^_^; bangag ako -_-
----
5 days before new year nakatulala ako sa kawalan, lungkot ang dala ng malamig na simoy ng hangin sa akin. Black and white ang mundo ko kahit pa napakaraming ilaw sa bawat bahay sa paligid namin.
Pero kahit gaano kaningning ang Christmas light nila, bahay naming ang pinakamaliwanag dahil sa dalawang ilaw na nasa magkabilang gilid ng kabaong ng tatay ko.
"hindi pa kita nakitang kumain o uminom manlang ng tubig simula ng dumating ako dito" si kezia na nasa kanan ko.
"hindi naman ganoon karami ang nakikiramay, tutulong naman kami. Matulog ka kaya muna, parang hindi ka na pumipikit" si angela na nasa kaliwa ko.
Hindi parin ako makapaniwala sa nalaman ko, hinalikan ako sa pisngi ng babaeng iyon noong gabi ng mamatay ang tataty ko. Matinding kuskus ang ginawa ko sa mukha ko sa tuwing naaalala ko iyon.
Nasabi ko na kina nanay ang lahat pagdating palang naming sa bahay, maging sila ay hindi makapaniwala. Galit nag alit si butchoy pero si nanay tahimik lang, hindi ko alam kung ano ang nasa isip niya.
Natatakot ako sa pananahimik ni nanay, baka bumigay ang isip niya dahil sa pagkikimkim. Sinusubukan ko gumawa ng usapan para mag open siya sa akin pero palaging 'ayos lang ako' ang binabanggit niya.
Inaayos ko ang mga biscuit sa lamesa ng hinawakan ni kezia ang kamay ko.
Lumingon ito sa labas "nandjan si doc."
Sinundan ko ang tingin niya. Nakaparada sa labas ang sasakyan nito.
"ayoko" simple kong sabi.
Lumabas si kezia at kinatok ang bintana ng sasakyan ni zander. Tumingin sa zander sa bahay, nakaramdam ako ng kaba kahit alam kong hindi naman niya ko nakikita. Umiling ito sa sinasabi ni kezia, hindi ko na sila tinignan at nagasikaso nalang.
Sa bawat pagtingin ko sa labas nakikita ko ang sasakyan niya. Mawawala lang iyong ng halos 1 oras pero tatambay na naman sa harap ng bahay namin, hinihintay ko na magreklamo ang kapitbahay pero hanggang sa huling gabi ng lamay ni tatay ay nandoon ang sasakyan niya.
Naririnig ko minsan na gustong sugurin ng kapatid ko si zander pero inaawat siya ni Carla. Hindi pa naming nagpaguusapan anong plano naming after ng libing.
Eksaktong sumasalubong sa bagong taon ang lahat tahimik kaming nakaupo at nakatingin sa kabaong ng tatay ko, bukas ay ililibing na siya. Ganito naming nasalubong ang pagpasok ng panibagong taon.
Malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko bago sumilip sa bintana. Nandoon parin si zander sa labas.
Alas nueve ng umaga ay nasa sementeryo na kami yakap ko si nanay na humahagulhol habang binababa ang kabaong ni tatay.
Nanghihina ako... sobrang nanghihina.
Nakita kong nakaparada ang sasakyan ni zander sa di kalayuan, tahimik akong umiyak para sa pamilya ko at para sa saarili ko.
Hinintay kong nakaalis na ang lahat bago ko nilapitan si zander, kinatok ko ang bintana sa passenger seat niya. Narinig ko ang pag unlock noon at walang pagdadalawang isip akong sumakay.
Itim na long sleeve ang suot niya, tinignan ko ang mukha niya pero hindi ko magawang matitigan siya sa mata.
Kinuha ko ang kamay niya at nilapag doon ang kanina ko pang hawak na singsing
"I don't think ako dapat ang magsuot nito"
Binitiwan ko siya pero hinuli niya ang kamay ko.
"you're my fiancée"
Pinisil niya ang palad ko. Ang tagal ko ng pinag-isipan ito bago ako nagkaroon ng lakas para harapin siya at isauli ang singsing. Mahal na mahal ko siya pero sobra akong nabigla, nalungkot, nagalit at nasaktan sa nalaman.
"please, don't do this"
Pinipigilan kong umiyak sa harap niya, Ayuko kong makita niya na nanghihina ako sa pakiusap niya. Kung kaya ko lang sana isang tabi lahat ng narinig ko, kung kaya ko lang sana maintindihan bakit ganoon ang nangyari.
"what happened zander?" I almost whisper. "I know ayaw niya sa akin pero..."
hinila niya ako sa yakapin. pakiramdam ko ay luluwa na ang mata ko kakaiyak, pagod na akong umiyak. I'm hurting really bad, but he's still my comfort person. I feel charged in his arms and I hate it that even though I'm mad, I still like this feeling beside him.
but I can't be selfish. I know my nanay is hurting too. My brother also. hindi ko kayang ituloy ang relasyon namin sa kabila ng nangyari.
Marahan ko siyang tinulak, nakatingin lang ako sa ibaba at iniiwasan ang mga mata niya. Natatakot akong maging marupok, natatakot akong hindi mapanindigan ang disisyon ko.
"...ako nalang sana eh." pumiyok ang boses ko pero pinigilan ko ang sarili na umiyak.
Hinawakan niya ang mukha ko at inangat pero nanatili ang mata kong nakatingin sa ibaba.
"look at me please.."
"bakit hindi mo sinabi sa akin?"
pinagdikit niya ang noo namin. madiin akong pumikit habang pinapakinggan ang hirap niyang paghinga.
"natatakot ako.." nanginig ang boses niya "when I learned about what she did , the first thing na pumasok sa isip ko ay iiwan mo ako, natatakot akong mawala ka sa akin."
Hindi ko man nakikita ay alam kong umiiyak na siya. mas lalo akong nanghina at pilit nilalabanan ang pagdadalawang isip ko.
"What she proposed is to make your father suffer a little bit. they did not expect na hindi na siya babalik sa after check up niya. it never supposed to be like that. she said gusto lang niyang takutin ka"
hindi nangyari iyon dahin si tatay ang tipo ng tao na hindi niya sasabihin sa amin ang problema niya, ayaw niyang mamoblema din kami. "hindi ko nalamang may sakit siya until malala na" That memory pained me.
"it was supposed to be a joke pero sineryos siya noong doctor---"
marahas akong lumayo sa yakap niya.
"a joke!?"
"carmela.. i'm so, sorry."
"How am I supposed to take that statement?"
Nagmamakaawa ang mga mata niya.
"I know hindi tama na tinago ko sa iyo but i'm really scared. Please carmela ayusin natin 'to"
Lumampas sa kanya ang tingin ko. Diretso sa puntod ng tatay ko, nandoon siya 6 feet under the ground. Ang walang buhay niyang katawan dahil sa isang.. joke? dahil sa akin? dahil ayaw ng mommy ni zander sa akin. dahil sa isang sitwasyon na hindi inaasahang mawalan ng control.
tangina!
Tinigasan ko ang mukha ko. "kung alam ko lang na ganito ang magiging epekto mo sa buhay ko... sana hindi nalang kita nakilala. sana hindi nalang kita minahal sana hindi nalang ako humiling sa diyos na makita ka ulit.. sana... sana hindi ako halos mamatay sa sakit ngayon."
Madiin niyang hinawakan ang braso ko habang umiiyak. Ayaw niya akong pakawalan, pilit niya akong hinahawakan pero malakas kong tinabig ang kamay niya.
"para mo nang awa... ayusin natin 'to" halos hindi niya masabi ng ayos ang bawat salita sa matinding pag iyak.
lalo kong tinapangan para sa mga salitang sunod kong bibitawan.
"wag na wag ka nang magpapakita sa akin kahit kailan. ayuko ko ng makita maski ang anino mo, kung nasasaktan ka.. ano pa ako? tangina ano pa ako!"
Bumaba ako at binagsak ang pagsara sa pintuan ng sasakyan niya.
Mabigat ang bawat hakbang ko, pakiramdam ko ay dumoble ang bigat ng katawan ko. Matindi ang panalangin ko na wag niya na akong habulin dahil sobra ng sakit, wag na namin pahirapan ang isa't isa.
Meeting you is probably the most unexpected thing that has happened in my life, and loving you is definitely my choice. But I can't zander. I can't continue loving you knowing that the price of choosing you is my father's life. It will hurt the people around me. It will hurt my family. I beg so much that our last page has a happy ending, but I guess I'm closing our story with goodbye.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top