ENTER #47
"I'll wait here" hinalikan niya ako sa noo bago ako bumaba ng sasakyan.
Nginitian ko si zander at kinawayan.
I'm nervous, but I need this. I told my mother about this at gusto rin niya ang plano kong pagkausap sa mommy ni zander sadyang hindi lang siya sumama dahil baka magdilim daw ang paningin niya.
I've never seen my mother being violent before, so maybe it's a wise decision na hindi na siya sumama.
I was texting Zander while waiting when she entered the room. Taas noon ako nitong tinignan, walang bahid ng pagsisisi. Napabuntong hininga nalang ako.
"I am not expecting a visit from you."
Walang pinagbago ang itsura nito at mukhang di rin naman siya nahihirapan.
"mukhang vip po kayo dito ah" hindi ko mapigilan sabihin.
"what do you what hija" umiiling ito at tila nauubusan ng pasensya. "hindi pa ba sapat na dinumihan mo ang pangalan ng pamilya ko at talagang naisip mo pang makipag balikan sa anak ko."
Nanatiling matapang ang boses niya, seryoso at mataray.
"meron na po pala kayong kaso dati" panimula ko.
doon lang nagbago ang itsura niya, lumambot ito ng kaunti at tila may naalala.
"A child died."
'her intension were good. outpatient iyong bata and sa kahirapan walang pambili ng gamot , you know that sample medicine na binibigay sa mga doctors right? She gave one of those but it didn't work out. Eventually, the child died.'
May nabanggit noon sa akin si zander na nagkaproblema ang mommy niya sa field kaya sinabi ko iyon kay johny dahil baka makatulong. iyon ang kwento sa akin niya sa akin sa research niya tungkol sa past case ng mommy ni zander.
'combined by grief sumubok kasuhan ng pamilyan si Doktora. hindi niya iyon pasyente pero nagbigay siya ng gamot but later on inurong ang kaso dahil na-areglo naman and the issue was never talked about again, as if it never happened.'
"I know your just helping them"
"what's your point" kontrolado na ngayon ang boses niya, she's serious but plain.
"you made a mistake before hindi na kayo natuto"
umahon ang galit sa aking dibdib na may kasamang lungkot at kagustuhang manakit pero hindi ako nagpaapekto dahil gusto kong matapos ang usapan na ito ng maayos.
"Did you even say sorry sa pamilya ng bata?"
"Are you expecting an apology from me?"
"I'm expecting you to be human" kahit masakit ay wala na akong maiiyak pa "na may emosyon , na marunong mag-isip, na kayang humingi ng sorry !"
"I'm not the one who killed your father! hindi naman ako ang doctor niya, napakulong mo na ang isang iyon hindi ba?"
Nanghihina akong napasandal sa mono block.
I came here to know her side but also to give her the benefit of the doubt. nanay siya ng lalaking mahal ko at minsan sumagi sa isip ko noo kung paano ko makukuha ang approval niya but now..
"you hate me that much?"
"You will never be good enough for him."
Aminim ko man o hindi nasaktan ako sa sinabi niya. Saglit na nagtubig ang mata ko kaya pumikit ako at huminga ng malalim para lumiwanag saglit ang isip ko.
"he deserved someone else! hindi ikaw! hindi tulad mo! tignan mo nga sarili mo, magpapabigat ka pa sa buhay ng anak ko at wala kang matutulong sa kanya! wala kang ipagmamayabang sa akin na kahit ano! I always wanted my daughter in law to be a doctor. someone like ---"
"and he doesn't deserve you as a mother" sabat ko.
natigilan siya pero agad din tumapang ang mukha.
Tumayo na ako at tinalikuran siya. Kahit kaunti ay wala akong makitang awa sa mata niya. Mabigat ang loob ko sa paglabas.
Tahimik akong sumakay sa kotse ni zander. agad niya akong niyakap and automatically gumaan ang pakiramdam ko.
paanong demonyo ang ina pero ganito kalambing ang anak.
"Close your eyes"
I obeyed.
Marahan humahaplos ang daliri niya sa magkabila akong pisngi. Hinalikan niya ang noo ko pababa sa dalawa kong mata sa ilong at huli ay isang marahang dampi ng halik sa labi.
"What are you doing?"
"Niriritwalan kita"
Matunog akong natawa pero kasabay din noon ang pag agos ng luha ko kahit pa nakapikit ako.
"I know ipag-overthink mo ang sinabi niya"
Isang halik sa kaliwa kong pisngi
" I know nasasaktan ka makita mo palang siya"
Isang halik sa kanan pisngi
"I will not tell you that it's going to be okay for now because I will not invalidate your feelings. Cry all you want, my love."
Ilang segundong halik sa noo.
"But I want you to know that no matter what happened" he pause for a few second, pinunasan nito ang basa kong pisngi. Tahimik lang akong umiiyak at hinihintay ang kasunod niyang sasabihin.
"Ilalaban kita hanggang sa huling patak ng dugo ko at huling function ng respiratory system ko"
Dumilat ako nang tumatawa sabay hampas sa dibdib niya.
"Ang corny mo talaga mag pick up line"
"Kinikilig ka parin naman"
" Kasi mahal kita"
Matamis niya akong hinalikan sa labi at nagpaubaya ako agad. Kahit papano ay gumaan ang mood ko sa panlalait ng nanay niya.
---
3pm ng matapos ang sumunod na hearing this time kasama na namin si butchoy na may hindi mapaliwanag na ngiti. Kanina ko pa napapansin ang tingin niya sa akin.
"ate may naghihintay sa iyo sa labas, mauna na kami ni nanay ah"
"sino?"
lalong lumawak ang ngiti niya pero hindi na nagsalita at hinila na ang nanay ko paalis. Lumakad ako palabas at agad na ngumiti sa nasalubong.
"johny!" tawag ko sa lalaking kagalang galang ang itsura. Naka puting longsleeve at kurbata pa ito.
"kilala mo ang kapatid mo?"
"ha?"
"sabi niya kasi may naghihin... tay" bumagal ang salita ko sa lalaking nakatingin sa amin ni johny ngayon. "anong.. ginagawa mo dito?"
Nilingon din ni johny ang tinitignan ko.
"oh shit! di ba siya iyong" nanlalaki ang mata nitong tumingin sa akin.
bagot akong tumango ang exaggerated ng expression niya akala mo talaga nakilala niya ng personal si poseidon.
"I heard what happened. Sorry if I'm late."
siya pala ang tinutukoy ni butchoy. Kaya pala iba ang ngiti ng batang iyon.
Lumipat sa likod ko si johny at bumulong "akala ko ba hindi na iyan babalik"
"and you are?" seryosong tinignan ni poseidon ang lalaki sa likod ko "is he a new friend or.."
dinakma ni zander ang batok ni poseidon na parang pusa "let's talk" nakita kong madiin nitong paghawak at hila si poseidon paalis.
Nanlalaki ang mata ko. susundan ko sana sila pero inawat ako ni johny.
"Let them" tango nito na parang wala lang ang nangyari. "samahan mo nalang ako kumain may nakita akong minute burger sa malapit"
aangal sana ako pero tumunog ang sikmura ko, gutom din ako.
"how are you?"
"Okay naman"
sabay kaming kumagat ng burger. ang tagal ko ng hindi nakakakain ng minute burger, angels burger lang afford ko these days.
"You should've told me the whole story" medyo may tampo nitong sabi.
"Ikaw kaya nagbigay ng abogado sakin"
"Yes cause you said you need it late ko nalaman anung case you have my phone number sana manlang nakadalaw ako"
halos tatlong kagat niya lang ang burger at nasa pangalawa na siya ngayon samantalang ako wala pa sa kalahati.
"Nakatulala lang ako sa mga panahon na iyon johny wala ako sa sarili"
"Comfort comes in two ways: words and action. Sometimes you just need a warm embrace to feel that you have someone. " niyakap niya ako di naman ako pumalag ng ilagay niya ang ulo ko sa balikat niya.
I know he look at me as his sister , na hindi pa siya nakaka move on sa pagkawala nito ayuko maging dependent siya sa ganoon.
"I'm not her" ulit ko, at lagi kong sinasabi.
"Tsk... Just.. panira ka walang hiya ka"
Natawa ako.
"update me, simula ng hindi ka na napasok sa resto na iyon ayaw mo na ako halos kausapin. bad ka"
Bigla ko naalala sila miss tess. Pinakiusap ko sa kanya na alamin anung nangyari, walang angal naman niyang ginawa.
"ano nga palang balita?"
kumindat siya "okay na sila, inatras ng tito mo ang kaso"
"mabuti naman, hindi na ako nakibalita sa kanila dahil naging busy ako"
"ayos lang iyan ang importante natakot mo tito mo"
Sabay kaming naglakad sa parking lot para hanapin kung nasaan na iyong dawala. Natigilan ako sa paglalakad ng mapansin ang dalawang lalaking nag-uusap sa may dulo.
Tumigil din si johny at sinundan ang tingin ko.
Nakapamulsa si zander at walang emosyong nakatingin kay poseidon. Parehong nakataas ang noo ng dalawa at parang nagpapataasan ng angas.
"Sabong" bulong ng katabi ko.
"Anung sabong hindi naman sila manok."
"Pareho naman silang may cock kaya cockfight" aniya sabay tawa.
Nagtatawanan pa kami ng biglang nagsuntukan ang dalawa, sabay kaming napatakbo para umawat.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top