Page 8

————-««✼»»————-

Museum

————-««✼»»————-

HINDI ko mawari ang saya nang sandaling makapasok ako sa National Museum dito sa Maynila. Mula sa entrada ay na-orient na kami sa mga p'wede at 'di p'wedeng gawin habang nasa loob.

Nariyan ang pagbabawal na kuhanan ng video ang loob, p'wedeng kuhanan ng litrato ang mga larawan ngunit ipinagbabawal ang paggamit ng flash.

Isa ito sa pinapangarap kong mapuntahan simula no'ng nakita ko ito sa isang Fazbook post.

Halos hindi na mawala ang ngiti ko sa likod ng mask nang unang tumambad sa akin ang sikat na painting na Spoliarium ni Juan Luna. Bukod sa sobrang laki nito, isa nakakamangha rito ay ang kanyang detalye ng pagkakapinta.

Nakakamangha na sobrang lalim pala ng totoong kahulugan nito kung iisipin.

Hindi na ako natigil kakakuha ng larawan para gawing souvenir sa gala kong 'to.

Ilang beses na nagpapa-picture sa mga figurines, paintings, murals, statues at ilang relics na ngayon lang din ako pamilyar.

May isang k'warto na kung saan nakalagay ang gawa ng ilang sikat na bayani gaya ng ating pambansang bayani na si Jose Rizal at Juan Luna.

Bawat larawan at likha rito ay nakakamangha lalo na't na-preserve pa nila ang ganito katandang mga bagay sa loob.

Matapos ang ilang oras na paglilibot at pagkuha ng larawan. Napagdesiyunan kong magbanyo muna para siguraduhin kung hindi ba ako haggard, kahit malamig naman sa loob.

Nang masigurado kong okay naman ang hitsura ko ay akmang lalabas na sana ako nang makarinig ako sa kabilang parte ng pinto ng hindi pamilyar na tunog.

Dahil sa naramdaman kong kuryosidad, napagpasyahan kong pihitin ang doorknob at sa hindi maipaliwanag na kaba't nararamdaman.

Nanlaki ang mga mata ko nang sandaling makita na nasa ibang lugar na ako.

Lahat ay nakasuot ng mga damit ng sinaunang panahon.

Napahawak ako sa aking ulo't babalik na sana sa loob ng pinto nang mapagtantong ang pintong aking pinaggalingan ay biglang nawala. Napalitan ito ng pader na gawa sa semento.

Sigawan ng mga kababaihan at mga bata ang umalingawngaw sa buong paligid habang ako naman ay naguguluhan.

Nagtatakbuhan ang ilan habang may mga armadong lalake na hindi ko mawari kung bakit nila pinagbabaril ang mga tao sa kanilang paligid.

"Takbo! Tumakbo kayo, mga binibini!" sigaw ng isang lalake na may dalang itak.

Wala naman akong magawa kundi ang sumunod lalo na't ayaw ko pang mamatay!

Napatigil ako sa aking pagtakbo nang maramdaman ang pagbigat ng aking suot na damit.

Gulat akong napatingin dito nang mapansin na kahit ang aking kasuotan ay biglang nagbago nang hindi ko napapansin.

Labag sa loob akong inangat ang suot kong damit pambaba at mabilis na tumakbo.

Ilang beses pa akong nagsisigaw nang makarinig ng malalakas na putukan sa aking likuran.

Foot spa'ng kabayo naman, oh!

Ramdam ko nang parang nanaginip lang ako pero ramdam ko ang pagyanig ng lupa at ilang beses na pagsabog ng ilang kabahayan. Kaya masasabi ko na legit na bumalik ako sa nakaraan!

"Tulong! Help! Mamatay akong virgin dito!" sigaw ko nang may tumamang kung ano malapit sa akin na nagsanhi ng pagsiklab ng apoy.

Muli na sana akong hahakbang nang bigla na lang may humablot sa aking kamay sabay takip nito sa aking bibig para hindi ako makasigaw. Hinila ako nito sa isang madilim na eskinita.

Hindi ako makalaban dahil sa bigat ng suot ko at ang lakas ng taong humihila sa akin.

Tumigil ito at marahas kong inalis ang kanyang kamay sa aking bibig.

Nakakadiri ang kamay niya, lasang-lasa ko ang lupang sinilangan. Pwe!

"Aking irog! Bakit ika'y naparito sa bayan? Akala ko ba'y aalis na kayo ng iyong pamilya patungong Europa?"

Huh? Aalis? Anong meron? Teka? Sinabi ba niyang irog? O ilog?

"Huh? Ano bang pinagsasabi mo? 'Tsaka nasa'n ba ako? What place is this?"

"Nakakamangha na nakakapagsalita ka ng lenggwahe na hindi ko maintindihan. Ngunit sa pagkakataong 'to ay kailangan mo ng umalis dahil may posibilidad na manganib ang iyong buhay, aking binibini!"

Hindi ko mawari pero sa tono ng pananalita ng lalake ay hindi ako isang normal na babae sa kanya.

Kundi higit pa sa isang kaibigan.

May kung ano akong naramdaman sa aking sarili na hindi ko pa naramdaman dati. Sobrang lakas ng kabog ng aking dibdib dala ng presensya ng lalakeng 'to.

This man has something that I can't explain.

Nabalik ako sa reyalidad matapos ang aking pag-iisip.

"Mamaya ka na mamangha. Kailangan ko nang umalis dito. Nasa museo lang ako kanina t-tapos bigla na l-lang akong napadpad dito!" naghuhurumentado kong tugon sa lalake.

The guy smiled, "Masusunod, aking mahal..."

Mahal? Did I hear it right? Tinawag niya akong mahal gayong hindi ko siya kilala?

Wala sa sarili kong hinawakan ang kanyang kamay at nagsimula na naman siyang tumakbo habang hila-hila ako.

Kahit sa magulong paligid ay hindi ko maintindihan ang aking sarili, namamangha ako dahil mas lalo akong nahuhulog sa lalakeng kasama ko tumakbo.

Ilang puno na ba ang aming nadaanan namin? Ilang bangkay na ba ang aming nalagpasan? Dahil sa digmaan sa nakaraan ay namulat ang aking mata kung gaano kaawa-awa ang mga Pilipino rati.

Isang bagay rin ang napagtanto ko... at 'yon ay mahalaga ang buhay.

Life will always amaze us, but when? We feed our eyes with the wonders of nature. Seeing the bittersweet moments as we grow up. But all these things will end.

Napatingin ako sa lalake nang sandaling huminto kami sa puno ng balete.

Humarap ako sa lalake at marahang hinaplos ang kanyang pisnge.

"Hindi ko man maintindihan ang mga nangyayari ngayon, pero isang bagay lang ang sigurado ako. At 'yon ay ikaw lamang ang tinitibok---"

Napatigil ako sa aking pagsasalita nang sandaling may kung anong tumama sa aking likuran.

Nanlaki ang mga mata ng lalakeng kaharap ko habang ako naman ay napahawak dito at ramdam ko ang malapot na likido.

Dugo...

Nandidilim ang aking paningin hanggang sa tuluyan na nga ako nalagutan ng hininga.

NANG imulat ko ang aking mga mata ay laking gulat ko ng bumungad sa akin ang painting ni Jose Rizal.

Nakatayo lamang ako sa harap nito na naguguluhan.

Ano 'yong naramdam at napaginapan ko kanina?

Is that real?

Naguguluhan man, nagpatuloy na lang ako sa pagtingin-tingin sa mga relics sa loob ng museo.

Sa sobrang kabang naramdaman ko. Mabilis lang ang pagtingin ko sa mga gamit sa loob hanggang sa hindi ko namalayan kaming dalawa na lang pala ng lalake ang nandito sa loob.

Humugot ito ng buntong hininga, "So kamusta?" tanong nito.

"Okay lang. Grabeng panaginip..." pagsagot ko kahit alam kong hindi naman ako ang kanyang kausap.

"Talaga, binibini?"

Napalingon ako sa aking katabi at magkahalong pagtataka at gulat ang naramdaman ko nang sandaling masilayan ko ang pagmumukha nito.

Oh my gosh! Kamukha niya 'yong lalake sa panaginip ko!

"Nakakatuwa na pinagtagpo tayo muli ng tadhana, Binibining Josefa." nakangiting sambit nito sabay kindat sa akin.

"Ginoong Lukas?" naitanong ko na lang sa aking sarili.

————-««✼»»————-

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top