Chapter Nine☪
"Pumunta ka na naman sa bahay na 'yon?!"
Kagat ko ang pang ibabang labi ko at pilit na hindi ininda ang sakit ng tuhod ko dahil sa pagluhod ko sa bigas.
"M-ma, bakit ka ba nagagalit?" naluluhang sambit ko.
"Hindi ko hahayaan na pilitin ka nila."
Bagaman basa ang pisngi ko sa luha ay mabilis ang mata ko na napabaling kay mama. Kunot noo akong tumingin sa kanya.
"Hindi kita maintindihan ma,"
Mulat at gulat ang mga mata ko nang alalayan niya akong patayuin sa pagkakaupo ko sa bilao na may bigas.
"Nawawala tayo tuwing gabi Remuel, baka nakakalimutan mo,"
Para akong binuhusan ng malamig na tubig. Nanginig ang buo kong kalamnan at wala akong mahagilap na salita.
Paanong nalimutan ko iyon? Paano ko nakalimutan ang dahilan? Ang nag-iisang dahilan ba't nabubuhay pa rin ako ngayon?
Namalayan ko nalang ang sarili ko na tumatakbo patungo sa lumang bahay. Napatingin ako sa kalangitan.
Malapit nang magdilim.
Pero hindi ako hihinto hangga't wala akong naiintindihan. Parang pinipiga ang puso ko sa sakit sa di malamang rason. Isa lang ang alam ko.
Kailangan ko siyang makita.
"Lala...."
Tuyong tuyo ang kanyang labi, gaya nung una ko siyang madatnan na parang naghihingalo dahil sa pagkauhaw sa tubig. Nakahiga na naman siya at may basag na baso na nakakalat sa sahig ng kusina.
"H-hindi pa ako pwedeng u-umalis."
Hinawakan ko ang bandang batok niya at pinatong ito sa hita ko. Lumandas ang parehong luha sa mata ko. Kaya ayaw ako papuntahin ni mama sa bahay na ito ay dahil sa batang ito. Dahil sa babaeng sa tingin ko ay kaedaran ko na mali pala. Kasinungalingan pala lahat ng nalalaman ko.
"Alam mo na palang ako ang susundo sayo. Bakit hindi mo ako pinagtabuyan nung una palang?"
Ngumiti siya sa tanong ko. Kitang-kita ko ang sugat sa ibabang labi niya dahil siguro sa pagkauhaw. Sa araw araw na pagpunta ko at pagbisita ko sa kanya. Hindi ko alam, pinipilit ko lang pala siyang sumama sakin.
"Ikaw ang liwanag sa dilim, bakit kita ipagtatabuyan?" nakangiting sambit niya at inabot ang pisngi ko saka marahang hinaplos.
Naluha lalo ako sa pabalik na tanong niya. Alam kong hindi. Dahil ako. Ako ang dahilan ba't nagdurusa siya ngayon.
"Anong gusto mo bago matulog?"
Ngumiti ako nang pahirin niya ang luha sa mata ko.
"L-Libro... Basahan mo ako ng libro."
Tumango ako sa hiling niya. Ngumiti ako.
"Kung ganun, hayaan mong ang liwanag ay magbasa para sa'yo,"
☪
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top