyes. A tear fell down on my cheek. My emotions were mixed, both happy and sad. I looked at Zander and his family again.
Yakap ng daddy niya sa ate zam while zerina is hold by zander. Umalis kami doon ng hindi ko nakaka-usap si zander. I think that just fine, alam kong malungkot din siya but I also know he understand.Besides, this is the moment we're preparing for.
For a long time hindi kami nag-usap kahit ni isang text wala. Hindi ko din alam kung ano ba ang sasabiihin. My happiness is his sadness. napapahawak nalang ako sa singsing kapag naiisip ko na baka bawiin ito ni zander.
Lumipas ang halos isang buwan ng may kumatok sa bahay. Nasa kwarto ako at nagbabasa ng libro ng pumasok si butchoy na gulat na gulat ang itsura. wala siyang damit pantaas at may nakasabit lang na tuwalya.
"hala ka ate! bakit hindi mo kami sinabihan"
"ng ano?" takang tanong ko.
"nasa baba sila doc!"
"sila?"
Bumangon ako at bumaba. Naka sando at maikling shorts lang ako tutal nasa bahay naman pero pinagsisihan ko na iyon ang suot ko pagbaba.
Nasa sala ang buong pamilya ni zander at may dalang pagkain. Natulala kaming magkapatid sa hagdan. Namula ang pisngi ni nanay sa hiya.
"pasensya na sa itsura ng mga anak ko"
Sinenyasan kami ni ate minda na umakyat at magbihis.
"it's our fault hindi kami nagsabi agad na pupunta kami"
Iyon ang huli kong narinig na sabi ng daddy ni zander dahil tumakbo na ako pabalik ng kwarto.
siksikan kaming lahat sa maliit na mesa, sakto lang kasi ang dinning table namin para sa anim na tao. halos nagbabanggaan ang ang mga siko namin sa sikip.
"bakit hindi ka nagsabi" bulong ko kay zander
"I'm sorry we got busy and the bigla kong naalala hindi pa pala kami nakaka-pamanhikan so dad say tara na and then .. here we are"
"you should have at least text me habang nasa byahe kayo" napapikit ako sa inis
"so carmela" ang daddy ni zander
"p-po?"
"when is the wedding?"
Nahahalata ko na hindi talaga uso sa daddy ni zander ang paligoy-ligoy.
Nilingon ko si zander na kalmado lang sa pagsubo ng cordon bleu. Pinunasan nito ng tissue ang labi bago nagsalita.
"We will start the preparation everything tomorrow, after we visit Mommy, and maybe the wedding will be by the end of the month?"
Naubo ako sa ini-inom dahil nagulat ako sa sinabi niya.
"mommy mo?"
"yes she wants to see you" bulong niya at pasimpleng hinalikan ang ibaba ng tenga ko.
"parang ang bilis naman hijo? mahal ang preparation kapag rush" sabi ni nanay.
"it's okay tita afford iyan ni kuya" ngumiti si zerina na nasa tabi ni nanay. "gusto na daw niya pakasalan si ate carmela bago magbago umatras. alam mo kasi tita ilang beses na nag propose ang kuya ko before sa girlfriend niya pero hindi--"
"zerina" may banta ang boses ni zander.
Natawa ako maging si nanay. giliw na giliw ito sa bunso nila zander. Hinayaan namin na mag-usap sila nanay at ang daddy niya at lumipat kami sa sala kasama si butchoy na kumakain na ngayon ng desert.
"bakit ako gutso akong makita ng mommy mo?"
"are you nervous? kasama mo ako this time"
"ang tagal mong hindi nagparamdam... I thought" unconsciously hinawakan ko ang singsing. "the result of the case change your mind"
"I'm not capable of doing that" hinalikan niya ang kamay ko "How can you think of that when I'm willing to give everything just to have you?" malambing nitong sabi.
biglang tumayo si butchoy na sinundan din ni zander.
"do you want more desert? I can get you"
"h-hindi na po.. kuya. ako nalang"
Ngumiwi ako sa kapatid ko na pinagtaas lang niya ng balikat. hindi ko alam if dahil ba nandito ang family ni zander kaya nahiya siya mag-utos o dahil marunong talaga siya mahiya. Mahina kaming nagtawanan ni zander.
Kinabukasan ay pinuntahan namin ang mommy niya. nakitkit ko ang kuku ko sa kaba. bakit kaya niya ako gustong makita? ano ang sasabihin ko?
hello ma'am! ikakasal na kami ng anak mo sorry at hindi ka makaka-attend.
gusto kong batukan ang sarili ko sa naisip. bakit parang ang sarcastic.
"hi mommy" humalik si zander sa pisngi nito.
Ako, nakatulala lang at parang tuod.
tumingin siya sa akin at huminga ng malalim.
"I heard ikakasal na daw kayo" panimula nito.
Tumango lang ako.
"you know magkikita parin tayo kapag nakalabas na ako dito"
hindi ko man gusto pero may kaba ako sa sinabi niya. pinagbabantaan niya ba ako?
"it's not really my intention hija but maybe the judges were right naging instrumento nga ang galit ko at mga sinabi ko sa nangyari sa father mo"
mahigpit kong hinawakan ang kamay ni zander para sa suporta. Sa maikling panahon ay kita ko na ang pag impis ng pisngi ng mommy niya. baka hindi ito nakakatulog din ng maayos.
"I admit that now. I'm sorry"
napasinghap ako ng malakas. that gives a lot to me parang may airway akong nawalan ng bara at ngayon nakakahinga na ako ng maluwag. ganoon ang epekto ng salitang iyon sa sistema ko.
"I'm sorry for everything. I know hindi maibabalik ng salitang iyon ang lahat ng mali kong nagawa but still for my son sake and for the family you are going to build I want to earn your forgiveness and when I got out I will earn your family forgiveness also."
Nagsimula na siyang umiyak. tumayo si zander at inalo ang mommy niya.
"I hope your father can also forgive me"
"hindi po marunong magtanim ng sama ng loob ang tatay ko ma'am. mabait po siyang tao" pinigilan ko ang maging emosyonal. "hindi po mahirap sa kanya ang magpatawad"
Namumula ang mata nito na tumingin sa anak. "I'm sorry son"
"I will always love you mom" hinagod nito ang likod ng mommy niya.
Hinayaan ko nalang na pumatak ang luha ko. Napangiti ako kay zander at kung paano niya patahanin ang mommy niya.
My father always telling me na maghanap daw ako ng lalaking mahal ang mama niya. sabi ni tatay, malalaman ko kung paano trumato ng babae ang isang lalaki sa kung paano niya alagaan ang mama niya dahil ganoon din siya mag-alaga sa mamahalin niya, with respect and love.
'tay can you see this?
even if his mother has many flaws and mistake that he didn't tolerate. he still like this, loving and respectful.
'tay hindi ako nagkamali ng pagpili. I have the right one.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top