SULAT PARA KAY YUW
August 16, 2020
Bldg. Myself, Brgy. Matatag,
City of Hearts,
Pilipinas
Dearest self,
Buddy, you'd come so far. You achieve many things that I didn't expect you to achieve. You are doing great and I am so proud of you. I did write a lot of letters and prose for you and I'm sorry if you're not my favorite subject. I felt so guilty, you seldom appear in my poetry. I'm sorry for not allowing you to experience and for not allowing you to have the things you really wanted. I'm sorry if I often set you aside and ignore what you feel for other's sake. I'm sorry for not allowing you to cry when you're really sad. I'm sorry for pretending to be strong while holding up the tears from falling. I'm sorry for all the I'm okays and for plastering a smile while you're breaking inside. I'm sorry for loving too much to the point that I almost forget that you need that love too. I'm sorry for trusting people so much, you always end up getting hurt. I'm sorry for being understanding to others while ignoring your pain.
Naalala ko pa, hindi mo masyado natamasa ang saya ng pagiging bata mo kasi maaga kang nag mature tapos ngayon hindi kita hinahayaang umiyak kahit durog na durog na yung nasa loob. Hindi naman yata makatarungan, diba? Sige na, iyak ka na. Sa pagkakataong ito ay hahayaan kong pumatak ang mga luha, bumuhos ka pa ulan at ng bukas pagsikat ng araw ay aaliwalas na. Madalas iniinda mo ay hindi pinapahalagahan kasi paano nga naman malalaman ng iba ang hinanakit mo eh sa'kin palang ay tablado na. Madalas kang nakakalimutan pero sinasabi ko'y "ayos lang, naiintindihan ko naman.". Madalas kang masaktan pero "ayos lang", kinikimkim ko lahat kahit alam kong hindi ka ayos. Patawad, dapat sana'y mas mahal kita kaysa sa kanila, dapat sana'y mas iniintindi kita, dapat sana'y hinahayaan kitang ilabas lahat ng hinagpis at galit mo at dapat sana'y hindi kita kinokontrol ng husto. Huwag kang mag-aalala, hindi ko man maipapangakong mas papahalagahan kita kaysa pakiramdam ng iba pero mula ngayon ay pagsisikapan kong pakinggan ka at hahayaang umiyak sa bawat gabing niyayakap ka ng lungkot.
Pagod na rin naman akong magkunwaring ayos lang kahit hindi naman talaga. Pagod na rin akong umintindi dahil sobrang sakit na, napapadalas na rin ang pang-aabuso sa'king pagkatao. Pasensya ka na kung hinayaan kong ganyanin ka ng mga tao sa paligid ko.
Sa gabing ito ay hahayaan kitang lunurin ng lungkot at gawing daluyan ng hinagpis ang mga luhang umaagos. Papawiin ang pait at sakit sa pamamagitan ng paghikbi at saliw ng kuliglig. Tumitig sa kawalan at lahat ng mga inimbak sa dibdib ay papakawalan.
Pasensya ka na ulit, kung alam ko lang talaga na masasaktan ka ng sobra- 'di na sana ako nagtitiwala.
-YUW
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top