Chapter 41

TAEL'S POV



"Ulit pa tayo Tael. Tara." Sinamaan ko ng tingin si Nivel. Hindi ko alam kung bakit andito ito pero sarap nya ayawin. Kita na nyang may mga nakakabit sa akin tapos aayain nya pa ako umalis.





"Ito kainin mo. Umulit ka pa ha. Malamang hindi ka lang isang araw sa hospital." Muli nyang sabi. Inabot nya sa akin yung ubas.





"Ayaw ko yan, ang pangit ng kulay." Binalik ko sa kanya yung plati na may lamang ubas.





"Choosy ka pa nyan. Yung totoo ghorl naglilihi ka ba? Tang ina pati kulay choosy ka."




Hindi ko sya sinagot. Kinuha ko nalang yung plato na may ubas at kinain. Tsk. Bakit ba kasi ganito kulay nito? Wala bang pink nito o kaya dilaw? Pero mas maganda sana rainbow.





Sa totoo lang, ayaw ko ng may kausap. Ayaw ko din ng may kasama. Gusto ko ako lang dito sa kwarto. Kaso umalis yung kambal tsaka si ate Nikka at binilin kay Nivel na bantayan ako. Kaya kahit pagtulakan ko ito, hindi ito aalis. Si papa din umuwi na at babalik daw bukas.





Bakit ba kasi kailangan may kasama pa ako? Hindi naman ako aalis eh. Ayos na din naman ang pakiramdam ko. Hindi na masakit tyan ko. Sabi nung doktor okay naman na din yung baby ko basta  pirmis lang daw ako sa higaan.





"Ang gwapo ng daddy mo Tael." Muling sabi ni Nivel. Nilagyan nya ako ng orange sa plato. Bakit ba puro pangit ng kulay ng prutas na nilalagay ni Nivel sa plato ko, tapos ang daldal pa nya.





"Gusto mo?" Tanong ko sa kanya.





"Pamimigay mo ba? Wag ka magkakamali ng sagot Tael."




"Tinatanong ko lang kung gusto mo. Dami mo agad sinabi!" Iritadong tanong ko.




"Oo. Oo gusto ko."




"Eh di maghanap ka ng iyo. Akin yun."




"Letse ka Tael!" Binalatan ko sya. Galit lang ako kay daddy pero hindi ko sya pamimigay. Eh di nawalan ng daddy yung baby ko.




"Sayang, namatay kapatid nya. Kung akin yun nalang akin."





"Pakamatay ka na tapos hanapin mo sa kabilang buhay yung kapatid ni daddy." Ang daldal! Nakakairita.





"Puta ka talaga. Did you know? Na ang gandang ito, dapat bago na tegi nalahian muna."




"Paano ka malalahian eh hindi ka naman nabubuntis?"





"Uso surrogacy bakla."




"Eh di wow." Kinuha ko yung remote ng tv ang nilakasan ang volume. Buti pa ako maganda tapos pwede manganak. Hahaha panis sa akin yung surro....ano nga yun? Ay basta yung sinabi ni Nivel.



Nilapag ko sa tabi ko yung plato na nilalagyan ng prutas ni Nivel tsaka ako humiga. Inaantok na ako. Pero, asan kaya yung daddy ko? Bakit hindi na sya bumalik dito? Ganun ba yung galit nya sa akin para hindi na sya pumasok dito at tignan ako? Hindi na nya ako love?




"Nivel!" Malakas na sigaw ko sabay bangon. Mabilis na pinahinaan ni Nivel yung tv ang binatukan ako.




"Letse ka! Anong kailangan mo?"





"Mahirap ba maging magulang?"





"Aba malay ko. Single pa ako ghorl."



"Paano kung mag isa ka lang na tatayong magulang? Mahirap ba?"




"Hindi ko din alam, pero sa tingi ko oo. Ikaw lahat eh."




"Hmm. K." Muli akong humiga.




Panay ang bulong ni Nivel pero hindi ko pinansin. Iniisip ko na kasi kinabukasan namin ng baby ko. Ayaw na sa amin ng daddy namin. Kailangan makaipon ako ng pera para sa kanya. Yung singsing tutal ayaw naman ni daddy Myth ibebenta ko nalang. Tapos maghahanap ako trabaho.



Tama. Tama.



Yung bill ng hospital sila naman siguro magbabayad. Muli akong bumangon at inabot yung dulo ng dextrose  ko. Pinabilis ko yung tulo ng tubig. Dapat maubos na ito bago magmadaling araw para makauwi na ako. Kailangan ko pa hanapin yung singsing para mabenta ko. Kukuha din ako ng mga damit ko. Yung kambal iwan ko muna sa mansion pero kukunin ko sila pag naging maayos na ako.



"Anong ginagawa mo bakla ka!"



Hindi ko pinansin si Nivel. Humiga ako ulit. Nagsimula tumulo ang luha ko.



Ang sakit kasi. Gusto ko lang naman surpresahin si daddy Myth, pero ito yung kinahinatnan ng lahat. Sana hindi nalang ako bumili ng singsing. Sana hindi nalang ako tumakas. Gusto ko lang naman pakasalan si daddy para happy family na kami. Para na din sa baby ko. Pero yun nga. Ganito yung kinahinatnan. Ayaw na nya sa akin.



Hinaplos ko yung tyan ko. Kawawa naman ang baby ko. Walang isang daddy. Pero hindi, bubuhayin ko sya ng maayos. Sasabihin ko nalang ma namatay tatay nya para hindi magtanong at maghanap. Sabihin ko nalunod sa sabaw ng sinigang. Tsaka love ko sya kahit na hindi sya kompleto. Hindi na kasi sta mabubuo kasi hindi na ako kakantotin ni daddy para buohin sya. Pero okay lang. Love ko pa din sya kahit hindi sya buo.




Tama, tama.



"Anong iniiyak mo Tael?"  Tanong ni Nivel. Umikot pala ito sa pwesto ko.




Umiling ako, pero lalo ako naiyak. Sabihin ko kaya sa kanya? Ito na rin naman ang huling pagkikita namin.


"Ano ka abnormal. Iiyak ng walang dahilan?" Umupo sya sa tabi ng higaan ko. "Ano problema mo?"




Umupo ako at pinunasan ang aking luha.





"Maniniwala ka ba pag sinabi ko sayo na buntis ako?"





"Sa lakas ng tama mo, oo. Kakaiba mga trip mo kaya. Tapos foods mo is so eeeeww."




"Yun yung dahilan kaya andito ako sa hospital. Nahimatay ako kanina kasi sobrang sakit ng tyan ko. Muntik na daw mawala yung baby ko."





"Okay naman diba? Wag ka na umiyak. Baka mapaano ka pa." Pinunasan nya ang luha ko.




"Oo, pero kami ni daddy Myth hindi. Ayaw na nya sa akin."





"Sure ka?"




Mabilis akong tumango. "Oo. Tignan mo ikaw lang andito. Asan si daddy ko? Wala. Sila ate Nikka wala din."



"Diba sabi ni ate Nikka may pinapagawa sa kanila si daddy mo?"




"Sabi lang yun. Pero ang totoo pinapaalis talaga sila dito. Sinama lang nila yung kambal kasi walang kasalanan yun."




"Sige, sabihin na natin na ganun na nga, ano plano mo?"



Nagsimula na naman ako umiyak. Hindi ko kaya. Ayaw ko sana pero wala naman ako magagawa.



"Aalis ako. Yung singsing ibebenta ko para may pera ako. Tapos magtitinda ako ng kahit na ano. Syempre bibili ako nung pekeng buhok na tulad sayo para mukha akong babae. Pwede rin ako magtrabaho. May diploma na ako ng high school eh. May makukuha na siguro ako maayos na trabaho nun para sa amin ng baby mo."



"Eh paano kung magtanong baby mo kung asan papa nya?"




"Sabihin ko nalang patay na at sa probinsta nakalibing. Sabihin ko na nalunod sa sabaw ng sinigang kaya namatay."



Hinaplos nya ang aking buhok. "You are overthinking Tael."


"Huh?"



"Wala. Sabi ko kung yan ang gusto mo, susuportahan kita."



"Salamat ha. Sana makita pa kita ulit."



"Aba gagang 'to. Syempre, magkikita pa tayo. Ako ninang ng baby mo."


Hindi ako sumagot. Ngumiti lang ako at niyakap sya. Ang bait nya. Gusto pa nya maging ninang ng anak ko. Sana katulad din nya si daddy ko, gusto kami.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top