Papa

Page 37

-----««✼»»-----

White Balloon

-----««✼»»-----

BANAYAD ang haplos ng sinag ng araw at sumalubong pa ang malamig na ihip ng hangin na siyang naging dahilan para mapatingin ako sa aking paligid.

Kababa ko lang ng jeepney at sa muling pagkakataon ay nandito na naman ako sa lugar kung saan ko makikita ang taong hinahanap ko.

Tahimik ang paligid at waring dinala ako muli sa alaala ng nakaraan na gusto ko mang takasan dahil sa sobrang sakit na dala neto pero alam kong isa pa rin ito sa pinakamasaya sa lahat.

The memories of the past hold a lot of memories.

I quickly walked towards the nearest sari-sari store and greeted Manang.

"Good morning po, ale! Pabili nga po ng isang alak ng Tanduay!"

Agad kong inabot ang bayad na siya namang tinanggap nito.

"Aba, hijo! Ke-aga-aga tapos iinom ka agad nitong pampalasing. Alas otso pa lang, ah!" pag-angal nito habang binibilang ang sukli.

I managed to give her a weary smile, "Hindi po ako umiinom ng mga ganito, manang."

Kita ko ang biglaang pagkawala ng ngiti sa kanyang mukha at napalitan ng pagtataka. "Kung gayon, para kanino ang inumin na 'to?"

"Para po sa papa ko... sige po, thank you po rito."

Hindi ko na hinintay pa ang kanyang sagot at dumiretso na ako sa aking patutunguhan.

Mahigit ilang taon din bago ako nakabalik ngayon kaya hindi ko maiiwasan na maging maingat sa daan lalo na't hindi pa nadadaanan ng linis ang aking nilalakaran. Bukod pa rito, ramdam ko rin na parami nang parami ang mga bago sa lugar na 'to. Sumisikip na rin ang daanan lalo pa't naalala ko pang hindi naging mahirap sa akin na dumaan dito rati.

Bukod sa huni ng mga ibon, kita ko rin ang iilang aso't pusa nagpapahinga o natutulog pa lang sa mataas na parte.

Ilang minuto pang lakaran nang maraitng ko ang aking patutunguhan.

Kita ko agad ang nakasilay nitong ngiti na waring walang problema. Napakaganda nang masilayan ang mga ngiting 'yon na alam kong kailan man hindi ko na makikita ulit sa personal.

"Hi, pa! Good morning!" Pagkausap ko rito at umupo malapit sa kanya. Agad kong nilatag ang aking mga dala at pinagmasdang maigi ang kanyang hitsura.

"Pa, anak mo nga pala... si Jamie. Binibisita ka kasi miss na miss na kita! Ilang taon na rin simula no'ng nakita kita at ngayon nagkita tayong muli."

My smile becomes bitter as I keep on talking, and my heart shatters to pieces as I keep on looking at him.

Now what? How the hell would I tell him na ang kaisa-isang anak niyang lalake ay lalake rin ang naging jowa? Gosh! This is so embarrassing!

Kung nandito lang talaga si papa, baka binalatan na niya ako nang buhay!

"'Tsaka sa susunod po siguro, dadalhin ko na boyfriend ko. . . kasi, pa, wala ka pong apo sa akin. . . " mahina kong nakagat ang aking labi sa aking tinuran.

Kainis! Gusto ko pa man din malaman ang reaksyon ni papa sa sinabi ko.

Maingat kong nilapag ang dala kong alak sa harap ng kanyang puntod at mapaklang napangiti nang maalala na ito ang kanyang paboritong iniinom sa kahit anong okasyon.

Ilang oras pa akong nanatili sa harap ng kanyang puntod at sinabi lahat ang hindi ko pa nasabi kay papa. Lahat ng experiences ko sa ibang lugar since nasa malayo na rin ako nagta-trabaho.

After the heartfelt talk to him, I couldn't help but to cry, and I kept on asking for his forgiveness.

Hindi man naging maganda ang naging relasyon namin no'ng nabubuhay pa siya, naramdaman ko naman na nagpaka-tatay siya sa amin.

As I stood up, I couldn't help but notice a child holding a white balloon from afar. I saw how his lips curled as he saw me staring at him. He's wearing a white polo, white slacks, and even his shoes are white.

"Huwag kang mag-alala, tanggalin mo ang pagdududa at hayaan mo ang iyong sarili na maging masaya. . ."

Dito na nanlaki ang mga mata ko nang rumehistro sa aking isip kung sino ang kawangis ng batang may hawak ng lobo. At sa muli, naramdaman ko ang mainit na likido na dumaan sa aking pisnge. Muling kumirot ang aking dibdib sa aking nakikita.

". . . dahil alam ni papa kung ano ang gusto ng Jaime ko."

Binitawan ng bata ang lobo, nawala saglit ang atensyon ko sa kanya dahil sinundan ko ng tingin ang lobong papalayo. Nang sandaling binalik ko ang aking tingin dito ay hindi ko sukat akalain na makakaramdam ako ng ngiti. . . nawala na ang bata sa kanyang p'westo.

At nakakasiguro akong masaya na siya para sa akin. . . masaya na si papa sa buhay ko. . .

-----««✼»»-----

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top