Chapter 1: A BROKEN MAN
Tress POV
Excited akong lumabas sa bahay at nagtungo sa mga ka banda ko. We've been 3 years simula ng mabuo kami sa larangan ng pagtugtog. Magkakabigan ang mga parents namin sa negosyo, sila din ang nag udyok sa aming tumugtog as a group kesa daw matulad kami sa ibang kabataan na may ibang bisyo ang pinagkakaabalahan.
Bale lima kami. Dalawang babae at tatlong lalaki.Ako ang lead singer, hindi sa pinamamayabang pero sa aming lahat ako ang may magandang boses haha, si Daphne ang babae naming guitarista hindi lang halata kasi pag walang gig o hindi kami tumutugtog napakatahimik niya at religious ngayon tignan mo naman naka pang rakista out fit siya bad girl na bad girl. Si Xylo ang lalaking guitarista din namin, marami siyang alam na instrument na tugtugin laking America pero bihira mag salita ng ingles mas ginagamit niya ang wika natin nagiging makata nga yan minsan tsk! Si Marlo ang aming drummer laging tulog pero on time dumating sa mga usapan hindi pa yan na lalate, Varsity player ng soccer at flingero. Ginagamit ang itsura para makapangloko kaya becareful girls alam na. Si Zylo kakambal ni Xylo ang pumipili ng kakantahin namin siya rin ang nagdedesisyon sa aming banda, book worm , magaling sa piano and flute, manager namin.
Lahat kami nasa iisang skwelahan nag aaral pero hindi magkakaklase may iba't iba ang kurso pero parehas ng passion.Ang tumugtog at makapagpasaya ng ibang tao.
Pagdating namin sa bar kung saan kami tutugtog ngayong gabi, sinet na agad ang mga gamit. Kaunti palang ang mga tao ngayon dito pero mamaya panigurado mapupuno nanaman ito ng iba't ibang klase ng tao.
"Zylo mabuti at napagbigyan niyo ulit ang requests kong tumugtog" sumulyap ako sa manager ng Eagle Bar na ito.
Pangalawang beses na kaming tutugtog dito.Nung una nga makalait ang gurang na may ari sa simpleng mali ni Xylo dami ng sinabi tas ngayon maka approach kalamo naka amnesia? Tss! Nagtataka parin ako sa binigay na rason sa amin ni Zy kung bakit kami nandito ulit.
"Tutugtog tayo ulit sa eagle bar" seryoso niyang sabi at lahat kami napahinto ang ginagawa.
What? Matapos kaming ipahiya ng gurang na iyon babalik pa kami?
"Ano? Bakit? Kalako ba hindi na natin pagbibigyan ang matandang iyon sa request niyang tutugtog tayo sa letcheng bar na iyon?!" Naiiritang sabi ng kambal niya.
"Zy nakita mo naman yung ginawa sa atin diba?" mahinahong sambit ni Marlo.
"May kasalanan tayo sa nangyari kaya siya nagalit naintinihan niyo?" Huli siyang napatingin kay Xy. Nag gets ko ang ipinunto niya. "Kung kaya't babalik tayo para tumugtog ulit."
Umalis si Daphne ng tahimik.
Sinundan namin siya ng tingin nang nagsalita si Marlo.
"Bigyan mo kami ng rason para tumugtog ulit sa bar na yan"
"Malaki ang maitututulong sa atin ni Mr Paul. Magbibigay siya ng donasyon sa charity na pinatayo natin para sa mga bata."
Binalik ko nalang ang atensyon sa aking ginagawa at nag rehears sa kakantahin ko mamaya.
Inalok ako ng yosi ni Xy pero tinaggihan ko.Gagu niya smooker ang loko idadamay pa ako.
"Tress sa bahay niyo nalang tayo mamaya diretso yoko muna umuwi sa amin dumating si ate" nakangiwing sabi ni Marlo
Linapitan naman siya ni Xy na bumubuga ng usok at tinapik ang balikat niya.
"Bro ako nalang matulog sa bahay niyo" nakangising sabi ni Xy at lalong napangiwi si Marlo.
May paghanga kasi ito sa nakatatandang kapatid ni Marlo na si Agnes.Diko pa siya nakilala ever since kasi bihira naman daw itong lumabas ng bahay pag nandito sa pilipinas kung lumabas man nagtatrabaho nalang siya sa kumpanya nila.
Nakilala siya ni Xy ng natulog ito once sa bahay nila Marlo galing siya sa Cebu saktong naroon din ang ate niya kaya siguro ganun.
"Gago! Wag kang mahulog sa dragon na ate ko iiyak ka lang sa huli" medyo natatawang sabi narin ni Marlo.
Napabuntong hininga ako at bumaba ng stage.
Lalabas muna ako saglit para kumain.Siguradong madaling araw na kami makakain o baka nga kinabukasan na sa sobrang pagod namin mamaya.
Sumalubong sa akin ang napakalamig na hangin at biglang putukan ng mga firework mula sa langit napangiti ako kung gaano ito kaganda may simbolo pang MARRY ME? Woah! May nagpopropost ah.
Psh! Kung sino man ang babaeng iyan maswerte siya mukhang umeffort ang lalaki sakanya. Sana makuha ng lalaking iyon ang oo ng babae.
Dumeretso ako sa katabi ng restaurant ng bar at doon na kumain mag isa.
"Lhaira wait!" Napalingon halos karamihan sa lalaking nagsalita na hinahabol nito ang babaeng papaalis na.
Huminto ang babae ngunit nakatalikod ito sa lalaki. Kita sa mukha ng lalaking mestiso ang sakit at hirap na nakahawak ng mahigpit sa kamay ng babae. Hindi ko naman maiwasang mapahinto sa pagkain at panonoorin ang dalawa halos nasa harapan ko na kasi sila tss!
"Hihintayin parin kita. Kung hindi ngayon,pagbalik mo basta pakasalan mo ako." Tuluyang bumagsak ang luha na pinipigilan ng babae.
"Sorry" umiling at pilit tinanggal ang kamay ng lalaki.
Wala naman ng nagawa si koyang at bumitaw, napakagat siya sa labi at tumingala para pigilan ang luha.Kumurap kurap ito makalipas ang ilang sandali ay umalis na rin ito sa mga oras na iyon nakita ko sakanya sa mga mata niya ang pagod sa mga pinagdaanan. Teka! WHAT? Urg! Kelan ko pa napansin iyon?
Pagbalik sa bar madami ng mga tao. Dumaan ako sa back stage at naabutan silang nag reready na.
"Saan ka galing?" Tanong ni Zy.
"Jan sa labas kumain lang" sagot ko habang inaayos ko ang sarili.
"Sige bilisan niyo na at ilang minuto nalang magsisimula na kayo."
Tinanggal ko ang pagkakatali ng buhok ko at hinayaan itong lumugay mas komportable ako ng ganito. Nakaka swabeng tignan hehe.
Ilang sandali lang tumungo na kami sa stage. Napatingin ang ilan sa aming naroon may iba busy sa pakikipaglandian.Malamang karamihan sa mga dating customer dito ay mamumukhaan kami di dahil nakikilala na ang pangalan ng banda kundi dahil sa nangyari noong una.
"Ah,Magandang Gabi po sa inyong lahat. Kami ang Beat The Max sana masiyahan kayo sa mga kanta na ihahandog namin ngayong gabi."Inilibot ko ang paningin ko sa lahat at nagsign ng rock.
Tinanggal ko ang microphone sa stand nito sinyales na magsisimula na kami.
Unang beat palang ni Xy ay napahiyaw na ang mga tao.Napangisi ako dahil pamilyar sa kanila ang unang tugtog bagay kasi ito sa mga mahilig magparty rock n roll ang dating. Mukhang matinding rakrakan ang gabing ito.
"Orayt!" Sigaw ko lalo pang naging wild ang mga tao.
Makalipas ang tatlong oras na magkasunod sunod na kasiyahan kinanta ko na ang BUMALIK KANA SA AKIN ng silent sanctuary bago magpahinga.
"Magaan na ba ang 'yong paghinga bumalik kana sa 'kin
Klaro na ba ang isip sinta bumalik kana sa 'kin
Sige na please wag nang maiinis bumalik kana sa 'kin
Sorry mahal ik'y nasaktan bumalik kana sa 'kin
bumalik kana sa akin.."
Sa gitna ng pagkanta ko ay nakita kong pumasok ang isang lalaki. Tuloy tuloy itong naglakad nang wala sa sarili gusot gusot na rin ang damit niya at magulo ang buhok.
Umupo siya sa pinakasulok at balak pa atang magpakalasing. Tsk! Yung lalaki kanina sa restaurant.
"Bumalik kana sa akin..." Malumanay kong ikinanta.
Napainom ako ng tubig nang basa back stage na ulit kami. Parang natuyuan pa ako, sakit din sa panga humiyaw para sumabay sa mga tao.
"Gago ka talaga Xy! Muntik na akong di makasabay kanina ulul!"
"Nakasabay ka naman bro diba?"
Naglokohan ang dalawang guitarista at drummer.
Bigla namang dumating si Zy at nakipag fist bump sa aming lahat.
"Ayos mukhang nagustuhan nila ang mga tinugtog niyo" half smile siyang tumingin sa amin. Ganyan yan di marunong ngumiti.
"Sheympre siguraduhin mo Zy na tutulong yan sa beat the charity" maangas na tugon ni Daphne kay Zy at napatango naman ito.
"Wag kayong mag alala sigurado na iyon."
Naka lima pa kaming tugtog ng muli kaming bumalik sa stage.
Malalim na ang gabi ngunit buhay na buhay parin ang mga tao na nag kakasiyahan. Napatingin din ako ulit kung nasaan ang lalaki at puno na ng alak ang kanyang kamesa. Nanginginig ang kanyang balikat ng nakayuko.
"FEEL THE BEAAAAT!!!!" Hiyaw ko pa at napahead bang.
*BAAAARRRRRSSSSGGGGGGSSSSSS!
Malakas ang tugtog pero dinig ko ang pagkabasag ng mga bote mula sa malayo. Enjoy na enjoy ang lahat kung kaya't wala silang paki alam kung may nangyayari sa kanilang paligid na kaguluhan.
Nakita kong binitbit palabas ang lalaking pinagmamasdan ko kanina ng mga bouncer may pahabol pang tadyak ang mga kalalakihan na naka ingkwnetro niya pero dahil sa kalasingan ay hindi na ito nanlaban pa.Tumama ang ilaw sa mukha niya, doon ko nakita ang duguan niyang itsura.
Napangiwi ako sa kanyang sitwasyon, pag ibig ang simula ng lahat at pag ibig din ang tatapos ng lahat. Pinagpatuloy ko ang masayang pagkanta.Tumalon ako para mas dama ang saya.Yeah!
"THANK YOU PO SAINYONG LAHAT. HANGGANG SA UULITIN!"Pamamaalam namin matapos ang huling kanta.
Alas kwatro narin ng mag pack up kami ng mga gamit. Napansin kong wala pa si Zy simula kanina, saan ba nagpunta iyon? gustong gusto ko nang umuwi para makapagpahinga may klase pa ako bukas ng alas syete.
"Ano nakita niyo?" Tanong ko nang dumating sina Marlo at Xy na nagprisintang maghanap.
"Wala eh.Tsk! Nasaan na ba iyon?" Pagod na napakamot sa ulo si Xy.
"Di kaya umuwi na iyon at iniwan tayo dito? Haysss! Ayoko magmaneho" napaupong bagot na dagdag ni Marlo.
"Nakita ko siya kanina may babaeng kumausap sakanya at lumabas sila." Napatingin kami kay Daphne na nakasukbit na ang bag.
"Sino naman iyon?" Nagtatakang tanong ko.
"Ewan" kibit balikat nito at umalis.
Napabuntong hininga ako.Tinapik ko ang dalawa sa balikat, dalawang oras lang ang tulog ko sana pero mukhang mababawasan pa ito sa tagal ng pinuntahan ni Zylo.
"Oh nagtext si Zy mauna na daw tayo sa bahay niyo Tress, wag na daw natin siyang hintayin bukas nalang mag usap usap." Nakakunot noong binasa ni Marlo ang mensahe na kadarating lang.
Binigay niya sa akin ang cellphone at pinabasa ito.
"Putang.. hays! Tara na nga!"
Bwisit na sabi ni Xy.Padabog niyang kinuha ang gitara at tuloy tuloy na lumabas ng back stage.
Sumunod na rin kaming lumabas ng bar ng tahimik. Ako lang pala dahil sumabit na si Marlo sa mga babaeng humarang sakanya.
Nang nasa parking nanlaki ang mata ko nang may lalaking napahawak sa binti ko.Napalayo ako pero humigpit ang hawak niya at may kung anong sinasabi na hindi ko maintindihan.
"Anak ng sinong manyakis na naman ito?" Ramdam ko ang pagod ng katawan ko at wala na akong lakas pa para patulan kung sino itong gagong pinipigilan akong umalis kaya umupo ako sa tapat niya. "Kuya paki bitawan ako" paki usap ko.
"Lhai.."
Nakakunot ang noo ko ng tumingala siya sa akin. Puno parin ng dugo ang kanyang mukha nahahaluan ng luha ng kanyang mata.Ito yung mestisong lalaki kanina.
"Lhai why do I feel alone? Why can't you accept me?" Pabulong niyang sabi.
Hinawakan ko ang kamay niya at unti unting tinanggal ang pagkakakapit.
"Ay ma'am pasensya na po kay sir ako na po ang bahala sakanya." Biglang dumating ang security tinulungang itayo ang lalaki.
Tumango ako at tinignan ko ang itsura ng lalaking mestiso. Wasak na wasak ang mukha pero nag uumapaw parin ang angking ka gwapuhan niya. Sinayang na pala ang ganitong itsura tss! Humugot ako ng pera sa wallet.
"May hotel naman po na malapit dito. Doon niyo nalang po siya dalhin" sinulyapan ko ang pangalan ng security.
Ronaldo Valentine.
"Opo ako na pong bahala kay Sir.Kilala ko naman po siya."
Pinagmasdan kong akayin niya ang lalaking wala ng malay palayo.
Napabuntong hininga nalang ako. Time will heal the wound but you can't forget the feeling when they leave. The pain in his eyes shows how much he loved her.
I shook my head and continue walking.
Binuksan ko ang pintuan ng sasakyan at sumakay sa front seat.
"Si Marlo?"
"Nasabit"
Ihinilig ko ang ulo sa bintana.
PAGDATING SA BAHAY, tuluy tuloy akong naglakad sa hagdan patungong kwarto ko.Bahala na sila kung saan matutulog, welcome naman sila dito. Gawin nila kung anong gusto nilang gawin basta wag lang silang manggugulo.
Pagkarating sa kwarto ko pumasok ako. Binagsak ko agad ang sarili ko sa kama, wala na akong oras pa para magpalit pa diko na ang antok ko.I close my eyes and sleep tight hugging the pillow.
Kinabukasan, I wipe my tears and wake up. Tsk! Dagdag muta pa ito eh tss! Tumayo ako at nagtungong banyo para maligo na.
Nakapikit akong nagbabad sa banyo ng may kumatok sa pintuan.
"Ate Tress! Nasa baba po ang Daddy niyo.Gusto daw po kayong makausap"
"Geh"
Ano bang pag uusapan namin? Wag niyang subukang ituloy ang plano niya sa akin na kanyang sinabi noong nakaraan dahil hindi ako makakapayag.
Madali kong inayos inayos ang sarili ko, simpleng t-shirt at jogging pants ang isinuot ko nang bumaba ako. Naabutan ko ang buong banda na nag uusap sa sala, tinuro nila ang dining kung nasaan si Dad at una na akong nagtungo sakanya.
"Nais niyo daw akong makausap." Umupo ako sa katabi niyang upuan.
Ibinaba nito ang kape at tinignan ako ng maiigi.
"Ipapadala kita ng America para doon mo na ituloy ang iyong pag aral at doon kana rin magtatrabaho sa kompanya natin" sabi ko na nga ba!
"Napag usapan na natin ito dad. Dito ako magtatapos at kukuha ng sarili kong trabaho."
"Hindi pwde, kailangan kita doon."
Inilagay ko ang siko ko sa lamesa at nagsalin ng kape sa tasa ko.
"No." Matigas kong sabi.
Huminga siya ng malalim at may biglang isinenyas sa mga kasambahay saka siya seryosong tumingin ulit sa akin.
"Okay."pagsuko niya pero alam kong may namuo agad na plano niya. "Tapusin mo ang pag aaral mo dito pero pagkatapos doon kana magtatrabaho sa company" ako naman ngayon ang napahingang malalim.Wala talaga akong takas tungkol sa pagpapatakbo ng kompanya thing na yan.
Tumayo ako at iniwan siya mag isa sa mesa. Final na yung desisyon niya kahit pa umayaw ako, siya parin ang masusunod.
Napahilamos nalang ako sa sarili.
"Balita?" Tanong ko ng makaupo ako sa harapan ng banda.
May pinakakaguluhan sina Marlo at Xy sa cellphone ni Daphne at si Daph naman nagbabasa ng bibble, si Zy nakahawak sa ilang papel na nakakalat sa mesa.
"Pupunta mamaya ang anak ni Mr Paul sa beat the charity para sa napag usapan kailangan ako roon." Sambit nito ng nasa papel ang atensyon.
Tinignan ko naman ang relo ko kung anong oras na. Mag aalas syete palang pero mukhang malalate ako dahil may dadaanan pa akong importante.
"Itext niyo nalang ako kung may lakad mamayang gabi, may klase pa ako ng 8. Mauna na ako kailangan ko pang dumaan sa cafe." Tumayo ako para kunin ang bag sa tabing upuan nila Marlo.
"Ganyan kana?" Napatingala sa akin silang dalawa sa akin.
"Oo, sa cafe na ako magpapalit"
"Geh ingat"
"Salamat"
Tinapon ko sa backseat ang bag saka bumusina ng paalis na ako.
Sa gitna ng pagmamaneho ko may biglang lalaking tumawid kaya naiapak ko bigla ang preno, tumama pa ang ulo ko sa harapan.
Ang lakas nang trip ng taong 'to na tumawid! Diba niya nakita ang sign sa gilid niya na bawal? Maraming naaksidente sa parteng ito tas ngayon mukhang balak pa ng tadhana maging isa ako ah. Isinugo pa ang isang lalaki tsk!
Nanghihina akong bumaba ng kotse at sinuri kung anong nangyari lalo na sa muntik ko ng mabangga na lalaki.
"Kuya ayos ka lang?" Tanong ko ng makalapit ako.
May kasalanan din siguro ako sa nangyari, baka matulin ang pagpapatakbo ko sa sobrang rush para on time mamaya sa klase pero dyahe sa biglaang pagtawid nitong lalaki ahays!
"Sensya na namamadali kasi--" naputol ang sasabihin ko nang mamukhaan ko siya.
Yung mestisong lalaki, pero anong kahibangan niya at nasa ganitong highway siya?
"Sana itinuloy mo nalang ang pagsagasa sa akin" napalayo ako ng magtama ang mata namin.
Nakahiga siya sa gitna ng kalsada at naka upo naman ako para tignan ang itsura niya. Okay now I get it. Gusto na niya magpakamatay, sinadya niya ang nangyari.
Tumayo ako at napalingon sa buong paligid.Kaming dalawa lang ang nandito na nangmumukhang tanga dahil sa ginagawa niya.
"Kuya kung may problema ka hwag kang mandamay. Magpapasagasa ka? Tapos ano kargo kita?" Di makapaniwalang sabi ko. "If you want to die then get a rope."
Wala siyang balak na tumayo kaya tumalikod nalang ako at bumalik sa kotse.
Lahat may pinagdadaanan sa buhay, masakit na karanasan pero sa kabila nun mas ginugusto nilang magpatuloy at labanan ang pagsubok na ibinigay sakanila then siya sumusuko na just because the girl he loved leave her? Naah! Yan ang pinaka ayoko sa mga lalaking tulad niya.
Pinaandar ko ang kotse saka huminto sa tapat niya.
"Hope in" sabi ko sapat lang para marinig niya.
Nakatingin ako ng seryoso sa harapan, hinihintay siyang sumakay. Minutes later bumukas narin ang pintuan ng kabilang side. Napailing ako sa itsura niya mas malala pa kesa kagabi halos pumutok na ang mukha niya sa nakuha niyang mga pasa.
Umupo siya sa katabi kong upuan pero nakatingin siya sa labas.
"Seat belt" dagdag ko. Napatingin siya sa akin nang hinihila ang seatbelt.
Binaba ko ang bintana ko para pumasok ang hangin. Hindi ako pala imik na tao kaya walang kaso kung di magsalita ang katabi ko. Well pabor sa akin iyon dahil gusto ko nang katahimikan lalo sa ganitong kulang ang tulog ko mas nakakapagrefresh ako.
Diko din naman namalayan na may katabi ako, nagdadalamhati pa ang puso niya kaya hayaan.
PAGDATING sa coffee shop. Bumaba ako sinenyasan ko siyang sumunod sa akin alanganin pa ito pero bumaba din at nasa likod ko siyang nakabuntot sa akin.
"Good morning ate Tress!" Bati sa akin ni Kuya Dave ang security. Nginitian ko naman siya at binati pabalik.
"Good morning Tress!" Bati pa ng ibang empleyado dito sa coffee shop. "Sino yang pogi but dirty guy na kasama mo?" Napangiti ako kay Sally sa sinabi nito.
Nilingon ko naman ang mestisong lalaki na inililibot ang paningin sa buong lugar.
"Anong pangalan mo?" Tanong ko.
Gulat naman itong napatingin sa akin at sa lahat. Napa clear throat pa siya bago nagsalita.
"I'm Eduard Gil Corpuz." Pagpapakilala niya.
"Oh ngayon alam niyo na pwde na bang back to work?"pabirong tanong ko sa lahat.
"Yes Tress" sabay sabay nilang sabi.
Natawa ako ng halos di na matanggal ni Sally ang mata niya sa mestisong lalaking ito. Kaya pinabalik ko siya at inutusang gamutin ang kasama ko, walang pang segundo ng masigla siyang napasalute sa aking aalagaan pa daw niya ito haha.
"Tress!" Nilingon ko si Alex nakagagaling sa kusina.Gulat pa itong lumapit sa akin at niyakap ako ng pahigpit.
Gago! Kumalas ako sa yakap at binigyan siya ng batok. Ayoko sa lahat niyayakap ako ng walang permiso pero dahil best friend ang lakas na ng loob.
"Sira ulo ka" natatawa kong sabi. "Anong kagaguhan itong nababalitaan kong naglabas ka ng pera ng coffee shop?"
"Oh chill!" Natatawa ding ilag niya ng subukan ko siyang sapakin. "Pasensya na hindi na ako nakapag paalam emergency kasi dahil nanganak na si Misis" lalong lumawak yung ngiti niya.
Woah! Nanlaki ang mata ko. Ibig sabihin lumabas na ang baby nila? Kaya pala hindi ko sila makontak na dalawa nitong nakaraang araw.
"Gago! Congrats!" Masaya kong bati. "Siguraduhin mo lang na babayaran mo yung utang mo."biro ko.
"Haha sino pala yung kasama mo? Mukhang yaman ah." Napatingin naman ako sa lalaking mestiso na ginagamot ni Sally. Nakatingin ito sa gawi namin.
"Eduard Gil Corpuz daw"
"Daw? Bakit dika sigurado?"
"Oh eh di Eduard Girl Corpuz"
Napatawa muli kami ng sabay.
"So bakit mo siya dinala dito?"
"Tss! Wag kang oa diko pagtatrabahuin!" Kumuha ako ng pagkain at kape. "Iwan ko lang siya saglit sainyo. Balikan ko nalang pagkatapos ng klase ko wag niyong papaalisin" habilin ko.
"Tao pa ba ang iiwan mo? Makapagsalita ka parang bagay lang eh" natatawa niyang sabi ng nakasunod sa akin.
"Naninigurado lang."
"Paano mo ba nakilala yan?"
"Mahabang kwento, wag ka ng magtanong malalate na ako." Lumapait ako sa mestisong lalaki at ibinaba ang dala ko sa pwesto nila.
"Aalis muna ako, may klase ako balikan nalang kita mamaya" tumingin siya sa akin pero walang sinabi. "Sally ikaw ng bahala sakanya" bilin ko pa kay Sally na pulang pula na ang mukha sa sobrang lapit niya para gamutin ang mestisong lalaki.
"Sige ate"nakangiti niyang tugon.
Tumalikod na ako saka nagpaalam sa mga empleyado roon. Sumulyap pa ako ng isang beses sa lalaki bago pinaandar muli ang kotse.
Nang nasa skwelahan na nagmadali ako sa pagtakbo hanggang second floor. May nakasabayan ako na late kaya naman parehas kaming napagtinginan ng buong klase. Nahihiya akong humingi ng paumanhin sa aming professor.
"Next time Ms Martinez and Mr Rizal matuto kayong gumising ng maaga para hindi palaging late. Papalampasin ko ito pero sa susunod wag na kayong pumasok sa klase ko." Tumango kami sa tinuran ng aming professor.
Naupo ako sa dati kong upuan at nakinig sa klase ng professor.
Tutok na tutok ang lahat sa bawat klase nang tumunog ang speaker sa bawat classroom kaya napahinto kami sa aming ginagawa upang makinig sa sasabihin ng students council.
Tumutunog lang naman ito kung may importanteng sasabihin ang mga teachers sa mga studyante.
"Good morning everyone, sorry for interrupting your classes but we have an important announcement. Tonight at Gymnasium 8:00 pm the board decided to open for all students the other building to become our Market Building, please be there for the open ceremony.Thankyou"
Nawala ang nagsalita sa speaker at nagsimulang umingay ang room.
Market building? Baka for the other youths na party bummers ang talagang para jan. I heard may section sila doon para sa mga studyante dito na mapupusok.
After my two class for this day. I decided to go to flower shop near at my school. Isang basket na tulips. I smile bitterly remembering how he always pleased me to buy this kind of flowers. Dinadaan niya ako sa mga lambing niya para bumili lang ng ganitong bulaklak pagmagkikita kami noon.
While walking I heard someone's following me. "Miss you left this" he held my hand so I stop, looking what he handed. "Sorry nagmamadali ka kasi kanina kaya hindi mo napansin na nahulog." He said.
Nginitian ko siya ng bahagya at kinuha ang panyo ko. "Thanks"
Like what he said I'm in hurry kaya after magthankyou sumakay ako sa kotse. Kumaway pa siya pero binusinahan ko nalang ito. I don't talk to stangers anyway but i help when it needed at sa nakikita ko sa lalaking nagsoli ng panyo ko,wala naman akong maitutulong. Maybe I'm rude of what I did but for me a simple thank you is enough, tss! Alangan kaibigan ko dahil lang binalik niya ang panyo ko, naah! I'm not that kind of person.
When I arrive at cemetery, sumalubong sa akin ang malakas na hangin para akong niyayakap nito. Namiss ata niya ako haha.
"Hi tita" I greeted
She smiled and gave me tight hug. "Tress anak"
"Kumusta na po kayo?" Ngayon ko lang siya nakita matapos ng burol.
"Still trying to move on" Ang laki na ng pinayat ng katawan niya.
Naupo ako sa puntod niya at ibinaba ang bulaklak na hawak ko. Death anniversary niya ngayon dumadalaw lang ako kada anibersaryo niya. Dalawang taon palang ng iwan niya kami at pinagsisihan kong hindi ko nasabi ang lahat sakanya.
"Every morning paggising ko hinahanap hanap ko ang presensya niya." I sighed " kung sinagot ko siguro siya nung gabing iyon baka.. baka wala siya ngayon dito." And there! My tears is starting to flow.
The day after the accident he proposed but i refused. I can't marry him habang ang puso ko nagdadalamhati sa nabuo naming anak. He knew about the kid pero pinagpilitan niya kahit gulung gulo ako ng time na iyon. Sa sobrang stress, to the point na naramdaman kong kailangan kong mag isa dahil masyado kong dinibdib ang pagkamatay ng magiging anak sana namin kaya hindi ko tinaggap ang propose niya na pakasalan ko siya. Iba ang sinabi ng bibig ko sa sinabi ng puso ko. Kinabukasan nalaman ko nalang na nasa hospital siya inatake ng sakit niya sa puso huli na ng malaman kong patay na rin ito.
"Parehas pala tayo, sinisisi ang sarili."
Halos mag isang taon din akong nawala sa Banda at nagpakalayo para ayusin ang sarili, tumigil sa pag aaral. Ngunit kahit nakabalik na ako I feel empty.. hindi ko na rin sinubukang umibig pa mas nag focus ako sa Banda at company. At the age of 20 natuto akong maging matatag para harapin ang bagong bukas na wala siya.
Hinawi ko rin ang puntod ng anak ko katabi niya.
"Baby.. nandito na ulit si Mommy." Muntik ng mabasag ang boses ko ng tawagin ko ang anak namin.
"Nandito kami ng Lola"
Umupo si tita sa tabi ko at pinunasan ang luha sa mata kong kanina pa nag uunahan. Kinuha niya ang kamay ko at pinisil ito.
"Natutuwa akong makita muli ang dating ikaw Tress. Let your weak side sweetie just this moment"
Parang may tumibag sa loob ko ng sabihin iyon ni Tita. Para niya akong pinakawalan sa isang kulungan na ako mismo naglagay sa sarili ko. Humagulgol ako sakanya ng yakap yakap siya.
Sa puntong iyon lahat ng kinimkim kong sakit noon nailabas ko. Natutuwa akong kahit papaano hindi galit si Tita kahit halos lahat sa angkan nila ay isumpa ako sa pagkawala niya.
Maggagabi na ng bumalik ako sa coffee shop, busy ang lahat sa pag entertain ng mga customers.
"Nasaan na yung mestisong lalaki?" Tanong ko kay Alex ng makita siya.
"Nasa second floor, nagamot na siya ni Sally puntahan mo nalang."
Tumango ako at dumeretso sa second floor.
Nakatayo itong mag isa na nakatingala sa langit, malalim ang iniisip. Maayos na rin ang itsura niya kahit papaano nalinis na ang mga sugat at pasa niya sa kanyang mukha. Nilingon niya ako ng maramdaman niyang tumabi ako.
"How are you?"umpisa ko.
"Okay na salamat" he replied
I smiled.
Nakahawak ako sa railing at napatingala sa baba. Pinanood ang bawat tao sa kalsada.
"Good to hear." Sambit ko "Anyway,kung gusto mo nang umuwi you can go" inabot ko sakanya ang susi ng kotse.
"Thanks again." Simple niyang sabi pero di pa rin niya inaalis ang paningin sa akin.
"Why?" Taka kong tanong.
"Just wondering, why did you help me?" Napataas ang kilay kong tumingin din sakanya.
"I didn't help you. Pinasakay lang kita sa sasakyan at dinala dito. Hindi ako ang gumamot sayo"tanggi ko.
Napatango naman siya at dina muling nagsalita pa.
Tumunog ang cellphone ko kaya napatingin ako kung sino ang nagtext.
From: Zylo
Tutugtog tayo sa school mamaya. Nandito kami Beat Studio.
Binulsa ko ang phone at humarap sakanya.
"I'm going, I hope next time we see each other hindi kana magpapakamatay" nakangiti kong sabi.
His still hurt but I guess hindi na siya tulad nung kahapon.
"Don't be mess Ed, You'll be alright" sambit ko pa at tinapik siya sa balikat bago naglakad paaalis pero bago ko siya iwan nilingon ko pa ito.
Nginitian ko siya ng nakatitig siya sa susi ng kotse ko. We will see each other again, I'm sure of that but like what I said to him, sana maayos na siya sa puntong iyon. Makita ko nang maaliwalas ang mukha niya.
__________________________________________________________________________________________________________________
Unedited.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top