Chapter 27
TAEL'S POV
"Yung mga bilin ko baby ha. If you need something, tawagan mo ako. Wag ka pupunta kung saan pag uwian. Antayin mo ako may guard house ha, doon kita susunduin. I'll try to be with you during you lunch, pero pag hindi ako nakarating, kumain ng maayos ha."
"Opo daddy."
"Pakabait ha."
"Opo."
"Very good. Pasok ka na. Ingat ka."
Kiniss ako ni daddy sa lips. Tinanggal nya din yung seatbelt ko tsaka binuksan yung pinto sa tabi ko mula sa loob. Hindi na sya bumaba pa.
"Ingat ka din po daddy." Nag babye ako sa kanya bago ako pumasok sa eskwelahan.
Nagpakawala ko ng isang malalim na buntong-hininga. Nilabas ko yung mapa na pinahingi ko kay daddy tsaka ko hinanap doon ang magiging classroom ko. Kakanta sana ako ng I'm the map. Yun lang naalala ko na kanta. Yung kay Diego kaso hindi ko matandaan. Pero syempre joke lang yun.
Unang araw ng pasok ko. Dahil sa private school ako, late ang simula ng klase. Yung kambal kasi dahil sa pampubliko silang paaralan, nakapasok na sila ng dalawang linggo. Una sila kaya naman may mga dokumento pa daw na dapat ayusin kaya hindi pa sila makasabay sa akin. Pero ang sabi ni daddy, mag online class daw muna yung dalawa para hindi mahuli sa klase.
At dahil mag-isa ako, kailangan ko ang mapa. Buti nakahingi si daddy doon sa kaibigan nya. Ayaw ko kasi magpahatid pa sa room kasi baka pagtawanan ako. Tsaka hindi ko matatandaan ang daan kung hindi ako ang makakahanap. Masyado din abala si daddy para istorbohin ko pa.
Magaling naman ako bumabasa ng mapa. Mas madali ko nahahanap ang pupuntahan ko pag may mapa ako kaysa sa bibigyan ako ng direksyon. Lalo akong naliligaw sa ganun.
Nagpalinga-linga muna ako sa paligid, tapos tingin ulit sa mapa. Nang makita ko kung saan ako pupunta, binalik ko na sa bag yung mapa at nagsimula na akong maglakad patungo sa classroom ko.
Sobrang laki ng eskwelahan at syempre, madami din estudyante. Halatang lahat anak mayaman. Lahat ng gamit mamahalin. Mukha din naman akong mayaman, salamat sa mga biniling gamit sa akin ni daddy. Gayunpaman, nakakapanliit pa din. Sobra. Kasi alam ko kung ano lang ako at halata sa mga estudyante na totoo silang mayaman. Ako kasi pekeng mayaman lang. Pero ayos lang yun. Importante makakapag-aral na ako ulit.
Inalis ko nalang ang aking tingin sa mga estudyante at nagfocus sa paglalakad. Mukhang bawal ang tatanga-tanga dito, kaya dapat focus sa nilalakaran.
"Tael?" Gulat akong napalingon. "Ikaw nga."
"Raven?" Takang tanong ko.
"Ako nga."
Raven Sidero. Isa sya sa naging kaklase ko sa online class. Sya yung nag advance lesson, kaya sumali sa online class. Parehas kaming pirst yir.
"Ang galing mo naman para makilala ako." Masayang sabi ko.
"Ako pa ba? Tinandaan ko bawat anggulo mo para makilala kita agad."
"Hehe." Napakamot batok nalang ako. Ang galing nya kasi para matandaan bawat anggulo ko.
"Papasok ka na ba?" Tanong nya.
Tumango ano bilang sagot.
"Maaga pa. Tara pantry muna tayo. Kain tayo almusal, libre ko."
"Busog pa ako. Pinakain ako madami ni daddy bago ako pumasok." Nahihiyang sagot ko.
"Ay ang sweet naman ng tatay mo. Sana all ganyan."
"Hindi ba sweet tatay mo?" Gusto ko sana sabihing hindi ko tatay yung daddy ko, pero bilin sa akin ni daddy na wag magkwento ng kung ano-ano sa mga taong hindi ko kilala. Hayaan ko nalang sya isipin nya na tatay ko si daddy Myth.
"Busy sya sa negosyo nya. Walang time sa akin yun. Kaya samahan mo ako mag-almusal. Sige na please. Maaga pa naman. Bibilisan ko kumain para hindi tato malate."
"Sige." Kawawa naman sya kung hindi ko sasamahan.
"Ayan. Tara."
Hinayaan ko syang akayin ako papunta sa pantry. Pagkarating namin doon, walang masyadong tao pero ang dami ng nakalapag na pagkain. Gusto ko sana bumili. Mukhang ang sasarap eh. Kaso busog pa talaga ako. Tsaka baka wala silang barya sa isang libo. Buong tag iisang libo kasi binigay sa akin na pera ni daddy bilang baon ko. Limang libo yung baon na binigay sa akin tapos puro tag iisang libo.
"Wala ka bang gusto?" Tanong sa akin ni Raven. May tray na itong hawak lalagyan nya ng pagkain.
"Madami, kaso busog pa talaga ako. Tsaka baka wala silang barya sa pera ko."
"Magkano ba pera mo?" Kumuha sya nung spaghetti tapos tinapay. Kumuha din sya ng juice at tubig.
"Puro isang libo binigay ni daddy ko eh."
"Ay wala pa nga silang barya. Sa card kasi nila lagi kinukuha ang bayad."
"Oo nga eh." Sagot ko.
"Ano ba gusto mo? Kuha ka, ako na muna magbabayad. May barya naman siguro sila sa limanh daan."
"Busog pa talaga ako eh."
"Wag mo sabihin titigan mo lang ako habang kumakain? Nakakahiya yun. Kuha ka kahit tinapay lang tsaka gatas." Pamimilit ni Raven.
"Sige." Kumuha ako ng isang tinapay na madaming palaman at gatas na kulay pula. Ewan, gatas daw yun sabi ni Raven, may flavor lang daw. Hindi na ako nagtanong kung paano iyon nangyari kasi baka isipin nya ang tanga tanga ko.
Tulad ng sabi ni Raven, mabilis lang syang kumain. Ako naman yung gatas lang ininom ko kasi nasarapan ako, tsaka busog talaga ako. Dami ko nakain kanina eh. Yung tinapay tinabi ko nalang.
Pakakain namin ay dumiretso na kami sa klasrum namin. Agad kong tinext si daddy, para sabihing nasa loob na ako ng klasrum. Isa yun sa bilin nya. Ang itext ko sya kung nasaan ako.
Parehas kaming tahimik ni Raven. Abala si Raven sa selpon nya. Mukhang may ka text din. Ako naman, pakasend ko ng message kay daddy, ay naglaro nalang ako ng Talking Tom. Yung pusa na alaga ko ang dungis na natulog lang.
Pakalipas ng halos isang oras ay napuno na ang klasrum namin. Umingay na din. Hindi naman nagtagal, dumating na yung guro namin. Agad syang nagpakilala sa amin. Mukhang masungit yung guro namin kasi hindi sya ngumingiti man lang.
Buong akala ko ay magpapakilala kami isa-isa, pero hindi nangyari. Tinawag lang kami isa-isa. Parang atendans lang ganun. Tapos agad na nagsimula ang klase namin.
"Ang sungit nya no. Pinaglihi ata ng nanay nya sa saka ng loob." Bulong sa akin ni Raven, sabay tawa ng mahina. Natawa din tuloy ako. Buti nakatalikod yung teacher namin kasi may sinusulat sa blackboard.
"Wag ka maingay, baka marinig ka. Palabasin tayo." Saway ko sa kanya.
"
Subukan nya, patanggal ko sya dito eh. Shareholders kaya daddy ko dito. Kaya ko sya patanggal." Sagot ni Raven.
"Wag naman. Pinaglihi na nga sa sama ng loob, bibigyan mo pa ng sama ng loob."
"Basta wag nya lang tayo susungitan, safe sya sa akin."
Hindi nalang ako sumagot. Humarap na kasi sa amin yung teacher namin. Baka mahuli kami. Nakinig nalang ako, para naman may maikwento ako kay daddy ko na natutunan ko ngayong araw.
MYTH POV
I smile when I receive my baby's message updating me of where he is and what he is doing. Mukhang nakakuha ito agad ng kaibigan nya.
I send a reply to Tael at ikasaktong paka send ko ng reply mo kay Tael ay may nareceive ako na messgae from unknown number, again. Kaninang umaga ay nakatanggap din ako ng message from unknown number.
Hey sweetie, I miss you. Hope to see you soon.
"Who the hell is this?" Inis na tanong ko sa aking sarili. I tried to call the number, but, as usual, it's out of reach.
"Something wrong?" It was Nikka. Nasa resto nya ako to meet someone.
"Someone texting me since two days ago. I tried to call the numbers but all of them are out of reach."
"Bakit hindi po patrace kay Cyber."
"I already did, but he cannot search it. Seems like someone is blocking him."
"Patingin nga." Inabot ko kay Nikka ang selpon ko. Naka unlock na iyon.
"Tael is really cute." Ani Nikka, habang nakatitig sa phone ko.
"And he is mine." Nakangiting sagot ko.
"Maka mine, hindi mo nga nililigawan. Label muna pinsan bago mo angkinin. Iba ang label sa kama, iba ang label sa relasyon." Iiling-iling na sabi ni Nikka habang pumipindot sa phone ko.
"Soon. Pag nakilala na sya ni dad."
"Make it soon Myth. Bago pa mahuli ang lahat."
"What do you mean?" Takang tanong ko. Binalik sa akin ni Nikka ang aking phone. Sumandal ito sa kinauupuan nya at seryosong tumingin sa akin.
"Iisa lang naman ang tumatawag sayo na sweetie, Myth. And seems like he is also here. Markahan mo na si Tael para wala na syang rason landiin ka."
"Ano bang sinasabi mo?"
"Waze, does it ring a bell?" Balik tanong sa akin ni Nikka.
"Hindi."
Nikka rolles his eyes. "Waze, is the person who the organization want you to get married. They are forcing him to be your cure. Anak sya ng leader ng pinakamalaking mafia organization sa buong mundo, Myth."
"Akala ko ba nanahimik na yun?"
I remember that man. Pinagpilitan ng mga elder na maging asawa ko sya noon pa. They are saying that he is my cure kahit na hindi naman. I saw him once, and I rejected him right away. Tapos kinalimutan ko na.
"Well, people are sometime like volcano. They well remain silent for a long time, then suddenly they will become active, scaring people and captured them through eruption."
"My decision will remain the same." Inis na sagot ko.
"I know. Kaya nga markahan mo na si Tael. I know you love him cousin. Make a move. Hindi yung puro sa kama ka lang nagalaw."
"I will. Thanks for the advice Nikka."
"Anytime Myth."
Tumingin ako sa labas ng resto. Not in the fucking hell that I will marry that Waze. He is not my cure and he will never be. Si Tael lang. At kung may magiging asawa man ako, si Tael lang iyon at wala ng iba.
This is Raven Sidero
Myth phone wallpaper.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top