𝗔 𝗟𝗶𝗴𝗵𝘁 𝗧𝗼 𝗖𝗮𝗹𝗹 𝗛𝗼𝗺𝗲

Ito ang araw na ayaw na ayaw kong balikan. It keeps reminding me how the pain started to eat me whole and how I lost my home.

"Kalbo, kalbo, kalbo"

"Hindi ka nababagay dito kalbong payatot. Dun ka sa lugar na nababagay sa'yo, sa basurahan"

Kapag lalabas ako ng bahay, wala akong ibang marinig kundi ang mga paratang ng kapwa bata ko sa akin. Sa edad na siyam, natuto na akong kumayod mag-isa, nanirahan mag-isa, magdusa mag-isa at umiyak mag-isa.

Wala akong karamay dahil sa sitwasyon ko. Upang mabuhay, nakaya kong manglimos, minsan may nagbibigay ng pera, minsan binabaliwala lang ako at minsan naman, ninakaw pa ng mga batang kaparehas ko ang aking pera. Pero ang mas masakit, bugbugin ka dahil lang sa panlilimos. Hindi ko naman sila inaano. Wala akong ginagawang masama kundi ang manghingi pero ang kapalit 'dun ay bugbog.

"Kalbo, kalbo, kalbo"

Hindi ko na lang pinansin ang mga kababata kung walang ibang ginawa kundi tawagin akong kalbo. Suot ang tsinelas kong may malaking butas, ang damit kong napaglumaan na ng panahon at ang shorts kong may butas rin, pumara ako ng jeep. I need to go to my parent's home.

Ngunit ilang oras na ata akong nag-aabang, wala pa ring tumitigil para pasakayin ako. Ang layo pa naman kung lakarin ko pero okay lang, kailangan ko talagang makarating kay ina at ama.

Kung maibabalik ko lang ang panahon, gusto ko makapag-aral ulit. Sabi pa naman ni mama at papa proud sila sa akin dahil humahakot ako ng mga awards kahit hindi nila ako tinuturuan mag-aral kasi elementary lang ang natapos nila pareho. Maswerte ako kahit grade three lang ako, nakakaintindi na ako ng english, pero konti lang.

Habang naglalakad ako, hindi ko maiwasang mapatingin sa mga batang ang la-laki ng mga ngiti. Kitang-kita ang saya sa kanilang mukha habang nakakapit ang kamay sa kanilang mga magulang. Kung bakit kasi hindi kami mayaman at kung bakit kasi hindi na nila ako isinama sa bahay nila. Sana masaya kaming tatlo ngayon. Malapit na akong maiyak dahil nami-miss ko na sila mama at papa but I need to be strong.

Ilang kilometro rin ang nilakad ko para marating ang kanilang tirahan. Binuksan ko ang gate na ang luma ng tignan at parang isang tulak ko lang, magigiba na. Ako lang talaga ang dumadalaw kina mama at papa dahil walang naglilinis ng kanilang bakuran. Puno ng dahon ang paligid, may mga bote pa ng alak sa gilid, na sa tingin ko'y nagmula sa mga tagabantay dito.

Nilinis ko muna ang paligid bago ako pumasok sa loob ng kanilang tahanan.

"Tuandos Public Memorial"

Iyan ang nakalagay sa unahan ng gate bago ako pumasok dito, at oo, tama kayo, wala na sila mama. Iniwan na nila ako.

"Ma, Pa. Sana'y ginabayan niyo ako ngayon. Masyado ng masakit para sa akin ang patuloy na mabubuhay. Imbes na maging masaya ako sa pagsalubong ng bawat araw, nalulungkot ako at nasasaktan dahil wala kayo sa aking tabi." Hindi ko na mapigilan ang mga hikbi kong kanina ko pa tinitiis.

"Kung bakit kasi iniwan niyo akong mag-isa. Maghuhukay nalang rin kaya ako ng puntod sa tabi niyo, ma at pa"

Scars that's all I have
Pain that's all I feel
People stop and stare
But they have no idea

"Huwag nalang pala, may pangako pa ako sa inyo. Pero mama at papa, pano ko tutuparin iyon kung kahit ni isa man lang ng kamag-anak natin, hindi ako kinikilala. Kung pupunta ako sa bahay nila, tinatakwil ako. Kahit nga humingi ng pagkain, hindi ako binigyan. Ano ang gagawin ko?" I put my hand in heart, I can feel that my heart is in so much pain. Konting-konti nalang, bibitaw na ako pero para sa mga pangako ko nila mama at papa, magpakatatag ako. I am their daughter, I'm a Montes at sabi ni papa ang Montes ay hindi sumusuko at hindi bumabali ng mga pangako.

Nagstay ako doon sa kanilang puntod ng matagal, sinabi ko lahat ng mga pinagdaanan ko. Kaya medyo gumaan na rin ang pakiramdam ko. Tumayo ako sa harap nila, at pinunasan ang aking luha.

"Hindi ako susuko mama, papa. Lablab ko kayo. Sana ay gabayan niyo rin ako ah"

Pagkasabi ko 'nun, lumakas ang hangin at parang may humihele sa akin. I know it's their presence. Ramdam kong may humahawak sa balikat ko kahit padaplis lang. I smiled dahil kahit papano, alam kung binabantayan pa rin nila ako.

Bago ako bumalik sa aming tahanan na maliit at sako lang ang dingding, kinantahan ko muna sila ng kantang narinig ko sa aming kapit-bahay. Hindi ko gaanong maintindihan dahil konti lang ang alam ko sa inglis, pero isang tugtog lang sa radyo, nasaulo ko ang chorus na ata iyon. Gusto ko sanang subaybayan hanggang sa matapos ang kanta kaso binato ako ng mga bata sa amin. Ang naintindihan ko lang doon, naghahanap ng tahanan.

'Cause I may be homeless, but not hopeless
Fatherless but fearless
I've got myself, I've got my freedom
But I'm searching for my home

'Cause I am hurting but not helpless
Full of strength and scars
I'm out here in the darkness
Looking for a light to call home
Looking for a light to call home

"Pagbutihin ko ang panlilimos ko at pagmamasid sa titser na nagtuturo sa mga kapwa ko bata, mama at papa. Gusto ko talagang mag-aral kaya nagmamasid nalang ako sa likuran ng klasrom. Huwag kayo mag-alala sa akin ah. Smile lang kayo diyan"

"Kahit wala na kayong dalawa, hindi ako mawawalan ng pag-asa gaya ng pangako ko sa inyo. Kahit bagyuhin man ako, manatili akong matayog para sa kinabukasan at para na rin sa inyo. Mahal ko kayong dalawa"

Pinunasan ko muna ang mga luhang nag-uunahan sa paglaglag sa aking maliit na pisngi.

"Valentine, kaya mo 'yan. Wag kang susuko" bulong ko sa aking sarili bago ako lumisan sa tahanan nila ama at ina.

Papauwi na ako sa amin gusto ko sanang manatili sa sementeryo kasi nakakabingi na rin minsan ang paratang ng mga matatanda o miski bata sa akin ngunit kahit dito, pinapalayas rin ako ng taga-bantay kasi daw baka magnanakaw ako.

Malapit na ako sa amin ng nakasalubong ko na naman ang ibang mga bata.

"Kalbo, kalbo, kalbo"

"Pangit, pangit, pangit"

Gusto ko sanang umiyak kaso, aawayin na naman nila ako at pagbuhatan ng kamay. Wala naman akong ginawa sa kanila, ano ang problema nila sa pagiging kalbo ko? Hindi naman nila alam ang nangyari kung ba't pinili kung magpakalbo.

Hindi nila nasaksihan ang lahat ng sakit na naranasan ni mama at papa. Hindi nila maintindihan ang sakit sa puso ko. Si mama ay mayroong cancer samantalang si papa naman ay leukemia. Matagal na nila itong tinatago sa akin kasi ayaw nila akong masaktan. Nang mawalan ng buhok si mama, pinili ko rin ang magpakalbo para naman, kahit konti, maibsan ang sakit na kanyang dinaramdam pati rin si papa. Gusto ko sanang i donate ang aking buhok kay mama at magpagawa ng wig, kaso hindi man lang niya ako sinabihan na mawawala siya sa araw pa talaga ng birthday ko, February 14.

Si papa naman ay sumunod kaagad kay mama, hindi ko nakayanan lahat ng sabog na naganap sa buhay ko. Pero bago bumitaw si papa na may ngiti sa mga labi, sabi niyang mangako ako na magiging masaya at huwag mawalan ng pag-asa. Na patuloy akong mamuhay at balang-araw makamit ko rin ang tagumpay, pinanghahawakan ko ang mga pangakong binilin ni papa sa akin. Iyon na lang ang rason para mabuhay ako.

Sa panahon na walang-wala kami, wala talagang tumulong kahit isa sa kamag-anak ni papa at mama. Kaya pala ayaw ng mga kapamilya namin sa amin, kasi daw mahirap kami, tas wala pang tumatanggap kay papa ng kahit anong trabaho dahil sa kanyang sakit, tas sila pa daw ang magbabayad sa gamot nila mama at papa, tas si mama at papa lang daw ang uubos sa pera nila. Ang dami nilang rason. Pamilya dapat kami pero bakit ang mga bad nila.

Ni hindi man lang sila nagpakita ng malasakit ng nangangailangan si papa ng tulong dahil sa operasyon ni mama. Papa help them noong maykaya pa kami. Lahat sila tinulungan ni papa ng walang reklamo pero 'nung kami ang nangangailangan ng tulong, kahit isa sa mga kapatid nila, wala talagang sumusukli ng kabaitan ni papa kahit isang barya man lang.

Through these tears
And through this pain
I will stand, once again

Gabi na, at andito ako sa silid naming maliit, tumatanaw sa bituing kumikislap habang puno ng luha ang mga mata. Wala akong mahingan ng tulong. Walang lumalapit sa akin. Ako nalang mag-isa. I tried to hold many hands but they'll just throw me away like I'm a piece of trash.

Siguro nga oo, basura ako pero hindi ako susuko. Tutuparin ko ang pangako nila mama at papa. Someday I will be successful. Magiging teacher ako upang matulungan ang mga batang nangangailan ng kalinga. Ayaw kung maranasan nila ang naranasan ko.

Strong that's what I am
Okay, that's what I will be

Balang araw, ako ang magbibigay ng pag-asa sa mga batang katulad ko. Sa ngayon, hahanap muna ako ng liwanag. Hahanap muna ako ng paraan upang hindi ako makulong sa kadiliman dahil kung hindi, natatakot akong maging isang taong walang puso at puro paghiganti lang ang nasa utak. Natatakot akong mawala ang pinanghawakan kong pangako, natatakot akong maligaw ang landas.

Sa ngayon, hahanapin ko muna ang sarili ko, sarili kong tahanan. Hindi ako magpapa-apekto sa sinasabi ng ibang tao.

I will be who I am, no matter what the consequences are, I'll stay strong. I'll stay brave. Iyan ang palaging pinapaalala ni mama sa akin.

Balang-araw, matutupad ko ang pangako at pangarap ko. Sa ngayon, hahanapin ko muna ang totoong tahanan ko dahil malapit na akong lamunin ng dilim. Sana nga lang may makarinig sa akin at kusang umabot ng kanilang mga kamay ng walang kapalit.

Andito ako sa dilim, naghahanap ng maaaring tahanan ngunit mayroon bang bukas-palad ang tatanggap sa isang dumi?

-THE END

Yahoy! Sana nagustuhan niyo. This chapter is inspired from the song "A Light To Call Home" by Julia Brennan. This song is very meaningful guys. Check it out and also, I wanna greet you Happy Hearts Day! May you armoured your heart with love and kindness. Echos 💕☺️

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top