Dulo
Yung puntong alam mong narating mo na ang dulo..
Na yung maraming taong inilaban mo,
Unti-unting gumuguho sa harap mo,
at wala ka nang ibang magawa
Kundi ang hayaan nalang na mawasak lahat..
Lahat ng masasayang alala,
Nawalan na ng saysay.
Na hindi na kayang ayusin ng "pasensya na"
Kahit ang pinakasimpleng tampuhan.
Na ang salitang "kaya pa",
Ay nawalan na ng kabuluhan.
Na ang pangakong "mamahalin kita habang buhay"
Ay tila kay hirap nang panindigan.
Yung pagod ka na sa paulit ulit na usapan.
Na ang laging paghingi ng tawad ay inabuso na.
Yung akala mo naintindihan na nya lahat,
Ngunit magiging problema na naman pala pagkalipas lang ng ilang araw.
Hanggang dumating ka na sa puntong pagod ka nang umunawa.
Na mismong ang simpleng pag-uusap,
Magkabilang sigawan ang kahahantungan.
Na kahit alam mo pano pakalmahin ang bagyo,
Mas pipiliin mong hayaan nalang..
Hayaan nalang na masira nito lahat.
Dahil pagod ka na.
Yung dating matang nakatingin sayo na puno ng pagmamahal,
Ngayon ay nagmistulang isang blangkong estranghero nalang.
Yung dating mga kamay na laging anjan para protektahan ka,
Ngayon ay tila kay hirap nang maabot.
Yung dating balikat na sinasandalan mo sa tuwing sumusuko ka na sa mundo,
Ngayon ay tila isang matayog na pader,
na tinatakpan ang sikat ng araw na makarating sayo.
Yung dating mga labing nagdadala ng paruparu sa buo mong katawan,
Ngayon ay puro lason nalang ang pinapakawalan.
Yung dating mainit na pagmamahalan,
Ngayon ay tila nanlamig na.
Yung dating mga halakhakan,
Ngayon ay tila isang memorya nalang.
Hanggang sa umabot kayo sa sandaling magkatabi kayong nakatayo sa kawalan,
Ngunit magkaibang daan ang inyong tinatanaw.
Pipiliin nyo parin bang maglakad nang magkasama,
Sa daang hindi alam kung ano ang daratnan?
O mas pipiliin nyong tahakin ang magkaibang daan,
Nang mag-isa at magkahiwalay?
Narating na nga ba natin ang dulo?
Hanggang dito nalang ba talaga tayo?
Tatalunin na nga ba tayo ng bagyo?
Hindi na ba talaga natin maisasalba to?
Dapat pa ba nating ipaglaban to?
O sadyang andito na tayo sa dulo?
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top