ENTER #50
Puno ng kung ano-anong matamis ang kwarto ko pagbalik ko sa cavite. Sabi ni nanay pinadala daw ni Angela.
Pagkahatid sa akin ni zander ay nag-usap sila ni nanay saglit bago siya nag paalam na aalis na dahil kailangan siya sa kanila.
I texted angela 'thank you' napagaan ng simple gesture niya ang mood ko.
Kinuwento ko sa kanila ang nangyari sa baguio. May luha ang mga mata ni nanay habang tinitignan niya ang sing-sing sa daliri ko. si butchoy tinarayan ako, bakit daw ako nagmamadali pero maya-maya ay nag scroll na sa online shop ng pwede daw suotin sa kasal ko.
My friends are happy and I promised regine na bibigyan ko siya ng panahon para makauwi kapag nagkaroon na ng date ang kasal.
Naging busy kami ni zander sa mga sumunod na araw. Naghahanap na din ako ng pwedeng pasukan pero wala akong swerte ngayon. Mas prefer ng company ang pasado sa board exam.
[wag ka na maghanap, ako na ang bahala sa inyo]
"hala siya! naglalabas lang ako ng inis baka sabihin ng daddy mo papakasalan kita dahil sa pera"
Nasa shop ako ni kezia at nakatambay at tumutulong minsan. Wala siya dito at iyong dalawang part timer lang niya ang present.
[speaking of..]
Nahinto ang pag-aayos ko ng case ng power supply sa estante.
[He mentioned his interest in having dinner with you.]
"kaming dalawa lang?"
[of course kasama ako. Ano date kayo ni daddy?]
"iyong bibig mo talaga nahahawa na sa akin"
[sunduin kita mamaya? or if you're not ready we can reschedule]
Kahit kinakabahan ay umoo ako. His dad is making an opening for us. I can't let that pass. Umuwi ako agad para mag ready. Zander came at exactly 6pm. Parang may nagkakarerang kabayo sa puso ko sa kaba.
I'm wearing a turn down neck long sleeve dress, I have other dress pero gusto kong magbigay ng magandang impression that's why I choose to be formal. Maybe too formal.
Unang nakita ko pagdating namin sa restaurant ay si zerina. Ngumiti siya agad sa akin, nandito rin si ate zam. Kahit papaano ay nabawasan ang kaba ko na hindi lang pala kaming tatlo ang mag di-dinner.
"let me see the ring"
kaka-upo ko palang ay hinatak na agad ni zerina ang kamay ko.
Nakatingin din si ate zam, medyo magaan na ang awra niya ngayon.
Gusto ko sana sabayan ang pagiging makulit ni zerina parang hindi siya naglayas sa asta niya kaso seryoso ang mukha ng daddy ni zander.
"Dad, this is Carmela, my fiancée."
"good evening po"
Kabado akong ngumiti sa daddy ni zander. I hope hindi siya katulad ng asawa niya.
Dumating ang order nilang steak. Bago pa kasi kami dumating ay nakaready na ang mga kakainin. Hindi ko mahiwa ng ayos ang karne maski konting ingay ay natatakot akong gawin.
" you still going to marry my son despite what happened?"
Naibaba ko ang kubyertos ng magsalita ang daddy ni zander.
"yes sir!" sagot ko na medyo malakas
Natigilang silang lahat sa pagkain ng sumagot ako. Napangiwi si zerina si ate zam naman ay umubo at parang natawa si zander ay nilingon ako na hindi makapaniwala na gusto akong tawanan. ang daddy naman niya lumingon lang sa akin saglit tapos bumalik sa pagkain.
Nakatingin din ang nasa kalapit namin table.
pasensya na kabado lang!
"I know the details masyadong proud ang anak ko magkwento"
Ngumiti si zander sa akin na parang bata. Proud talaga siya.
"about the case" nanginig ang boses ko pero alam kong kailangan iyon pag-usapan. "about your wife.."
"I'm not going to give you any hope about that hija. I'll let the judges decide.. Makulong man siya hindi iyon magiging matagal"
Hinawakan ni zander ang hita ko. I don't know what he wants. Does he want me to stop talking or is he just comforting me?
"But regardless of what's going to happen, I want to say sorry."
Hindi ko inaasahan iyon.
"My wife can be very persuasive and stubborn with our children since her reputation has been stained. I realized I gave her too much power in this family that she ruined almost every one of my children. Nevertheless, I love her and I trust her, but what she did was wrong. I admit that."
Halos wala ng kumakain sa amin maliban sa daddy nila. Nawalan ako ng gana dahil nanuyo ang lalamunan ko sa nagbabadyang pag-iyak. that sorry felt good.
"We are doctors. We vowed to use our knowledge for the greater good. I'm sorry about your father."
Zander intertwined our fingers nawala na ng tuluyan ang kaba ko at napalitan ng kahit papano saya. Sa takbo ng usapan namin ay mukhang mas better kausap ang daddy niya kesa sa mommy niya.
"kailan niyo balak magpakasal?"
"after the case"
tumingin ito kay zander "have you told your mom?"
tumango si zander "yes"
Nanlaki ang mata ko. panigurado kinakatayan na ako ng mommy ni zander sa isip niya.
"did she gave you the blessings you badly needed" sumulyap ito sa akin bago kay zander at bahagyang ngumiti.
"she didn't have a reaction"
"too bad she didn't gave you her.. blessing"
"dad stop it"
Mahinang tumawa si ate zam si zerina sa akin lang nakatingin at nakangiti.
sumimsim ng wine ang daddy ni zander "I have something thing do, zander can we have a moment before I go"
Tumango si zander at sabay silang tumayo ang daddy niya, hinalikan niya ang ulo ko bago umalis. Tumango lang sa akin ang daddy niya at naglakad palayo.
"finally! magkakaroon na ng katahimikan ang bahay" lumipat si zerina sa tabi ko. sa kinauupuan ni zander kanina.
"wala kang karapatan mag reklamo zerina"
sumimangot ang kapatid "sorry na ate!" bumaling ito sa akin "hindi niya pa ako napapatawad"
"zander can't shut up and leave daddy alone hanggat hindi niya binibigay ang.. blessing niya sa kasal niyo" nakangisi si ate zam sa akin.
Uminit ang pisngi ko. I never thought Zander will literary pursue them for our blessings.
"araw-araw! umagahan! tanghalian! hapunan! rinding rindi na ako kay kuya!" reklamo ni zerina "nanawa na rin si daddy kaka ignore sa kuya ko at pumayag sa dinner na ito"
Napangiwi ako. Nai-imagine ko si zander na sunod ng sunod sa daddy niya. a 32 years old doctor na parang bata na may hinihingi sa magulang.
"mommy would be very mad. very.. very.. very.. very mad"
Nagkatinginan sila ng ate niya at sabay na napailing.
"but don't worry" puno ng pag-aalala ang mata ni zerina at seryosong-seryoso ang bose pero sa isang iglap naglaho iyon nang ngumiti siya ng nakakaloko "kokonsensyahin namin siya every day! promise! hanggang sa marindi narin siya katulad ng ginawa ni kuya"
Nabilaukan si ate zam, ako naman napanganga. Masayang masaya siya habang nagku-kwento sa nangyari ng lumayas siya. Kahit masama na ang tingin sa kanya ng ate niya nakikitaan ko iyon ng saya na nandito na si zerina.
Hindi na siya bumalik sa upuan niya kahit bumalik si zander. Walang nagawa ang ang kuya niya kundi umupo sa harap ko, hinawakan niya ang isang kamay ko na nakapatong sa mesa habang nakikinig lang din kay zerina.
Niyakap ako ni zerina bago pumasok sa kotse ng ate niya. Ngumiti lang ako kay ate zam dahil pero niyakap niya din ako.
"welcome to the family" bulong nito.
Masaya kong pinagmamasdan ang bawat nadadaanan namin.
"si mommy nalang"
Halata sa boses niya na masaya siya. mission success!
"paano kung lalong nagalit ang daddy mo sa ginawa mo"
Kinuha niya ang kamay ko at hinalikan iyon.
"I know my dad, he's a very sweet man kanino sa tingin mo ako nagmana."
Hinalikan niya ulit ang kamay ko, pataas sa braso ko sabay hila pa sa akin kaunti para mahalikan niya ng mas angat pa. Natatawa akong nagpatianod.
Nakatukod ako sa hita niya at hinayaan lang siyang humalik pa, huli niyang hinalikan ang ibaba ng tenga ko bago niya ako binalik sa kinauupuan ko. Sinadya kong mahawi ang hita niya at ang bagay na nandoon.
Ngumiti ako ng matagaumpay sa landian namin.
"yari ka talaga sa akin" banta niya na tumatawa.
"ginagawa iyan doc!" asar ko.
Sumulyap siya sa akin at ngumisi. hinagod niya ng tingin ang buo kong katawan at ng magtama muli ang mata namin, tinaas niya ng tatlong beses ang kilay. Tinawanan ko lang ang mga nagbabanta niyang tingin.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top