Chapter 2
Agad akong tumalon papalabas ng sasakyan namin habang nakaalalay naman sa akin si ate shey. Siya rin ang laging naghahatid sa akin sa school.
Nakablue na jogging pants ako ngayon at white na t-shirt dahil iyon ang uniform namin para sa p.e.
Nakapuyod din ang buhok ko at si ate shey ang nag asikaso sa akin kahit na may exam siya.
"'Wag kang magpapapawis Dalia, May towel ka dyan ipalagay mo sa teacher mo sa likod mo para hindi ka matuyuan." Pahabol na bilin niya.
"Opo ate shey, Sige na ate baka mahuli ka pa sa exam mo!" Nakangiting saad ko.
Tumango lang ito at nagbilin pa ng kaunti bago ako iniwan doon. Madami nang estudyante ang papasok sa kani-kanilang room yung iba umiiyak parin kada papasok kasi ayaw nilang maiwanan sila ng mga mommy nila. Pero ako big girl na daw ako kaya hindi na ako umiiyak. Tuloy tuloy ang pasok ko papunta sa classroom namin ng may umakbay sa akin.
"Dalia madami akong kending baon gusto mo?" Tanong ng isang lalaking umakbay sa akin sabay pakita ng 5 lollipop.
Ang aga-aga puro candy lagi gusto ni Kade hindi ba siya nilalanggam? kase diba sweet yung candy tapos sabi ni teacher na mahilig daw sa sweet yung mga langgam.
"Hindi, bawal ako dyan baka sumakit teeth ko dyan." Sabay alis ko ng kamay niya na nasa batok ko.
"Dalia!"
Tawag ng isang babaeng kaklase ko na kadarating lang din at papunta na classroom namin. Si Mayven.
"Mayven,"
"Mayven may candy ako! Bigay ni Shane!" Pagbibida ni Kade sabay pakita ng hawak nyang limang lollipop.
"Alam mo kade..." May hinugot na pera si mayven sa bag nya at binigay ito kay kade na nagtataka.
"Eto piso bili ka kausap mo!"
Agad akong hinatak ni Mayven at sabay kaming pumasok sa classroom namin. Andoon na yung ibang kaklase namin, yung iba ay nagdradrawing na samantalang yung iba ay naglalaro. Nakasunod naman sa likod namin si kade na may lollipop ang bunganga at nakasibangot ito.
Sa bandang likod kami pumunta ni mayven para maupo doon dahil hindi kami pwede sa harap. Matangkad kasi kami kaya pag sa harap ay kawawa naman yung mga kaklase naming nasa likuran namin pag napunta kami sa harap.
Nang maupo ay agaran akong kinulit ni mayven at pinakita niya sa akin yung mga barbie stickers na binili daw sa kanya ng ate niya. Habang wala pa ang teacher namin ay puro tawa ng tawa si kade at mayven dahil sa mga nakadikit na stickers sa uno at ibat ibang parte ng mukha ko na inilagay nila. Imbes na sawayin ni kade si dalia ay sumama din siya ano siya babae?
"Magiging barbie ka na dalia,"
"Tigilan nyo na ako, mamaya darating na yung si teacher. Dapat magbasa nalang tayo or magmultiply." Saad ko at sumimangot.
"Multiply! Multiply! Masakit sa ulo yung multiply!" Reklamo ni Kade.
"Oo nga kahit yung english din kade, feeling ko nga dudugo ilong ko doon." Dagdag pa ni mayven.
"Ha? Madali kaya yung multiply at english." Dipensa ko.
"Hindi! Si Teacher nga pag nageexplain para siyang alien. Hindi ko maintindihan." Busangot na saad ni Mayven.
"Baka kasi hindi ka nakikinig," Saad pa ni kade.
"Hindi kaya! Ikaw nga eh nangongopya ka sakin!"
"H-hindi kaya!"
"Oo kaya! Minsan nangongopya ka rin kay shane pero mali mali naman."
Napailing nalang ako dahil sa awayan nila at nag focus nalang sa pag alis ng mga stickers sa mukha. Tumigil sila sa pag aawayan at naupo na sa kani kanilang mga upuan ng makita ang teacher namin na pumasok na ng classroom namin.
Nakinig ako sa mga tinuturo ni teacher lery, pinagmultiply nya rin kami sa harap ng blackboard na syang madali lang sa akin. Nag aadvance reading kasi ako minsan kaya natutunan ko na pati pagbabasa ng tuwid ay alam ko na din dahil tinuturuan ako ni ate shey.
Nagdaan ang ilang klase namin sa iba't ibang subject at ng recess na ay nag uunahang lumabas ng classroom ang mga kaklase ko. Inayos ko na ang watercolor na ginamit ko kanina at inilagay sa bag pati na rin ang mga bond paper at lapis.
"Lika ka na Dalia! Baka maunahan na tayo sa pwesto natin!" Tawag ni Mayven sabay hila sa kamay ko.
Kinuha ko ang lagi kong baon na yakult at dalawang chocotops. Nagpahila ako kay mayven hanggang sa pumunta kami sa canteen. Dumiretso kami sa lagi naming pwesto at nadatnan doon si kade na kausap si shane. Agad na binitawan ni mayven ang kamay ko at hinila si shane paalis sa kinauupuan nya.
Eto na naman po siya magsusungit na naman.
"Bakit ka nandito? Pwesto namin to! Doon ka na nga!" Pagtataray nito.
Inirapan siya ni shane na ikinatawa ko. "Bakit sayo itong lugar na ito?" Aniya at namaywang pa.
"Hindi! Pero kung maglalandian kayo ni kade umalis ka dito!"
"Hindi kami naglalandian! Nag-uusap lang tapos landian agad?" Umirap pa ito.
"Basta umalis ka dito. Pwesto namin to, andon sila Nika oh? Doon ka!" Sabay turo sa mga kaklase naming babae na nasa malayong lamesa sa amin.
"Ikaw ba nauna dito hindi naman ah? Sayo ba itong school? Sayo ba?" Dipensa pa ni Shane.
Hindi na ako nakisali sa kanila at umupo nalang sa isang upuan na bakante.
"Tumigil na nga kayo! Nagtitinginan na yung ibang tao oh, Mahiya nga kayo." Pagsasaway ni kade.
Umirap sa kanya si mayven at inilibot ang tingin. Nang makitang madaming tao ay tumingin siya sa mga ito at ngumiti sabay yuko at umupo sa tabi ko.
Pairap naman na umalis si shane ng tawagin siya ng isang kaklase namin.
Umupo na din sa harap namin si kade at ipinagpatuloy ang pagkain niya. Tinignan niya ang itsura ni mayven pero umirap lang ito sa kanya.
"Nagawa nyo ba yung assignment natin?" Takang tanong ko.
"Anong assignment?" Tanong naman ni kade na napatigil sa pagkain ng aburger nya.
"May assignment? Kailan sinabi?" Tanong rin ng isang babaeng gulat na gulat dito sa tabi ko.
Pustahan! Hindi to gumawa ng assignment.
"Yung sa filipino? Yung magkasalungat at magkasing kahulugan,"
Gulat na napatingin sa akin si mayven na nanlalaki ang mata na katulad ni kade.
"Hoy hala! Meron? Baka mamaya nagjojoke ka lang ha!" Ani ni Mayven.
"Mukha ba akong nagjojoke?" Seryosong tanong ko sa kanya at inirapan siya.
Hindi kase nakikinig itong mga ito eh.
"Dalia, anong kulay ng notebook mo sa filipino?" Tanong ni kade na kanina pa tahimik. Anong kinalaman ng notebook ko?
"Kulay violet yung barbie din siya, bakit?"
"Pahiram!" Sabay takbo ni kade palabas ng canteen.
"Ako rin pakopya!" Sunod ni mayven.
Sigurado pustahan tayo, kukunin nila yung notebook ko tapos kokopyahin mga hindi gumagawa ng assignment! Mga paraan paraan.
Napailing nalang ako at tinapos na ang mga kinakain ko.
"Ayan kasi hindi gumagawa ng assignment.." bulong ko.
Nang magbell ay agad akong pumunta sa classroom namin at nadatnan ang mga kaklase kong maiingay na naman sa classroom.
Nakita ko rin ang isang kaklase kong babae na pumunta sa harap at pinatahimik sila.
"Hoy! Manahimik kayo! Ang iingay nyo!"
"Maingay ka din naman!"
"Pakopya ng assignment!"
"May lapis kayo? Pahiram naman."
"Pabida kayo ang iingay nyo!"
"Andyan na si madam!"
Nagmukhang hindi classroom ng grade 2 ito ah? Ayos din mga kaklase ko ang gagaling mag ingay pero pag magbabasa tatamad tamad.
Agad nagsiayusan ang mga kaklase ko at umupo sa kani kanilang mga upuan. Samantalang ang iba ay hindi masaway saway. Dumiretso ako sa upuan ko at nadatnan ang notebook kong maayos na nakalagay sa ibabaw ng upuan ko.
Nakita ko naman si kade at mayven na nasa kani kanilang upuan at nakangiti sa akin. Ngumiwi ako at umirap sa kanila.
"Dasalan nyo na hindi tayo mahahalata kundi lagot tayong tatlo,"
Tinawanan lang nila ako at nagpromise na sa susunod gagawa na daw sila kase nakalimutan lang nila na gawin kagabi.
Mga tamad.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top