Page 2
Trigger Warning: Suicide
————-««✼»»————-
Architecture
————-««✼»»————-
"WOW! Architecture pala kinuha ng inaanak ko! Gawan mo ako ng bahay, ha!"
"Architecture pala course mo! Edi, mayaman ka na niyan 'pag nakapagtrabaho ka na!"
"Hanep, 'tol! Libre mo kami ng bahay, ah, sa future."
People around me told me a lot of things when they found out that I studied architecture. Puring-puri sila sa kursong kinuha ko habang ako? 'Eto, stress at nagmumukha ng zombie katatapos ng plates namin sa iba-ibang asignatura.
Dalawang araw na akong stress at walang tulog sa mga nangyayari at hindi ko na alam kung hanggang kailan ba 'to tatagal.
Nakaka-inis lang dahil lagi 'yong outcome ng gawa ko ang napupuri ng lahat pero hindi ang pagod at effort ko sa paglikha kong 'yon.
Kasalukuyan akong nakaharap sa laptop para tingnan ang ginawa kong references para sa gagawin kong design ng labas ng building.
Napapakamot sa aking ulo at kita ko pa ang pagkahulog ng ilang piraso ng balakubak sa template ko na gagawin ko pa lang.
Bagsak ang balikat kong napasandal sa upuan sabay pikit ng aking mga mata dala ng pagod.
Nang idilat ko ang aking mga mata ay gano'n na lang ang gulat ko nang sandaling may naramdaman akong tumalon sa aking hita. And there I saw my cat taking a nap on my lap.
I smiled and brushed its head, "Ikaw, ha. Nasasanay ka nang tinutulugan ang hita ko. Baka ugaliin mo 'yan, ha." I laughed as I said it.
The cat is really stubborn. I can't help but smile when I see this adorable little guy enjoying my attention.
Ilang sandali pa ay agad bumaba ang pusa sa aking hita at nagtungo sa may pintuan. Huminto pa ito sabay tingin sa akin bago tuluyang lumabas ng aking silid.
I sighed before I decided to get some rest. Dali-dali akong tumayo at agad nagtungo sa pintuan.
Nang sandaling makalabas ako ay agad bumungad sa akin ang malungkot na awra ng aking ina habang bitbit ang isang mangkok ng kanin.
She looks tired but she managed to smile at me before heading to the kitchen.
Ngiti lang din ang naibigay ko bago tuluyang nagtungo sa sala.
Naabutan ko na lang si Lola Sari na nanonood ng paborito niyang noontime show kasama ang bunso naming kapatid na si Joven.
Sabado pala ngayon kaya lahat ng bata at pamangkin ko ay dito nagpupunta dahil sa dami ng p'wedeng paglaruan dito sa amin.
When I was about to open my mouth, I heard my sister's voice from my back.
"Oy, Jovenito," I smiled. That's how she calls our little brother. "Ligo ka na ro'n. Magagalit na naman si Tito Dan mo 'pag hindi ka naligo. Sige ka," pananakot ni Javelin dahilan para mapatakbo ang bata sa kanyang k'warto.
I sat beside Lola Sari and the moment I turned my gaze to her, napatingin din ito sa akin at ngumiti.
"Oh, apo Dan? Ngayon ko lang ata nakita kang lumabas sa 'yong silid. Kamusta na ang future architect namin?" Kita ko ang saya sa ngiti ng aking lola. Ibinigay nito ang buong atensyon sa akin imbes na sa kanyang pinanonood.
"Eh, lola, dito muna ako sa tabi niyo. Napagod po kasi ako kakaguhit, eh. I'd like to spend some time with you right now. P'wede po ba?" I asked her politely making her smile.
"Mabuti naman at naisipan mo muna ipagpaliban ang iyong mga gawain at magpahinga. Ganyan dapat, apo. Huwag mong hayaan ang sarili mo malunod sa stress at pressure sa pag-aaral. Sige, tabihan mo muna si Lola kahit ilang oras lang..."
I cannot help but get emotional when I hear what my Lola Sari said.
Her words just melt my heart. Hope that I will hear those words from my family before anything else.
Lola Sari touched my head before I leaned on her shoulder.
Banayad nitong hinaplos ang aking buhok dahilan mapangiti ako sa huling pagkakataon.
"Lola S-Sari? Sino pong kasama niyo? B-Ba't parang may kasama kayo?" Javelin's voice was shaking. Kita ko ang takot sa mga mata nito.
"Apo Javelin, umalis ka riyan sa harapan namin ni Dan. Nanonood kami ng TV---"
"Lola, wala po kayong----"
Naputol ang sasabihin ni Javelin nang isang malakas na sigaw ang biglang lumukob sa buong silid ng bahay.
"Dan!" I heard my mother's shout. Kasunod nito ay nataranta na ang mga family members ko dahil sa isang nakakagimbal na pangyayari.
My lola glanced at me for the last time.
Napuno ng sigaw at hiyawan habang sinasambit nila ang pangalan ko.
"Akala ko ba mamahinga ka lang? B-Bakit hindi mo sinabing panghabangbuhay na pala..." I can felt the pain in her words.
Parang tinutusok ang dibdib ko sa katotohanang nalaman.
My last year as an architecture student, the next year, they won't see me wearing medals. Dahil imbes na medalya ang makikita nila... tali ang ibinigay ko.
Ayaw ko na silang pahirapan pa. I can't tell them that every night, I always ended up crying in my room. Walang nakakaalam ng sakit na nararamdam ko at tanging ang unan lang na lagi kong iniiyakan.
In this life I live, boys can't cry... dahil magiging weak ka sa paningin ng lahat. Hindi ka dapat magpakita ng kahinaan dahil isa kang lalake.
Sad to say, I'm too fragile to handle those bullshits of my life.
Imagine not getting enough sleep. I forced myself to study and yet I still get failing grades.
Mataas ang expectations sa akin ng lahat pero mukhang hanggang dito na lang talaga. I can't help but feel ashamed.
Napatingin ako sa pintuan kung saan ako lumabas.
There I saw my cold body hanging from the ceiling on a thin nylon cord around my neck. There was blood all over the templates and my suicide note was being typed on the computer.
While my body lies on the floor, my family members are still weeping.
So that's how I ended my life... I hope you won't do the same.
Please, don't give up... kahit para sa akin man lang...
————-««✼»»————-
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top