Chapter Seven☪



"Ibenta mo na ito Rem!"


Kinuha ko ang bilao na may lamang banana cue.


"Sige po nay."


Bumuntong hininga ako bago ko ito kunin. Bakit ba ang bigat ng pakiramdam ko?


"Banana cue! Turon!"


 Wala sa sariling napahinto ako sa paglalakad at natulala sa gate ng mansion.


Umiling ako at nag-iwas ng tingin.


 Ilang araw ko ng hindi siya nakikita. Sapat ba na rason na 'hindi ko siya maintindihan' kaya ayaw ko na uli siyang puntahan?


"Psst! Huy!"


 Nagitla ako sa boses na tumawag sakin. Paglingon ko, nakita ko ang batang lalaki na nakasalamin. Mukha ring kaedaran ko ito pero iba ang mukha na nakikita ko sa kanya. Para bang nagtataka siya na ewan.


"Ikaw ba ang tumawag sa akin?"


Tumango siya sa tanong ko. Sa di  maipaliwanag na dahilan, bigla akong naestatwa sa biglaang pagsama ng tingin niya sakin.


"Paano?


 Paano mong nakakausap si Lala?"





Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top