Side Story: Alex & Aira
DENNISE POV
Tahimik lang akong nakamasid sa labas ng eroplano habang pababa ito sa airport ng syudad. Masaya ako dahil after so many years makikita ko na si kuya. Yung kuya Tael ko na pinagtabuyan ng tita ko na pugitang baboy.
I hate her. Pinilit nyang ilayo si kuya sa amin. Pilit nyang pinagtrabaho ito sa malayo with a reason na dapat kami makapag-aral. I hate her coz she knows that my kuya Tael a baby by heart yet she pushed him away para mag trabaho. Sabi nya my kuya need to be matured at kahit alam nya na imposible iyon, pinilit nya si kuya. Kahit na umiiyak na si kuya, hindi nya ito pinansin.
And now, finally I can see him. Sana okay lang sya sa bago nyang amo. Sabi naman sa amin ni ate Sam, kuya is treated as a baby. Kung totoo man iyon, sobra-sobra ang pasasalamat ko. Baby talaga si kuya at pilit na pilit ang pagiging matured nya. Hindi ko alam kung nakalimutan na ni kuya yun, pero kung oo, ayos lang naman. He will always be our kuya baby.
"Andito na tayo." Anunsyo ni ate Sam.
Oo nga pala, we are using a private plane. Ang taray diba? Yaman ng boss ni kuya. I doubt if it will just boss. Sa tingin ko hindi. But who cares. As long as inaalagaan nya ng maayos si kuya ay malayo kami kay tita.
"Hanggang dito nalang ako." Ani ate Sam bago kami makapasok ng airport.
"Eh sino maghahatid sa amin kay kuya?" Tanong ni April yung kakambal ko na adik na adik sa online games.
"Kami." Sabay kami napalingon ni April sa likuran. May dalawang lalaki na papalapit sa amin. Yung isa medyo katakot yung awra nya. Gwapo sna sya at ang ganda ng mata. Naeemphasize kasi may eyeliner sya, but it giving him a scary aura. Tipong bumangga basag ganun. Yung isa, keri lang. Hindi ko trip. Mukhang mapapanisan ako ng laway eh.
"I will entrust them to you." Ani ate Sam.
"Sino sila?" Ako nagtanong.
"The one with eyeliner is Saint. He is a direct men ng boss ko. Isa sa trusted na tauhan ni boss Myth. Yung isa naman si Ferdie, tauhan din ni boss. Safe kayo sa kanila.
"Thanks Sam fore keeping them safe. Boss will surely reward you." Sabi nung Saint.
"No need. Serving him well is my ultimate goal. He did a lot for me already. No need for reward." Sagot ni ate Sam.
"Sabihin mo yan kay boss. You know him."
Tapos nagtawanan sila. Tahimik lang kami ni April na nakikinig sa kanila, pero sa utak ko, iniimagine ko na ang hitsura ng boss nila. I'm aware that they are mafia. Kinulit ko kasi si ate Sam. Though she is not allowed to tell me who they are, sinabi nya pa din.
I never thought mafia exist. I thought they are just fictional character in books and movies. Their characters are bad and blood thirsty creatures, medyo mild sa mga vampire. But as I can see, those fictions are only made para katakutan ang mga tulad nila. Sabagay hindi nasusukat sa gawa ng tao ang kabaitan nila. Hindi rin lahat ng nakikita natin na tama ay mabuti at ang mali ay masama. Things are more real if you know the reason and process behind.
May mga tao na gumagawa ng mabuti to get praises from other. Para mapabango ang pangalan nila. But the real is, they are doing good things to hide the bad things they did.
Yung iba, kala natin masama ang ginagawa. Like killing someone without any reason. But the truth is, yung mga pinapatay pala nila ay salot sa lipunan. Yun palang mga ninanakawan nila ay mga magnanakaw din. Hindi natin alam na sa kabila ng masamang ginawa nila, their purpose is to help those needed. Yeah, killing, and getting things that not yours is bad, but have we ever thought the reason?
Sabi nila kahit anong rason pa yan, masama pa din. So pag mabuti ba kahit na anong sama ng dahilan nila like hiding all the bad things did ay mabuti pa din? It's kinda complicated, but if think deeper, you will get the point.
Lumabas kami ng airport gamit ang private exit. May mga nakasunod sa amin na men in black at sila ang may dala ng mga gamit namin. Kuya Saint and kuya Ferdie walk in front of us. Bali napapagitnaan nila kami ni April.
Pakalabas namin ay mabilis na nagsisakay ang mga men in black sa mga nakaparadang sasakyan sa labas. Yung mga gamit namin ay sinakay sa isang sasakyan kung saan sumakay din si kuya Ferdie.
"Dito tayo." Ani kuya Saint sabay turo ng sasakyan na nasa gawing kanan namin.
Beside the car is a man na seryosong nakatingin sa amin.
ANG GWAPO!
Mabilis akong lumapit sa sasakyan. Kumilos naman yung lalaki. Pinagbuksan nya ako ng pintuan.
"Hi, I'm Aira, kapatid ni kuya Tael. Anong name mo?"
"Alex po." Ang galang naman ni pogi.
"Bakit ang gwapo mo?" Diretsang tanong ko sa kanya.
"Wag ka lumandi. Pasok sa loob." April pull my hair and push me inside the car. "Pasensya ka na sa kapatid ko. Pero just so you know, she likes you." Ani April kay Alex tsaka pumasok sa loob.
"Panira ka ng diskarte." Inis na bulong ko sa kanya.
"Kasi naman hinaharass mo na. Eh parang hindi makabasag pinggan ang hitsura nung tao."
"You know nothing April. Kaya nya mangwasak ng buhay no. And I'm more than ready para pawasak sa kanya ang katawan ko."
"Gaga! Umayos ka!"
"Tse! Maglaro ka nalang dyan. Wag mo pakialaman diskarte ko."
Napailing nalang si April. Pakasakay ni kuya Saint sa passenger seat, ay sumakay na din sa driver seat si Alex.
"Magaling ka ba mag drive, Alex?" Siniksik ko si April. Sya kasi nakapwesto sa likod ni Alex baby ko.
"Opo. I'm the fastest driver." Sagot ni Alex tsaka inistart yung sasakyan.
"Ang galing naman. Can you drive me to heaven baby Alex?"
"Eeewwww!" Agad na react ni April. Si kuya Saint naman tumawa pero saglit lang.
"Ah, miss, ayos ka na ng upo. Papaandarin ko na yung sasakyan."
Napanguso ako tsaka ko sinamaan ng tingin si April.
Pabebe ang baby Alex ko ha. Pero ayos lang. If he don't want to drive me to heaven, I'll be the one who will drive him there.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top