ENTER #42
^_^: medyo pagod ako so if may buang na word or spelling, tsurieee~~ 8 chapters to go~ salamat sa mga nagbabasa.
----
"ang kapal ng mukha noon magpakita dito"
"butchoy hinaan mo ang boses mo"
"'nay sinasabi ko lang naman eh! iyong nanay noong lalaking iyon kaya ganoon ang nagyari kay tatay tapos boyfriend pa siya ni ate sobrang kapal ng mukha niya."
"ano ba! maging sensitive ka nga sa ate mo"
Nakaupo ako sa hagdan at tahimik na nakikinig sa usapan nila, hindi ako makatulog hanggang nag alas otso na ng umaga at napagdisisyunan bumaba.
"dapat hiwalayan na siya ni ate eh! o kaya mamatay na din iyong nanay niyang masama ang ugali"
"Crisanto Isidro Abades! hindi kita pinalaking ganyan! hindi magandang ugali ang paghiling ng masama sa kapwa"
Tumayo ako at umakyat ng ilang hakbang bago bumaba ulit sa malakas na yabag. Tahimik na kumakain ng agahan ni butchoy habang si nanay naman ay kumuha ng mug, para siguro ipagtimpla ako ng kape.
"Pupunta po akong resto ngayon 'nay" paalam ko habang nagpapalaman ng itlog sa pandesal. "dalawang linggo na akong hindi nabisita"
Sinulyapan ko ang kapatid ko na nakayuko lang.
"iyong allowance mo ng apala butchoy pinasok ko na sa atm mo"
Doon lang siya nag angat ng tingin sa akin. "Salamat ate"
"Gusto ko lang malaman niyo na hiwalay na kami ni zander"
Natahimik kaming tatlo, tanging ang kutsara lang na gamit ng kapatid ko sa kinakain niyang fried rice at ang kutsara na pinanghahalo ni nanay sa kape.
"wala bang magsasabi sa akin ng good job?" basag ko sa akward na katahimikan. "Akala ko pa naman ay matutuwa kayo" wala padin silang reaksyon.
isang pares ng kamay ang marahang pumisil sa balikat ko, si ate minda. hinalikan niya ang buhok ko at gusto ko na agad maiyak. Wala siyang sinasabing kahit ano pero dama ko ang pakikiramay niya.
malakas ang ulan habang nasa byahe ako papunta sa resto. hindi ko man gusto mag emote pero ang lakas ng earphone ng katabi ko at moira pa ang tumutugtug, mas lalo ko tuloy nararamdaman ang lungkot habang nakatingin sa bawat bagsak ng ulan.
dalawang beses na tumunog ang messager ko, I drop down the notification para malaman kung ano ang chat ni zander. Dalawang voice message.
binalik ko ang cell phone sa bag dahil wala akong balak i-seen o pakinggan iyon. but the curiosity is eating me kaya naman pagdating ko sa resto. ay binuksan ko ang message niya.
strum agad ng gitara anf bumungad sa akin.
I thought sometime alone
Was what we really needed
You said this time would hurt more than it helps
But I couldn't see that
I thought it was the end
Of a beautiful story
And so I left the one I loved at home to be alone
And I tried to find
Out if this one thing is true
That I'm nothing without you
I know better now
And I've had a change of heart
nagtubig ang mata ko ng marinig ang pagbasag ng boses niya habang kumakanta. hindi ko namalayan na sinasabayan ko na pala ang pagkanta niya.
I'd rather have bad times with you, than good times with someone else
I'd rather be beside you in a storm, than safe and warm by myself
I'd rather have hard times together, than to have it easy apart
I'd rather have the one who holds my heart
mapait akong napangiti. this is not also easy for me zander kaya please wag mo ng basagin ang nabuo kong pader para sa iyo dahil masakit. sobrang sakit na.
Nagdadalawang isip ako buksan ang pangalwa niyang voice message pero pinindot ko parin.
"I love you. please... please... please, kayanin natin ng magkasama."
When I saw the three dots indicating that he was typing binaba ko na ang phone ko. Hinahanap ko si miss tess pero hindi ko siya nakita buong araw, I asked the employee about her pero no comment sila.
the next day busy may sinend ulit si zander na voice messenger. Again, it's a song, but for today it's till my heartaches end.
for the whole week nag send si zander ng voice message kada umaga. para niya akong kinakausap sa pamamagitan ng mga kanyang iyon.
umupo ako sa tapat ni johny isang tanghalian, mukhang nagulat pa nga siya dahil ito ang unang beses na ako ang mauunang makipag usap sa kanya.
"Can I ask you a question?"
"The reason why I am always eating her is because I like your food, not because you look like my sister." agaran niyang sabi.
"That is not what I am going to ask." kumuha ako ng isang garlic bread "ang defensive mo naman"
"bawas iyan sa bill ko ah" sabi niya sabay turo sa garlic bread
"parang isa lang eh, may dalawa ka pa oh"
tinawanan niya lang ako.
"so? What's the question?"
"what happened after your sister died? did you... " nagalangan ako saglit pero sumagi sa isip ko ang mukha ng nanay ko, kung gaano siya nasasaktan "did you file a case?"
sumeryoso ang mukha niya at binaba ang kubyertos. "yes, do you think palalampasin ng pamilya ko ang nangyari? My loved ones died, so it's only fair that someone paid for it."
I only sigh.
"Did something happen? Do you need help?"
umiling ako
"I heard what happened to your father. My condolences"
"thank you"
tumayo na ako at akmang aalis na ng hawakan niya ang kamay ko.
"If you want something, don't hesitate to ask for my help."
"I.. actually don't know what I want" mapait kong sagot.
Lumipas ang isa pang linggo na ganoon ang routine ko, bahay at trabaho. pero may mga umaga na nakakaramdam ako ng exitement sa message ni zander. kahit anong pigil ko sa sarili ko ay pinapakinggan ko parin ang voice message niya.
"maam, may delivery po kayo"
dumungaw si princess sa pintuan ako, sinenyasan ko siya ng pasok. nilapag niya ang isang small pouch sa harap ko bago lumabas.
Napabuntong hininga ako ng tuluyang makuha ang nasa loob ng package. Zanders' journal. I didn't sigh because of his perseverance. I sigh because no matter how hard I try to read this, I can't understand his penmanship.
kamot ulong nilagay ko sa bag ang jounal. tinignan ko if may papel bang kasama para sa translation katulad ng sinabi ko sa kanya pero wala.
hanggang ngayon hindi parin pumapasok si miss tess, walang may lakas ang loob na chumika sa akin bakit.
Inaantay ko talaga si miss tess dahil may naiwan pa kaming usapan pero hindi parin siya napasok. Lumapit na ako sa head chef namin dahil may pakiramdam akong siya ang makakapag sabi kung nasaan ang babae.
"pwede po ba kayong pumunta sa office ko bago kayo umuwi?"
Nakayuko si chef pagpasok sa office ko mga bandang 9pm, umupo siya agad sa kabilang side ng table.
"alam niyo po ba bakit hindi pa napasok si miss tess? I tried to call her but she's out of reach"
kunot noo ko siyang tinitigan. bakas ang pagaalala sa mukha niya at hindi mawaring emosyon. para siyang iiyak na ewan.
"maam..." hirap itong magsalita.
"may matutulong po ba ako?"
umaliwalas ang mukha nito pero agad din nag baba ng tingin at parang nanlumo.
"pinagbantaan po lahat ni sir ron ang mga empleyado dito na wag mangi-alam kaya sana po wag mo sabihin sa akin mo narinig ang nangyari"
may kinuha ito sa wallet na maliit na litrato, nilapag niya iyon sa mesa ng nakataob.
"nasa kulungan si tess maam carmela. habang busy kayo sa libing ng tatay niyo pina-pulis siya ni sir ron dahil sa pagnanakaw."
Nanlaki ang mata ko sa gulat. "po!?"
Dinampot ko ang picture at binaliktad mas lalo akong nagulat nang makita sinong nasa litrato.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top