Chapter 1:

6 years before.....

Silenced

Pilit na nagmulat ng mata si Rose sa kabila ng bigat ng kanyang mga talukap. Sanhi na rin siguro ng pasa at sugat niya sa mukha.

Nagpumiglas siya mula sa pagkakatali ng kamay niya sa likod. Mabuti na lang at maluwag ang pagkakatali nito kaya makawala siya.

Pagod na pagod siya sa nangyaring pambubugbug ni Trivour kanina. Hindi kasi nagustuhan ni Trivour ang ginawa niyang pagtakas.

Plano niyang makawala sa empyernong kinalalagyan niya. Ngunit sinuwerte lang siyang makatakbo ng sampong metrong layo mula sa gate ng compound nila.

Naisip niya, siya ang may-ari ng mansion kung saan siya nakakulong ngayon. Dapat nag-aasal reyna siya ngayon. Pero heto, nakakulong siya at bugbug sarado pa.

Nanghihina siya subalit pinilit niya tumayo mula sa malambot niyang kama. Napansin niya rin ang kulay nito. Ang dating puting-puti niyang kama ay nagkulay rosas na. Sanhi siguro ng mga sugat niyang dumudugo pa. At malamang hindi na rin ito napapalitan.

Dati ay laging may nakatokang magpalit ng bed sheet niya. Lagi rin malinis ang kwarto niya. Ngunit ngayon, iba na ang itsura nito. Naghahalo-halo na ang amoy ng aircon sa amoy ng bakal at alikabok.

Ibang iba nga marahil sa marangya niyang buhay noon. Ibang iba rin sa pinangarap niyang buhay, balang araw.

Napabuntong hininga na lamang siya.
Ano ba namang nangyayari sa buhay niya. Hindi naman ito ang buhay niya dati eh.

Ilang sandali pa ay bumukas ang pinto at pumask si Trivour.

"Mabuti na lang at gising ka na," sabi  nito.

Kinuyom ni Rose ang kamay niya. Naaalala niya lang ang pambu-bugbug  nito sakanya. Ni hindi nga siya pinapakagat sa lamok ng Daddy niya tapos bubugbugin lang siya nito.

Mas lalo pa siya nagalit nang maalalang ipinagkatiwala siya ng ama kay Trivour. Nagtiwala ang ama niya dito. At ang masaklap, nagtiwala din siya rito.

"Nakita mo na Rose? Ayokong ginagalit ako. At hindi lang 'yan ang aabutin mo sa susunod na tumakas ka," sabi nito habang nakacross ang mga braso.

Unti unti itong lumapit sa kanya. At umupo sa gilid ng kama habang nakatingin sakanya.

Matalim ang tingin niya dito habang napapanatili ng binata ang ma otoridad nitong awra.

"At sa susunod na tumakas ka. Mas pahihirapan ko ang buhay mo. "

Pinaglandas ni Trivour ang kamay sa mukha niya. Hinaplos nito ang namamaga niyang mukha. At itinaas ng daliri nito ang mukha niya.

"The more you go farther against me, the more it will ruin you, " sabi nito holding her chin.

"I hate you, Trivour. I hate you!" singhal niya dito saka tinabig ang kamay ng binata.

Pagak itong tumawa at hinawakan siya sa braso kung saan siya may sugat. At idiniin nito ang kuko sa sugat niya. Impit na iyak ang pinakawalan niya.

Parang talon na bumalisbis ang mga luha niya. Ngunit hindi siya humagulhul. Ni walang reaksiyon ang mukha niya. Ayaw niya ipakita rito na nasasaktan siya. Baka mas lalo pa itong matuwa kapag nakita nitong nasasaktan siya. Kaso tinatraydor siya ng sarili niyang mga mata.

"I know, Rose. I know. Hindi mo na kailangan sabihin pa sakin 'yan ng paulit ulit. Pero sige lang. Wala ka rin namang magagawa. Utang mo pa rin sa 'kin ang buhay mo. Dapat kasi pinatay na lang kita," sabi ng binata.

"Dapat ba pasalamatan pa kita?" hindi na niya mapigilang sumagot.

"Bakit hindi mo na lang ako pinatay? Total naman kotang kota ka na Trivour. Malapit na rin naman akong mamatay sa mga ginagawa mo sa 'kin. Bakit hindi mo na lang ako tinuluyan?!" sinigawan niya pa ito sa mukha.

Isang malakas na sampal ang natanggap niya mula kay Trivour. Napasubsub siya sa kama at nasapo niya ang nagiinit pa niyang pisngi. Mamamanhid din naman ito maya-maya lang.

"Wag mo akong sisigawan, Rose! Dahil ako langang dapat gumagawa nun!"

"Parang awa mo na. Itigil mo na to. Ayoko na, Trivour. Pagod na pagod na pagod na ako. Tama na. " pagmamaka awa niya kay Trivour na matalim pa sa sibat ang yingin sa kanya.

"Kung sinunod mo na lang kasi ako. Hindi mangyayari sayo to. Kung hinayaan mo na lang sana ako na ipasok ka sa sindikato. Hindi ka naman masasaktan," sabi ni Trivour.

Napailing siya ng paulit ulit. Hindi niya kakayaning makisali sa ilegal na gawain ng underground business na pinamumunoan ni Trivour. Ipinasok na siya nito sa prostitution, akala niya 'yun lang ang gusto nito at 'yun na ang huling masamang bagay na papasukin niya. Hindi pa pala. Ngayon ay gusto na nitong pumatay at magtraining upang maging assasin. Isang bayarang assasin na nagtutumba ng mga politiko at kaaway na sindikato.

Pero hindi niya kayang pumatay. Hindi niya kaya. Hindi niya kayang gawin ang pinapagawa nito kaya siguro galit na galit ito sa kanya.

"Ang problema kasi sayo, hindi ka sumusunod!!!! " Sinigawan siya nito bago nilisan ang kanyang silid.

Tahimik siyang umiyak sa silid niya hanggang sa nagdilim na ang kanyang paligid. Marahil ay gabi na ngunit wala siyang balak tumayo para magbukas ng ilaw.

Ano pa nga ba ang dapat niyang tingnan? Wala ng maganda sa paligid niya. Wala na siya ng dahilan para buksan ang ilaw. Dahil wala na naman siyang makikita maliban sa gulo at dugo.

Hinayaan niyang magdugo ang sugat niya sa braso hanggang sa dalawin siya ng antok.

---

Maaliwalas ang araw niya. Bumaba siya sa hagdan at naabutan niya nag aagahan ang Mommy at Daddy niya. She's happy. Very happy. Yan ang araw araw niyang nararamdaman.

"Good Morning Mom! Good morning Dad!," agad niya itong niyakap at hinalikan sa pisngi.

His Dad put down the news paper he was reading.

"How's your sleep little princess?," tanong ng daddy niya.

Naupo muna siya sa harap ng mesa at nagsandok nga kanin at ulam.

"I am fine Dad. I had a good dream last night," sabi niya ng may mga ngiti sa labi.

"But please, Dad. Wag mo na akong tawaging little princess. Eh nakakahiya na kasi. Dalaga na ako Dad. Kaya Rose na lang, " dagdag pa niya.

Napabuntong hininga ang ama niya at napangiwi.

"Mas gusto ko ang Little princess," her dad insisted.

"Mommy oh. Si daddy ang kulit. Dapat kasi Rose na lang eh," nagsumbong siya sa inang nakangiti habang nakatitig sa kanila.

Humalakhak ang kanyang ina sa tuwa para sa kanila.

"Hayaan mo na ang Daddy mo. Matanda na kasi kaya ganyan yan," sabi ng kanyang ina.

Tumawa siya ng pagkalakas lakas nang makita ang reaksiyon ng ama.

"Really hon? Matanda na talaga ako? After you enjoyed my----"

"Hep! Hep! Hep! Kakain na tayo. Kaya awat na, " pumagitna  na siya sa nagbabadyang bangayan ng mga magulang niya.

She was very happy before. Halos perpekto na ang lahat sa buhay niya. Brain, beauty, money and family. It was so perfect.

But later, while laughing and chatting with her family in the dinning area....

Bumakas pinto sa front door. Pumasok doon si Trivour na may dalang  baril at itinutok ito sa kanila.

Hinihingal siyang bumangon mula sa pagkakahiga. Naiiyak siya sa mga ala-ala ng mga magulang niya. Because she missed them.

Madilim pa ang paligid dahil siguro sa madaling araw pa. Tahimik siyang napahagulhul sa kama.

Napanaginipan niya ang mga magulang niya. Iyon ang mga araw na masaya siya. Walang gulo. Walang sakit. Walang Trivour sa buhay niya.

Napatingin siya sa pinto. Nagtataka siyang napatungin dito. Bakit naiwan itong bukas?

Tumayo siya upang isara ang pinto ngunit napatigil siya when she held the door knob. 

She saw the person he dispises the most. Holding a cup of coffee. Intently looking at her. Sinisimsim nito ang kape habang nakasandal sa pader na nakaharap sa pinto ng kanyang silid.

Without any words, sinalampak niya ang pinto at siniguradong malakas ang magiging tunog nito.

Kinabukasan ay magtatanghali na siyang nagising.

The door knocks and one of Trivour's man enter with a tray of breakfast. Alvin.

"Kumain ka na daw. Magtatanghali na," he said. And she knew who is he talking about. Trivour.

That guy, minsan punapakita niyang may malasakit siya kay Rose. But mostly, wala naman itong paki alam lalo na kapag sinasaktan siya nito.

He didn't care at all.

Nilagay ni Alvin ang tray sa bed side table niya.

"Alvin, nasan si Trivour?," she asked.

"Nasa garden. Bakit?"

"Pakisabi naman na kailangan ko siyang maka usap," she said.

Tumango si Alvin kay Rose tsaka lumabas ng kanyang kwarto.

Hindi niya kinain ang pagkain sa bedside table niya. Instead, pumasok siya sa banyo at naligo muna. And she cleaned her wounds then cover it with a plaster and bond aid.

A moment later, Trivour entered her room without even knocking.

"Anong kailangan mo?," he asked.

"I'm tired of crying and being caged in my room, Trivour. "

"Ano ang gusto mong gawin ko? You make me do this to you. Kung nakinig ka lang sana at sinunod mo lang sana ako hindi ito mangayayari sa 'yo," he said .

Tumayo siya sa pagkakaupo sa kama. And faced Trivour.

"Gusto kong makalabas dito, Trivour kahit papano. Kaya handa na ako. Pumapayag na ako sa gusto mo, " sabi niya.

He smiled wickedly.

"Bibigay ka rin naman pala eh. Nagmamatigas ka pa. Mabuti na lang at natauhan ka na. Atleast naman magkakasilbi ka na, " anang ni Trivour.

"Maghanda ka sa unang araw ng pagsasanay mo. At sa unang ipapagawa ko sayo," sabi nito sa kanya.

Tumango na lang siya habang nakayuko. Lumapit ito sa kanya.

"Wag kang mag alala. Ibibigay ko sayo ang kalayaang inaasam mo," sabi ni Trivour at tinapik ang balikat niya.

Nanginig siya sa poot at galit. At the same time, nandidiri siya.

He sounded confident and happy. Talaga bang masaya itong paglaruan ang buhay niya?

"Ituturo ko sayo ngayong araw ang iilan sa mga technique ko sa labanan," sabi pa nito.

Hmm. Sige... At papatayin kita gamit ang sarili mong technique, Trivour.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top