Chapter 6

AIZELLE


LAKING tuwa ko nang makaraos na ako sa defense ko. Naglakad ako papunta sa garden at doon ko hinintay si Evan. Siya kasi ang susunod na mag-de-defense. Biruin mo, natapos niya kaagad ang research paper niya nang ganoon kadali. Mabuti na lang siguro at may nakahanda na siyang title ng thesis na gagawin niya kaya hindi na siya masyadong nahirapan. 

Nalaman ko pang talagang nagpuyat siya ng tatlong araw para doon. Nakukonsensya nga ako dahil ako ang may kasalanan kung bakit niya kailangan pang gumawa ng panibago.
Bigla ko tuloy naalala noong Grade one kami; noong araw na makilala ko siya. Lunch break no'n kaya lumabas ako ng gate ng school para bumili ng street foods. Mahilig kasi akong kumain ng fishball, kikiam, at kwek-kwek. 

Tumatakbo ako no'n papatawid nang madapa ako. Nagulungan ng motor ang kaliwang braso ko malapit sa pulsuhan. Hindi ko alam kung anong gagawin ko noon dahil bata pa nga ako. Hindi ko alam kung tatayo ba ako o hihintayin ko na lang na kainin ako ng lupa, pero dumating siya at kinuha ang kamay ko. 

Tinulungan niya akong makatayo. Binalutan niya pa ng panyo ang wrist ko. Kitang-kita ko sa mga mata niya kung gaano siya kaalala sa 'kin. Simula noon naging magkaibigan na kami.

"Anong iniisip mo?" Napalingon ako sa kaniya. Napanganga ako nang makita ko si Evan na nakatayo sa harap ko habang naka-corporate attire.

"W-Wala naman. Tapos ka na kaagad?" Ngumiti siya at tumango.

"Here." Nagtaka ako kung bakit inaabutan niya ako ng bottled milk, pero dahil binibigay niya kinuha ko na rin. "Thanks." Ininom ko iyon. Napansin ko ang mga sugat sa kamay niya.

"Oh, hindi pa rin galing yan?" Natatandaan ko na iyon ang sugat na nakuha niya sa paggulpi niya kay Aien. Hinawakan niya iyon at itinago sa bulsa ng coat niya. "Gagaling din 'to bukas."

Umupo siya sa tabi ko at sinamahan akong pagmasdan ang kawalan. "Ano nga palang sasabihin mo sa 'kin ng araw na 'yon?" 

"Ha? Araw na 'yon?"

"Oo, noong pinapunta mo ako sa restaurant."

"Ahh, tapos umalis ka kasi nakita mo si Aien?" 

"Oo."

Naalala ko ang araw na tinutukoy niya. May importante sana akong sasabihin sa kaniya no'n kaso umalis siya. Nagkataon lang kasing naroon si Aien sa restaurant at humihingi siya ng tawad sa nagawa niya sa akin.

Napangiti ako at 'tsaka ko siya tiningnan. "Gusto mo talagang malaman?"

Umiling siya. "Hindi na. Okay na 'ko." At saka siya ngumiti. 

Tsk. Wala pa nga akong sinasabi. Ang hilig talaga nitong umatras, at hindi ako patapusin sa sinasabi ko. "Sure ka? Okay."

"May gagawin ka ba bukas?" 

Nabalik ang atensyon ko sa kaniya nang baguhin niya ang usapan. Bumilis ang tibok ng puso ko nang maalala ang naging pagtatalo namin malapit sa police station, pati na rin ang pag-amin niya ng kaniyang nararamdaman na ilang gabing hindi nagpatulog sa akin. Lahat na lang ng ginagawa niya ngayon ay nabibigyan ko ng malisya na dati naman ay wala lang sa akin.

"H-Ha? Bakit? Ano ba bukas? Sabado? Wala naman."

"Gusto mong sumama sa 'kin?"

"Sumama? Saan naman?"

"Diyan lang sa tabi-tabi. Gusto mo?"

Kumunot ang noo ko. "Sa tabi-tabi? Ayoko nga! Mamaya kung anong gawin mo sa akin!" Napatingin ako sa mapupula niyang labi at muling bumalik sa alaala ko ang pagbabanta niya sa akin na gusto niyang halikan ang mga labi ko.

"Baliw! Mamamasyal lang. Kakain. Libre ko, promise."

"O-Okay."

Hindi kaya, niloloko niya lang ako tungkol sa nararamdaman niya para sa 'kin? Kasi kung seryoso siya, hindi niya naman ako yayayain sa tabi-tabi, hindi ba? Kasi ginagawa na namin 'yon noon, eh!

Eh, bakit ka naman kasi naniwala Aizelle? Alam mo namang hindi seryoso sa mga bagay na ganito si Evan. Ni hindi pa nga siya nagiging sweet sa buong buhay niya, mahalin ka pa kaya. Hindi ba't sinabi niya sa 'yo noon na hinding-hindi siya magiging sweet dahil allergic siya roon?
Tiningnan ko siyang maigi. Kung gano'n, ano naman kaya ang balak ng isang 'to? Hindi kaya ililibre niya ako kasi magpapatulong siya sa isang bagay? May nagugustuhan na kaya siya at magpapatulong siya sa 'kin upang pormahan ang babaeng 'yon? Kasi imposibleng ako, eh. Inaasar niya pa rin ako, eh, at binabatuk-batukan.

Hays, sabi ko na nga ba, wala talagang gusto sa 'kin si Evan. Wala! Ako lang naman 'tong agad na naniwala. At saka bakit ba kaagad ako umasa? Kitang dapat kasulukuyan pa akong nag-mo-move on sa break-up namin ni Aien. Tama, dapat sundin ko yung three months rule. 

"Anong okay? Payag ka na?"

"Oo na nga. Tara na, umuwi na tayo-ahh!" Napasigaw ako dahil napasala ang pag-apak ko nang tumayo ako.

"Aizelle! Are you okay?" Mabilis na umupo si Evan sa harap ko upang tingnan ang paa ko. "Saan masakit?"

Nawalan ako ng hininga nang makita ko ang mga mata niyang puno ng pag-aalala.

"Dito ba? Masakit ba kapag ginaganito ko?" 

Inalalayan niya akong makaupo. Tinanggal niya ang heels ko at minasahe ang kanang paa ko. Nakatingin lang ako sa kaniya habang ginagawa niya yon.

"O-Oo! Aray! M-Masakit! Bakit ba kasi ako nag-heels pa? Paano na ako makakauwi nito?"

"Here." 

Ibinigay niya sa akin ang sapatos ko. Akala ko pa naman siya na ang magdadala no'n tas ipahihiram niya sa akin 'yong sapatos niya, katulad ng mga napapanood ko sa palabas pero hindi pala. Psh, paasa naman 'to. Wala talagang taglay na ka-sweet-an.

"Sakay na." 

Nagtaka ako sa sinabi niya. "H-ha?" Hindi ko kaagad napansin na nakatalikod na pala siya sa 'kin. Lumingon siya at tinapik ang balikat niya. "Sakay na," seryoso niyang sambit.

Bakit parang ngayon ko lang nakitang may angkin palang kagwapuhan ang best friend ko? Hindi kaagad na-process sa utak ko ang sinabi niya.

"Hoy! Sakay na! Nangangawit na ako aba!"

"Ha? O-Oo. Sige! Kaya mo ba ako?" 

Napanganga ako nang bigla siyang tumayo habang nasa likod niya ako. Woah. I never thought that he was this strong. Biglang sumagi sa isip ko ang isinulat ko sa sweet notebook. Nagkataon lang kaya?

Binuksan niya ang pinto ng kotse niya 'tsaka niya ako ibinaba roon. Nagtaka ako kung bakit biglang napahawak siya sa gilid ng kaniyang noo. 

"Okay ka lang, Evan?" may pag-aalala kong tanong.

Ngumiti siya sa 'kin. "Ha? Oo. Tara, ihahatid na kita sa inyo." 

Nang makarating kami sa bahay, pinagbuksan niya ako. Natawa ako nang akmang isasakay niya na naman ako sa likod niya.

"Hindi na. Sa tingin ko, kaya ko nang maglakad. Salamat, Evan." 

Isinuot ko ang heels ko 'tsaka lumabas sa kotse niya. I looked straight into his eyes and smiled. "I love you."

Halatang nagulat siya sa sinabi ko pero agad siyang tumawa. "Psh. Pumasok ka na, baka maniwala ako." 

Nginitian ko na lang din siya 'tsaka ako nagpaalam. "That's my new way of saying thank you, Evan," pabiro kong sabi sa kaniya.

"Oh, bakit nakangiti ang dalaginding ko?" narinig ko ang pang-aasar ni mommy.

"Wala naman, Mommy. Naisip ko lang I'm so lucky that Evan is my best friend."

"Hanggang doon na lang ba?" Kumunot ang noo ko sa itinanong ni mama.

"P-Po? What do you mean, Mommy?"

Papasok na ako ng pintuan nang pigilan ako ni mommy. "Decide as early as you can. Do what should be done. Say what should be said. Don't wait for the time that you'll regret everything because it's too late." 

Nauna nang pumasok si mommy sa bahay. Samantalang ako ay naiwang walang ideya sa sinabi niya. Humiga na ako sa kama ko. Hindi ko mapigilang mag-isip tungkol sa sinabi ni Mommy. What does she means?

Naalala ko tuloy si Evan. May kinalaman ba kay Evan ang sinabi ni Mommy?

Well, maybe I will understand it soon since sa bukas nga pala ay lalabas kami ni Evan. Saan naman kaya kami pupunta? Ano kayang gagawin namin? Teka, bakit ba excited na ako?

Tiningnan ko ang orasan. God, I really need to sleep now and take some rest and hope for my feet to be better tomorrow. I closed my eyes and waited for myself to sleep but after a few minutes, I'm still wide awake. Hindi na nga lang yata minuto ang lumipas kung hindi oras na dahil sa muling pagpinid ko ng higa ay alas nueve na ng gabi.

Napatalon ako sa kama nang biglang tumunog ang cellphone ko. The moment I saw Evan's name, my blood rushed. Maging ang puso ko ay biglang tumibok nang mabilis.
I cleared my throat before I answered his call.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top