ENTER #44

^_^v; pasensya na kung matagal na naman ako mag update sobrang busy.

---

' I love you gurls'

I press the send button. kanina pa ako nag-iisip sa mga susunod kong gagawin pero gulong-gulo ako. Wala pa akong tapang buksan ang liham ni tatay kaya kinuha ko ang phone ko at nag chat sa group chat ng dormers.

'tara shot?' - kezia

'call habang nag sho-shot malayo ako pero sasabayan ko kayo hahaha' - regine

'tara shot!' - angela

'luh gagi! true ba 'to? si angela magsho-shot?' - regine

I don't say I love you often kaya pag nag chat ako ng ganoon alam nila may mali. napangiti nalang ako sa asaran nila sa group chat.

''tara set!' - kezia

'kakaiba talaga tayo hahaha' - regine

'di tulad ng ibang babae na shopping or movie ang bonding tayo inuman' dugtong ko sa chat ni regine.

'mga lasenga' - angela

'wow ha! pag nainom lasenga agad' - regine

'charot lang! set na!' - angela

'lalakas ng loob mga hindi naman natagal' - kezia

' I miss you gurls' reply ko

Pinikit ko ang mata ko sinubukan makatulog. Gumugulo sa isip ko lahat ng nangyari ngayon araw, si miss tess at ang katotohanan sa likod ng galit ni tito ron , mas lalo na nag confession ni nanay hindi ko alam anong una kong gagawin kaya napabuntong hininga nalang ako. pero marahil masyado akong pagod kaya hinila rin ako ng antok

--

Ala siete na pero nakatulala lang ako sa kisame. ang pinagpasalamat kong agaran pagtulog ay pinagsisisihan ko na dahil kung gaano ako kabilis nakatulog ay siya naman aga kong nagising. 4am palang binabagabag na ako sa dapat kong gawin sa buhay ko.

minsan talaga hindi mo na kailangan ng alarm, problema sa buhay na ang gigising sa iyo.

first step, I have to be honest.

I can't solve anything if I'm not going to be honest with the details. And if I can't be honest with myself, even if it hurts, I have to tell them the truth.

Bumaba ako na naka-ayos na para umalis, naabutan kong nag aalmusal sila nanay. nandito na ulit sa bahay si carla pareho na silang nakauniform ni butchoy habang si calder naman sinusubuan ni nanay ng champorado.

tumayo ako sa dulo ng lamesa at lahat sila napatingin sa kain.

"'nay bakla po ang kapatid niyo"

napanganga si nanay, nanlaki ang mata ni carla habang si butchoy naman nabitawan ang kutsara niya.

"wala pong problema doon pero may ginawa po siyang masama dahil sa selos" dugtong ko.

"ate" hindi pa nakakabawi si nanay ng magsalita ulit ako.

"kabit din po siya"

wala na atang humihinga sa kanilang tatlo. napalunok ako at biglang nawala ang tapang.

"k-kaya po... k-kailangan may ... ano po kasi 'nay.. may pinakulong siya"

Nalipat sa kumatok ang tingin nilang tatlo, nilingon ko ang pintuan kung saan nandoon si ate minda na may hawak na walis at nakatulala sa akin. Nanlaki ang mata ko sa babaeng katabi niya, si tita jasmine.

"pwede ba tayo mag usap?" agad na sabi niya sa akin.

Inaya siya ni nanay mag-almusal pero tumanggi ito, Hinainan ko siya ng kape sa sala. Tahimik lang akong naghihintay sa gusto niyang pag-usapan.

"kamusta naman kayo"

"ayos naman po"

tumabi sa akin si nanay, si butchoy at carla naman ay nagpaalam na papasok na.

"carmela, hindi mo naman talaga gustong hawakan ang resto hindi ba.."

walang nagsalita sa amin ni nanay. oo at hindi ko nga gusto dahil may iba akong gustong gawin pero malaki ang natulong ng resto for our finances.

"binabawi ko na ang resto. ipapahandle ko siya sa pamangki ko, mas mahahawakan niya iyon ng mabuti dahil business graduate siya. salamat sa lahat ng natulong mo" nakangiti ito pero halata mong peke.

"ganoon na lang iyon jasmine? pinag resigned niyo ang anak ko sa trabaho niya para sa resto niyo tapos ganoon na lang iyon?"

Hinawakan ko ang kamay ni nanay, medyo tumaas kasi ang boses niya. Hindi parin nawawala ang pekeng ngiti ni tita jasmine.

"pwede naman siya maghanap ng panibagong trabaho at tsaka may makukuha naman siyang... parang back pay sa resto."

Naningkit ang mata ko. Kahit may pagkamataray ang pagkakasabi ni tita ay hindi nakalampas sa akin ang kaunting nginig sa boses niya.

"si tito ron po ba ang may sabi na alisin nalang ako?" 

Nagpanic ito ng bahagya pero agad na nakabawi. Hindi ko mapigilan ang inis ko, siguro alam ni tito ron na magkakalkal ako once na nalaman kong pinakulong niya si miss tess. ayaw niyang may malaman ako.

"ano po bang sabi niya sa inyo?" 

"wag kang magalit hija, sadyang mas may marunong humawak sa iyo pagdating sa mga ganitong bagay" 

Lalo akong nainis sa boses niyang bait-baitan. noon pa man ay hindi na niya ako gusto. Palagi kasing napag co-compare ang mga anak niya sa amin lalo kapag nakakakuha ako ng mataas na marka.

kasalanan ko bang bobo ang mga anak niya at puro barkada lalo noong senior high pa kami.

"bueno! wala naman kaming magagawa kung iyon ang gustong mangyari ng kapatid ko"

Alam ni nanay na mahihirapan kami sa mga gastusin sa bahay habang naghahanap ulit ako ng trabaho.

tatayo na sana si tita jasmine pero pinigilan ko siya.

"saglit lang tita" nilambingan ko ang boses ko.

Sa loob-loob ko ay nandidiri ako maging si nanay napangiwi. But I won't be silent, especially not like this. I am not easy.

Tinakbo ko ang kwarto at kinuha ang short brown envelope. Pekeng ngiti akong bumaling kay tita habang pababa ng hagdan.

Tito ron, pamilya tayo at sorry sa gagawin ko pero hindi po magandang gawain na mang-gago ng kapamilya.

"alam niyo po bang may kabit ang asawa niyo" taas noon kong binalita sa kanya.

nanlaki ang mata ni tita jasmine at nahihiyang lumingon kay nanay. si nanay naman puno ng warning ang mata pero mas maldita ako ngayon.

"kung ano man ang nagawa ni ron noon, pinatawad ko na siya."

I mouthed a big 'ohhhh'

"at nasa kulungan na ang kabit niya" mas mataray na sabi ni tita jasmine.

hindi sinasadyang napangiti ako. pang asar na ngiti.

"ahhh... hindi po iyon ang kabit niya! infact! siya po ang kumabit kasi siya ang nag initiate!"

tumabingi ang mukha sa lakas ng pagkakasampal niya sa akin pero mas natulala ako ng mabilis na tumayo si nanay at sinampal siya.

"wala kang karapatan saktan ang anak ko" may diin ang bawat salita ni nanay.

"buksan niyo po" inabot ko sa kanya ang brown envelope.

halos masira ang papel ng binuksan niya. bakas ang gulat sa mukha nito ng makita ang nasa loob.

Nang makiusap sa akin si chef na tulungan si miss tess, binigay niya ang isang damakmak na picture nila ni tito ron hindi daw niya akalain na magagamit niya ang same tactics na ginamit ni tito para mapanatili siya.

"ebidensya na hindi nambabae ang asawa mo kundi nanlalaki at hindi pa ginusto ng lalaki niya makipag relasyon sa kanya."

maging si nanay ay lumapit para makita ang mga pictures.

"hindi po si miss tess ang kabit ng asawa niyo, iyong asawa niya."

"photoshop ito ano!?  alam mo mga ganitong bagay eh! dahil sa course mo"

Pinigilan ko ang sarili ko na paikutan ang mata ko. "hindi po tinuturo sa engineering ang photoshop"

Kinuha ko ang phone at pinarinig ang recording na binigay  sa akin

"kapag hindi ka pumayag ipapaalam ko sa anak mo kung anong meron tayo"

Namutla si tita jasmine dahil walang duda na boses ng asawa niya iyon.

"sabihin niyo po kay tito ron na iatras ang kasong gawa-gawa niya kay miss tess"

Tinarayan ako ni tita pero hindi ako nagpatinag. 

"Wala akong hinihiling na kahihiya sa pamilyang ito pero wag kayong mandamay ng ibang tao dahil lang hindi niyo kayang kontrolin ang sarili niyong mundo. Buhay ng iba ang sinisira niya dahil lang sa buhay na gusto niya pero hindi niya makuha. "

Parang may gustong sabihin si tita pero hindi niya tinuloy, alam kong kahit maldita siya alam niyang tama ako. umaasa nalang ako na iatras talaga ni tito ron ang kaso, ayuko rin naman na lumaki ang gulong ito.

"Mag out siya okay lang naman kung bakla siya. Tapos hiwalayan ka niya tutal maldita ka naman"

Galit na galit na umalis si tita jasmine sa bahay, pero alam kong hindi para sa amin ang galit na iyon. Sinisigawan na niya ang kausap sa telepono habang sumasakay sa kotse nito.

Wala naman akong choice kundi bitawana ang resto, hindi naman amin iyon. Hindi na ako nagbihis at nagpaalam na kay nanay na aalis.

Pasakay palang ako ng tricy ng mapansin ko ang isang puting kotse sa kanto namin, hindi ko nalang pinansin.

Nagulat si kezia ng bigla akong dumating sa shop niya, ang tagal ko ng hindi nakakadalaw dito naka aircon na pala ang lugar na ito.

"bakit nandito ka? mamayang gabi na pag shot"

"wala na akong trabaho" tumabi ako sa kanya sa counter at tumulong mag asikaso ng customer. "nangangailangan ka ba? pwede mag apply?"

"pwede kung may mawawala akong empleyado dito."

nagkatinginan iyong dalawa niyang katuwang, isang lalaki at isang babae parehong college student at dito nag pa-part time.

"wag na mas kailangan nila bagets ang work na ito."

parang nakahinga ng maluwag iyong dalawa na hindi ako makiki-agaw sa trabaho.

Ang ayaan na inuman ay natuloy.

Nasa sea side kami ng moa, dito namin napili kasi gusto ko ng simoy ng dagat at dahil may kotse naman ang kaibigan kong si angela ay libre kami sa pamasahe.

"insert nalang kamo natin si regine sa myday hahahaha" rinig sabi ni kezia kay angela

"hala walang mag ma-myday"

"bakit?" pareho kaming nagtaka

"basta" sumimangot si angela at tuloy-tuloy na nilagok ang tequila

Hindi kami nagsimula sa mild deretso hard agad, dati naman ay hindi ko gusto ang hagod sa lalamunan ko ng mga ganito pero iba ngayon, nasasarapan ako.

"may hindi ka ba sinasabi sa amin?" si kezia

tahimik lang talaga ako habang nakikinig sa kanila, may lakas ako uminom pero walang lakas para magkisali sa usapan nila.

Hindi ko na nasundan anong sinabi ni angela, tumayo ako at lumabas sa parang kahoy na bakod ng bar. Ang sarap ng simoy ng hangin. Naglakad lakad ako pero natigilan dahil parang may nasa likod ko.

Lumakad ulit ako ng tatlong hakbang bago biglang umikot sa likod. Muntik na akong mabuwal dahil sa hilo, medyo madami narin kasi ang nainom ko at ang likot ko pa mabuti nalang may humila sa akin kaya hindi ako tumumba sa semento.

"Hindi ka ba napapagod kakasunod sa akin?" alam kong sinigaw ko iyon pero parang mahina ang boses ko sa pandinig ko.

"You drink too much."

"Hindi ka ba napapagod kakasunod sa akin?" tanong ko pero parang natanong ko na kanina pero hindi ko maalala.

He sigh.

Gusto kong umiyak ngayon nakikita ko ang mukha niya, ngayon nararamdaman ko ang init ng palad niya sa balat ko.

Pero ayuko, pagod na akong umiyak. hindi na ako marupok.

hinila ko ang braso ko at tumakbo. nakakailang hakbang palang ako ay nadapa ako. buti nakatukod ako kundi gasgas ang mukha ko. Pinagtitinginan ako ng lahat ng nandoon kaya mabilis akong tumayo pero nadapa na naman ako. 

this time gusto ko na talagang umiyak. Ang sakit sa tuhod.

Nilingon ko si Zander na humaba ang nguso ko at nagtubig ang mata. Hindi ba niya ako itatayo? wala ba siyang balak tulungan ako.

Tumayo ako kahit sumuray at naglakad papalayo, medyo malapit na ako sa dulong part ng sea side. Madilim na dito.

Hinayaan kong pumatak ang luha ko dahil ang sakit talaga ng tuhod ko. huminto ako dahil may yumakap mula sa likod ko.

"I love you"

"di mo ako tinayo" sagot ko sa maliit na tinig at medyo nagtatampo.

"I love you" ulit niya

siya ata ang lasing sa aming dalawa.

Humarap ako sa kanya, nakayakap padin siya sa akin but this time mas mahigpit. pinahinga ko ang ulo ko sa dibdib niya at yumakap nadin.

"di mo ako tinulungan tumayo" iyak ko.

"Mahal na mahal kita"

"bad ka zander!"

"Carmela!"

humiwalay ako konti pero hindi ako binitiwan ni zander ayos lang ayaw ko din naman

"kezia di nadapa ako" sumbong ko "tapos hindi ako tinayo nito nakakainis! hindi na niya ako mahal" iyak ko.

"tanginang baby talk iyan" naka ngiwi ito.

"carmela lasing ka na! gaga ka kinabahan kami nasan ka na" kahit si angela ay nakangiwi.

Parehong hindi kinakaya ang maliit kong boses

"Let me have her tonight" 

Tinignan ko si zander na nakayuko lang at nakayakap sa akin na para bang ikamamatay niya kapag binitiwan niya ako.

"Doc.."

"please kesh"

kesh? kailan pa sila nagkaroon ng nick name. Close sila?

"alam mong mag-aaway lang kayo once she's sober"

"please.."

lalo akong yumakap kay zander dahil sa pagmamakaawa sa boses niya.

"lasing siya doc hindi naman kayo makakapag usap ng ayos" dahilan ni angela

"she's safe with me"

Nagkatinginan ang kaibigan ko. 

"kezia ipaalam mo ako kay nanay. papayag iyon pag sinabi ko ikaw"

"yawa" sinimangutan niya ako.

Nakaramdam ako ng ginhawa ng pumayag ang mga kaibigan ko. Di ko alam na may tiwala pala sila kay doc.

"uwi mo ako?" 

His lips stretched to a smile pero malungkot parin ang mga mata niya. "gusto mo uwi na kita?"

tumingkayad ako para abutin ang labi niya, mas lasing ata ako sa pagkamiss sa kanya kesa sa alak na ininom ko. hinila niya ako pababa pero kinawit ko ang braso sa leeg niya para hindi ako tuluyang humiwalay.

"I miss you" pag amin ko.

"hindi mo alam kung anong pinagdaanan ko sa nakalipas na ilang linggo" aniya sa basag na tinig.

lasing nga ata talaga ako dahil ang lakas ng loob ko halikan ulit siya kung hindi pa kami sinaway ng guard sa sea side ay hindi ako hihiwalay.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top