ENTER #38
"samahan mo na ako"
kanina ko pa kinukumbinsi si kezia na samahan ako sa ball. I remember last time na nagpunta ako sa gatherings ni zander halos wala akong magets sa mga pinaguusapan nila at kung iiwan man niya ako sa isang tabi atleast may kasama na ako this time.
I talked to him about this, and he agreed immediately ng sinabi ko na si kezia ang aayain ko.
[last minute ka naman nagsasabi]
Hinaplos ko ang gown na nakasabit sa aparador ko. All I can feel is excitement to wear it, it's so pretty.
"anong problema wala ka naming gagawin mamayang gabi"
[nagpuyat lang naman ako kakanuod ng kdrama at kakatulog ko lang 3 hours ago!]
"matatago naman ng make up iyang puyat mo"
[wait may tao sa labas]
Naririnig ko sa background na may kausap siya sa nagpakilalang deliveryman.
[galing talaga wala akong kawala] she's both amused and irritated.
"why?"
[jowa mo nagpadala ng gown yawa! Sige liligo lang ako tapos pupunta ako sa inyo.]
I texted Zander, "Thank you" after the call ended. Bandang alas dos ng hapon ay nasa bahay ni kezia bitbit ang isang off shoulder emerald gown. Nakasimangot padin siya hanggang sa inaayusan na kaming dalawa ng baklang kinontrata ni nanay na taga doon sa parlor.
Pinili kong ipakulot ang buhok ko at nakalugay lang kahit pa gusto ng bakla na I ponytail dahil sayang daw ka-sexy-han ng backless kong gown. Si kezia naman ay naka crown braid bumabagay sa Morena niyang balat ang gown at ang ayos niya.
Bandang alas singko dumating si angela sa bahay na lalong kinasimangot ni kezia lalo't sa dala nitong DSLR. Naalala ko noong grad ball ayaw na ayaw din niya mag gown at mag takong, wala namandaw dress code. Pinilit lang naming siya para matchy kaming apat.
"tigilan mo nga kaka-picture mo!" saway ni kezia kay angela pero bumungisngis lang iyong isa.
"i-send ko kay regine mamaya" sagot ni angela.
"bakit ba kasi kailangan naka gown? Sasamahan lang naman kita" inirapan niya ako. " sa tabi lang naman ako makikikain"
Nginitian ko lang siya sabay taas ng phone ko para picturan ang mukha niya.
Lumabas si tatay sa kwarto kasama ni nanay, malawak na ngiti agad ang sinalubong ko sa kanila "ang gaganda naman ng mga dalaga ko" bati niya.
Nagmano ang dalawa kong kaibigan sa magulang ko.
"wala ng masakit sa'yo tito?" tanong ni kezia
"ayos lang ako hija" umupo ito sa sofa habang hawak ang tagiliran "pupunta ba dito boyfriend mo carmela?"
"opo, susunduin kami"
"maigi ng makapag-usap kami"
Nagkatinginan kami ni nanay.
"bakit tay?"
"wala masama bang magusap kami?"
Tumango nalang ako. Bandang 6:30pm may humintong itim na bmw sa labas, sumilip agad ako dahil hindi iyon kotse ni zander.
Bumaba ang isang lalaking naka americana at hindi ako pamilyar kung sino siya.
Sakto naman na nasa labas si ate minda at nagdidilig ng mga halaman niya. Siya ang kinausap ng dumating. Maya-maya ay pumasok si ate minda at may hinahanap.
"angela, may naghahanap sa iyo."
Nagkatinginan kaming tatlo, mostly kami ni kezia. Sumilip si angela at agad na lumabas ng makita niya ang lalaki.
Nakasilip kaming dalawa ni kezia sa bintana at pinipilit pakinggan ang dalawa pero wala kaming marinig dahil mababa ang boses nila.
"sino iyon?" tanong ko.
"malay" sagot ng katabi ko.
Mukha kaming ewan, parehong nakagown at nakikichismis saa bintana.
Lumipas ang sampung minute dumating na si zander. Nag excuse siya sa dalawang nasa gate para makapasok. Nakita kong naningkit ang mata noong lalaking naka americana at tinignan ng masama si zander
"hi ladies, ready?" he smiled at me, looking very handsome on his suit.
"gusto ka daw makausap ni tatay"
Gusto kong matawa sa pagbabago ng mukha niya, alam kong kinabahan siya. Bumati siya sa magulang ko at niyaya siya ni tatay sa kusina. Katulad nila angela sa labas kahit tanaw namin ay sila lang ang nakakarinig sa isa't isa.
Tumabi sa amin si nanay dahil pinaalis muna siya ni tatay sa kusina. Tatlo na kami ngayon nakikichismis.
Nilingon ko sila angela sa labas at parang may pinagtatalunan na sila ng kausap niya. Nilingon ko si tatay at zander at mukhang seryoso ang usapan nila. May inabot si tatay kay zander pero hindi ko Nakita kung ano.
"tita ikaw baka may gusto kang ichismis sa amin"
Natawanan kaming tatlo. Tinititigan ko ang orasan dahil gutom na ako at nagsabi ako kay nanay na hindi ako sa bahay kakainin dahil party naman ang pupuntahan namin. 7:15pm na lampas 30 minutes na silang nag-uusap ni tatay.
Tumayo din kaming tatlo nila nanay ng tumayo si zander at nakipag shake hands sa tatay ko.
"let's go" aya niya sa amin. "aalis na po kami ma'am" paalam nito sa nanay ko.
"mag-ingat kayo" at pumunta na siya sa kusina para ituloy ang hinihiwa niya na naudlot.
"aalis na kami nay, tay." nag take care si nanay pero si tatay nakatalikod lang sa akin at nakayuko.
Ngumiti sa akin si nanay na para bang sinasabi niyang ayos lang si tatay at ayos lang na umalis na ako kahit hindi pa nagrerespond sa paalam ko ang tatay ko.
"anong pinagusapan niyo?" tanong ko kay zander
"may binilin lang siya"
"ano?"
"next time binibini, malayo pa ang byahe natin"
Huminto kaming tatlo sa gate dahil nakaharang parin iyong dalawa.
Nilingon kami ni angela, halata ang iritasyon sa mukha niya "aalis na kayo?"
"depende girl pag hindi na kayo nakaharang sa gate"
Siniko ko si kezia at si zander. After kasi sabihin ni kezia iyon at tumawa si zander.
Walang sabi sabi ay hinili noong lalaki si angela at pinapasok sa bwm. Humabol kaming dalawa ni kezia bago niya isarado ang pinto kahit mahaba ang gown naming dalawa ay tumakbo kami.
Hinawakan ko ang kamay niya na nasa pintuan ng sasakyan at inawat ito, si kezia ang yuko sa loob para kausapin si angela.
"kilala mo? trusted?"
Tumango si angela.
"will you be safe?"
Tumango si angela
"Okay, text us if something is not okay."
Tumango lang ulit si angela.
Natitigan ko ang mga mata niya at parang iiyak na siya.
"here" sabi ng lalaki sa gilid ko may inabot ito sa akin ID "Carmela right? She'll be safe with me and if something happens to her, here's my identity."
Miguel Alonso T . De legazpi ang pangalan ng nasa ID
"kilala mo?" si zander ang nagtanong. Umiling ako "but he knows you"
"I know everyone of you kahit iyong nasa ibang bansa si regine"
"miggy ano ba" reklamo ni angela
"wag ka magdrama kasalanan mo bakit tayo nasa sitwasyon na ito"
Without saying goodbye umalis na sila angela. Siya naming dating ng isa pang itim na sasakyan, pamilyar iyong sasakyan pero hindi ko maalala saan ko Nakita.
Napapadyak si kezia, dinig na dinig ang takong niya. "tangina! Ang dami nangyayari ngayon araw gusto ko nalang umuwi at matulog ulit!"
"doc steven?" nagulat ako ng si doc steven ang bumaba sa itim na sasakyan.
"hello! Wala akong date kaya nanakawin mo muna kaibigan mo"
"ha?"
"let's go" hindi pa naproseso ng utak ko ay hinatak na ako ni zander " I ask him, para masolo kita" bulong nito sa akin.
Nilingon ko si kezia na nakatayo lang doon habang nakatingin kay doc steven na nakahawak sa bukas na pinto ng sasakyan at hinihintay ang kaibigan ko na pumasok.
isang malalim na buntong hininga ang binitawan ko ng ini-start na ni zander ang sasakyan.
"wala pa tayo sa party pagod na ako"
reklamo ko na tinawanan lang niya.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top