Chapter 28

TAEL'S POV

"Ang gwapo ni sir Jeff no." Kinikilig na sabi ni Aira



"Oo, pero may gwapo si sir Coby." Ani naman ni April.

"Mine si sir Coby, April. Back off girl." Wika naman ni Raven.



"Maka mine ito. Minarkahan mo na ba?" Si April ulit.



"Oo, nilawayan ko na yun." Sagot ni Raven sabay tawa.



"Weak. Laway lang. Ako niluhuran ko na si sir Jeff." Sabat ni Aira.



"Ay shit. May paluhod ang bakla." Tatawa-tawang sabat nin Nivel



Ako nakikinig lang sa kanila habang nilalaro yung pagkain na binili ko. Lunch break namin at nasa pantry kami. Kasama ko yung kambal, si Raven at si Nivel. Si Nivel kaklase din namin ni Raven. Huling araw ng klase namin ngayong linggo kaya naman halos wala kaming lesson. Puro meeting kasi ang mga teacher namin kaya naman nakatambay lang kami sa pantry. Lunch break na pala naming. Gutom ako pero wala akong ganang kumain.



Magkasundo sila Raven at ang kambal. Minsan hindi ko maintindihan pinag uusapan nila. Ang alam ko lang dirty talk daw tawag doon at ang paksa nila ay laging si sir Jeff at sir Coby, mga teacher namin na may hitsura. 



"Ikaw Tael, ano masasabi mo kay sir Jeff at sir Coby?" Baling sa akin ni Raven.

"Wala. Hindi sila gwapo. Mas gwapo si daddy." Inis na sagot ko.



"Ay badtrip ka bakla? Nyare sayo?" Takang tanong ni Nivel. Oo, bakla si Nivel. Si Raven naman sabi ni BI daw sya. Hindi ko maintindihan kong ano iyon. Sabing kambal mga gender preference daw.



"Wala. Naiinis lang ako." Mahinahong sagot ko. Nahiya ako bigla kasi sila ang nasungitan ko.



"Bakit kuya?" Takang tanong ni Aira sa akin. "Ayaw mo ba ng pagkain?"



Ngumuso lang ako. Hindi iyon. Masarap yung pagkain. Tinikman ko iyon ng kaunti kanina. Pero wala talaga akong gana. Naiinis kasi ako.



"Hindi. Wala lang ako gana kumain." Sagot ko sabay usog ng plato na may pakain palayo sa akin.



"Diba sabi mo kanina gutom ka? Excited ka pa nga kumain." Ani Raven.



"Kanina yun. Ngayon hindi na."



"Mood swing teh. Red tide alert ba?" Ani Nivel. Ito si Nivel parang sila Megan. Hindi ko maintindihan mga sinasabi. Anong red tide? Mukha ba akong dagat o tulya?



"Gaga! Wag mo lokohin si kuya, hindi ka nyan magegets." Saway dito ni Aira.



"Punta muna ako ng library." Paalam ko sa kanila. Hindi ko na inantay ang sagot nila, umalis na ako.



Gusto ko maiyak sa inis. Si daddy kasi hindi tinupad ang pangako nya. Nitong mga nagdaang araw, hindi kami sabay kumain ng pananghalian. Naiintindihan ko naman. Alam ko naman na abala sya sa trabaho nya. Pero kasi nangako sya sa akin kagabi. Nangako sya na pupunta sya dito sa eskwelahan namin para sabay kami kumain. Excited pa naman ako kasi papakilala ko sya kila Raven. Ngayon lang ako nagkaroon ng kaibigan kaya gusto ko pakilala sa kanya pero hindi naman sya dumating. Nagtext lang sya na may meeting pa daw sya kaya hindi sya makakarating.



Naiinis ako, pero mas lamang yung lungkot ko. Gusto ko umiyak pero wala naman magagawa yung iyak ko. Hindi pa din sya makakarating. Namimiss ko na si daddy. Mula nung nagsimula ang klase madalang ko na sya makita. Kada umaga nalang. Gabing-gabi na din sya kasi umuuwi. Tulog na ako pag dumadating sya.



Umupo ako sa pinakasulok ng library, yung pwesto na tago sa lahat. Tahimik lang ako umupo doon at tumingin sa labas ng bintana. Nalulungkot talaga ako, hindi ko alam kung bakit. Siguro dahil pinalaki ako nila mama sa pangaral na dapat lahat ng pangako tinutupad.



Gusto ko saktan ang sarili ko. Hindi ko kasi alam kung ano ang gagawin ko. Sobrang lungkot ko. Miss na miss ko na si daddy. Pero pag sinaktan ko ang sarili ko, magagalit si daddy sa akin.

"Nag-away ba kayo ng daddy mo?" Napaangat ako ng tingin. Si Raven iyon. Umupo sya sa tapat ko. Alam na ni Raven kung sino si daddy Myth. Hindi ko nga lang napaliwanag sa kanya ng maayos pero sabi ni gets nya na daw kung sino si daddy Myth at kung ano ang relasyon na mayroon kami. Mabait naman si Raven eh. Tsaka nangako sya na hindi nya pagsasabi kahit kanino ang tungkol kay daddy Myth. Secret daw namin yun kaya tiwala ako sa kanya.



"Hindi." Malungkot ko na sagot.



"Eh bakit nagkakaganyan ka?"



"Nangako sya sa akin na sabay kami kakain ng pananghalian. Nangako sya na pupunta sya dito."

"Tapos?"



"Hindi naman nya tinupad."



"Kasi?"



"May meeting daw sya."



"Eh yun naman pala eh. Valid naman yung reason nya."



"Kahit na. Ang pangako tinutupad."



"Tael, hindi totoo yan. Promise are meant to be broken. Tsaka businessman si daddy mo, madami talaga syang meeting. Ganun si daddy, kaya nga hindi na din kami halos nagkikita."



"Naiintindihan ko naman na madami syang meeting. Naiintindihan ko na abala sya, pero sana hindi na sya nangako kung hindi nya din naman pala tutuparin."



"Tsk. Spoiled baby." Lumapit sya akin at pinitik ang noo ko. " Wag ka masyadong spoiled Tael. Minsan mag-adjust ka din. Pag lagi ka ganyan, iiwan ka ng daddy mo. Ikaw din."



Agad ako nakaramdam ng takot. Ayaw kong ganun. Ayaw ko iwan ako ni daddy. Napanguso nalang ako. Sige na nga, ako nalang mag aadjust. Pero bukas na. Ngayon tampo ako sa kanya. Hindi ko sya kabati.



Katulad ng dati, si Saint ang nagsundo sa amin. Nag pallit lang ako ng damit ko tapos lumipat ako sa kambal. Dinala ko yung ibang gamit ko sa eskwelahan. Madami akong dapat gawin na assignment.



"Hoy kuya, wala kain na!" Sigaw ni Aira mula sa kusina.



"Busog ako. Kumain na kayo." Sagot ko. Nakatutok ako sa pinapauod ko.



"Paano ka naging busog eh hindi ka nagtanghalian at nag meryenda kanina?" Lumapit sa akin si Aira. Saglit ko sya nilingon at muling tinuon ang pansin sa pinapanuod ko. Hindi ko naman maintindihan ang gala ni Dora pero hinayaan ko nalang. Naiinis pa din kasi ako.



"Sumbong kita kay kuya Myth, sige ka." Pananakot sa akin ni Aira. Alam kasi nya na ayaw ni daddy na hindi ako kumakain.



"Eh di isumbong mo." Inis na sagot ko.



"Ayon. LQ kayo ni kuya. Hay naku lang." Hindi ko pinansin si Aira kahit hindi ko naiintindihan yung LQ na sinasabi nya.



Makalipas ng ilang saglit, iniwan nya ako sa sala at bumalik sa kusina. Bahala sila kung magsusumbong sila kay daddy. Hindi naman sila papansinin nun kasi abala yun. Mamaya pa din yun uuwi.



Panay ang lipat ko ng channel ng tv. Wala ako maintindihan sa pinapanuod ko kaya pinatay ko nalang at pumasok sa kwarto ni April. Dito nalang ako matutulog muna.





MYTH POV



"Saint, take over." Nagmamadaling sabi ko ng mabasa ko ang message sa akin ni Aira. Nasa condo daw nila si Tael. Hindi pa daw ito kumakain mula pa kanina sa eskwelahan. Ngayon daw ay nasa kwarto na daw ito ni April.



"Bakit?" Takang tanong nya. May meeting ako with the stockholder and I'm already on the way to the boardroom.



"Tael. Nagtatampo ata." Sagot ko.



"Bakit? Anong ginawa mo?" Takang tanong sa akin ni Saint. "Pansin ko nga kanina malungkot sya. Hindi sya makausap ng kambal."



"I think it has something to do with my promise."



"Tsk. Go. I'll take over. Bilisan mo, baka maglaslas yun."



Tumango lang ako tsaka ako patakbong nagtungo sa elevator. I dial Tael's number pero hindi sya sumasagot.



"Condo." Agad na sabi ko sa mga tauhan ko na nag-aantay sa akin sa may parking area. Kinuha ko sa driver ko ang susi ng aking sasakyan. I drive it my own. Halos paliparin ko iyon sa kalsada.



Halos sirain ko ang doorbell ng unit ng kambal. I'm damn worried about Tael at kasalanan ko iyon.



"Kuya wag mo gibain ang doorbell." Saway sa akin ni Aira.



"Asan kuya mo?" Tanong ko, ignoring what she said.



"Nasa kwarto ni April, natutulog na."



"Salamat." Pumasok ako sa loob at dumiretso sa kwarto ni April. I saw Tael curling in the bed, sleeping. His face is sad.



Nakonsensya ako. Luckily, he didn't hurt his self.



Lumapit ako sa kama at umupo sa gilid nito. Marahan kong hinaplos ang kanyang mukha. "Baby, wake up. Daddy is here."



Agad sya nagmulat ng mata, pero tinalikuran nya ako.



"Baby, sorry na. Hindi na mauulit." I tried to turn him pero lumalaban ang katawan nya.



"Hindi naman yan totoo." His voice cracked. He is crying.



Mabilis ko syang binuhat at pinaupo sa kandugan ko. Agad naman syang yumakap sa akin at umiyak. "Dapat hindi ka nangako kung hindi mo tutuparin." Aniya.



"Sorry na baby. Biglaan yung meeting ko. Hindi ko mahindian kasi eh. But daddy is here na."



Kumalakas sya ng yakap sa akin. Pinunasan nya ang kanyang luha tsaka tumingin sa akin. "Iiwan mo ba ako kasi spoiled ako?"



Nagulat ako sa tanong nya. "Hindi. Sino nagsabi say na iiwan kita?"



"Si Raven. Sabi nya if I act spoiled daw iiwan mo ako."



"Hind mangyayari yun. Hindi kita iiwan."



"Tampo lang naman ako kasi hindi mo tinupad yung pangako mo. Sabi nila mama dapat daw pag nangako tinutupad." Nagsimula na naman syang umiyak, this time he is sobbing hard.



"Sorry baby. Hindi na uulitin ni daddy. Wag ka na umiyak ha. Andito na ako."



Yumakap lang ito sa akin tsaka umiyak ng umiyak. Seems like, promise is important to him.



"Stop crying na baby ko. Uwi na tayo. Bili ako Jollibee, kakain ka ha." Tumango lang si Tael. Binuhat ko sya tsaka ko nilabas ng kwarto. Nasa sala ang kambal na aga na timingin sa akin pakalabas ko.



"Don't make a promise to kuya Tael kung hindi mo tutuparin kuya Myth. Pinalaki si kuya Tael ng ganun. Promise is really important to him." Sambit ni April.



"I'll keep that in mind."



"Pakihinaan ang ungol kuya Myth ha. Wag mo sinasagad ang sakyod. Yung inosente kong tenga kuya, maawa ka." Ani Aira. Agad naman syang binatukan ni April. Napailing nalang ako tsaka ako lumabas ng unit nila. I kiss Tael's lips bago kami pumasok sa condo namin. Hindi ko alam na ganun kaimportante ang pangako para sa kanya. Luckily, he didn't hurt his self.





Nilapag ko sya sa sofa tsaka ako tumawag sa Jollibee para umorder. Paka order ko ay tinimplahan ko ng gatas si Tael. I'm in the middle of putting milk on my baby's feeding bottle ng tumunog ang cellphone ko. Nasa sala iyon.



"Baby, pakitignan naman kung sino ang nag message kay daddy." Sigaw ko mula sa kusina.



"Okay po." Sagot ni Tael. Binilisan ko ang pagtimpla ng gatas ni Tael.



"Ano sabi baby?" Tanong ko habang inaalog ko yung feeding bottle ni Tael.



"Miss ka na daw po ng sweetie mo." Malungkot na sambit ni Tael.



Fuck!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top