Page 5

————-««✼»»————-

Fairy Tale

————-««✼»»————-

ALL my life, I've been wondering if may tao kayang nakalaan para sa akin?

I mean, with all these flaws I have---may magkakagusto pa kaya sa akin?

I'm facing the mirror right now and all I can say is, am I a hideous beast hiding in a huge castle?

Like what the hell? Mukha pa ba 'tong meron ako? O sumpa na ng fairy godmother?

I became everyone's laughing stock because of what I had.

Lagi nilang sinasabi na daig ng magandang loob ang kagandahan sa pisikal na kaanyuan pero anong nangyare? Tuwing may gulo ako palagi ang rason kahit hindi ko naman kasalanan.

Laging pinagbubuntunan ng galit ng iba sa hindi malamang dahilan.

Sometimes, I find life mysterious.

Ang daming nakatagong misteryo na kahit ako ay hindi ko alam kung paano sasagutin.

I cannot help but wipe my cheeks. Hindi ko namalayan na umiiyak na pala ako nang hindi ko napapansin.

Marahan kong sinuklayan ang aking mahabang buhok at sumilay sa aking labi ang isang ngiti na alam kong hindi totoo.

Sobrang hirap mamuhay sa mundong 'to na naiiba ako sa pangkaraniwang tao.

After one last glance in the mirror, I exited my room.

Pagdating ko sa baba ay nakahanda na ang agahan at sobrang lungkot lang ng kusina dahil wala si mama. Nagmamadali siguro 'yon sa pagpasok sa kanyang trabaho... o baka ayaw lang talaga niya akong nakikita.

Mabigat sa aking dibdib na nag-agahan ako. Bawat lunok at subo ko ng itlog at kanin ay ramdam kong hindi ako mahal ng ina.

Wala pa lang ako sa kalahati ng aking kinakain nang itinapon ko na agad ito sa basurahan. Grabe, 'di ko alam kung sadya pero lasa ko 'yong dagat sa itlog.

Asin na may konting itlog.

MATAPOS kong pakainin ang mga pusa sa parke ay agad na nga akong nagmamadaling tumakbo at baka mahuli pa ako sa klase.

Agad kong sinuot ang hoodie ng aking jacket at ang aking face mask para hindi halata ang aking balat.

Pati guwardiya ay nandidiri sa akin kaya agad na ako netong pinapasok at hindi na ako siniyasat pa kung dala ko ba ang ID ko.

At sa muling pagkakataon, naagaw ko na naman ang atensyon ng lahat habang tumatakbo ako papunta sa classroom.

My name is known to everyone on campus. Alam nila kung anong hitsura meron ako pero mas pinili nilang magpaniwala sa haka-haka ng isa kong kaklase na daig pa si Ma'am Charo Santos sa pagku-kuwento ng talambuhay ko.

Pero wala, eh? Iba ang karisma ng maganda at sexy kaysa sa akin na humihinga lang araw-araw.

"Oh my gosh! The Beast is already here!"

"'Eto na si Balbon!"

"Layo kayo! Baka mahawaan kayo niyan!"

Sunod-sunod na sigawan sa aking likuran pero mas pinili ko na lang na huwag gumanti.

Habang tumatagal ay nasasanay na ako sa panlalait nila. Kaya hindi na ako masyadong nasasaktan sa mga pinagbabato nilang kung ano-anong salita sa akin.

Nang marating ko ang room, hindi pa man ako tuluyang nakakapasok at sa pagmamadali ko ay hindi ko nakita ang balakid sa aking paanan. At ito ang naging dahilan kung bakit ako natisod at sumubsob ang aking mukha sa sahig.

"Ooops! Sorry, beast! Flex ko lang kasi ang bagong shoes na binili ni mommy! Alam mo na... rich kid things!" kasunod nito ay humagalpak ito ng tawa kasama ang mga alipores niya.

Napatingin ako sa suot niyang sapatos at doon nga't napamangha ako sa aking nakita. Maganda nga ang sapatos niya pero hindi naman ang ugali.

Dahan-dahan akong napatayo at ininda ang sakit ng aking dibdib.

Agad akong nagtungo sa aking upuan sa gawing dulo ng classroom.

Hindi pa man ako nakakaupo nang pumasok na ang guro namin na may malaking ngiti sa mga labi nito.

"Good morning, class," and then we responded to her greetings. "I have a surprise for you. May bago kayong kaklase ngayong araw. Galing siya ng ibang bayan at dito na mag-aaral. Hijo, pasok ka!"

Mula sa likod ay kita ko kung paano naging giraffe ang leeg ng mga kaklase ko.

"Oy, 'pag g'wapo 'to, ah. Ibigay niyo na sa akin. Pero 'pag panget kay Belle niyo ibigay," pagpaparinig ng bruhildang si Mafi sa akin.

Although I look like Beast, my name is Belle. Ewan ko sa trip ni mama.

Nang sandaling pumasok ang lalake ay hindi ko nga inasahan ang magiging hitsura nito.

Did a fictional character from a book just pop out?

I didn't expect this transferee to be this handsome.

I was amazed at how tall he was. His long eyelashes are amazing na maganda pa sa akin. He has porcelain skin, pink lips, and an undercut that screams handsome.

Hindi ko alam pero bigla akong napangiti sa kanyang presensya. This might be weird but I feel like we have known each other for a long time.

Good thing I'm wearing my mask. Baka tuksuhin ako ni Mafi na may gusto ako sa transferee na 'yan.

"Pakilala ka, hijo."

"Good morning, I am King Vander Santoce, 18 years old."

Everyone was about to explode in their seats because of kilig. And here I am, looking at him. Admiring from afar and still thinking about my fairytale life.

Walang pasabing tinulak ni Mafi ang katabi nito.

"King, dito ka sa tabi ko para masimulan natin ang love story natin!" she giggled.

Ang harot talaga ni Mafi 'pag pogi ang usapan.

"Sorry, Mafi. But I'm already taken by someone else..." he smiled at her.

Everyone gasped at his words.

Taken? Sabagay kung ganyang hitsura ba naman sinong hindi magkakandarapa.

How does he know about Mafi? Wala naman kaming nametag o any names na nilapag si Mafi sa desk niya? I find that weird.

"Upo ka lang kung saan, King."

May hinanap ang kanyang mga mata at nagulat ako nang magtagpo ang aming tingin.

Shocks! Kinakabahan ako. Hindi naman sa pag-a-assume pero parang sa akin talaga ang tingin niya.

Dahil ayaw kong mapahiya, binuksan ko na lang ang aking bag at kumuha roon ng libro na gagamitin ngayong subject.

Pero hindi pa rin mawala sa akin ang kaba dala ng titig niya sa akin.

"What?" I heard Mafi's irritated voice.

"Ikaw, ah. Wala ka pa ring confidence. Tanggalin mo na 'yang mask mo... asawa ko..."

Nagulantang kaming lahat sa kanyang tinuran. Nang iangat ko ang aking tingin ay laking gulat ko nang mabungaran ang lalaking nagngangalang King.

A-Ako? Ako ba kausap niya? Napatingin ako sa aking paligid at parang ako nga ang kinakausap niya. Ano bang trip ng lalakeng 'to.

"Huh? O-Okay lang po k-kayo?" nahihirapan kong tanong dito. Parang may bumara sa lalamunan ko.

"I'm okay..." dito na ako mas lalong naguluhan.

Kita ko ang butil ng luha sa kanyang mga mata.

Is he pranking me?

As he kneeled in front of me, he removed my mask and hood, exposing my head to my surprise.

Nakakahiya... and I feel like pinapahiya niya ako.

My mind was blown when he whispered something that really shocked me.

"Promise, asawa ko. I will always be there for you. The time machine that I invented works. At kahit ilang beses pa akong babalik sa nakaraan para lang mahanap kita, gagawin ko. He cried, "I won't lose you again, asawa ko."

Does this mean? He lost me? This guy hugging me is my future husband?

I was about to say something when I didn't expect the next move he did...

...he kissed me on my lips...

————-««✼»»————-

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top