ENTER #34

Bangag ako pag-uwi ng bahay. After mag wash up ay natulog na agad ako. Pagkagising ay phone ang una kong hanap baka kasi may reply na si Zander sa mga messages ko pero wala padin.

"hello" malawak ang ngiti ni Doc steven ng makita akong bumaba sa tricycle.

Sa labasan ako nakipagkita sa kanya baka magtaka na sila nanay bakit pa-iba iba ang sumusundo sa akin.

Maong pants ang suot nito ang pantaas naman ay itim na t-shirt na sinapawan ng maong din na jacket.

"ganda pormahan mo doc ah" biro ko.

"Single pa ako. Kailangan maging gwapo lagi." Pinagbuksan niya ako ng pinto. "baka may marereto ka" aniya sabay tawa.

"si jenica? Patulan mo na"

Natawa ako ng bigla siyang sumimangot. Hanggang sa nasa driver seat na siya ay nakasimangot paden. Umaandar na ang sasakyan ng sulyapan niya ako.

"wala ka bang ibang mare-recommend, kung gusto ko patulan si jenica matagal ko ng ginawa pero hindi ko kaya"

"dahIl kay zander?"

"dahil magkaibigan lang kami. Never ko nga nilandi iyon ewan ko ba sa babaeng iyon"

Sabay kaming natawa. Unlike kay Zander lively talaga si Doc steven, makulit at hindi maubusan ng topic. Akala ko dati serious type siya dahil sa makapal niyang kilay na nagpapataray sa mukha niya.

"Hindi ko kayo panghihimasukan pero ang Doctor zander mo noong nakaraan pa puro trabaho. Paskong pasko nagpumilit mag duty, halatang may kinakalimutan"

Nagbababa ako ng tingin. 

"alam ko may problema kayo kaya ako ang pinakiusapan niyang sumama sa iyo ngayon"

pinaglaruan ko ang daliri ko. hindi ko mapigilang mapabuntong hininga. hanggang ngayon hindi ko parin alam paano aamuhin si zander pag may kasalanan ako.

"ganoon lang talaga si zander" nasa kalsada ang tingin nito. "kapag may dinidibdib siya puro trabaho para makalimot. hindi niya gustong nag-uusap pag mataas ang emosyon niya baka daw kasi may pagsisihan siya. antayin mo lang , di ka matitiis noon." niingon niya ako saglit at nginitian.

nginitian ko siya pabalik kahit hindi ganoon kasaya.

"saan nga pala tayo pupunta?" hindi pamilyar sakin ang dinadaanan namin. dahil wala sa kalsada ang tingin ko kanina hindi ko tuloy alam saan na kami.

bumungisngis si doc steven "birthday gift ni zander" 

"kapag ako di-nay-sect mo yari ka sa magulang ko" biro ko pero pwede ding banta dahil wala talaga akong ideya nasaan na ba kami.

tumawa siya ng malaks " takot ko lang sa kaibigan mo"

Isang subdivision ang pinasukan namin. Akala ko may pupuntahan kaming bahay o baka lumipat si Zander ng bahay pero nanlaki ang mata ko dahil sa loob ng subdivision na iyon ay may malaking gate sa bandang dulo.

"good morning po" bati ng guard sa amin.

Mukhang kilala siya ng mga tao dito dahil diretso lang kami at walang humarang o nanghingi ng ID.

Malawak ang parking lot ng lugar. Tinitigan ko ang isang malaking bahay, halatang mayaman kung sino man ang nakatira dito.

"sinong nakatira dito?" tanong ko pagbaba namin ng sasakyan.

"It's a factory."

"ha?"

"mamaya tour kita. pasok muna tayo sa office" 

nauna siyang maglakad sa akin. bawat nakakasalubong niya ay binabati niya, nasa likod niya lang ako at nahihiyang ngumiti sa mga taong nasasalubong namin na tumitingin sa akin.

"watch your step" bilin niya sa akin ng paakyat kami sa office daw ng friend niya.

"bakit tayo nandito?"

Tinulak niya ng malakas ang glass door na kinagulat ko. feel at home talaga siya.

"aleng!" sigaw niya.

napanganga nalang ako ng makita ang babaeng niyakap ni doc steven. sinabunutan siya ng babae para humiwalay sa yakap pero yumakap lang si doc.

"aray ko naman! bitaw ano ba ambaho ng pabango mo!" hinihila parin niya si doc steven.

isang maputing babae ang lumapit sa akin "pasok ka" aya niya.

umabante ako pero hindi parin maalis ang tingin sa babaeng katawanan na ngayon ni doc steven. Bigla pumasok sa isip ko ang naging usapan namin ni Zander.

[ "I know this author" kinuha niya ang isang libro. "fan ka ni ailie?"

"kilala mo siya?" na-excite ako. "sure ka? Kaibigan mo?"

"do you want to meet her?"

 "wag mo akong biruin ng ganyan."

"yeah sure, let's set a date. We are not close pero best friend siya ni steven" ]

" may papakilala ako sa iyo" lumapit sa akin si doc at hinila ako sa harap ni ailie. " aleng, this is carmela a fan of your stories."

"hi!" bati niya na nakapagpatulala sa akin ng mas malala "water? okay ka lang? namumutla ka"

1..2..3.. realization hits me.

hinampas ko ang braso ni dic steven.

"bakit hindi mo sinabi sa akin!? sana dinala ko mga libro ko para mapa-pirmahan!" naiiyak na ako, hindi ko inaasahan  ito at nakakapanghinayang ang chance na makapag-pasign.

"aba malay! ang instruction sa'kin sunduin ka at ipakakilala ka kay aleng!"

napapadyak ako sa inis.

"it's fine! may copy pa ata ako ng ibang book iyon nalang iuwi mo"

ang ganda niya ngumiti, ang sexy niya, ang lambing ng boses niya, ang bango niya. siya iyong palaging hindi ko naaabutan sa book signing dahil busy ako sa school. ang ganda niya, at ngayon nasa harap ko na siya.

nilingon niya ang isang babae na busy sa pagtipa sa keyboard. "tammy may stock ba tayo?"

"hi tammy! balita ko aalis ka na kay aleng? mina-maltrato ka ano? tsk. maldita talaga ito-- op! aray!" napahawak si doc steven sa tiyan niyang hinampas ni ailie.

sunod na bumaling si ailie sa babaeng lumapit sa akin kanina. "han, pasuyo naman ako please patingin ano meron baka ma-murder si tiven mamaya" 

"may ire-recommend akong kapalit ni tammy. business graduate"

"alam mong wala akong paki sa educational background. tsaka matagal pa aalis si tammy may kalahating taon pa wag kang atat."

nakatingin lang ako kay ailie, hindi makapaniwala na nandito siya sa harap ko.

"doon tayo sa balcony?" hinawakan niya ang braso ko at sabay kaming pumunta sa balkonahe.

umupo kami sa isanng round table.

"fan niyo po ako" sa wakas ay nahanap ko ang boses ko.

"thank you"

dumating iyong babae na tinawag niyang han at nilapag ang 6 libro sa mesa. "iyan lang nahanap ko" maganda din siya at matangkad lalo sa suot niyang 4 inch heels. "may meeting ako sa suplier tap0s diretso na ako uwi."

ngumiti si ailie at nag flying kiss. lumakad na paalis si han pero bumalik agad. 

"wag ka magkakalat may bisita" banta nito.

tinawanan lang siya ng kaibigan at more flying kiss.

naaalala ko si kezia kay han, ganoon lagi bilin niya sa akin at parang problemado siyang iwan ako ng basta.

binuklat niya ang isang libro at sinimulang pirmahan. "girlfriend ka ni tiven?"

mabilis akong umiling "hala hindi po!"

natawa siya sa reaksyon ko. "relax! tao lang ako wag kang kabahan."

"noong tumawag sa akin si steven na may ipapakilala siya akala ko, sa wakas! may girlfriend na siya!" medyo exagerated ang pagkakasabi niya sa huling. "so? magkaano-ano kayo?"

"boyfriend ko ang kaibigan niya. "hindi ko alam bakit ako nahihiyang sabihin iyon.

"ahh.. bakit hindi mo kasama?" 

hindi siya sa akin nakatingin kundi sa pinipirmahan kaya malamang hindi niya napansin ang pagbabago sa ekspresyon ko.

"busy?" tanong ulit.

hindi ko alam paano sasabin.

tumigil siya sa sinusulat na sa tingin ko ay dedication. tinignan niya ako at tumango. "gets ko na. You don't have to say it. I can see it in your eyes how bothered you are with the question."

tinuloy niya ang paglalagay ng dedication sa ibang libro. sumulyap naman ako sa phone ko para mag check. 

"nabanggit niyo po sa isang interview na karamihan sa sinusulat mo galing sa expirience niyo." I paused because I don't know kung tama bang magtanong sa kanya ng ganito. "na-expirience niyo na po ba iyong love na hindi ka sigurado sa mga bagay-bagay pero gusto mo siya"

Hindi siya umimik at nagsulat lang. Nakaramdam ako ng hiya kaya tumahimik nalang din ako.

dumating iyong tammy na ngayon ko lang nalaman na assistant ng secretary niya. Nakita ko sa ID.

"boss, wala na palang stock sa kitchen kaya nag order nalang ako ng pizza" tumingin ito sa akin "okay na po ba ito sa inyo or may gusto po kayong i-request"

meryenda ba ang ibig niyang sabihin?

"o-opo" alanganin kong sagot. "kahit ano po." 

pinaghain niya kami ng tig-isang slice sa plato bago umalis.

"gusto mo bang umikot? ako nalang sasama sa iyo dahil malamang tulog iyon si tiven kung saan" pinagpatong patong niya ang mga libro. " para naman sa tanong mo"

buong atensyon ko ay nasa kanya.

"Love is always uncertain. That's why it's exciting, challenging, and engaging. We have different kinds of love, different levels of love and different ways of showing it. kung mahal mo siya hindi importante kung nasaan ka pang sitwasyon kasi kahit gaano kagulo pa iyan sisimulan mo iyong ayusin para sa inyong dalawa."

i'm speechless. pakiramdam ko binibigyan niya ako ng naration sa susunod niyang libro. Hindi ko maiwasan hindi mag paka-fan girl sa oras na ito pero tumagos din sa puso ko ang mga sinabi niya.

'sisimulan mo iyon ayusin para sa inyong dalawa' nage-echo iyon sa isip ko.

"Hindi ko alam kung ano sitwasyon mo but I know steven, wala ng mas importante sa kanya kundi ang tulog niya. If he sacrafice his sleep for this one it only meant one thing. malakas ang jowa mo sa kanya. " aniya sabay tawa.

kanina seryoso siya and in a snap biglang hindi na ako sigurado sa tono niya.

"You know Sometimes the real villain of the story is yourself . Specifically when the things getting better and you just ruin it. Intentionally or not. It will just get to you that you messed up." sumubo ito ng pizza " Sometimes we create our own problem, ever heard of that?"

Napangiti ako. mabait nga siya tulad ng sinasabi ng iba. hindi ako nagkamali ng inidolo.

after namin mag meryende ay umikot kami sa lugar. factory pala ang nasa likod nagulat ako na siya pala ang may-ari ng isa sa pinaka sikat na clothing brand ang 'themate shop' malawak ang lugar nila at presko nag kwewntuhan pa kami sa mga ramdom na bagay bago bumalik sa office. 

inaya niya akong kumain ng lunch at hindi ako tumanggi. nilulutuan siya araw-araw ng healthy food bilin daw kasi iyon ni hannah na secretary/ best friend niya kaya kahit hindi ako palakain ng gulat ay sinabayan ko siya.

bandang alas dos ng hapon ng tinanong ko nasaan na ba si doc steven. sa gilid ng table niya ay may pintuan. hindi ko iyon na pansin ng dumating kami. binuksan niya iyon at naririnig ko na siyang ginigising si doc steven.

"tapos na fan service? okay na iyon carmela? paabutin mo na sana ng gabi para sulit tsaka mas mahaba tinulog ko" reklamo niya ng pasakay na kami sa kotse.

"nakakahiya naman sobrang istorbo na ako." 

yakap ko ang libro na binigya niya sa akin.

habang papalayo kami sa lugar ay unti-unti akong bumalik sa realidad. May problema pa nga pala ako. Ang ganda ng regalo niya sa akin samantalang nabasag ang regalo ko sa kanya, sinaktan ko pa siya.

'i miss you please talk to me'

I press Send before scrolling through the messages I sent, and there's no reply.

I'm happy meeting one of my favorite author but I can't be fully happy. May kulang, hindi ko kayang maging lubusang masaya knowing how hurt he might be at this moment. Matagal na niyang plano 'to para sa akin. Tinupad niya ang gusto ko.

"how was he?" I asked, looking at his last message to me, 'I love you.' "sa abroad? kamust kayo doon?"

"as we arrived trabaho agad ang inatupag ni zander. hindi ko siya makausap ng maayos unless tungkol sa hospital. he never mention you or even talked about what happened in the airport"

"Malungkot ba siya?"

Nagdalawang tingin siya sa akin. "gusto mong batukan kita? ikaw kaya biglang ihatid sa airport ng partner mo tapos ikaw nalang hindi nakakaalam na aalis ka na pala"

nahampas ko ang ulo ko ng mahina, late ko narealized ang sinabi ko.

"He does look at one particular picture, though."

"what picture?"

"you, sleeping on his arms..."

nagkatinginan kami saglit. wala akong ibang maisip kung saan niya nakuha iyon kundi noong nag baguio kami, that last bonding that we have.

"...and always writing on a journal. lagi iyon nasa church ng ospital ewan ko anung pinagdadasal" aniya sabay tawa pero matapos ay sumeryoso ang mukha  "he loves you, di ka matitiis noon."

Nginitian ko si doc steven. "I know"

mas lumawak ang ngiti ko ng mag-flash ang mukha ni Zander sa screen ng phone ko. Naluha ako sa tuwa. 

Nilingon ko si Doc steven na nakangiti din sa akin ng sumulyap sa phone ko. pero nawala pareho ang ngiti namin ng pagbalingin namin sa harap ay may isang sasakyan ang biglang lumiko papunta sa direksyon namin.

Masayado itong mabilis at huli na para maka-iwas kami.

---

^_^: nasa The unforgettable conflict din si ailie.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top