Chapter Six ☪
"Andito ka lang pala!"
Nasilayan ko ang mukha niya na nasisinagan ng araw habang nakamasid siya sa bintana.
"Ano na namang ginagawa mo dito?"
Nagitla ako sa lamig na meron ang boses niya. Bahagyang may kirot na dumaan sa dibdib ko.
"Sorry, gusto lang kitang makita." pag amin ko.
Totoo yun. Wala akong excuse na magagamit. Wala akong dalang pagkain. Gusto ko lang siyang makita.
Pero bakit? Bakit gusto ko siyang makita? Anong meron? Bakit?
Napahigpit ang hawak ko sa laylayan ng madungis kong damit. Tarantang taranta ako na makita siya, pero heto ako ngayon, tinatanong...
Kung bakit gusto ko siyang makita?
Dahil ba gusto kong makipagkwentuhan at makipaglaro? Dahil ba doon?
Lumamlam ang mata niya. May habag ito habang nakatingin sakin.
"Alam mong hindi tayo magkatulad....."
Nagitla ako sa luhang malapit nang bumagsak sa parehong mata niya. Wala akong mahagilap na salita.
Bakit? Anong sinasabi niya na hindi kami magkatulad? Anong pagkakaiba naming dalawa?
"Magkaedad lang tayo sa panahon na ito......"
Bawat paghinga niya ay parang mabigat, gusto ko siyang pahintuin at sabihin na wag na lang siyang magsalita pa.
Dahil na rin siguro sa wala. Wala akong maintindihan sa lahat ng sinasabi niya.
"Malapit nang dumating ang liwanag."
Bigla siyang nag iwas ng tingin at tumingin sa bintana kung saan nasisinagan ng araw ang kabuuan niya.
Mukha siyang anghel. Mukha siyang mahinang anghel na kahit anong gawin ko,
"Hindi ata talaga kita maiintindihan." Wala sa sariling bulong ko.
Kahit na,
Kahit na magkaedad pa tayo, kahit pa kalaro ang tingin ko sayo. Hinding hindi kita maiintindihan.
Pero bakit?
Bakit hindi kita maintindihan?
☪
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top