CHAPTER 2: BEAT MAX
Tress POV
Umikot pa ako ng way papunta sa beat studyo, malayo ito sa coffee shop kaya nang makarating ako patapos na sila mag rehears ng kanta. Mabuti nalang kabisado ko ang mga kanta kaya di na nahirapan pang sumabay sa tugtog.
Doon na rin kami kumain at nagbihis para sabay sabay na mamayang pumunta ng school.
"Talaga may iba pang banda mamaya dun natutugtog?" Dinig kong tanong ni Marlo kay Zy.
Nasa kabilang sofa lang sila naka upong nagku-kwentohan kaya dinig na dinig ko ang bawat pag uusapan nila.
"Oo, Ewan ko kung sino sila pero mukhang bago palang" sagot ni Zy
"Ah alam ko na! Siguro sila yung nakita kong banda nung isang gabi sa isang bar na kumakanta. Ano nga pangalan nila?" Kunwa'y inaalala ni Marlo ang pangalan ng Banda.
"Ang alam ko taga school din sila at mababarkada."
"Sino nga ba? Tsk! Nakalimutan ko na kasi. Malalaman natin mamaya."
Tumayo ako para kumuha ng string ng guitara ko na matagal ng nasira sa sobrang gigil ko noon sa pagkalabit. Na stock, ngayon ko lang susubukang ayusin.
"Akala ko itatapon mo na yan" turo ni Xy na nag abot sa akin ng string. Siya lang palagi ang may extra. Inaayos din niya ang kanyang guitara, tulad ko parehas ang dahilan ng pagkakasira.
"Ikaw din naman, naitago mo pa pala" umupo ako sa kanyang tabi.
"Ahuh. Ang pagbalik sa nakaraan, siya ring daan pabalik sa kasalukuyan" napailing ako sa malilim niyang salita.
Tumawa ako "eh di pag nakabalik ka sa kasalukuyan tatanawin mo pa ba ang nakaraan?" Nahawa na ako sa lalaking ito haha.
Nakahawak siya sa kanyang baba at napakibit balikat " di pende sa sitwasyon. Baka pag tumanaw ka pa sa nakaraan hilain ka lang nito pabalik."
Pareho kaming napatawa ng mahina.
Minura ko nalang siya sa isip. Ang daming alam tipong Korny na minsan haha.
Punong puno ang parking ng nagpark kami sa school. Muntik na nangang di makahanap ng bakante sa dami ng mga sasakyan. Nagkalat pa ang mga studyante na magagara ang damit dito, may nagmamake up, dito na nag aayos, lasing na agad at nakikipag halikan. Hayss!
Nauuna kaming maglakad ni Daphne yung tatlong boys nasa likod kasunod lang. Feel na feel ng mga gago maglakad escort daw namin sila pfft. Napag titinginan tuloy kami ng mga studyante na nadadaanan namin.
"Uh Yan Yung nalaos na beat the max diba?"
"Nalaos ba sila? Parang di naman napahinga lang daw ang banda matapos ang issue"
"Luh wag nga kayong humusga agad wala tayong alam sa nangyari."
"Yun lang sayang, ang bilis umangat ang bilis din bumaba"
Huminto kami ng biglang naghiyawan ang mga studyante at nagtakbuhan sa harapan namin. Pinagpyestahan sila karamihan sa mga babae, Todo kuha ng litrato at inaabot na papel. Magpapa authograph ba? Wow huh? Handang handa.
"Yan yung sinasabi kong bagong Banda" sambit ni Zy.
Nagpatuloy kami sa paglalakad, hindi pinansin ang mga taong nasa paligid namin. Hindi kami naparito para sakanila, nandito kami para tumugtog.
Inilibot namin ang paningin ng makatuntong na kami sa market building. Unang pasok namin ay puno nga ng mga iba't ibang klase ng pagkain, appliances at school supplies. Hanga din ako kasi may mga empleyado agad na nagsisimula ng magtrabaho ng ganitong oras ng Gabi.
Nang sa second floor na, puro instrumental sets na. Mukhang abnoy tuloy kaming sayang saya na tignan ang mga nadadaanan naming kagamitan. Di naman naiwasan ni Marlo na bumili ng keychain na sumisimbolo sa pagiging drummer niya at si Xy pinareserve lahat ng strings na nandoon nataka kami kung para saan ang mga iyon, ang dami pa nitong stock sa bahay nila.
"Wag nalang kumontra, kaligayahan ko yun" halata nga sakanya na maligaya siya mapupunit na nga ata mukha niya sa kakangiti dahil sa strings.
May third and Fourth floor pa malalawak pero bumaba kami Mula sa second floor sa kabila nito. Doon gaanapin ang ceremonya. Binatukan ko si Xy ng may daan pala sa first floor patungo dito sa venue doon pa kami pinadaan.Gago lang!
"Mabuti nandito na kayo, sige na guys iready niyo na ang mga gamit niyo at ilang minuto nalang magsisimula na." Nagmamadaling sabi ng president ng school coordinator amin. "Ah nga pala pagkatapos ng tatlong kanta ng Daimond Band, kayo na sunod" dagdag pa niya saka umalis.
Magulo dito sa back stage may mga nagsasayaw ng hip-hop, pabalik balik na staff para mag ayos ng nasirang gamit, nagchecheck ng ilaw, at ang bandang sinasabi nila na kadarating din lang.Nakatalikod ang bokalista nila, tinatakpan ang iba nitong myembro kaya ibinaba ko na rin lang ang gamit ko.
"Oh pampakalma"bato sa amin isa isa ni Zy ng San Miguel. Sinalo ko naman ito at agad binuksan pinalibutan namin ng tissue ang gilid nito para di halata haha.
"Maamoy tayo nito" nakangiwing sabi ni Xy pero uminom din naman.
"Lumaklak nalang kayo ng pabango" biro ni Daphne
"Tss"natatawa naming sambit.
Nasa ganung sitwasyon lang kami ng may grupong lumapit sa amin, nakatalikod ako kaya kailagan ko pang lumingon para tignan kung sino ang mga iyon.
"Hi" bati ng bokalista. Pamilyar sa akin ang mukha niya diko lang maalala saan ko ito nakita.
"Kayo ang beat the max diba? Nagagalak akong makilala kayo." Tumango ang mga kasama ko.
"Kami din" sambit ko. Gulat siyang napatingin sa akin pero kalaunan ay ngumiti din.
"Erickson Rizal nga pala" inalahad niya ang kamay niya pero tinignan ko lang ito.
Rizal? Tinitigan ko ang buong mukha niya inaalala kung saan ko siya nakita.
"Ikaw yung nag abot ng panyo" pagkumpirma ko kung tama akong siya iyon. Lumawak ang ngiti niya at napatango.
"Oo, sila pala mga ka Banda ko" tinuro niya ang mga nasa likod niyang tatlo na abala sa pakikipag usap sa mga staff.
"Sila din mga kabanda ko" turo ko sa mga loko lokong nasa likod ko na kanina pa nagkukunwari na busy pero tinatadyakan ako ng mahina.
Masusupalpal ko ang mga ito mamaya.
Nagsalita ang emci sa stage hudyat na magsisimula na ang ceremony, di natagal ay nagbigay na ng mensahe ang Presidente ng skwelahan kasama ang ibang Mataas na opisyal. Dumudugo lang ang tenga kong marinig ang sinasabi nila, puro English naintindihan ko lang THANK YOU AND ENJOY THE NIGHT HAHA
Bumalik ang president ng school coordinator at tinawag ang bandang nasa harapan namin.
"Sige tutugtog muna kami." Pilit akong ngumiti at itinaas ang kamay.
"Tangina may gusto sayo yun tress" ngising aso ni Marlo. Ibinato ko sakanya ang hawak kong lata ng San Miguel.
"Nakipag usap lang binigyan mo na ng malisya." Giit ko.
"Tress samahan mo muna si Daphne sa Second Floor may ipinabili lang ako" utos ni Zy.
Piningot ko ang ilong ni Marlo saka sumunod kay Daphne. Gagong yun kung ano-anong pinagsasabi ilibing ko pa siya ng buhay haha joke.
Nagpaalam ako kay Daphne na sa keychain section muna ako tutungo habang abala ito sa paghahanap ng pinabibili ni Zy sakanya.
May keychain lang na nakakuha ng atensyon ko kanina.
Isang star na bones ang ginamit pang design sa loob nito may kamay na nakarock sign.Sa lahat ng kasama nito, iyon lang ang may ganung klaseng style, tingin ko naman'y nababagay ito sa akin kaya di na ako nag alinlangang binili ito.
"Ah ma'am wala pong nakalagay na presyo maaring yung meron nalang po ba? Kasi bilin ng manager namin wag ititinda kung walang presyo."
Sambit ng cashier na babae ng akmang babayaran ko na ito.
"Huh? Wala na akong makita doon na tulad niyan. Pakihanapan nalang ako ate kung may ganyan pa" pakiusap ko.
Tumango naman ang babae at nagpahanap ng may presyong tulad ng napili ko.
"Para saan naman itong flute na ito? Tsk! Weird talaga ng magkapatid na iyon" napailing nasabi ni Daphne habang sinusuri ang flute na hawak niya. "Bibili na nga lang dito pa? Di hamak naman na mas maganda sa dati niyang pinagbibilhan" dagdag pa nito at binayaran ang flute.
"Ate wala pong ganitong style"sambit ng naghanap na staff sa gilid ko.
Desidido akong bilhin iyon kaya inilabas ko ang limang libo sa wallet ko.Gulat silang napatingin, paano wala pa nga sa isang libo ang presyo nun pero sobra sobra na ang bigay ko makuha ko lang ito.
"Pero ma'am--" tinaas ko ang kamay ko para pigilan siyang magsalita pa. Dinagdaan ko ng tatlong libo ang naunang bayad ko saka umalis.
"Eight thousand ang ibinayad mo sa keychain lang na yan?" Di makapaniwalang tanong ni Daphne habang naglalakad kami pabalik.
"Wala eh gusto ko." Kibit balikat kong sagot.
Binulsa ko ang nabili ko ng biglang sumulpot si Xy at may nginunguso sa parte ng stage kung saan nagpeperform ngayon and Daimond Band. Inipit ko ang leeg niya sa kamay ko at hinila ito sa pwesto namin.
"Aray! Ito naman! Oo na! Di na kita asarin sakanya."pagsuko niya.Patulak ko siyang binitawan.ABNOY!
"Okay! Relaks people! Haha may isa pa namang banda na siguradong ikakatuwa niyo din." Pagpakalma ng emcee sa audience.
Sigaw ng sigaw ang lahat ng 'we want more' sa naunang Banda pero di na sila napagbigyan. Sinilip ko ang crowd at punong puno ang bawat silyang upuan. Halata sa mga mukha nila ang pagkadismayado dahil tapos ng tumugtog ang tinitilian nilang Daimond Band.
"Zylo ano ready na ba sila? Kayo na ang sunod"tinignan kami isa isa ng president coordinator.
Thumbs up ang naging tugon namin sakanya.
"Woah! Bakit pakiramdam ko makikikontest tayo kahit di naman"tumalon talon sa excitement si Marlo.
"SO NOW! LETS BE WILD AND GIVE THEM A SHOUT! THE BEAAAAAAAAT!!!!!!! THEEEEEEE.... MAXXXXXX!!!!!!!!!!!!" Sigaw ng emcee.
Umingay ang crowd. Kung sa Daimond Band babae ang halos tumili kami mga lalaki. Gulat pa kami ng makita ang mga poster na mukha namin at LED light na pangalan ng Banda.
Lumapit sa akin si Xylo habang inaayos niya ang electric guitar. "Beat the Max, Tress" bulong niya. Naintindihan ko ang nais niyang iparating.
He want me to bring the 'Tress Rocking Shots'
"ALRIGHT! GOOD EVENING LADY'S AND GENTLEMAN! KUMUSTA KAYONG LAHAAAAAAAAT!" Sigaw ko with matching Rock sign. "KAMI ANG BEAT THE MAX BAND! ARE YOU READY TO ROCK THE NIGHT?" Tinapat ko sa audience ang Microphone.
" Yeaaaaaah!!! Beat it! "
" Rock it baby! "
"We're ready!!!!"
"Yeaaaaaahhh!!!"
"Bring it!!!"
Napakagat labi ako para pigilan ang saya ko na makitang kahit papaano may mga sumusuporta parin sa Banda sa kabila ng lahat ng pinadaanan namin. May mga patuloy na niniwala at hindi parin bumibitaw.
Unang pyesa ni Daphne ay nilapitan ko siya habang tumatalon talon. Sunod kay Marlo na napangisi at lalo pang nagpakitang gilas sa pagpalo ng drums. Napatalon naman kami pareho ni Xy at napahiyaw sa saya.
Muling nag balik ang pakiramdam ng una kaming sumalang sa stage, yung joy sa pag tugtog, pagka labit ng bawat instrumento at makitang masayang nakikinig ang mga tao.
"BE READY.."Sambit ko bago nag umpisa.
'You call me up,
It's like a broken record
Saying that your heart hurts
That you never get over him getting over you.
And you end up crying
And I end up lying,
'Cause I'm just a sucker for anything that you do.'
Isang Gabi lang. Ngayong gabi lang, gusto kong ipakita na ang grupong tumutugtog ngayon dito sa harapan nila ay nagbabalik na. Itutuloy namin ang naudlot na kahapon, marami mang nagbago, tulad man ng pamamayagpag namin noon ang pagbagsak namin naniniwala akong unti unti makikilala ulit kami.
Sa bawat tao na nandito ngayon. Ikinagagalak kong makita ang kasiyahan sa bawat mukha nila.
Natawa ako ng pati ang mga nasa back stage ay napasilip narin sa amin. Saglit pa akong nagulat ng may grupong todo cheer sa amin at nang mapagtanto ko kung sino sila ay naparock sign ako.
Daimond Band
Pero sa lahat ng naroon isa Ang nakapukaw ng atensyon ko. Yung lalaking nagngangalang Erickson. I felt weird when our eyes met. Hnd naman ganito ang pakiramdam ko kanina ng nag usap kami. Parang may kakaiba ngayong malayo siya.
Pasimple akong napangiwi sa naisip.
Kumaway nalang ako sa mga tao at natawa sa naging mga reactions nila. I really don't expect this. Nakaka overwhelmed.
BEAT THE MAX COMEBACK SOON. I CAN FEEL IT.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top