Bakit Nga Ba?

Paano nga ba nagsimula ang lahat?

Paano ba nabuo ang mundo?

Bakit mas malaki ang karagatan kumpara sa lupang tinatayuan ng tao?

Bakit ang ulap ay tila kay hirap abutin?

Sadyang ginawa nga ba ito upang pagmasdan lamang at mahalin sa malayo?

Napakaraming tanong na mahirap tuklasin ang sagot.

Ngunit sa dinami dami ng tanong, 

Iisa lamang ang tanging nais kong malaman.

Bakit nga ba tayo pinagtagpo ng tadhana?


Bakit tayo pinagtagpo kung hindi rin naman pala dapat ipagpatuloy ang kwento?

Bakit laging may "pero"?

Mahal kita pero...

Gusto kitang makasama pero..

Hindi ba pwedeng mahal kita at gusto kitang makasama.

Tapos ang usapan.


Bakit nga ba laging may "kaso hindi pwede"?

Gusto kong iparamdam sayo kung gaano kita kamahal kaso hindi pwede..

Gusto kong tumakbo palapit sayo kaso hindi pwede..

Hindi ba pwedeng kalimutan muna natin ang iba?

Ang tanging isipin ay ako at ikaw, tayo.

Kaso hindi nga pala pwede.


Nakatali ang iyong mga kamay,

Puso mo'y dapat sa isa lamang nakalaan.

Marahil nga ay parte na ng ating ugnayan ang mga salitang "pero at kaso hindi pwede",

Dahil ang oras na nakalaan para sating dalawa

Ay hiram at panandalian lamang.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top