Chapter Eight ☪
"Galit ako sa mga tao."
Naibaba ko ang krayola na hawak ko at nanlalaki ang mata na napatingin kay Lala. Malayo na naman ang paningin nito.
"Pero hindi ako ang biktima ng mga tao. Biktima ako ng mundo."
Napailing iling ako. Wala na naman akong maintindihan sa sinasabi niya.
"Patawarin mo ako kung hindi kita maintindihan."
Nagbaba ako ng tingin matapos sabihin iyon. Iyon ang katotohanan, at dahil sa katotohanan na iyon, hindi ko siya pinuntahan sa lumang mansyon na ito ng ilang linggo.
"Hindi rin kita maintindihan," sambit niya na ikinabigla ko.
"Aling parte sa akin ang hindi mo naintindihan?"
Nagtama ang mata namin nang mag angat ako ng tingin. Ngumiti na naman siya, pero may halong pait.
"Kung bakit, kung bakit hindi ka galit sa mga tao,"
Umiling ako.
"Mali yun, mali ang magalit."sambit ko.
Ngunit hindi ko maintindihan ang biglaang pagkirot ng puso ko.
☪
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top