ENTER #48
Humarang ako sa pagitan nila kaya naiwan sa ere ang kamao ni Poseidon. May sugat ang gilid ng labi nito dahil sa malakas na suntok ni zander.
"tumabi ka naka isa sa akin iyan eh! iisahan ko lang!" puno ng inis ang boses niya.
Akala ko ay dadaluhan ako ni johny pero huminto siya sa gilid at pumamewang. Nakangisi ito na parang joke lang ang lahat, inirapan ko siya. Sabi niya kasi hayaan muna ito tuloy ang nangyari.
"Why are you still with him? Sinabi sa akin ng kapatid mo lahat ng nangyari" naningkit ang mat anito "hindi ka ba nakokonsensya?"
Hinawakan ni zander ang kamay ko at hinila ako sa likod niya, shielding me from Poseidon sight. "Look who's talking about conscience"
"ano bang pinag-usapan niyo?" bulong ko kay zander.
"You told me that I'm selfish and I don't deserve her, but look who's talking doc!" he is pacing back and fort "nirespeto ko na may boyfriend siya noon and then there's you! I supported her in every way until you two broke up!"
Jonhy is just watching us, na para bang nanunuod siya ng shooting. Tinignan ko siya ng masama but he just mouthed 'they need this'
"Carmela I tried my luck. I know you don't like my way, but I still try and.. I really meant it when I said my goodbyes, but this!" nakaturo siya kay zander na may pangigigil "His mother has harmed your family! How can you be okay with that? You should despise them! him!"
"wag mong pakialaman ang mga bagay na wala ka naman alam at kinalaman" humigpit ang hawak sa akin ni zander alam kong naapektuhan siya sa sinabi ni poseidon.
"I came back the moment your brother told me the story!"
"Then go back to wherever you came from, ihahatid pa kita sa airport"
hinagod ko ang likod ni zander para pakalmahin siya. he relaxed and sighed.
tinignan ako ni poesidon at huminga ng malalim, pumamewang, pumikit ito at kinakalma din ang sarili. "i'm sorry"
I looked again at johny na kay posiedon nakatingin. Nilapitan niya ang kaibigan ko at tinapik ang likod.
"I'm sorry" direkta nitong sabi kay zander at naglahad ng kamay.
Akala ko hindi tatanggapin ni zander ang kamay niya but he shake his hand. Nakahawak padin ang isa niyang kamay ni zander sa akin pero hindi na ganoon kahigpit.
"Nakikiramay ako" si poseidon ang unang lumapit sa akin. "sorry for being emotional"
yayakapin niya sana ako pero inawat siya ni zander.
"Not yet" umiling ito at nilayo si poseidon "I still haven't moved on with your date."
Pinaliwanag sa akin ni poseidon na hindi niya intensyon gumawa ng gulo pero totoong nagalit siya sa kinuwento ni butchoy tungkol sa nangyari kay tatay. Nagkausap narin pala si johny at poseidon kanina habang on going ang hearing kaya pala kalmado ang hunghang kay poseidon.
Magkasama daw silang naka-upo sa likod at ng malaman kung ano ang pinunta ng isa't isa ay nagkwentuhan na sila.
"alam kong hindi naging maganda ang dahilan bakit tayo naghiwalay ng landas but I was hoping you will tell me carmela, I genuinely care for you."
We are now sitting in a restaurant. zander is beside me still holding my hand at walang minuto na bumitaw siya. Tinawanan lang ako ni johny bago siya umalis dahil kabado daw ako. binatukan ko nalang siya.
"anung plano niyo?" tumingin siya kay zander "I know Carmela's family hindi maliit ang pangunawa nila but how about your family doc?" may hamon nito.
"they will understand"
Napayuko ako, that's gonna be hard but I will trust zander more than ever. we will fixed this together, we will fight together.
"paano kung hindi niyo sila mapapayag?"
"hindi ka parin papasok sa eksena" mabilis na sagot ni zander.
Siniko ko siya, tumawa ng malakas si poseidon sa inasal ng boyfriend ko.
"Doc no offense pero kung wala akong respeto kay carmela 1st year palang kami nangulit na ako, umabang na ako. I only tried it once dahil nakita ko siyang umiyak dahil sa iyo. I thought you gonna be just like her ex"
I give him a small smile. It's still the same; he's still the same protective friend I have even if we have a difficult path.
"sorry for the punch"
"Doc, I understand. I'm sorry for insulting you."
tumungin ako kay zander. gusto ko malaman ang pinag-usapan nila.
"umuwi ka para sa akin?"
Nilingon ako ni zander with a warning look. Now I realize it sounded different from what I meant.
"One of the reasons why, but mainly because my mother had a problem with her... it's family." tumango ito sa akin.
Naiintindihan ko.
I wish Pseidon peace with her mom. kahit ilang beses siyang magreklamo sa dami ng nagiging ka-relasyon ng mommy niya, siya parin ang unang tumatakbo pauwi kapag nagkaproblema.
hanggang nasa byahe na kami ay hawak parin ni zander ang kamay ko. Hinihila ko na nga dahil medyo malagkit na.
"bibitawan lang kita pag naiuwi na kita"
Tumingin ako sa labas "eh doc hindi naman pauwi sa amin ang dinadaanan natin, papunta sa bahay mo sa tagaytay"
ngumisi siya "exactly"
He was totally fine until we got to his house. Sakit na sakit ito sa kamay niya at dina-dramahan ako na baka manginig siya kapag may inoperahan.
"patingin ako"
sinuri ko ang kamay niyang pinangsuntok kay poseidon okay naman iyon. Sa laki ng mga buto ng kamao niya ay paniguradong kahit hindi malakas ang pagsuntok masakit padin.
"it hurts" parang bata nitong sabi.
Nakaupo kaming dalawa sa sofa, umorder siya ng makakain at naghihintay nalang kami.
hinaplos ko ang masakit daw niyang kamay "should I blow it" sinakyan ko ang trip niya.
Ang inaasahan ko ay mag-aasaran kami pero natahimik ito, maya-maya ay namula. Bakit siya namumula hanggang tenga?
"y-yeah if you want to" the way he says it is softer, I know he's requesting something.
bumaba ang ulo ko na nakatingin parin sa mga mata. Napalunok ito at parang hindi naging komportable sa inu-upuan.
hinipan ko ang likod ng palad niya ng dahan-dahan. tipo ng ginagawa ng mga magulang sa anak nila pagnagkasugat. ginawaran ko pa iyon ng halik.
"better?"
He blinked twice before licking his lips. Hinila niya ako para yakapin ng mahigpit. huminga siya ng malalim "Y-yeah, better, we should hug instead of you b-blowing it."
Nanatili kaming magkayakap sa isa't isa hanggang may kumatok. Ako ang tumayo para buksan ang pinto baka ang delivery na ito.
nagkagulatan kami ni ate zam pagbukas ko, lumapas sa akin ang tingin at napabuntong hininga.
"Zander" ma-awtoridad nitong tawag. " dad is in my house. He is looking for you."
Lumapit si zander sa amin at hinawakan ang siko ko. "We'll go there."
"no, just you" sa akin nakating si ate zam. "carmela, let's talk"
"I'll stay ate"
"It's fine, go"
Naga-alinlangan ito, nginitian ko siya para ipaalam na ayos lang ako. tumango siya at lumakad papunta sa bahay ng ate niya. Even if we are fighting together, he needs to know that I can fight alone. I'm brave enough to handle this.
"dad knows about your relationship. walang tinago si zander sa amin tungkol sa inyo"
Wala ako sa posisyon para kiligin pero hindi ko mapigilan mapangiti. he's proud of us.
"but this is not the right time"
her authoritative voice swipe that small happiness in me.
"I know you love each other, but can't you wait until everyone moves on? My mother is still on trial; my sister is missing. I know it's not your fault, but.. " She wipes the tear from her cheek.
I understand her. she's stress.
"the last time you ask a favor pinagbigyan kita. Ate zam, we are taking slow hindi lang kayo ang hindi pa nakaka move on. but I know my father, he will not deprive me of this happiness."
Hinilot nito ang sintido. Namumugto ang mga mata ni ate zam. walang pagdadalawang isip na niyakap ko siya. she melt in my arms.Like she said, she's not against us. But I know being the eldest child has its pressures and she's at that point right now.
Nadadamay lang kami.
"I understand but also give us some understanding. mahirap din po sa amin ito."
she hug me back.
"dad doesn't want to see you"
"okay po"
We let go, and I wiped a few tears from her cheek.
"He doesn't like the idea that Zander is still dating you, but he also understands that my mom did something terrible. Just give him time. He loves her."
pinahatid ako ni ate zam sa driver niya. I just texted zander. ayuko lalo kami ma-bad shot sa daddy niya. he disagree and insist na siya na maghahatid sa akin but I also insist na kunin muna namin ang loob ng daddy niya.
Hine-hele ni butchoy ang anak niya pagdating ko. after texting zander na nasa bahay na ako ay naglinis na ako ng katawan.
"butchoy" tawag ko sa kapatid ko pagbaba ko sa sala at nanunuod siya ng tv. Tulog na siguro ang mag-ina niya.
"hmmm?"
naka-upo siya sa sofa at nakataas ang isang paa. Nilapitan ko siya at yumuko para yakapin. pinulupot ko ang braso sa leeg niya.
"bakit? wag mo sabihin nag break na kayo ?" may pag-aalala sa boses niya.
unti-unti kong hinigpitan ang pagkakayakap sa leeg niya. Hinampas niya ang braso ko ng remote.
"bakit hindi mo ako sinabihan na nagkaka-chat pa kayo ni poseidon ah!" madiin kong sabi halos umigting na nag panga.
"nanay si ate! hmmp!!" sigaw nito pero tinakpan ko ang bibig niya.
sapat lang naman ang sakal ko nakakahinga pa siya. kaya naman niya ako labanan pero alam niyang may kasalanan siya.
"nagkita kami kanina muntik pa silang magsuntukan ni zander"
"hmmmp!!!!"
finaly binitawan ko siya, habol ang hininga niya. tumayo siya at tumakbo sa hagdan na agad kong hinabol. magsusumbong siya kay nanay.
"ang laki-laki mo na pa-baby ka pa! oy! may baby ka na kaya!" pinaghahampas ko ang braso niya ng maabutan.
Tumatawa siyang umikot at niyakap ako para hindi ko na siya mahampas. Tiningala ko siya, dati lang ay mas matangkad ako sa kanya pero simula ng nag-sixteen siya nagsimula na siyang mas lumaki sa akin.
"sorry na hindi ko naman alam na pupunta siya dito! sorry ate!"
Bumalik kami sa sala at parehong umupo sa sofa. Nanunuod pala siya sa shopping channel. Nagluto siya ng fries pang peace offering daw niya sa akin.
"okay ka lang?" tanong niya sa pananahimik ko.
Tumango ako pero sa totoo lang ang gulo-gulo ng isip ko. Normal naman ito dahil hindi biro ang pinagdadaanan namin ni zander.
"sabi nila wag ka daw madi-disyon pag magulo ang isip mo, kaya nga hindi na kami dumadagdag ni nanay sa strees mo eh"
zander texted me , asking me ano ang pinag-usapan namin ng ate niya. I told him it's nothing to worry about.
that night hindi ako makatulog. nakatulala lang ako sa kisame. I checked the time it's almost 3:30am
I know I'm all in with zander. I decided to give everything but when ate zam told me that his father doesn't like me. bigla akong napaisip. paano si zander kapag nag-away sila ng daddy niya dahil sa akin? ayukong mangyari iyon.
Ma-guilty ako kapag nangyari iyon.
I feel suffocated again. Gusto kong takasan ulit ang lahat ng nangyayari sa akin ngayon. latang lata na ako sa stress. I know I have to be here for my family during the trial but at least I have a few days para mawala sa reality. Just for a moment I want to escape reality.
Bumangon ako at kinuha sa cabinet ang nakatago kong backpack. This time I prepare properly. bandang alas kwatro ng bumaba ako at nagkakape na si nanay at ate minda. Natigilan silang dalawa ng makita ang malaking bag sa likod ko.
"saan ka pupunta?" takang tanong ni nanay.
"magpapalamig lang po ako 'nay. Magliliwaliw lang ako. babalik ako mga after ng tatlo o apat na araw."
May humila ng bag ko sa likod at nakita ko si butchoy na pupungas-pungas pa sa antok. Maaga nga pala ang pasok nito ngayon.
"saan ka nga pupunta bakit ang laki ng bag mo"
"sa baguio po" sagot ko.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top