ENTER #32

Lampas alas otso na ng makarating kami sa resto kung saan ako nagpahatid. The restaurant serves only until 7pm today kaya medyo madilim na.

"Are you sure dito kita ihahatid? Anong gagawin mo djan mukhang wala ng tao"

After namin magusap nila Angela ay nilagay ko sa vibrate mode ang phone ko, kanina ko pa nga nararamdam ang sunod na sunod na vibrate. I assume sila angela ito kaya hindi ko nalang pinapansin, baka mangulit lang siya sa akin tungkol sa detalye ng araw ko.

hindi ko inaasahan na magkikita kami kanina kaya medyo nagpanic ako, gusto ko kasing matapos ang araw na ito ng walang nakakaalam.

Pareho kaming hindi nagsalita ni poseidon. Nakatayo kami pareho sa tabi ng sasakyan niya, nasa bulsa ng pantalon ang dalawang kamay nito at nakatingin sa semento.

"So, I guess this is goodbye?" maya-maya ay sabi niya habang nakatingin parin sa ibaba.

"I did what I promised."

Matamlay itong tumawa. "you know what? I was hoping na sumama ka sa akin because you want to not because it's an obligation"

"posei—"

"Don't say any more words. I want to leave with good memories." finaly inangat niya ang ulo niya at tumingin sa akin. "I still want to fight. I'm still thinking that I'm the best choice, but loving you is a losing game." Rinig ko ang saglit na paggaralgal ng boses niya bago mabilis na tumikhim ng ilang beses. "I'm letting go."

"I'm sorry"

"Don't be. Nasa akin naman ang problema eh."

Hindi ako gumalaw ng akma niya akong yayakapin pero hindi niya tinuloy. He tried a shake hands gesture pero binaba niya agad ang kamay niya. Sa huli napakamot nalang siya sa ulo hindi malaman kung ano ang magandang gawin.

Ako na ang ang kusa na abutin ang kamay niya para sa shake hands. Mukhang nagulat pa nga ito pero di nagtagal ay pumisil ng mahigpit ang palad niya.

"Don't say nice things like thank you for or sorry for. Mahihirapan ako mag move on" mabilis niyang awat sa akin ng bumuka ang bibig ko para magsalita.

Thank you for five years of friendship. I appreciate everything. Sorry, because I know I hurt you too. I'm letting go. You are one of my dearest friends. kahit marami kang nabigay sakin problema. But we have to let go.

Pinagmasdan ko ang sasakyan ni poseidon habang papalayo. Mabuti nalang at dito ako nagpahatid dahil bigla kong naalala na naiwan ko pala ang regalo ko para kay zander.

Napa-atras pa ako ng konti pagbukas ng resto dahil sa sobrang dilim, wala naman sigurong multo dito dahil palagi naman matao ang lugar. Dumiretso ako sa office para kunin ang paper bag na nasa sofa.

Binilhan ko siya ng mug na may bulateng sulat, katulad sa sulat na hindi maintindihan pero 'daily dose of coffee and you rawr' talaga ang message na nakalagay doon, gusto ko lang siyang asarin.

palabas na ako ng resto ng makarinig ako ng makina ng sasakyan. kinakaban pa akong silipin kung sino dahil baka bumalik lang pala si poseidon. isang pulang bmw ang nasa parking lot. siniguro kong nakasarado na ang resto ko bago ko tinignan muli ang sasakyan.

hindi ba nila nakita sa page na hanggang 7 lang kami mag serve? Lumapit ako at kinatok ang front door glass window.

"excuse me po pero bawal po mag park dito, private property po ito and closed na po ang resto."

umatras ako ng bumukas ang pinto ng driver seat at bumaba ang isang lalaki.

"johny? johny!"

"yes baby"

eh? napangiwi ako ng hindi sinasadya.

"joke lang!" inabot niya ang isang plain blue na paper bag "merry christmas"

"ano 'to?" nagalanganin pa akong kunin iyon pero sa huli ay inabot ko din.

"regalo" matamis siyang ngumiti. "buti naabutan kita dito"

Umiling ako. Naguguluhan sa gesture niya.

"you don't have to.."

"c'mon it's just a gift." he wave his hands in the air, dismissing the topic. "sige na puntahan mo na ang pinsan mo baka mainip na siya kakahintay sa iyo"

I tilt my head, confused by the word."pinsan?"

Nanlamig ang balikat ko ng ma-realized ang ibig niyang sabihin.

Zander?

"saan? nakita mo siya?"

Imposible! alam kong wala siya ngayon sa metro manila. sasabihin naman niya sa akin kung nakabalik na siya, hindi ba?

"hindi ba may private parking kayo sa likod? doon ko nakitang dumiretso ang kotse niya.. wait.. carmela!"

Mabilis ko siyang tinalikuran at tumakbo papunta sa likod. ang bilis ng tibok ng puso ko dahil sa saya. Paano niya nalaman na nandito ako sa resto? su-surpresahin niya ba ako sa birthday ko?

Malawak na ngumiti ako ng matanaw siya na nakasandal sa puti niyang sasakyan.

lakad-takbo ang ginawa ko na may malawak na ngiti paghinto sa tapat niya.

"Doc!" magiliw kong bati. "bakit hindi mo sinabi na uuwi ka today? sa 26 pa tayo magkikita 'di ba?"

nakayuko siya at hindi manlang nag-angat ng tingin sa akin kahit pa alam niyang nandito ako. naka-steady lang siya habang nakalagay sa bulsa ang dalawang kamay.

Nawala ang ngiti ko "Zander?" yumuko ako para silipin ang mukha niya.

"kailan pa?" seryoso at walang kasing lamig ang boses nito na pinagtaka ko.

"ha?"

"kailan ka pa nagsisinungaling sa akin?"

sa wakas inangat niya ang ulo niyo. bahagya akong napa-atras nang masalubong ang seryoso niyang mga tingin. Hindi ko maintindihan bakit ko nakikitaan ng galit ang mga mata niya.

"hindi ko gets" nahirapan akong huminga sa bigat ng dibdib ko. "oy bakit parang galit ka?"

He gave me his cellphone. Nanginginig ang mga kamay ko sa pagkuha ng cellphone para mas matitigan mabuti ang lawaran. kuha ito kanina, kaming dalawa ani poseidon. I keep scrolling and shivering as I see more.

"mali ka ng iniisip" hindi ko napigilan ang panginginig ng boses ko.

"ano ba sa tingin mo ang iniisip ko?"

Nanlamig ang buong katawan ko, hindi ko alam paano magpapaliwanag sa kanya. Hindi ko alam paano ko sisimulan o magdadalhilan.

"ahh.. babalik na kasi siya sa New Zealand kaya parang despidida lang" pinili ko nalang na simplihan.

"Just the two of you?" hindi parin nababawasan ang lamig sa boses niya.

binasa ko ang labi ko at lumunok, pakiramdam ko kinukulang ako sa hangin at tubig sa katawan sa mga oras na ito. Nawawala ako sa sarili sa dami ng mga scenario na sumusulpot sa isip ko.

"busy pala kasi sila late ko na nalaman." ngumiti ako para hindi ipahalata ang kaba na dumadaloy sa katawan ko. "ikaw? anong ginagawa mo djan? dapat sinabi mo sa akin na dito ka mag ce-celebrate ng christmas para--"

natigilan ako ng bigla siyang natawa ngunit hindi masaya kundi parang iniinsulto niya ako. tipo ng tawa na sarkastiko at parang bored sa sinasabi ko.

"I didn't expect you to be a good liar."

"h-ha?"

He stood up straight, towering over me with such an intimidating aura.

"that time" napasinghap ako sa gigil sa boses niya " I know siya ang kasama mo that time na pinauna mo ako sa 7/11 at hindi sinipot."

Hindi ako nakaimik.

"I know everything"

Tuluyan ng humapdi at nagtubig ang mata ko. "Let me explain"

"explain!?"

Nagulat ako sa tila kulog nitong tinig. hindi siya ganoong nagtaas ng boses pero dahil kaming dalawa lang ang nasa lugar ay tila nag echo sa tenga ko ang galit na doon.

"I can't believe you're doing this to me" he massages the bridge of his nose. "I know I have wronged you before by not telling you anything, but this is different. Mine is the past; yours is cheating."

"No! I'm not cheating on you"

He takes a deep breath, as if it was his last. "Carmela, I asked you so many times, but you chose to lie. I gave you chance to tell me the truth kung nasaan ka, kung sino kasama mo, kung anong ginagawa mo, at kung may problema ba dahil gusto ko sa iyo mangaling."

Nagpanic ako pero walang kahit anong salita ang pumapasok sa isip ko at mas lalong hindi ko malaman ang gagawin para pakalmahin siya. Hindi ko pa siya nakitang magalit ng ganito.

"I can wait for you. Pinatay ko ang puso ko ng dalawang taon kasi ikaw ang gusto ko, kahit ang dami diyang iba kahit hindi ko alam kung may babalikan pa ba ako"

Pabigat ng pabigat ang pakiramdam, parang may kung anong nabara sa lalamunan ko. Hindi ko maibuka ang bibig ko dahil pakiramdam ko bubulahaw ako ng iyak.

Sa gitna ng galit ay may pagsusumamo ang boses nito.

Zander... my intentions are good. Nais kong sabihin pero hindi ako nagkalakas ng loob bigkasin.

"I can't explain how much I'm willing to do for you or how much I love you, but this? I can give you as much time as you need pero sana wala akong kasabay. Sana kahit assurance na bigyan mo ako ng konti. Not lies or uncertain feeling"

"Zander.." pangalan palang niya ang nasasabi ko ay pumiyok na agada ko.

"I love you but..."

Nakakapanghina ang mga mata niyang nakatitig sa akin na para bang hindi niya ako kilala, Nanginig ako sa bawat malalim niya buntong hininga dahil alam kong ako ang dahilan kung bakit siya nahihirapan.

Nagpipigil siyang may masabi sa akin dahil sa galit.

Huminga ako ng malalim at tumikhim para hindi na muling pumiyok. "pakingan mo muna ako please"

sinubukan kong hawakan kamay niya pero tinabig niya ako. sa lakas ng pagtabig niya ay nabitawan ko ang hawak na paper bag at malakas din iyong bumagsak sa sahig. rinig ko ang tunog na parang may nabasag. Alam ko agad kung ano iyon.

"Ilang beses kitang tinanong, ganoon ba kahirap maging honest? Ganoon ba kaliit ang tiwala mo sa akin? Wala ka manlang bang tiwala sa pangunawa ko? carmela naman aabot ba ako sa ganito kung mababaw ang pagmamahal ko sa iyo?"

"I'm sorry! no wait!"

tinalikuran na niya ako. walang balak makinig sa kung ano pa ang sasabihin ko. hindi manlang niya ako nilingon ng kahit isang beses hanggang sa makapasok siya sa kotse niya.

"Zander please pagusapan muna natin 'to! please! please! no wait! pakingan mo naman ako!!"

Kahit ilang beses ko katukin ang bintana ng sasakyan niya at magmakaawa ay umalis parin siya. Iniwan niya parin ako.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top