Chapter 1
"Dalia! Bumalik ka rito, malalagot tayo sa mommy mo!" Sigaw ni Ate Shey.
"Saglit lang naman Ate Shey! 10 minutes!"
Tuloy-tuloy akong tumakbo palayo sa kotse para pumunta sa isang lugar kung saan makakapaglaro ako kahit saglit lang.
Makulimlim ngayon pero hindi iyon hadlang para hindi magpakita ang haring araw na buong mahapon nang nasa langit. Tulad ko hindi hadlang ang makulimlim na langit para makapaglaro ako sa park!
Inilibot ko ang tingin ko sa paligid at ng makitang iilan lang ang mga batang nandirito ay napangiti ako. Ayoko sa mga maiingay masyado. Masakit sila sa tenga.
Tuwang tuwa akong umakyat sa hagdanan ng slide at nagpadulas doon. Maghahapon na at papalubog na ang araw pero maganda parin ang tanawin dito. Kahit maraming puno at makulimlim ang kalangitan ay hindi nito napigilan ang pagsilay ng araw.
Hindi naman mainit dito pero uunti lang ang mga taong nandirito marahil ay nasa klase pa ang ibang bata.
Mangilan ngilan ang mga batang nandirito kasama nila ang mga mommy nila. May mga nagbebenta din ng mga cotton candy sa malapit at ice cream. Gusto ko sana bumili kaso wala na akong money kasi binili ko kaninang recess ang naipon kong pera.
Patuloy lang ako sa pagslide at ng mapagod ay sinubukan ko naman ang swing at pinagtyagaan na itulak ang sarili para gumalaw ito.
"Dalia!"
Napatingin ako sa babaeng papalapit sa akin dala dala ang dalawang ice cream. Nang makalapit sa akin ay agad kong nginitian si ate shey at pinaupo siya sa kabilang swing na malapit sa akin. Ibinigay niya ang isang ice cream na hawak sa akin at hilagyan ako ng panyo sa dibdib para hindi mamantyahan ang uniporme ko.
"Ayan takbo ka ng takbo buti at hindi ka nadapa nako dalia ang kulit kulit mo." Sermon ni ate shey sabay kuha ng isa pang panyo at ipinunas iyon sa noo ko na may pawis.
"Baka mamaya magalit mommy mo niyan, puno ka ng pawis, hmm ang asim mo na." Saad ni ate shey sabay kiliti sa tagiliran ko na ikinatawa ko nalang.
"Ate shey.. Huwag dyan makiliti eh," tumatawang sambit ko. Natawa naman ito at itinigil na ang pangingiliti sa akin.
"Pakihawak muna nitong ice cream ko para malagyan ko ng panyo iyang likod mo dalia."
Ipinahawak muna nito ang ice cream sa akin at pinunasan ang likod ko. Habang ako ay nasa ice cream ko lang ang tingin ko.
Nang matapos ay ibinigay ko ulit kay ate shey ang ice cream niya na malapit ng matunaw.
"Matutunaw na ate,"
"Ate shey look po oh may stars na naman ako," sabay pakita ng stars nakatatak sa kamay ko.
"Very good mamaya ulit mag advance reading ka lagi para alam mo na yung mga ituturo sa inyo."
"Opo ate ginagawa ko yung sinabi mo noong nakaraan,"
Nang matapos namin maubos yung ice cream ko ay pinunasan naman ni ate shey ang bibig ko para alisin ang ibang ice cream na natira para hindi malagkit. Inilibot ko lang ang tingin ko sa paligid at patuloy na itinitulak ang swing para gumalaw.
"Dalia bilisan mo na at baka magtaka na yung mommy mo kung bakit matagal tayo." Saad nito pagkatapos.
"Saglit lang ate hindi ko pa nasusubukan yung ayon!" Sabay turo sa isang lugar kung saan nakapukaw ng atensyon ko.
Isang parang sampayan sya na metal pero may
dalawang batang nakalambitin doon at inaalalayan ng mga mommy nila.
"Mangangawit braso mo dyan tsaka baka mahulog ka."
"Hindi ate! Mag iingat po ako promise!" Pamimilit ko pa.
Napabuntong hininga lang si ate shey at pinunasan ang kamay ko na malagkit na dahil sa ice cream na natunaw.
"Basta pagkatapos nyan uuwi na tayo ha? Naka uniform ka pa oh?" Sabay ayos niya sa uniform kong medyo nagusot.
Nakangiti akong tumango kay ate at patakbong pumunta sa malasampayan na metal. Tumalon ako para maabot yon pero hindi ko maabot yung pagbibitinan 'yon. Masyadong mataas.
Nagulat ako ng bigla akong umangat. Agad akong kumapit sa metal para hindi mahulog. Binitawan naman ako ng bumuhat sa akin. Lumingon ako at nakitang si ate shey iyon. Sumunod pala siya sakin.
Nakangiti lang itong nakatingin sa akin. Ipinagpatuloy ko ang pagbibitin ko at umabante para maabot yung kasunod na pagbibitinan ko.
Mahirap pala ito akala ko madali lang pero baka estrella to kaya kaya ko 'to panggagaya ko sa laging sinasabi ni uncle jemry na 'baka estrella to'
Ipinagpatuloy ko ang ginagawa ko kahit medyo masakit nga sa braso at nang malapit na sa dulo ay tuwang tuwa akong bumitaw sa pinagbibitinan ko. Para akong si tarzan na bumibitin. Ganito din siya diba kaya siguro gusto niya lagi na nasa forest kasi madaming pagbibitinan doon at masayang bumitin bitin kaya ganon.
Agad namang umalalay si ate shey sa akin ng ako ay tumalon, kanina pa niya ako binabantayan.
"Ate Shey! Katulad ko si tarzan! Nagawa ko iyon!" Saad ko at pumalakpak pa.
Umiling lang si ate shey at natatwang pinunasan ang pawis ko.
"Para ka na ngang si tarzan pero tama na 'yan uuwi na tayo, hinahanap na tayo ng mommy mo."
Malapit na palubog ang araw ng makarating kami sa bahay namin. Labas palang ay maganda na ito at malaki pero mas maganda sa loob lalo na sa kwarto ko kasi may frozen at andoon si elsa.
Agad naming nakita si mommy na nakaupo sa sofa at nakatutok sa laptop niyang nasa maliit na lamesa sa harap ng sofa. Nang angat ng tingin si mommy ng makita kami. Pero imbes na yakapin ako ay lumapit sa akin at tanungin ang araw ko na lagi niyang nakagawian ay nakapameywang ito at salubong ang kilay.
"Anong oras na Dalia Amara Estrella?"
Agad akong tumingin sa kulay pink na relo ko at tinignan kong anong oras na.
"4-4:37 po.." nauutal na sagot ko.
"Anong oras uwian mo?"
"3:30 mommy.."
"Pumunta ka na naman sa park? Diba may sinabi ako sayo? Diretso sa bahay." Pagpapaalala nito.
"Ah tita, ako po ang nagdala kay dalia sa park po," pagsisinungaling ni ate shey para pagtakpan ako.
"Nako huwag nyo na akong bilugin, kilala kita dalia nagpumilit ka na naman ha? Ang kulit kulit mo."
Napabuntong hininga ito at tinignan si ate shey. Tumango naman si ate shey at nagpaalam na tutulungan muna niya si manang Lita sa pagluluto ng hapunan namin.
Hinila ako ni mommy at pinaupo sa sofa. Tumabi naman siya sa akin at hinawakan ang pisngi ko at ikinulong iyon sa dalawang palad niya. Wala kaong nagawa kundi mag angat ng tingin. Nakita ko siyang nakatingin sa akin pero mukhang hindi na siya galit.
"Mommy are you still angry po?" Bulong ko.
"I'm just worried about you baby.." sabay kabig nito sa akin para yakapin ako.
Hindi siya gagalit?
"Sorry for making you worried mommy." Sabay yakap ko sa kanya.
"It's okay dalia, Did you have fun?"
Tumango tango ako. " Para akong si tarzan kanina mommy! Siguro kaya gusto ni tarzan sa forest kasi masaya bumitin." Mukhang nagulat si mommy sa sinabi ko pero maya maya ay tumawa ito.
"You want tarzan na? Ayaw mo na kay elsa?"
"No po mommy! Gusto ko silang dalawa.. pwede ba silang dalawa nalang mag asawa?" Sabay nguso ko.
"Hindi sila pwede kasi may jane na si tarzan,"
"Oh, pero okay lang yon mommy kasi maganda namna si jane para rin siyang princess." Sabay tingin ko sa kamay ko para sana paglaruan pero nang nakita ko ang stars ko ay agad ko itong ipinakita kay mommy.
"Look mom! I have 3 stars today!" Sabay pakita ko kay mommy ng kamay ko.
"Very good dalia, you're so smart huh? Nagmana ka nga sakin" mahinang natawa si mom pero ako ay napatingin lang sa kanya.
"Mom... Proud din po ba si dad sa akin? Di na siya gagalit?" Mahinang tanong ko.
"Uh, G-gutom ka na ba? Aayusin ko muna yung meryenda mo tapos palit ka muna ng pambahay na damit okay?" Pag iiba ni mom ng usapan.
Bakit niya iniiba yung usapan?Galit padin si daddy?Ayaw na nya sakin?
Tumango ako kay mommy at nagpaalam na magpapalit muna ng damit. Nang matapos ko magbihis ay bumaba na ako saka dumiretso sa kusina para hanapin si mommy. Nakita ko naman siyang nagluluto ng pancakes.
"Here's your meryenda dalia,"sabay lagay ni mommy ng pancake sa plato ko.
Nilagyan naman ako ni ate shey ng juice sa baso at bumalik na ito sa paghahalo ng niluluto niya. Hindi ko makita si manang baka nasa labas siya at nagdisilig ng mga halaman namin.
Umupo si mommy sa tabi ko. Habang kumakain at tinatanong ako ni mom sa kung anong nangyari sa school. Nang kinagabihan ay ginawa ko ang assignments ko pagkatapos naming kumain dahil yun ang laging sinasabi sa akin ni mommy. Ang gawin ang assignments lagi.
Pagkatapos gawin ay bumaba ako para sana uminom ng gatas ko. Nang pagkalabas ko palang ng kwarto ko ay narinig ko ang mga tinig nila mommy at manang lita. Nasa gilid ako ng hagdanan kaya bahagya akong umatras para pakinggan ang pag-uusap nila. Alam ko mali mag eavesdrop pero ngayon lang to.
Mula sa kinatatayuan ko ay nakita ko si mommy na parang nagmamadali at pababa na ito ng hagdan. Tumigil siya sa huling baitang ng hagdan ng sumalubong sa kanya si manang Lita at kinausap siya.
"-gabi na Fia hindi na ba maipagpapabukas iyan?" Rinig ko ang boses ni manang na parang pinipigilan si mommy.
"Tumawag si Kristopher manang kailangan daw ako ni keisha doon,"
"Hahanapin ka ni dalia bukas, fia" giit pa ni manang.
"Isang linggo lang naman ako doon manang, iwan ko muna sa inyo si dalia. Babalik din naman ako."
"Oh siya sige na, mag-ingat ka sa biyahe. Ako ng bahala kay dalia." Sabay yakap ni manang kay mommy.
"Alis na ako manang at baka mahuli pa ako sa flight ko."
Inihatid ni manang si mommy hanggang sa makalabas sila ng pintuan. Napayuko nalang ako sa nakita ko.
May nangyari ba? Bakit hindi nalang ipagpabukas ni mommy ang pag alis niya?Hindi man lang niya sinabi sa akin o pinaalam sa akin.
"Dalia..."
Napatingin ako sa gilid ko ng may tumawag sa akin. Pinaharap niya ako sa kanya at bahagya diyang lumuhod para makita ang mukha ko.
"Bakit ka umiiyak hmm? 'wag na iyak dalia. Baka papanget ka niyan." Sabay pisil ni ate shey sa pisngi ko.
Doon ko lang nalaman na mahina na pala akong umiiyak. "A-ate shey.. mabilis lang ang isang linggo diba?"
Tumango tango ito at pinunasan ang luha na nasa gilid ng mata ko.
"Mabilis lang iyon, uuwi din agad ang mommy mo dalia. Kaya wag ka ng umiyak hmm?"
Alam ni ate shey, nakita niya ang pag-alis ni mommy.
"Anong oras na oh, nakainom ka na ba ng milk mo?" Umiling ako.
"Halika pagtitimpla kita ng milk mo para makatulog ka na." Hinawakan nito ang kamay ko sabay baba namim sa hagdan.
Dumiretso kami sa kusina at pinaupo niya ako sa isang upuan para panoorin siyang magtimpla ng gatas. Bakit kaya hindi nagsasawa na alagaan ako ni ate shey? Hindi ba siya nakulitan sa akin?
Napansin kong tumigil na pala ako sa pag iyak. Siguro nga madalinlang ang isang linggo. Tapos baka may dala ding pasalubong si mommy para sa akin pag uwi niya.
Inilapag ni ate shey ang basong may gatas sa harap ko at paunti unti ko naman iyong iniinom habang inaayos niya ang medyo magulo kong buhok. Pumasok si manang lita sa kusina at nagulat ito ng madatnan kaming nandito.
Tumingin ito kay ate shey at sa akin saka bumalik ang tingin niya kay ate shey. " Ako ng bahala sa kanya manang.."
Tumango si manang at sinabihan kaming matulog na pagkatapos at saka ito lumbas ng kusina para siguro matulog na. Tahimik lang kami ni ate shey hanggang sa maubos ko ang gatas ko.
"Gusto mo ba tabi tayo matulog ngayon dalia?" Malambing na aniya.
Umiling na ako at tumayo na sa upuan."Kaya ko naman ate shey na matulog mag isa,"
Tumango ito at inihatid ako sa kwarto ko para matulog na. Umalis din ito agad at naiwan akong mag isa sa kwarto ko.
Magiging maayos naman ang lahat hindi ba? Uuwi din agad si mommy sinabi niya yon eh.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top