random 1
1.1
kalungkutan nga ba'y dapat pigilan?
kung ito lamang ang nararamdaman,
sa mundong puno ng kahirapan
luha't dalamhati ang saksi,
kung pa'no yakapin ang pighati
tadhana'y tunay na makasarili
tangis na lamang ang sinasabi,
ng pusong pagod na palagi...
1.2
sa pagsapit ng umaga,
luha'y nangilid na
muling naalala,
mga problemang dala-dala
naglalaro sa isipan,
mga tanong na wala pa ring kasagutan
"kailan ba darating ang aking katapusan?"
pagod na sa buhay,
puso'y tuluyang nasugatan
walang naging sandigan,
sa bagyo ng kamalasan
"kailan ko ba makakamtan ang hinahangad kong kaligayahan?"
1.3
hindi maintindihan,
damdaming puno ng kaguluhan
nais kong ihayag
pangambang patuloy bumabagabag
mga tanong sa 'king isipin,
hangad ang tunay na kasagutan
lahat ba ay may katotohanan?
o, ito'y repleksiyon lamang ng aking nararamdaman?
gusto ko ang "ikaw at ako",
ngunit yakap ako ng takot,
na baka sa dulo,
ang tanging pinanghahawakan ko lang pala,
ay ang "ako at ang salamin ko"..
1.4
daming pangarap na hinangad,
ng dalagang noon ay buo ang sadya
inakalang sigurado,
sa kinabukasang nasa puso
ngunit lahat ay tila naging multo
sa isang iglap, napunta sa ibang kurso
ang dating plinano,
ngayon ay napalitan ng siguro
magugustuhan ko rin naman siguro ito..
mamahalin ko naman siguro ang napili ko..
ito kahit papaano siguro ang destinasyon ko..
balot ang pag-aalangan,
ngunit para sa inaasam na kaginhawaan
pati kagustuhan ay itataya,
katumbas ng paglaya,
sa buhay na kinagisnan ng dalaga nung bata
tunay nga na buhay ay 'di biro,
tadhana'y sadyang mapaglaro
ngunit pangako'y hindi mapapako..
tinahak man ang praktikal na daan
tagumpay pa rin ang nais uwian,
ng dalagang pasan na ang kahirapan
sa mundong kahit paghandaan,
wala pa rin pala talagang kasiguraduhan
1.5
noon ay nangangamba,
sa iyong nararamdaman sinta
ngunit ngayong mayroon na,
bagama't masaya,
'di mawari kung bakit mabigat bigla
maraming agam-agam na nanatili,
mga saloobing pilit isinantabi
para lamang bigyan ka ng pag-intindi
ngunit sa huli, sadyang 'di mapakali
mahal mo ba talaga ako tulad ng iyong sinabi?
o gusto mo lang ako sa iyong tabi
tunay nga ba ang iyong pagtingin?
o patuloy pa rin akong nananalamin
mabuti pa ang presensya ng gabi,
nararamdaman kahit na sa tanghali
'di tulad ng iyong pagtangi,
yayakapin lamang ako 'pag aking hiningi
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top