Random Letter Entry #3
Ikaw.
Oo, ikaw.
Alam kong pagod ka na.
Alam kong kahit hindi mo na kinakaya, lumalaban ka pa rin.
Huwag kang mag-alala.
Kaya mo yan.
Naniniwala ako sa'yo.
Naniniwala akong kakayanin mo.
Lumaban ka lang, lahat ng pagsubok ay kakayanin mo.
Huwag kang mawawalan ng pag-asa.
Maraming naniniwala at sumusuporta sa'yo.
At kung sakaling madapa ka, tumayo ka lamang muli.
At harapin ang lahat ng parang walang nangyari.
Dahil alam ko.
Alam kong kakayanin mo.
At maaabot mo ang iyong mga pangarap.
Kaya magpatuloy ka lang.
Huwag mong pansinin ang mga naninira sa'yo.
Kilala mo ang sarili mo.
At sa huli, iyong mga pangarap ang mananaig.
Tiwala lang.
Magiging okay rin ang lahat.
Ang pagod ay mapapalitan ng saya.
Kaya patuloy lamang sa paglalakad.
Lakad tungo sa magandang kinabukasan.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top