Page 4

————-««✼»»————-

Cats

————-««✼»»————-

DOGS are man's best friend pero paano naman ang mga pusa?

But in my case, pusa ang tinuturing kong best friend.

My life would be boring without those furry felines of mine.

My eyes are always drawn to their long tails, cute whiskers, and sweet meows.

No wonder kaya tawag sa akin ng mga taong nakapalibot sa akin ay Tita Pusa.

But I don't care, at least I've got 14 cats in my apartment.

Katatapos ko lang ilapag ang paintbrush dahil after 5 hours ay natapos ko rin ang isang commision na pinapagawa sa akin ng isang client.

Nasa art room ako ngayon. Nagpipinta.

Napatingin ako sa aking paligid at napansin ang nagkalat na tube, tissues at ilang kagamitan sa pagpipinta na makikita lang sa sahig pero mamaya na ako maglilinis. Nakakatamad pa ngayon.

Nag-inat-inat ako ng aking katawan at ilang beses na napahikab dahil sa antok.

It's almost 6 in the evening at mukhang kailangan ko nang mag-prepare ng hapunan ko.

Pagkalabas at pagkalabas ko pa lang ng pinto ay agad tumambad sa akin ang tatlo kong pusa na napulot ko sa kalsada limang buwan na ang makalipas.

"Hola, senyora¡ My cute little Oreo, Hansel and Bravo!" pagbati ko sa mga ito sabay himas sa kanilang mga baba. Nagustuhan naman nila ito at napapapikit pa nang mas diniinan ko ang paghimas dito. And again, wala na naman akong na-receive kahit isang meow man lang mula sa kanila.

Matapos ang pag-stop over ko sa tatlo ay agad akong nagtungo sa kusina at isa-isang nilapag sa sahig ang kainan ng aking mga alaga. Hinilera ko ang mga ito sa sahig sabay lagay ng cat food dito.

Wala pang tatlumpong segundo ay nagdagsaan ang mga pusa at isa-isang nagtungo sa kanilang hapunan.

"Hanep, ah! 'Pag pagkain ang bibilis niyong gumalaw tapos hindi niyo man lang ako pupuntahan sa art room para samahan sa pagpinta!" pagkausap ko sa mga ito na waring pinapagalitan na parang mga anak. Alam kong hindi kami nagkakaintindihan pero ramdam kong nahihiya na ang mga ito dahil sa sinabi ko.

At sa muling pagkakataon ay hinimas ko ang kanilang mga ulo at sinigurado na nakakain silang lahat bago ako naghanda ng sarili kong hapunan.

KINAUMAGAHAN ay agad akong naligo at naghanda para sa delivery ng commission ng aking client. I wear my peach deep V neck gathered waist long sleeve dress paired with my flat shoes.

Wala na akong sinayang na oras at agad akong umalis ng apartment leaving my cats to my close neighbor na si Aling Jesy. Siya lagi kong maasahan tuwing naiiwan ko ang mga pusa.

My client texted me minutes after I arrived at the café. Agad akong pumasok dala-dala ang isang painting na sana ay ikakatuwa niya sa oras na makita ito.

As I entered the door, agad bumungad sa akin ang isang lalakeng nakasuot ng black tuxedo at sobrang pormal niyang tingnan. Nakasalampak sa tenga nito ang kanyang telepono at halatang nagmamadali ito dahil bilis nitong magsalita sa kanyang kausap.

"Yes, Mr. Torres! I will then send you the documents. I ----" natigil ito sa pakikipag-usap nang sandaling maramdaman nito ang aking presensya. "I---I will send it to you in fifteen minutes. Bye!" he continued then ended the call. "Uhm, hi, Miss Feline!" pagbati nito sabay lahad ng kanyang kamay sa akin. "I'm Felip Cataclismo."

"Sir Felip, I'm Amber 'Feline' Chiu." I greeted him and we shook hands.

"Please, take a seat," pag-anyaya nito na agad ko namang ginawa.

I blinked three times as I saw his face. God damn! He looks like the hot CEO from the book. The neatness of his haircut and his aura scream the power of a corporation owner.

Did I just catch a huge fish? Kidding.

"So? Can I have the finished product?" he asked curiously and I smiled back at him.

I presented him with the painting wrapped in brown paper.

His place was a shambles after he tore the paper with gusto. As he approached the end of the painting, I noticed the excitement on his face, but to my surprise, it quickly turned to disappointment and confusion.

Bumuntong hininga ito dahilan para makaramdam na ako ng kaba.

This is not acceptable. Baka hindi niya nagustuhan ang painting ko.

"S-So, sir, how was it?" I asked hesitantly and put an awkward smile on my face.

Hinarap niya sa akin ang painting and gave me 'are you kidding me' look.

"Ms. Chiu, sad to say it didn't satisfy my eyes. Like look! This is bullshit! Parang same lang no'ng mga paintings na nakikita ko sa mga kalendaryo! You didn't come up with a unique and creative scenario, didn't you? Paulit-ulit na lang 'tong ganitong idea! Same old waterfall, lovely green mountains, and dark blue skies! Wala ka na ba talagang naisip na bago? Like painter ka pa naman!" mahabang litanya nito.

Naikuyom ko ang aking kamao nang patago. Gustong sikmuraan ang gagong 'to, ah. O 'di kaya ay i-stapler ang bibig niya. Grabe, nakakagigil na siya!

Ang haba ng sinabi niya, eh siya naman 'tong nag-request ng gano'ng scenery!

"Sorry, sir but you're the one---"

He raised his fist to stop me from saying what I was saying.

"Stop saying sorry. Hindi na niyan mababalik ang lahat. Now take your bullshit painting and hindi ko na bibilhin 'yang panget mong artwork!"

"Sir, coffee---"

"Ouch! Ano ka ba?! Ang tanga mong waiter! Look, oh! 'Yong mamahalin kong damit at sapatos ko nadumihan mo! Huwag kang magtrabaho kung palpak ka naman sa pag-se-serve ng kape!"

Galit nitong usal nang sandaling matapon ng waiter ang hawak nitong kape sa kanyang suot na kumalat hanggang sa sahig at sapatos nito.

This guy is getting on my nerves. Ang g'wapo niya pero hindi ang kanyang ugali.

Hindi 'yan p'wede sa akin, ginoo.

Matapos mo akong lait-laitin sa gawa ko na ikaw naman mismo nag-request tapos 'eto. Hindi ka man lang marunong mag-sorry sa mga taong nagawan mo ng kasalanan.

Well, that won't work for me.

Kailangan mong pagbayaran ang ginawa mong kawalang hiyan sa amin.

Mariin kong tinitigan ang kanyang likuran at nag-usal ng dasal.

Sa bawat salitang aking sinasambit ay may nakikita akong puting usok na lumabas out of nowhere na sinusundan ang lalaking 'yon.

I smiled after I said the ritual.

Kinabukasan, kagigising ko lang nang isang malakas na ingay ang bumulabog ng umaga ko.

Bagsak ang balikat kong nagtungo sa pintuan at nang sandaling buksan ko ang pinto ay bumungad agad sa akin ang isang pusang itim na sobrang ingay.

Tinitigan ko ito sa kanyang mga mata at doon ko pa lang napagtanto.

Na ang pusang karga-karga ko ay pamilyar sa akin.

Muli itong nag-meow and I just gave him a smile.

"Good morning, Mr. Felip Cataclismo. This is your punishment for your harsh words yesterday about me and that waiter yesterday."

I leaned my lips against its ear.

"Don't worry. This won't last long. I'm still a kind witch after all..."

Then I shut the door before I put him on the floor among the other cats.

"Now I've got 15 cats to learn their lesson in life. Welcome again to my humble abode!"

Following that, I smiled at the fifteen cats who had messed up with a witch before.

————-««✼»»————-

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top