ENTER #40
^_^; hindi ko masyadong na check kaya if may error tsuriee~
----
Hindi ko magawang alisin ang titig sa singsing, it's a rosegold plated diamond ring.
"pero hindi pa tayo pwede magpakasal, papatapusin muna natin si butchoy" sabi ko na nakatingin parin sa singsing.
"how long is that?"
"two years"
"pwede naman natin pagsabayin. Tutulungan pa kitang mapatapos siya"
I know his intension is good but I got hurt by the idea maybe I'm just overthinking or it's my pride talking.
"Please," I simply said. asking for understanding.
Tumango siya bilang pagsang ayon. I know he would understand. Malapit na kami sa bahay ng muli siyang magasalita.
"I want boys, three at least."
Nilinon ko siya "I want a girl kahit isa lang"
"lahat ng babae sa buhay ko sakit sa ulo" halos bulong lang iyon.
"including me?"
"specially you."
Napasimangot ako "But we can't control the gender, so you don't have a say."
Liliko na sana kami sa kanto ng makarinig ako ng malakas na busina. biglang preno ang ginawa ni zander ng may ambulansya na lumabas mula sa kanto namin. kumabog ng malakas ang dibdib ko.
bumaba ako para magtanong sa mga nagkukumpulan naming kapit bahay kung sino ang sakay ng ambulansya, kahit madaling araw na ay kumpleto padin sila sa labas. Nakita ko palang ang mga mukha ng kapitbahay namin alam ko na dumating na nag araw na kinakatakot ko.
"carmela tatay mo yung sakay noon!"
dali dali akong bumalik sa sasakyan ni zander.
"si tatay iyong nasa ambulansya! sundan mo dali!"
Walang sigundo ang nasayang ng manipulahin niya agad ang sasakyan pabalik sa dinaanan namin kanina. kinuha ko ang cellphone ko para tawagan si nanay pero walang nasagot, ganoon din ang kapatid ko.
Halos talunin ko pababa ng kotse para sumugos sa emergency room. nakita ko agad si nanay at kapatid ko na umiiyak.
"nay! anung nangyari?"
Nilapitan ko ang strecher na akay-akay si tatay at hinawakan ang kamay niya. Natigilan ako at hindi nakagalaw. Naiwan ako doon at napako ako sa kinatatayuan habang sinusundan ng tingin sila si tatay hanggang sa ilipat siya sa hospital bed.
Malamig na ang kamay niya bakit ganoon...
May doctor agad na lumapit kay tatay at nire-revive siya. Nabibingi ako sa hagulhol ng nanay ko. Nanlalabo ang mata ko habang nakatingin sa kapatid ko na umiiyak din habang hinihimas ang likod ni nanay.
"carmela" rinig tawag sa akin ni zander
pero nakatayo lang ako doon at hindi alam ang gagawin. hindi ako makaiyak, walang salita lumalabas sa bibig o kahit anung tunog. basta lang nakatitig ako sa monitor na may flat line.
naramdama ko ang yakap ni zander.
may mga sinabi ang doctor sa amin pero wala akong ibang narnig kundi time of death 1:45 am.
"I didn't even say good bye" iyon ang tanging nasa isip ko.
It hurts but I can't cry or scream. nakatitig parin ako sa monitor umaasang gagalaw pa ang guhit doon.
"ate, wala na si tatay" hinawakan ni butchoy ang kamay ko pero wala akong reaksyon.
Namamanhid ang buong katawan ko. ramdam ko ang pagpisil ni zander sa braso ko at may binubulong siya pero hindi ko magawang pakinggan.
May dalawang kamay na humawak ng mukha ko, doon lang lumiwanag ang paningin ko. sa luhaang mukha ng nanay ko, noong niyakap niya ako doon na ako humagulhol ng iyak at naupo sa tiles.
"namimilipit na siya sa sakit pag-alis mo, ayaw ka niyang pabalik kasi gutso niya mag enjoy ka sa party." hinahagod niya ang likod ko. "iniwan ko lang siya sa kwarto para kumuha ng tubig, pagbalik ko hindi na siya humihingi, tumawag agad kami ng ambulansya pero..."
Habang ngumingiti at nakikipag saya ako ay namimilipit sa sakit ang tatay ko. Nanginginig ang kamay kong yumakap kay nanay. Kulang ang salita para maipaliwanang ang sakit na nararamdaman ko ngayon.
Magkahawak kamay kami ni nanay habang nakaupo sa mga upuan sa hallway ng hospital, halos buhatin ako ni zander papunta dito. Hindi ko nga alam kung pwede ba kami dito.
Iniwan kami ni zander para kumuha ng tubig, si butchoy ay mag-aasikasi sa tatay namin dahil nanginginig parin ako at nag-aalala siya nab aka hindi kayanin ni nanay.
Inayos ko ang coat ni zander na nakapatong sa balikat ko, hindi ko napansin na sinampay niya ito kanina pero maigi dahil masyadong malamig ang aircon at naka backless ako.
"bakit ang tagal ni zander" nilingon ko ang magkabilang hallway pero walang katao-tao doon.
Tumingin ako sa wristwatch ko. Mag 4am na pala, hindi parin bumabalik si zander.
"nanay, uwi na muna tayo para makapagpahinga ka."
Tinignan ko si nanay na walang sagot at mahinang tinatapik lang ang aking kamay.
Tumayo na ako at hinila ang kamay ni nanay, nag text ako kay zander kung nasaan na siya, nagbiro pa nga ako na baka nalunod na siya sa tubig na kinuha niya.
Akay ko si nanay pabalik ng emergency dahil doon kami lalabas ng may marinig ako na nagsasalita, hindi ako pwedeng magkamali sa boses na iyon kahit medyo mahina pa.
"I told you zander wala na akong choice"
"'nay wait lang ah" kahit si nanay ay nakatingin sa kabilang dulo ng hallway.
Lumapit pa ako lalo para mas marinig ang nag-uusap.
"Then why did you agree with her!?"
"Your mom helped me with many things in this field, it's too late nang marealized ko ang nagawa ko."
"Someone died because of you! And you call yourself a doctor!?"
"you mom is the one who ask me to do this, and she said bayad na ako sa lahat ng utang ko sa kanya. All I did is to tell him na kakailanganin niya ng malaking pera for operation balak ko naman bawiin iyon and tell him na magagamot pa sa anti biotics pero hindi na siya bumalik"
They are talking in a low voice pero dama ko ang gigil nila sa isa't isa
"Both of his children is studying you think maiisip niya ang sarili niya"
Dumugo ang labi ko sa sobrang diin ng pagkakagat ng malaman kung sino ang kausap ni zander, it was my father's doctor. And the news I'm hearing...
"it's just one mistake!" hinilot nito ang sintido "bumalik siya ditong Malala na ang lahat I tried to save him but that time it's really real na malaki na ang kailangan niya dahil lumala na ang sakit niya. I didn't know what to do kaya pinanindigan ko nalang"
"They should've revoked your license"
"Go on and tell them! Kasali ang mommy mo dito! the last case she gets involve nagawan niya ng paraan but to be involve again? You think hindi makakaladkad ang pamilya niyo pababa?"
Hinihingal siya, namumula ang mukha at butil butil ang pawis. I can't believe I beg to this man to save my father. This doctor... is a trash... and so as zander's mother.
"Listen, you don't have to tell her the truth patay na nag tatay niya and wala naman kailang—"
Nanlaki ang mata nito ng napalingon sa akin. Halos tatlong hakbang lang ang ginawa ko para makalapit at sinampal ko siya. Hinawakan ni zander ang kamay ko pero nagpumiglas ako.
"tangina! Ano ba bitaw! Putangina!" hinila ko ang braso ko at umatras "putngina!" bulyaw ko sa kanilang dalawa.
Lumapit sa akin si nanay at isang nurse pero sumgod ulit ako, tinanggal ko ang heels ko at ipupukpok ko sana sa ulo ng doctor ng tatay ko pero niyakap ako ni zander.
"ma'am huminahon po kayo may mga pasyente po kami—"
"putngina mong hayup ka! Tangina!" Hindi ko pinakinggan ang nurse at nagsisisigaw ako.
Nakayuko lang siya at hindi gumagalaw pero hindi ko naman magawang lapitan dahil sa lalaking yakap ako ngayon kaya hinagis ko nalang ang heels ko sa kanya at kahit sa ulo niya iyon tumama ay hindi siya nag angat ng tingin.
"carmela please huminahon na" bulong ni zander
Malakas ko siyang itinulak.
"putngina! alam mo? may alam ka? Kalian mo pa alam!?"
Marahil sa sobrang lakas ng boses niya ay narinig ng kapatid ko at ilan pang nurse dahil nagdagsaan sila sa pwesto naming.
"ate ano ba" saway sa akin ni butchoy sabay tingin sa paligid. "bakit ka sumisigaw" naglipat ang tingin niya sa dalawang doctor sa harap ko.
Tinuro ko ang direksyon ng emergency room kung saan huli kong Nakita ang tatay ko "nakikilala mo ba kung sino ang walang buhay na nandoon?"
humahagulhol ako at halos isigaw na ang mga salita para marinig nila ng ayos.
"iyon yung tatay ko zander! Yung taong kahapon lang kausap mo pero putangina ano 'to!? Ano iyong narinig ko tangina! Huminahon? Gago amp*ta gusto mo akong huminahon? Sige paano!" bulyaw ko sa kanya.
"anak ano bang nangyayari?" hinila ako ni nanay palapit sa kanya.
"itanong niyo sa mga putnginang iyan!"
Namumula ang mata ni zander, sinubukan niya akong hawakan pero umiwas ako
"Let me explain" aniya sa basag na tinig.
"tngina! Ako nga hindi mo hinahayaang mag explain pag galit ka kapag hindi convenient sa'yo ang sitwasyon tapos explain? Na ano? Na pinatay niyo ang tatay ko!? Punyeta ano!"
Sinampal ko ng malakas si zander. Tumabingi ang mukha niya pero sinubukan parin niya ako abutan. This time humarang na ang kapatid ko.
"anak ano bang sinasabi mo"
"ikaw!?" duro ko sa doctor ni tatay, hinubad ko ang isa ko pang heels at hinagis sa kanya "hayup ka!"
Hinampas ko ng paulit ulit ang dibdib ko, hirap ako huminga. Halos mapaluhod ako sa panghihina na nararamdaman. Lalapitan sana ako ni zander pero tinignan ko siya ng masama.
"Let me at least take you home" pagmamakaawa niya.
"No!"
Parang pinipiga ang puso ko sa sakit. Hindi ko magawang tignan ang nanay ko sa mata paano ko sasabihin sa kanya ang nalaman ko. Paano ko iku-kwento na mommy ni zander ang may gawa nito at posibleng may alam ang boyfriend ko.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top